XLVIII: The Storm
Nkri's Point of View
I did try to speak Heshiena yesterday when we got home after Blei won the game. But she just pushed me away. Hindi na rin naman ako nagpumilit pa dahil baka mas lalo lang lumala ang nararamdaman niya. Ang tanging ginagawa lang namin ay hindi siya kinakalimutang i-approach sa tuwing may ganap ang lahat.
We did invite her to celebrate with us.
And asked her joined us last night for academy's after party. Pinagsabihan din namin siyang huwag magpapagutom. That we left her with food. Good thing naman ay hindi niya sinasayang ang effort ni Fuego.
She ate them all. Pero ang nakakalungkot lang ay ginagawa lang niya 'yon nang walang nakakita sa kaniya. Bawat isa sa 'min ay pinapahiwatig namin sa kaniya na nandito kami sa tabi niya. Na handa kaming makinig sa lahat-lahat ng gusto niyang sabihin.
Those little acts we did is enough to relay that she's not alone anymore.
That there are people who are wishing her for the betterment. That we are here by her side to accept her, to let us carry the burden on her shoulders, and let us feel what she feels.
We all had difficulties in life, but it seems like Heshiena is the most damaged among us all. The harsh life we all experienced may affect our personality to the worst extent. Based on what I observed, Heshiena is slowly getting there.
Or perhaps, we're late.
"I think there's a storm coming," I heard Blaze commented. Nabalik ako sa reyalidad nang biglang umalingawngaw ang malakas na kidlat sa kabila ng mga ulap. "Do you think this is Heshiena's doing?" pahabol niyang tanong.
Muli akong napahinto sa pag-iisip. Posible. Knowing that her emotions could trigger the weather. Katulad noong ipinakita niya pagdating namin dito sa Imitheos Academy. Hindi nga lang siya aware.
At hindi ko alam kung magpasa-hanggang ngayon.
"I don't know," mahina kong sagot. Napatakbo kami pareho sa loob nang biglang umihip ang malakas na hangin. Sinundan naman ito ng malakas na ulan. Tumingin ako sa kaniya. "Maybe?" I said.
I heaved a sigh. Baka nga si Heshiena ang may gawa nito nang hindi nalalaman. This realm rarely experience a storm. Kasi simula noong dumating kami rito, nakatirik ang araw at buwan naman sa gabi. Hindi toxic ang hangin. Palagi ring kalmado ang karagatan.
Kumulimlim lang ang kalangitan kung dahil kay Miss Sky o 'di kaya'y dahil kay Chry. O dahil kay Heshiena. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung bakit naapektuhan ang panahon sa tuwing bad mood siya.
On the side note, Poseidon could manipulate the weather, but not to the same extent with his brother, Zeus. It only triggered when he intentionally raised the ocean's tide, causing the clouds to get ugly. He can also manipulate hurricanes.
Ang mga nagpapahingang demigods sa academy ay nabulabog sa lakas ng kidlat at kulog. Ang kaninang tahimik ay napalitan ng ingay at nakakatakot na unos. Sa hindi kalayuan, kitang-kita ko ang mga naglalakihang alon ng dagat na humahampas sa dalampasigan.
At ang mga dahong nagsibagsakan sa kani-kanilang puno dahil sa malakas na hangin. Tumungo na lamang kami pareho ni Blaze papunta sa kusina. Dumiretso kaagad siya sa mga lagayan ng tasa. Tinignan niya naman ako kung gusto ko ba.
But I was quick to shake my head as a response. Kaiinom ko lang. Kaming dalawa pa lang ang gising na, dahil ang iba ay tulog pa. But I am pretty sure, mayamaya'y babangon din ang mga 'yon dahil sa lakas ng unos sa labas.
"Last night." Nahinto ako sa pagbabasa ng libro nang marinig ko siyang magsalita. "Did you find something that can perhaps lead us to Violeta's culprit?" he asked before sipping his coffee.
I shook my head. "No, but . . ." Lumingon ako sa labas ng pintuan kung may tao ba. But when I confirmed that we're still the first two who are awake. Saka ko muling ibinaling sa kaniya ang aking atensyon. "I did caught Violeta and Mario arguing over something. Hindi ko alam kung ano'ng context dahil nang mahuli ko sila ay saka naman sila naghiwalay ng landas," dagdag ko pa.
Blaze was quick to clear his throat when Mavros suddenly entered the kitchen. Medyo basa ang iilang strand ng kaniyang buhok na malapit sa mukha. Marahil ay kahihilamos lang nito. He looked at us both with his cold treatment before passing by to get a sandwich.
Pagkatapos kumuha ng dalawang piraso ng bread ay umupo siya. Habang ako naman ay napagdesisyong ipagpapatuloy ang aking pagbabasa. Him, on the other hand, he politely asked Blaze to reach the mayonnaise for him.
"A storm first thing in the morning," he commented. When he remembered something, he paused and shadows started to gather upon the floor. "Shit!" rinig kong bulalas niya. And then disappeared like a bubble.
"Heshiena!" Doon namin nakuha kung bakit ganoon na lang ang biglaang reaksyon ni Mavros nang umalingawngaw ang malakas na boses ni Chry. Sunod-sunod pa ang malalakas na kabog ng pintuan. "Stop the storm this instant! You're destroying the academy and everyone in it!" Chry once again yelled.
Iniwan namin pareho ang aming ginagawa ni Blaze sa kusina.
And rushed towards the second floor. Nadatnan namin si Chry na walang tigil sa pagkabog sa pintuan ng kwarto ni Heshiena. Napasigaw sina Erin at Violeta sa gulat nang bigla kaming makarinig ng pagkabasag ng mga bintana.
Rinig na rinig ko hanggang dito ang malalakas na ihip ng hangin sa labas. Bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Sinabayan pa ito ng kidlat at kulog. Lahat kami napatalon sa gulat at takot nang biglang tumama ang kidlat sa punong kaharap ng aming cabin.
"Chry!" Sigaw ko kay Chry para kunin ang atensyon niya. "I think Heshiena is having a panic attack. We can't add a fuel to the fire!" Sigaw ko ulit.
But she didn't listen. She only looked at us with her authoritative gaze. And she continued to bang Heshiena's door. She's worried about everyone's safety, but this is not the right way to talk to Heshiena.
"We can't trigger her emotions further, Chry!" I pleaded. Because if she continues to trigger her, we'll expect the worst. Tumingin ako kina Violeta at Ace. "You two! Do something!" Sigaw ko, "or else we are all doomed," I added.
Before either Ace or Violeta used their ability against Chry, Heshiena's distorted voice echoed inside the dorm. "Show some respect, mortals!" My eyes grew wider as that voice intimidated my entire being and gave me chills down my spine.
It was Heshiena's voice, but overshadowed with a creepy voice. Biglang lumipad ang pintuan papunta sa hagdan. Lumabas si Heshiena nang nakalutang. Her feet were only few inches above the floor. Ang mas lalong nagpapagulat sa akin ay ang nagliwanag niyang mga mata.
She looked down on us with her disgusted gaze. "Kneel before me!" muling umalingawngaw ang kakaiba niyang boses.
A gravitational force dragged us all to kneel. Nakayuko pa ang aming mga ulo na tila sinasamba siya. Did she just charmspeaked us simultaneously? The way her voice sound like, and the way she look right now is far from being a half-god.
She possessed a tremendous power that I could compare to a deity.
Makalipas ang ilang segundo ay biglang bumalik si Heshiena sa dati niyang sarili. Habang kaming lahat ay hindi makapagsalita sa nangayri. The storm is still raging outside. But somehow it wasn't as aggressive as before.
Nabalik kami sa reyalidad nang bumagsak ang dalawang tuhod ni Heshiena sa sahig. At humahagulgol ng iyak. Tinatakpan niya pa ang kaniyang mukha. I was about to join her, but Mavros preceded me.
Sa isang iglap ay nawala sila pareho sa aming harapan. Pero narinig ko naman ang presensya nilang dalawa sa living room. Sumunod kaming lahat doon. At nakitang umiinom na ng tubig si Heshiena. Mavros were there beside her.
"Heshiena," pagtawag ko sa kaniyang demigod name.
Tumingin siya sa akin. Pinunit kaagad ang puso ko nang makita ko kung gaano na namumugto ang mga mata niya. A tear in my eye is threatening to escape. Biglang may bumara sa lalamunan ko. At alam kong pareho kami lahat ng nararamdaman.
"I'm sor―"
"No." Mabilis ko siyang dinamayan at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
I know this is what she need. A friend who she can lean on. The next thing happened, we all had our group hug. Maliban kina Chry at Mavros na nasa isang tabi lang.
"It's not your fault," pagpapatahan ko sa kaniya. Makaraan ang dalawang minuto sa pagyayakapan, medyo kumalma na siya. Ganoon din ang unos sa labas. "It seems like you've been having a hard time lately. What's on your mind?"
I opened a conversation. And I know this also what she needs. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. At inilagay ito sa aking hita habang hinahaplos-haplos ito. She sniffed before responding. Sinamahan pa niya ito ng isang mapait na ngiti bago muli na naman siyang napaiyak.
Seeing her like this makes my heart shattered into pieces. Ang kaninang luhang aking pinipigilan ay tuluyan ng bumagsak.
"We told you, we are here to listen, r-right?" I couldn't help myself but to be vulnerable in front of her.
Ace sitting at the floor, sobbing. Nakayakap pa siya sa mga tuhod ni Heshiena. Si Violeta naman ay nasa kaliwa niya. Hinahaplos ang kaniyang likod, habang pinupunasan ang mga luhang nagsibagsakan. Erin and Blei were crying silently around the corner.
Nakaupo naman sina Fuego, Dash, Zuki, at Blaze sa kabilang sofa. Si Chry naman ay nakatingin sa amin nang naluluha, habang nakasandal sa gilid ng hagdan. Mavros was behind us.
"Sabi sa akin ng unang naging magulang ko, nakita lang nila ako sa dagat nang palutang-lutang, sakay ang sirang shell ng itlog," panimula niya. "I was happy with them, pero kinuha naman sila sa 'kin." Napahaplos ako sa kamay niya nang magsimula na namang bumiyak ang boses niya.
Tumingin siya sa akin habang naluluha.
"Napunta ako sa orphanage," she continued. "Inampon ulit. At kinuha ulit sila sa akin. Namatay sila nang malunod ang kanilang barkong sinasakyan pauwi sa Manila galing sa Cebu." Tuluyan na siyang humahagulgol ng iyak.
Dahil dito lumakas pa lalo ang ulan sa labas.
"Paulit-ulit," sabi niya. Umiiling-iling pa siya. At hinawakan ang dibdib. "May nag-ampon ulit sa akin. Sumaya ako, at muli na namang nasaktan. Kung sino man ang nagbibigay sa akin ng pagmamahal at pamilya, lahat sila—" Huminto siya sa pagsasalita para ilabas ang sakit sa pamamagitan ng kaniyang hagulgol.
Lahat kami napaiyak.
Nasaktan para sa kaniya. She's been through hell. Paulit-ulit sumaya, at nasasaktan. I can't imagine what is like to be in her shoes. Kaya dahil siguro ay tila nawawalan siya ng pag-asa sa buhay.
Malaki ang naidulot ng trauma sa pagkatao niya. And those painful moments she had been, I won't invalidate her feelings. Because when we're hurt, we started to blame ourselves. Or question our account if we're still deserve to live.
Idagdag na rin na mag-isa siya sa buhay. Palaging naiiwan. I gritted my teeth to restrain myself from sobbing.
"Lahat sila kinukuha palayo sa akin." Sa wakas ay nadugtungan niya rin ang gusto niyang sabihin. "Everything that I do, palaging sablay. Walang nagagawang tama. Palaging dinadapuan ng malas," pagpapatuloy niya pa.
She then looked at me with her painful gaze. Nanginig ang kaniyang labi. Bumuhos ang walang katapusan niyang luha. Her eyes are swollen. Hindi ko alam kung ilang gabi na siyang umiiyak. Sinisisi ang sarili sa lahat ng mga nangyari sa buhay niya.
"I," putol-putol niyang wika, "felt worthless."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top