XXXVII: Wrong Timing

Heshiena's Point of View

Hanggang sa makarating sina Dash at Violeta sa sentro ng dome, hindi pa rin natigil ang mga iba't ibang opinyon ng mga nanonood. At kanina ko pa rin napapansin ang kinakabahang mukha ni Dash. Hindi ko naman siya masisisi kasi talaga nga namang nakakatakot makalaban ang isang anak ni Aphrodite. Muling pinutok ni Sir Michael ang baril niya sa ere.

Dash didn't waste time to summon a replica of Demeter's imperial gold sword. Violeta, on the other hand, smiled victoriously. Tila ba'y ipinapahiwatig niyang nasa kaniya na ang tagumpay.

A couple of seconds later, Dash's sword suddenly fell upon the floor. Everyone didn't seem surprised when Violeta didn't give Dash the chance to wield the sword. He was about to pick it up, but it suddenly flew in the air.

Doon ko na napansing umilaw ng kulay ocean blue niyang dove earrings so as her eyes. Napatango ako. Levitation, the ability to defy gravity to cause oneself or object to float mid-air. And it seems like she can only use it when her dove earrings were activated.

"Shit," I heard Dash cursed himself.

No matter how many times Dash resist, but to no avail. Kinukuha lang nito ang lakas niya. At mukhang malabo ng makakatayo pa siya dahil ginamitan siya ng charmspeak ni Violeta laban sa kaniya. Violeta levitate herself gracefully toward Dash.

Bago pa man siya bababa ay kinuha niya ang espada nito na nakalutang sa ere.

Dash's eyes grew wider when she saw Violeta wielded his imperial gold sword against him. A sword against the owner. Violeta didn't think twice to give him a shallow cut on his right arm, making Dash, including me, whimper in pain at the same time.

Sa lakas ng pagdaing ko'y nakuha ko ang atensyon ng mga kasama ko rito. Wala naman akong nakuhang tanong mula sa kanila. Only their sharp glares piercing through my soul. Napatingin ako kay Dash.

Hawak-hawak na niya ngayon ang dumudugo niyang sugat.

Napatingin ako sa braso ko. Ang kaibahan lang sa amin ni Dash, hindi visible sa paningin ko ang sugat. Mas lalo na naman akong napaisip. Subalit makaraan ang ilang segundo ay nagpakawala ako nang marahas na hininga dahil hindi ko alam ang sagot.

It only took a couple of minutes to conclude their duel.

"The fastest duel ever witnessed!" Sir Michael announced. I could trace in his voice that he was thrilled by the result. "Next would be Blaze, son of Athena, and Ace, son of Aphrodite!"

Bumagsak ang mata ko sa sahig nang mapagtantong kaming dalawa ni Chry ang maglaban mamaya. Tinablan ako nang matinding takot. Hindi ko man lubos pang kilala si Chry, pero alam kong bihasa siya sa mga ganitong bagay.

Iniling ko ang aking ulo upang iwala ang naisip. I slowly gasped for air when my energy starting to decrease. Sa hindi malamang dahilan, gusto ko na lamang tuloy humilata sa kama. Nakabagsak na rin ang aking mga balikat.

I heaved a sigh to shoved the thought away.

After Sir Michael announced the next pair to duel, nagbulong-bulungan na naman ang mga manonood. Karamihan sa kanila'y ganoon din ang expectation nila sa naunang laban. Baka raw mas mabilis pa 'to sa laban nina Dash at Violeta.

But they forgot that Blaze is an offspring of Athena, the goddess of wisdom and war. And I am pretty sure he will find a way to counter Ace's charmspeak ability. Because Athena is good at observing and excellent in strategy.

Napapansin ko kasing ang mga anak niya ay mag-iisip muna bago kumilos. Sila 'yong literal na example sa sikat na kasabihan. Habang ako rito naman ay sabik na sabik na makita kung ano ang kaya nilang ibigay.

Blaze and Ace stand up from sitting in unison. They looked each other in the eye before walking to the center of the dome. As they finally settled in, sir Michael once again raised his arm and aimed the gun upward before pulling the trigger.

Mabilis na nag-summon si Blaze ng kaniyang imperial gold armor. It overflowed with white robes, and wielding an aegis shield in his left arm. Sa kanang kamay niya naman ay may hawak-hawak siyang espada.

Out of the corner of my eyes, I saw Ace summoned a sword as well.

"Kneel before me!" Blaze may be the first one to summon a weapon, but Ace is the first one to move.

Kasing-bilis sa tumatakbong kabayo ang pagkunot ng kaniyang noo. Tumingin siya kay Blaze nang naguguluhan. Ace didn't get what he expected. Nanatiling nakatayo pa rin si Blaze na tila'y inoobserbahan siya. Dalawang segundo ang makalipas matapos gamitin ni Ace ang ability niya ay sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi ni Blaze.

He walked back and forth, while his playful smile that plastered upon his lips remained.

"You are already aware that I am a son of Athena, right?" may kumpyinsa niyang tanong kay Ace. He then looked at us before throwing his gaze back to his opponent. "I am not a son of the best war strategist for nothing, Ace. I've came prepared."

He slightly face his right shoulder to the direction of his opponent. Ang sumunod niyang ginawa ay itinuro niya ang kaniyang tenga. There we saw he is wearing a black earplugs. Kaagad kong nahinuha kung para saan 'yon.

"Charmspeak is somewhat similar to the siren's ability. They are both hypnotism, but in different ways," he shared. At saka tinanggal ang suot-suot niyang earplugs. Pagkatapos ay itinapon niya ito papunta sa tubig dagat. "People with strong wills or intentions are unaffected when you use charmspeak against them, and the more powerful the being, the stronger their resistance is," he said.

Out of the corner of my eyes, I saw Nkri nodded her head. Nag-krus pa ang kaniyang mga braso, at nakapikit pa ang kaniyang mga mata habang ginagawa 'yon. Tila ba'y proud na proud siya sa mga ipinakitang gilas ni Blaze sa madla.

At tila nagkaroon kami ng instant leksyon mula kay Blaze.

"Plus, if someone is aware of a person's ability to charmspeak, then it will have a reduced effect as they will be on guard in case they are the subject to it," pahabol pa niyang sabi. "Unless that someone is scared of your charmspeak ability."

This time, fear became visible on Ace's face. Tila ba'y hindi niya inaasahang mangyari ito. Kinuha ni Blaze ang pagkakataon na sumugod, habang tulala pa rin ang kalaban niya. But the moment Blaze reached at the middle, Ace returned to himself.

Dahil dito'y napaalerto siya't napahawak sa espada nang mahigpit. Kapansin-pansin naman ang nanginginig niyang kamay. He tried countless time to charmspeak Blaze. Pero muli na naman siyang nabigo. Despite Blaze figuring out how to counter his ability, he firmly alerted himself.

Blaze was about to slash his opponent's right arm, when Ace parred it with his silver sword. Mabilis na bumagsak nang nakadapa si Ace nang sipain siya ni Blaze sa parehong tuhod niya. Blaze raised his hand holding the handle of his sword, and aim the edge of it to Ace's shoulder.

When the sunlight passed by, the sword glowed.

Nabigo na naman si Blaze sa plano niya nang biglang lumutang si Ace sa ere. Ace landed fast behind his back. The table had turned. But Blaze reflexes is mind-blowing because before Ace could harm him, he manage to blocked it with his shield from behind.

Sa pagkakataong 'to, pareho na nilang sinugod ang isa't isa. Everyone became attentive. Silence once again prevailed. Eyes that are moving back and forth between the two of them. Tila pinipigilan ang kanilang mga hininga, masundan lamang ang buong pangyayari.

Tanging sagupaan lamang ng mga espada ang maririnig. Karamihan doon ay mga daing ni Ace. Si Blaze naman ay tila kontrolado niya ang kaniyang paghinga. He didn't make any sounds. Because Ace didn't manage to hit him every single attack.

Mabilis ang nagawang pagyuko ni Ace sa kaniyang ulo nang mapagtantong papunta na sa kaniyang leeg ang talim ng espada. He remained there. At kinuha ang pagkakataong tadyakan sa tiyan si Blaze. Napaatras ito sa lakas ng sipa niya.

Blaze didn't expect that kick, therefore, his face became more determined to win.

"Not bad, but still not great," he commented before initiating another attack against Ace.

Ace remained silent. Marahil ay ayaw niyang ma-distract. Napatitig na naman ako sa paggalaw ng bibig niya. Hanggang ngayon ay sinusubukan niya pa ring gamitin ang charmspeak laban kay Blaze. Pero tila lahat ng atake niya ay walang epekto.

Habang ako naman sa kinauupuan ko rito ay kanina pa iniinda ang sakit na hindi pa rin maipaliwanag kung saan ko nakukuha. Unti-unti na ring nanghihina ang katawan ko. Sunod-sunod din ang pagbuga ko ng hangin.

Ace's eyes grew wider when he suddenly dropped his sword. Nabaling ang tingin ko kay Blaze. There I saw his hand pointing downward. That's when I realized that Blaze also has the ability of disarmament. He can disarm his opponent with a gesture.

Napaalerto si Ace nang ibato ni Blaze sa kaniya ang shield nito. Sinunod naman nitong ibinato ang espada. Ace manage to dodge the shield, but he was grazed by the sword's blade on his right cheek. Mabilis na sumenyas si sir Michael nang makita niyang tumulo ang isang patak ng dugo mula sa sugat ni Ace sa pisngi.

"One of the breathtaking fights of today indeed!" he commented. The crowd cheered. He gestured to the two to return to their seats. Blaze gives Ace a high five. "Our last pair are Heshiena, daughter of Poseidon, and Chrysos, daughter of Zeus!"

Muli na namang namayani ang bulong-bulungan. Habang ang dibdib ko na kanina pa dumadagundong ay dumoble dahil sa halo-halong nararamdaman ko. Naunang tumayo si Chry. Ako naman ang sumunod. Nanginginig pa ang aking mga tuhod papunta sa puwesto ko.

They asked me if I am okay. Ayokong kaawaan. Therefore, I lied. Kahit ang totoo naman ay tila tuyong-tuyo na ang enerhiya ko. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang umupo lang sa upuan ko't manood sa laban.

Mas nadagdagan ang takot ko nang tignan ako ni Chry nang walang emosyon. At sa pamamaraan pa lang ng kaniyang pagtitig ay tila sinasaktan na niya ako sa isipan. When we both heard the gunshot, she immediately gestured her hands and summon a replica of her father's scepter.

I was taken aback when the sky gradually beclouded causing the vicinity to darken. Napasigaw ang iilan nang biglang dumadagundong nang napakalakas na kulog. Sumunod naman ang mga pagkisap ng kidlat. From that moment, I know what's gonna happen next.

I was quick to gesture my hands when I saw Chry raise her scepter. Dragging the lightning from heaven using that weapon. I gritted my teeth when my chest tightened because of a sudden energy consumption when I forced myself to mimic the water.

I inhaled heavily to recover myself. Subalit mas lalo lang sumikip ang dibdib ko. Bago ko pa man nagaya ang tubig, tumulo na lamang bigla ang aking luha. Nilamon na naman ba ako ng kamalasan?

Kung oo, please lang 'wag ngayon.

I heard Chry clicked her tongue when she realized I turned myself into a water. At kahit ilang beses pa niya akong paulanin ng mga kidlat, alam niyang hindi ako masasaktan. I gasped for air when I saw her charged at me without hesitation.

Nawala ako sa atensyon nang biglang mag-flicker ang kapangyarihan ko. Nabalutan na naman ng malakas na bulong-bulungan mula sa mga nanonood. Napatingala rin ako sa kalangitan. Napagala ang tingin ko sa karagatan. Humapdi ang aking likuran, kasabay nito ang pagsakit ng aking ulo.

Halo-halo. To the point na pati utak ko naguguluhan. Pilit kong hinanapan ito ng kasagutan. Pero sa sobrang lawak nito, hindi ko alam alin doon ang katotohanan. Out of the corner of my eyes, I saw my friends stood up from sitting.

Pati ang mga mata ni Mavros ay kapansin-pansin ang pagiging pag-aalala niya.

Tumingin ako sa kinaroroonan ni Poseidon. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang nag-aalalang mukha ni Amphitrite. Bumalik ang mata ko sa ama ko. Nang magtama ang aming mata, nakita kong umiwas kaagad siya. Nagbabaka-sakali lang naman ako kung may makukuha akong sagot mula sa kaniya.

Pero mukhang hindi na naman.

I scoff in resentment. Sumilay nang mabilisan ang mapait na ngiti sa aking labi. How unfortunate of me indeed. Muli ko namang ikinumpas ang aking kamay upang subukang magmanipula ng tubig. Bumagsak ako sa sahig nang nanghihina. But that didn't stop me to continue channel my power with the water. I manage to summon two water horses. Itinuro ko ang tumatakbong si Chry papunta sa akin. Sumunod naman kaagad sila.

When they reach her, it exploded. Napatilapon si Chry. Pero mabilis din naman siyang bumangon sa pagkakabagsak. Plano ko sanang mag-manipula ng mga matutulis na yelo nang bumagsak ako nang tuluyan sa sahig.

I was quick to arch my body when it deprived me from breathing normally. Walang tigil ang pagtulo ng aking luha. Napatigil si Chry sa pagsugod sa akin. I heard everyone gasped in surprise. Out of the corner of my eyes, I saw Poseidon staring at me from afar.

Mavros was fast to join me.

"What happened to her?"

"Is she that afraid of Chry to panic like this?"

"Palibhasa kagandahan lang din naman ang alam."

Kahit na nahihirapan sa paghinga. At hindi matukoy kung bakit bigla-bigla na lamang akong nagkakaganito, nilamon ako ng kahihiyan. Wala ng bago. Humahagulgol na lamang ako ng iyak sa mga sari-sari kong nararamdaman.

"Heshiena," pagtawag sa akin ni Mavros.

Hindi ko siya magawang tignan dahil sa sitwasyon ko. Makaraan ang ilang segundo, nagsitabihan naman silang lahat nang dumating si Chiron. Muli na namang napaarko ang katawan ko nang kumirot na naman ito. Tumingala si Chiron sa kalangitan, bago niya tapunan ng tingin isa-isa ang mga kaibigan ko.

"Bring her to the clini―"

Hindi natapos ni Chiron ang gusto niyang sasabihin nang biglang nabalutan ng kadiliman ang katawan ko. Doon ko na lamang napagtantong dahan-dahan akong binuhat ni Mavros. At ginamit niya ang kadiliman niya biglang transportasyon papunta sa clinic. Sa kabila ng paghihirap ko, hindi nakaligtas sa mata ko ang nanginginig niyang labi.

Fear was all over his face.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top