E P I L O G U E

Heshiena, The Cursed Goddess

Four weeks had passed.

The academy is in the process of recovery, thanks to Fuego's talent. So as the four cities. Tulong-tulong ang lahat maibalik lang kaagad sa dati ang paaralan. This is everyone's home. Therefore, we will protect this place as much as possible. Few of our beloved people in our realm unfortunately passed.

We got Violeta a proper burial along with the others.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kagustuhan pala 'yon ni Violeta. She and Mario knew each other for quite some time. They started talking with each other after Mario lost control of himself.

The day when he triggered the boys' first stage of becoming an official heroes. At nakatakas pa ang gago pagkatapos niyang gisingin ang sumpa ko.

Great!

Up till now, couldn't believe I wasn't just a demigod, but a deity. A deity who is descended from Poseidon, the lord of the seas, and Artemis, the goddess of hunting. Napatingin ako sa mapayapang kalangitan. Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin.

It wasn't just one pair of eyes, but from everyone. They are watching my every move. Nang magising ang natutulog kong kapangyarihan ay nagbago lahat ng nasa paligid ko. I can feel everyone's presence even from afar. I can use my power whenever I want.

I finally found the family and friends that I always hoped for.

Napapangiti ako sa tuwing humuhuni ang mga ibon. Napapikit pa ako ng mata sa tuwing naririnig ko ang mga alon sa dagat. Distinct voices from the students were also blending in. Hindi nakaka-istorbo subalit nakakadagdag ng kaginhawaan na nararamdaman ko.

"Heshiena!" Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Reann.

She stayed here in our cabin last week. She's the old friend of the old Anostatos. Nandito raw siya upang makipag-bonding sa kanila bago umalis. Hindi naman na ako nag-reklamo dahil alam kong may isa pang dahilan kung bakit siya nandito.

She is Artemis' lieutenant after all. Basically, half of the reason why she's here is from the order of her patron. Hindi naman ako masama para pagbawalan siya dahil kaibigan din naman siya nina Blei, Chry, Fuego, at Zuki.

Magkakilala na sila noon pa man. Maingay din si Reann at makulit kaya mabilis na nagkakaintindihan silang dalawa ni Ace. Other than that, masaya rin siyang kasama. Masaya rin ako dahil kahit papaano ay nakatulong siya sa pagre-recover ni Ace sa pagkamatay ni Violeta.

In a matter of seconds, I appeared in the kitchen. Malapad na ngisi nina Reann at Ace ang bumungad sa akin. Magtatanong na sana ako nang mapansin ko ang mga nakahandang pagkain sa lamesa. My forehead was quick to furrowed and looked at me confused.

"May ganap ba?" tanong ko.

"Umm . . ." Nauna pang natawa si Reann bago ako sagutin.

Tinignan ko sila isa-isa. Everyone were smiling at me.

Except kay Chry na nakabusangot, palagi naman, at si Ace na nakangisi rin katulad ni Reann. Their presence made my heart melt. Paano kaya kung hindi si Katarina―Amphitrite ang nagpalabas sa akin sa orphanage at dalhin ako sa lugar na 'to?

Edi hindi ko sila makikilala.

And for that, I am grateful. Kasi binigyan niya ako ng pamilya at kaibigan na hindi ko akalaing dadating sa buhay ko. Hinding-hindi ko sasayangin ang mga oras na pwede kaming gumawa ng masasayang alaala nang magkasama.

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga.

"Ano'ng meron?" tanong ko ulit. "Kakakain ko lang ng agahan eh," komento ko. Habang hinihimas-himas ang aking tiyan.

They all looked at me in disbelief.

"Wala ka ba talagang naalala sa araw na 'to?" medyo disappointed na tanong sa akin ni Ace.

Napaisip ako. Ano'ng meron sa araw na 'to for them to anticipate for my reaction? I heaved a sigh of defeat because I couldn't think of one.

"Wala," sagot ko.

Their shoulders immediately fell upon the floor.

"Wala ba talaga?" Reann asked.

Ano ba'ng araw ngayon? It's Saturday of October 29―my eyes grew wider when I realized something. It's my birthday! How could I forget that? Before I could respond to Reann's question, they all started to sing me a happy birthday song.

Chry, on the corner, shaking her head in disbelief.

Today's October 29 in the year of 2022. My nineteenth birthday. The day Papa John found me in the ocean. Napalingon ako sa labas ng bintana. A scoff escaped from my lips when I felt her presence. Nabalik na lamang ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang presensya ni Fuego sa harapan ko.

Nakahawak na siya ngayon ng cake na may candle sa gitna. He signaled me to blow the candle with his eyes. Pagkatapos ay namayani ang malakas na palakpakan.

"Can't believe you forgot your own birthday, Heshiena," Nkri commented.

I was quick to scratch the back of my head. At ilang na tumawa.

"Pasensya na," pagpapaumanhin ko. "Ang dami kasing iniisip. Okay lang naman kung hindi ko matatandaan ang sarili kong birthday, presensya niyo pa lang sapat na," I genuinely said.

Ace suddenly cried. Reann's tears were threatening to escape from her eyes.

Napangiti ako. Marahil ay na-touch sila sa sinabi ko. Lalo na't namayani ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Tinignan ako ng mga anak ni Athena na puno ng paghanga. Mavros, on the corner, was silently looking at me.

Nabigla ako nang yakapin ako nina Ace at Reann. Sinundan naman ito ng iba. Surprisingly, sumali si Chry. Dahil dito'y napangiti na naman ako. Pinapangako kong hahamakin ko ang lahat kung sino man ang may gustong sirain ang aking tahanan.

"Karapatan mo ring maging masaya." Napatingin ako kay Mavros nang bigla siyang magsalita sa aking tabi.

Ang iba ay nagkakasiyahan na. Habang ako naman ay nandito sa veranda. Umalis ako pagkatapos na pagkatapos na magkatuwaan kaming lahat. Gusto ko lang muna mapag-isa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa maraming taong nakapaligid sa akin.

Pero unti-unti ko namang sinasanay ang sarili ko.

"Salamat, Mavros," saad ko.

He hummed as a response. May bitbit siyang tasa na panigurado ko'y may lamang kape. Tumingin siya sa maaliwalas na kalangitan. Surprisingly, he smiled sweetly. I almost lost my balance. Mabilis naman niya akong sinalo.

Nakakapanghina. Nakakawalan ng enerhiya makita lang ang mga ngiting 'yon. He asked me if I'm okay through his eyes. Naiilang akong tumango't ibinaling ang aking tingin sa ibang direksyon. Alam na alam kong pulang-pula na ang pisngi ko.

Nakakahiya.

"Cute," he commented.

My eyes grew wider when I heard him say that. To not embarrass myself further, I pretended that I didn't hear it. He was about to speak when we both felt the divine presence of a deity behind our back. Mabilis kaming napaharap.

"Can I talk to my daughter, Mavros?"

Mavros immediately gathered all the darkness he could manipulate under his feet. In a matter of seconds, the darkness swallowed him whole and disappeared. Naiwan kaming dalawa ni Poseidon. As usual, sumalubong na naman sa akin ang malungkot niyang mga mata.

"Father," I called him.

He was taken aback when he heard what I called him. He swing his trident and a water swallowed us. Sa isang iglap nandito na kaming dalawa sa dalampasigan. Dahan-dahan pa niya akong inupo sa isang malaking bato.

May inilabas siyang kwintas na gawa sa pearls at may pendant na maliit na shells. He smiled. At humingi ng permiso na isuot sa aking leeg. Tinanguhan ko siya bilang tugon. Pagkatapos niyang isuot sa akin ang kwintas ay hinawakan ko ito.

Napansin ko siyang nailang nang mangibabaw ang katahimikan.

"Did you ever love her?" Ako na mismo ang sumira sa katahimikang namagitan sa aming dalawa sa pamamagitan ng pag-initiate ng usapan.

He cleared his throat first before answering. "Yes," he said with full sincerity. I hummed. "But." Napatingin ako sa kaniya nang sundan niya ito ng pero. "At first, I didn't fancy her. Because I know every man who dared to love her shall face her wrath," he explained.

Habang ako naman ay tahimik lang, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"For the very first time, I felt this burning desire that eventually become obsession every time I saw her." Nakakunot ang kaniyang noo nang sabihin niya 'yon.

Maging ako ay hindi rin napigilan. Napaisip ako. Poseidon, who suddenly felt a burning desire over her makes things so complicated.

Sabi pa niya, sa simula hindi naman niya tinuturing si Artemis bilang lover, biglaan niya na lamang itong nararamdaman. Desire. Dalawang deities lang ang pumapasok sa isipan ko na associated sa ganiyang klaseng pakiramdam.

It's either Erin's father, Eros, or Ace's mother, Aphrodite.

"I am so sorry for everything, my love." Tila piniga ang aking puso nang marinig ko kung ano ang itinawag niya sa akin. "If it's not because of me, you won't suffer like this," dagdag niya.

Rinig na rinig ko pa ang unti-unting bumibiyak niyang boses. Pinigilan ko ang aking sariling luha na bumagsak. Panay lunok ako ng sariling laway dahil sa bumabara sa lalamunan ko. Naramdaman ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

And I didn't bother to look at him back.

"Why it took you minutes to claimed me during the claiming ceremony?" Sa wakas ay naitanong ko na sa kaniya ang gusto kong itanong noong una pa lang.

I heard him sigh. "I am waiting for Artemis to claim you first," malumanay niyang sagot, "but she didn't," he added.

A disappointing and bitter smile instantaneously plastered upon my lips. Tumango ako sa kaniya bilang pagtugon. Muli na namang namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. But he was also quick to break it by clearing his throat once again.

"You have to prepare what's coming, Heshiena," he suddenly said. Napatingin ako sa kaniya. Kinunutan ko siya ng noo ko. "The titaness of oaths and hatred is demanding a compensation for the secret that the Olympians kept for nineteen years," dagdag pa niya.

Titaness of oaths and hatred?

"What secret?" I asked.

He looked at me. And his eyes immediately went straight to the ground. Tila ba'y parang nagda-dalawang isip kung dapat niya ba akong sagutin. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga at tiningnan ako ng malungkot sa mata.

"You."

T H E  E N D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top