VII: The Arrival

Sabrina's Point of View

Dahan-dahan ko namang iminulat ang aking mga mata at bumungad sa aking harapan ang nakangiting labi ng driver. I guess, I overslept throughout the ride. Kinusot ko muna ang aking mga mata at inayos ang aking sarili.

Nang makita niya akong fully awake, ngumiti siya't nag-bow.

"I am sorry to interrupt your beautiful sleep, but we've already arrive at Imitheos Academy," magalang na sabi niya sa akin. Dahilan para ako'y mataranta't lumabas kaagad mula sa loob ng sasakyan.

Nanlaki ang dalawa kong mata sa nakita nang makalabas ako sa sasakyan. Isang napakagandang paaralan na tila gawa sa ginto. Hindi ko alam, pero namamangha ako sa mga nakikita kong kumikinang na dahon ng mga puno sa hindi kalayuan. Hindi na rin nagpapahuli ang mga iba't ibang klaseng bulaklak.

Nasa panaginip ba ako?

Kinurot ko ang aking braso. Nang masaktan ako ay lumukso kaagad ako sa konklusyon na hindi ako nananaginip. Napabuga ako ng hangin nang biglang humampas ang napakasariwang hangin sa balat ko. Pero kaagad akong napakagat sa ibabang labi nang tamaan na naman ako ng kaba at pagdududa.

The school is too good to be true.

From the beginning, talagang nagdududa na ako. Ngayon ko palang nalaman na may "free for all" pala ang paaralan dito sa Pilipinas. Maski sa public schools at state universities nga, may babayarin pa rin. Kaya sobrang questionable ito para sa akin. The school seems strange. It screams really odd.

Kapansin-pansin rin sa kinatatayuan ko ang karagatan sa hindi kalayuan. And the school seem floating in the middle of the water.

"Am I really seeing gold?" napatanong ako sa sarili ko.

"Where the f*ck in the world am I?"

Napalingon kaagad ako sa kung saan naroroon ang isang boses lalaking sumigaw. Habang lutong na lutong ang mga mura niya.

Doon ko rin napagtanto na may iba't ibang sasakyang nakaparada rito. Marami. I think it's about fifteen cars. Pero tanging anim na limousine lamang ang nakita ko, included na 'yong sasakyan na sinakyan ko papunta rito. The rest of the cars are black Mercedes Benz.

Ibinaling ko ang aking atensyon sa lalaking nagmura kanina. Nagulat na lamang ako nang mapansin kong may lima pang ka-edad ko na tila kalalabas lang din ng sinasakyan nilang limousine. There are four guys, and a one girl.

The guy who's cursing earlier, he had a black wavy hair and piercing black eyes. Naka-gray blazer pa ito't naka-gray slack din. He seemed looked wealthy. Habang 'yong babae naman ay nakasuot ng gray tattered pencil skirt na hapit na hapit sa beywang niya. Tahimik lamang siyang nagmamasid sa paligid.

"Am I in a fantasy world?"

Napatingin ako sa lalaking nagtanong. As I laid my eyes on him, first impression ko pa lang sa kaniya ay obvious na obvious na ang childish niya. Base na rin sa pinapakita niyang kilos. But, take note, bawing-bawi naman niya ang usapang gwapo at porma.

"It's nice here."

Napatingin na naman ako sa nagsalita. A smile plastered upon his lips when he roamed around his eyes to see the breathtaking view of the place. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng floral blazer, at kulay berde naman ang slacks na suot niya. These people looks really expensive.

"This is the place that I've been waiting for."

Hinanap ko kung sino ang nagsalita. Sinilip ko pa siya sa likuran ng lalaking nakasuot ng floral blazer. My eyes grew wider. When that intense black eyes of his meet mine, I averted my gaze. His eyes are emotionless, he had an olive skin, and a silky curve hair. I noticed that he's wearing punk-style clothes.

"Tsk."

Napatingin ako sa nag-tsk. 'Yong babaeng naka-pencil skirt lang pala. Kanina hindi ko siya natignan nang maayos, pero ngayon napansin kong mayroon siyang mahabang alun-alon na buhok. She also had a gray eyes that made her look intimidating. She's tall and skinny.

Katamtaman lang naman ang pagiging mapayat niya.

Maliit ang kaniyang mukha, at mataas naman ang ilong. Kayumanggi naman ang kaniyang balat. Sa kabila ng pagiging maganda niya. She look disciplined.

"I'll go ahead, Miss Sabrina. Just walk straight to that hallway and you'll meet someone who will guide you straight to the director's office." Pagpapaalam ni manong driver sa akin at umalis na nga nang tuluyan.

Susundan ko na sana si manong driver nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses.

"Heshiena . . ."

Kumunot bigla ang aking noo. Heshiena? Is he referring to me? For god's sake, my name's not Heshiena.

"Sino ka?"

Palingon-lingon ako. Nagbabaka-sakaling mahanap ko kung saan galing ang boses na 'yon. Tiningnan ko ang ibang tao, tila ba'y hindi nila narinig ang naririnig ko.

"I am your father."

Biglang kumabog nang pagkalakas-lakas ang dibdib ko matapos marinig ang sinabi niya. I was about to response when someone touch my left arm. I looked back, and there I saw the girl with gray eyes.

"Excuse me, Miss. Baguhan ka rin ba?" she politely asked.

"Ah, oo," maikli kong sagot.

"Sabi kasi ng driver namin na sabay na lang daw tayong lahat pumunta sa office," the guy in floral blazer said.

I remained silent and gave them a nod as a response.

"By the way, I am Novie Mae," pagpapakilala naman no'ng babaeng may gray na mga mata.

Even her aura looks strong. She seemed to have a tough discipline in herself. Her name even sounds beautiful.

"Chantara Sabrina," pagpapakilala ko rin.

It'll be rude if I won't introduce myself. The girl with gray eyes smiled at me sweetly. Naglakad na kami patungo sa sinabi nilang office, habang kinukulit naman ako sa lalaking childish. Dahilan para mapagulong ang aking mata dahil sa inis.

I mean, I am not angry. I am just annoyed. Perhaps, I am not used to being with someone like him. That's why I am surprised that this girl with gray eyes approached me first. No one has ever done that to me before. Kahit na roon sa orphanage. Everyone keeps their distance away from me.

Just recently, ako na mismo lumalayo.

"Miss, ako nga pala si Jace. But my friends used to call me Ace," pagpapakilala niya sa akin.

I quickly feel bad. Even though I dislike him for being hyper and all, he seems nice and sincere. Don't judge the book by its cover, ika nga nila. I have tons of trust issues for the past years of my life. Those horrible things that happened from my past really did give a big impact on my life. I am aware that I've changed.

The Chantara Sabrina they once knew was already long gone.

"I am Chantara Sabrina," maikli kong pagpapakilala.

His eyes gleam in amusement. "Wow, ang cool! Nice to meet you, Sabrina," sobrang tuwang-tuwa niyang sabi. Sinamahan pa niya ito ng mahihinang palakpak.

I secretly smiled.

"Anyway." Me and the gray-eyed girl looked at him when he suddenly spoke. "Sabrina, this is Rindash." Sabay turo niya sa lalaking nakasuot ng floral blazer. "Ito naman si Blaylan." Inakbayan niya 'yong lalaking nakasuot ng gray suit. "At . . ." Napaismid pa siya nang ibinaling niya ang kaniyang atensyon doon sa lalaking sobrang gloomy. But, seconds later, Jace smiled. "He's Joshua. I guess, kilala niyo na ang isa't isa?"

Nakatingin siya kay Novie Mae. We both nodded as a response. I am amazed how Jace managed to get their names in just a short amount of time. He really is a sociable one.

"Okay. Nice to meet you all."

I smiled. This kind of feeling is really foreign to me. Why does my heart flutters? Kahit na nagpakilala lang naman kami sa isa't-isa. Maybe it's my first time to felt comfortable around other people?

Ewan.

Napahinto kaming lahat sa paglalakad nang bigla kaming nakaramdam ng malamig, pero sobrang nakakalmang hangin. Sa isang iglap, sumulpot ang isang babaeng lumulutang sa harapan namin. My eyes quickly grew wider as I noticed her glowing white transparent fairy wings on her back.

I find it odd when I laid my eyes on her. She had a light gray skin, white hair, gray eyes, and a glowing white transparent fairy wings. What is happening? Ano'ng klaseng lugar ba 'to? Totoong pakpak ba 'yan?!

"Hello, demigods. Welcome to Imitheos Academy," pambungad niya sa amin.

My eyebrow raised. Demigods? What does that mean? Nakita ko namang lumapit si Jace, saka sinuri ang babae.

"Are you real? Costume niyo ba 'yan?" nagtatakang tanong ni Jace.

Mahinang tumawa ang babae.

"This is not my costume and yes, I am real. Aurai ang tawag sa isang tulad ko. I am a nymph of breeze," sabi niya't marahang nag-bow.

The others are confused, but there are others who are casual. As if they already knew about this stuff. Ano'ng kalokohan 'to? Ano'ng klaseng paaralan ang napasukan ko? Did Miss Miller do this on purpose?

Tinablan kaagad ako ng matinding kaba.

Paano kung walang magandang intensyon sa akin si Miss Miller? What if this lady who apparently claimed her wings are real is actually part of a crime organization? What if we were send here to be their victims? Is bad luck already striking me?

"Paano nagkaroon ng fairy-like race na katulad mo ang eskwelahang 'to?" kalmadong tanong ni Novie Mae.

The woman smiled. "Imitheos Academy is a school for half-bloods. This realm you see is the home of all the mythological creatures, except those who are evil, of course. Lahat ng nakakapasok dito sa academy ay hindi ordinaryong tao lang. Those are you," she casually answered.

I scoff sarcastically. Nahihibang na ba siya? I knew it. Kaya pala sobrang suspicious na walang tuition fee ang eskwelahang 'to. Isa itong mudos. She's spouting nonsense! And once again, the bad luck strike me out of nowhere and unprepared.

"This has to stop already!" Everyone looked at me when they heard me yell hysterically. "Stop spouting nonsense! I already knew what you are trying to point out here. You will brainwash us, and make us believe your moronic fantasy!"

Napabuga ng hangin ang babae.

"Miss, just please calm down. You are in the right place," pagpapakalma niya sa akin.

That won't work.

"Kalma? Ano'ng gusto mong ipahiwatig? Na may kapangyarihan din ako? O baka naman tinitipon niyo ang lahat ng mga kabataan dito at kinukuha niyo ang mga organs? Pagkatapos ibenta niyo ito sa black market! Kailangan malaman ng mga pulis ito!" Takot na takot kong sigaw.

Panibagong kamalasan na naman ito panigurado. I am upset. Galit ako, at the same time natatakot. Out of nowhere, bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Sinamahan pa ito ng malakas na kulog at kidlat.

Ang pagbuhos ng ulan ay kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Just please, kung kamalasan na naman 'to, huwag sana ngayon. Kasi pagod na pagod na ako.

"No. It's not what you think. Everything you see are real. Lahat kayo may kakayahan na wala ang ordinaryong mortal. Since you all entered this realm, this means you have an ichor running through your veins," pagkumbinsi pa niya sa akin.

Pero hindi ako nagpapauto. Alam na alam kong isa ito sa mga mudos nila. Napakuyom ako ng kamao ko dahil sinamahan pa ito ng matinding takot. Hindi ko alam, pero talagang nakisabay ang panahon sa mga emosyong nararamdaman ko.

Napansin ko namang biglang natakot 'yong babae. Dahil kaya nabuking ko sila? Pero ayon sa ekspresyon ng kaniyang mukha, tila ba'y mas natakot pa siya sa malakas na kidlat at kulog na nagsasayawan sa kabila ng mga ulap.

"Miss, please stop the storm," she begged.

My forehead instantaneously furrowed. Ano bang pinagsasabi niya? Mas lalong kumunot ang aking noo nang maalala kong may sinabi rin sa akin na ganiyan si Miss Miller. Ano bang klaseng mindset meron sila? As if namang ako ang may gawa! As if naman kaya kong manipulahin ang panahon!

"Child, you better calm down."

Isang boses lalaki na naman ang sumulpot sa aking utak.

"Shut u―" Hindi natuloy ang gusto ko sanang sabihin nang biglang tumiklop ang aking bibig.

"Stop talking and kneel before me!" Nag-echo bigla sa sistema ko ang boses ng isang babae.

Napaluhod ako. At dahil doon mas lalong gumulo ang isip ko. Tiningnan ko ang babaeng nakatayo sa harapan ko. May kasama itong isa pang babae. It seems like this girl is the one who's commanding my mind out of my will.

Hindi ko alam kung paano, pero sigurado akong siya ang pakana ng pagluhod ko sa sahig. Naalala ko bigla si Miss Miller. Nakita ko rin siya last time na nag-iba ang kulay ng kaniyang mga mata. Mula sa pagiging itim hanggang sa naging sea blue ito. Pero sa case naman ng babaeng 'to, she has a light ocean blue eyes. Sino siya?

At paano niya ako napasunod sa isang utos lang? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top