XXXVIII: Clear Sight

Dash's Point of View

Mula kahapon at hanggang ngayong umaga ay walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Tila nakisabay din ito sa nararamdaman naming lahat. When Mavros rushed Heshiena to the clinic yesterday, that's when the rain started to poured down.

Usap-usapan hanggang ngayon ng lahat ang tungkol sa nangyari kahapon.

Well, people being people. Ano pa ba ang aasahan ko mula sa mga ibang taong kuda nang kuda lang ang alam. Masyado nilang mahal ang pagbibitiw ng mga salitang 'di kanais-nais sa halip na alamin ang tunay na dahilan ng pangyayari.

Marahas akong nagpakawala ng malakas na hangin kasabay nito ang aking pag-iling.

Talaga nga namang may kakaibang nangyayari kay Heshiena nang magsimula ang fight examination namin. And I am pretty sure I wasn't the only one who noticed it. Tila ba'y may iniinda siyang sakit na hindi niya alam kung saan galing.

Iyan lamang ang hula ko sa nangyari sa kaniya.

She wasn't just affected by an unknown pain physically, but mentally as well. Nakauwi kahapon ng hapon si Heshiena galing sa clinic. And even Doc. Hange couldn't find anything that have caused her to faint.

Karamihan man sa mga naiisip ko ay kalokohan, pero hindi ako tanga para hindi mapansing may kakaibang nangyayari sa kaloob-looban ni Heshiena. There's something off, I am pretty sure of that. We tried to approach her last night, but we failed.

Kahit ilang katok pa ang aming ginawa, wala talaga.

Therefore, we have no other choice, but to leave her like that. Hanggang ngayon hindi pa rin siya lumalabas ng kuwarto niya. That makes us more worried. Gusto ko na siya bumalik kaagad sa dati dahil kanina pa namin nararamdaman ang mabigat at creepy na presensya ni Mavros.

Lahat kami napatingin sa labas ng cabin. Tumila na ang ulan. Subalit nandiyan pa rin ang malakas na kulog at kidlat.

"Okay lang kaya si Heshiena?" biglang tanong ni Ace sa kalagitnaan ng katahimikan.

We're here at the kitchen, eating our breakfast gloomily. Hindi man namin sinasabi, pero naninibago kami dahil wala si Heshiena. Technically, we really did notice that she's quite distant from the very beginning. But this one is different. She seem getting worse day by day.

"Seriously, Ace?" Zuki asked him in disbelief. "Obviously, she's not okay. Kagabi nga hindi siya kumain, at hanggang ngayon wala pa rin siya," malungkot niyang dagdag.

Ace shoulder was quickly to dropped. Sumunod naman ang pagbuntonghininga niya. Napunta ang aming tingin kay Chry nang umayos siya ng upo. Idinantay niya ang kaniyang dalawang siko sa lamesa. She then intertwined her hands after.

"Sometimes," panimula niya. "Ayos lang na mapahiya tayo sa harapan ng maraming tao. Because we can still prove them wrong. Para mas lalo tayong magiging matatag para sa sarili natin. Para may determinasyon tayo sa sarili na ipakita sa lahat na may kakayahan tayong makipaglaban," she commented.

Nagulat kami sa sinabi niya.

I mean, ito na ata ang pinakamahabang salitang binitiwan niya. Hindi rin ako nakipagtalo sa kaniya, kasi may punto rin naman siya. I am not totally sided with her commentary, because that's who she is. But there's also the other side of the note.

"Pero sana naman ay isipin din natin na hindi lahat katulad mo, Chry." Our eyes went straight to Blaze when he spoke. "Merong iba sa atin na kapag sobrang napahiya sa harapan ng maraming tao, iba na ang takbo ng isipan. Heshiena is clearly one of the victims of the world's cruelty―"

"Maging tayo rin naman," sabat ni Chry.

Blaze nodded. "I didn't say anything that we are not." Nagpakawala ng buntonghininga si Blaze. "Kapansin-pansin 'yon sa mga kilos niya. Hindi man niya sinasabi sa 'tin, pero sa kilos pa lang niya malalaman na natin ang sagot," dagdag niya sa puntong gusto niyang ibahagi.

"Each one of us are different, that's what Blaze trying to say," it was Nkri who continued. Nagpakawala muna siya ng isang mababaw na pagbuntonghininga. "Pagkakaintindihan ang susi sa lahat. Be mindful of everything because that's what respect should be," she concluded.

Pagkatapos ng madaliang leksyon mula sa dalawang anak ni Athena ay namayani ang nakakabinging katahimikan. Fuego cleared his throat to break the silence. The kitchen's heavy ambiance doubled when Heshiena suddenly entered.

Nagkatinginan kami sa isa't isa.

It is extremely noticeable the dark circles under her eyes. A sign that she cried the whole night. Her eyes seem empty. Her energy colossally decreased. Pero kahit na ganoon, nakaka-intimida pa rin ang presensya niya. Nilagpasan niya lamang kaming lahat at dumiretso sa mga lagayan ng baso.

Fuego tried to approach her, but she just ignored him. Uminom lang siya ng tubig at umalis pagkatapos. Marahil ay babalik ulit ito sa kaniyang kuwarto. Majority of us bit our lower lip to ease the silence.

"I hate it when she's like this," pagmamaktol naman ni Ace.

"May tatapat naman pala sa pagiging cold ni Chry," Zuki commented.

Everyone agreed. Chry just clicked her tongue as a response. Muli na namang namayani ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Tanging paghigop lang ng kape ang maririnig. At ang mga tunog ng kubyertos. Naputol lamang ito nang biglang may nag-door bell. I was about to stood up, but Violeta insisted.

Couple of seconds later, she came back.

"Dash and Nkri, pinapatawag kayo ng director," she said with a smile plastered upon her lips.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Nkri. Habang ako naman rito ay tila kinabahan, dahil hindi ko alam kung bakit ako pinatawag. Napansin ko naman ang masasamang titig niya. For no apparent reason, I teasingly smiled at her.

"Why?" pag-uusisa pa niya. "Who told you?" tanong niya ulit.

She sounds like she doesn't want me to come along.

"Si Mario nagsabi. Napag-utusan daw siya ni Miss Aqua," Violeta honestly answered. Napahawak ako ng aking baba. The who? A light bulb appeared above my head when I remember him. He's the guy who went ballistic who triggered our ability evolution. "Go on. See for yourself," pagsuko niya.

Bumalik siya sa pagkakaupo't pinagpatuloy ang pag-agahan niya. Tumayo kaagad ako nang tumayo si Nkri. Sumunod ako sa kaniya papuntang director's office, habang siya naman ay nakabusangot. Ako naman ay hindi ko mapigilang mapangiti.

Ang cute kasi niya kapag nakagano'n.

☽ ♆ ☾

"Ewan ko ba kung ano ang nakain ng director na 'yan at sa 'yo pa ako pinasama!" pagrereklamo niya. "Of all people!" she added.

Now she sounds undisciplined.

Tila ba'y kalalabas lang niya sa comfort zone niya. Para kasi siyang batang nagmamaktol. Kung siya ay ayaw niya akong kasama, ako naman ay kabaliktaran. Ewan ko ba, na-a-attract talaga ako sa mga matatalinong tao.

"As if namang ayaw mo," I teased her na mas lalong ikinaasim ng kaniyang mukha.

Sinundan niya naman ito ng pagtaas ng kaniyang kilay. Habang ako naman ay busy sa paglagay ng isang backpack ko sa likuran ng kotse. Oo, pinahiram nila kami ng kotse bilang transportasyon patungo sa lugar ng aming misyon.

Tama.

Ang dahilan kung bakit pinapunta kami ng director sa opisina niya upang i-inform kami tungkol dito. May nag-request daw. Pero since hindi naman daw gaano kabigat ang misyon ay kaming dalawa ang top pick para mag-handle nito.

"Seriously, Dash? I never thought na napaka-assuming mo pala," naiinis niyang turan.

I looked at her with my forehead furrowed. "Bakit? Masama bang maging assuming sa babaeng nagpapatibok ng puso ko?" Hirit ko pa na ikinaiwas ng kaniyang tingin.

Ang sarap asarin ng babaeng 'to.

"Kilabutan ka nga."

Pumasok kaagad siya sa shotgun seat. Habang ako naman ay napahagalpak ng tawa. Iniling ko na lamang ang aking ulo bago tapusin lahat ng aming paghahanda. As I entered the car, her dead serious expression met my eyes.

Napapangiti na lamang ako bago isinuot ang seatbelt. Sinabihan kami ni Miss Aqua na papasok kami ng portal para hindi na namin kailangang sumakay pa ng eroplano papunta sa Cebu. Bye for now, Imitheos Academy. We'll be back after two days. I didn't think twice to bring back the car's engine to life. We both quick to covered our eyes with our hands when a blinding light suddenly came out of nowhere.

Hindi namin alam kung ano ang naghihintay sa amin. Pero sabi ni Miss Aqua malalaman daw namin ito kapag makarating na kami sa aming destinasyon. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago pinaandar ang sasakyan at pumasok sa portal.

In just a snap, nandito na kami sa daan, nakikipagbakbakan sa traffic. I quickly roamed my eyes. Kasing-bilis din ng kabayo akong napamangha sa paligid. No wonder why Cebu known as the queen city of the south.

The portal didn't send us directly to our destination. Kasi nasa mismong city pa kami. We were told that our destination is in northern Cebu. In barangay Looc Sur, Asturias to be exact.

"Nasaan tayo?" Nkri asked.

"Nasa mismong city tayo," maikli kong sagot.

I heard him heaved a sigh. "Saan nga tayo pupunta?" tanong niya ulit.

My forehead was quick to furrowed in confusion. "Ikaw ba talaga 'yan, Nkri?" tanong ko pabalik sa kaniya. "It is so unusual of you to ask that kind of question when you are the demigod who rarely forgot," komento ko pa.

She was taken aback when she heard my response.

Natahimik siya. Me, on the other hand, suddenly felt bad. Instead of teasing her further, I chose to remain silent the entire ride. Tumingin ako sa aking wrist watch upang i-check kung ano'ng oras na. It's already 1:30 in the afternoon.

We have still three hours ride before we arrive in our destination. Therefore, binigyan ko ng mungkahi si Nkri na matulog muna siya. Wala siyang binitawang salita, sa halip ay tinanggap niya ito. Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog kaagad siya.

Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. At muling ibinaling ang buo kong atensyon sa daan. Nang lumuwag na ang traffic ay dire-diretso na kami sa biyahe. Makaraan ang mahigit apat na oras ay sa wakas nakarating na kami. Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog ni Nkri.

Napainat ako sa aking katawan. When I slide the window open, sumalubong sa akin ang amoy ng dagat. I can hear the waves softly crashed against the shore. Sinamahan pa ng lamig ng hangin na biglang pumasok sa kotse. The leaves are swinging back and forth.

Mabilis ang paglingon ang nagawa ko nang marinig kong umungol si Nkri. Dahan-dahan niya namang iminulat ang kaniyang mga mata. Napaayos siya ng upo nang mapagtanto niyang nakarating na kami.

"What a fresh air," saad ko pa nang makalabas kami pareho ni Nkri sa kotse.

Nahinto ako sa pagpuri sa paligid nang marinig kong may tumikhim. There I saw an old man standing beside with Nkri. Nakangiti ito sa akin at saka nag-bow. Bahagyang kumunot na naman ang aking noo. His face seems familiar.

"Welcome to Talisay beach!" masigla niyang bati. "Kabilang pa rin po ito sa barangay namin," dagdag pa niya.

"Maraming salamat po," sabi ko't nagmano.

Muli kong iginala ang aking mata. Napansin ko kaagad ang iilang mga historical houses na hanggang ngayon nakatayo pa rin. Mabilis kong nakilala kung ano'ng klaseng disenyo ang mga 'yon. Those are Spanish style of houses.

"Ako si Demetrio Asuncion, taga rito ako't nagmamay-ari ng sakahan na nakikita niyo sa 'di kalayuan," pagpapakilala niya naman. Sakahang malapit sa dagat. Pareho naming tinanggap ni Nkri ang nakalahad niyang kamay. "Ako ang humingi ng tulong kay Miss Aqua," dagdag pa niya.

"So you knew about us? You know what we are?" si Nkri na mismo ang nagtanong.

Tumango naman si Mang Demetrio bilang sagot. "Oo. Pero huwag kayong mag-aalala, safe ang sikreto niyo sa akin." Nakangiti niyang sagot sa amin. "Tara na at ihahatid ko kayo sa matutuluyan niyo para makapagpahinga na kayo," he suddenly changed the topic.

Nang pareho na naming nakuha ni Nkri ang kunting gamit na aming dala-dala ay sumunod kami kay Mang Demetrio. Pumasok kami sa isang masikip na daan papunta sa historical house. On our way there, nakita ko kung paano tignan ni Nkri si Mang Demetrio.

Tila ba'y parang inoobserbahan niya ito.

"You possess the clear sight, am I right, Mang Demetrio?" she suddenly asked.

That made the old man stopped from walking. "Yes," maikli nitong sagot bago muling maglakad. Habang ako naman ay tinapunan siya ng nagtatanong na tingin.

She rolled her eyes before answering. "Clear sight is the ability to see through the Mist, the force that hides the truth from most mortals," panimula niya. Kitang-kita ko pa na patango-tango si Mang Demetrio. "Some mortals are born with this gift. All demigods have this ability to some extent, but they can still be tricked. Some of the mortals who have this ability have been candidates to host the Oracle of Delphi," dagdag pa niya.

Maging ako ay napatango rin.

"Are you the host of Oracle of Delphi, Mang Demetrio?" tanong ni Nkri.

"I was." The sadness in his voice had no filter. Kapansin-pansin ito. "But I was rejected after seven days," he added.

Pareho kaming natahimik ni Nkri. We don't want to ask questions anymore that can probably hurt the old man's vulnerable heart. Dumating kami sa medyo hindi kalakihang bahay nang tahimik. Sabay pa kaming napatayo nang maayos nang humarap ito sa amin.

"Bukas na bukas ay pag-usapan natin ang pangunahing layunin niyo sa pagpunta rito," sabi niya sa amin. "Have a good night, demigods," paalam niya't tumalikod na sa amin.

Pero bago pa man siya mawala sa aming paningin ay may tinanong ako sa kaniya. Dahilan para muli niya kaming hinarap nang may ngiti sa labi.

"Kaano-ano niyo po si Miss Aqua?" tanong ko sa kaniya. Out of the corner of my eyes, I saw Nkri nodded. Tila ba'y sumasang-ayon sa tanong ko. "Kapansin-pansin po kasing medyo magkamukha kayong dalawa," nahihiya kong dagdag.

"Pamangkin ko si Aqua."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top