IX: Her Beauty
Sabrina's Point of View
Nagising na lamang ako nang marinig ko ang mga sunod-sunod na pagbukas ng mga pintuan sa kwarto ng cabin house na tinutulugan namin. It's still vivid how insane yesterday was. At kagabi pa ako kinakabahan at kinukwestyon ang sarili ko kung nasa tamang lugar ba ako.
My mind was as if clogged by a single thought. And my heart seems constantly rumbling. There's too many what if's. Too many doubts. And too many bad circumstances I could guess to overthink.
So far, maayos naman ang pagdating ko rito sa academy. Walang masamang nangyari. The bad luck didn't strike me on my first day. Sa nangyari kahapon sa hallway, 'yon ay 'yong pagiging trauma ko sa lahat ng masasamang pinagdaanan ko sa buhay.
Everything that bad happens to us could really change us into someone who we are not. Pagkatapos kong ligpitin ang hinihigaan ko ay dumiretso ako sa banyo upang maghilamos. Hindi naman ako ganoon katagal maghilamos kaya kaagad akong lumabas ng aking kwarto pagkatapos.
Paglabas ko'y sumalubong sa aking mga mata ang mahabang hallway. The walls are golden. The doors are wooden brown. The floors are golden marbles. Paglampas ko sa mahabang hallway na 'to, tanaw ko sa ibaba ang mahabang lamesa.
Nakalatag naman doon ang mga iba't ibang putahe ng pagkain. Bigla akong nagutom sa tanawin at ang amoy na umabot dito sa kinaroroonan ko. Sa ikalawang palapag ng dorm house na 'to.
"Sabrina!" Napatingin naman ako sa taong tumawag sa akin. "Halika bilis!" Tila may pananabik niyang saad.
It's Jace.
Napailing na lamang ako't bumaba ng second floor gamit ang hagdanan. Then I noticed, there were at least eight clothes rack. Four clothes rack from the right are filled with different styles of tuxedo.
From the left, on the other hand, napupuno ito ng iba't ibang klaseng dresses na hanggang sa ibabaw ng tuhod. I also noticed that there are various types of footwear on the floor.
What is going on?
Tiningnan ko si Jace nang naguguluhan. Nang magtama ang aming mga mata ay kaagad din naman niyang nakuha ang gusto kong ipahiwatig.
"The aurai came earlier and instructed us to choose anything we like. Pero pagkatapos umalis no'ng aurai, nagsidatingan naman 'yan." Napatingin naman ako sa mga itinuro niya. He was pointing all the foods in the table.
I give him a quick nod and look at the dresses. Sumilay kaagad ang aking ngiti sa labi nang makita ko ang isang dress na kulay silver blue. It's as if the combined color of the moon and the sea. Naglakad ako papalapit sa ikalawang clothes rack.
Because it's pleasing in my eyes, kaagad ko siyang kinuha. After I pick it up, tumingin ako sa sahig kung saan nakalatag lahat ng iba't ibang klaseng sapatos. Kumuha naman ng aking atensyon ay ang kulay sea blue na knee high boots.
"You had a good taste, Miss." Nagulat ako nang biglang may magsalita sa gilid ko. I heard him chuckle. "Oh, sorry. I didn't mean to startle you."
I looked at him. Sumalubong kaagad sa akin ang maitim niyang mga mata. I quickly averted my gaze. Hindi naman sa pagiging rude, pero hindi ko siya kayang tignan nang diretso sa mata.
"Joshua," banggit ko sa pangalan niya.
I was about to say another word when I saw him sweetly smile out of the corner of my eyes.
"I'm glad you remember my name," I heard him whisper.
Sa halip na intindihin ang sinabi niya, binigyan ko na lamang siya ng isang tango bilang paalam. When he smiled at me, umalis na ako at hinatid ang aking napiling susuutin sa kwarto ko. On my way there, nakasalubong ko si Novie Mae. Sinabihan niya ako na bumalik kaagad dahil sabay-sabay daw kaming lahat na kakain.
Pagkatapos kong mailapag ang aking napiling damit, lumabas kaagad ako ng kwarto para bumalik. Nang makabalik na ako ay nakita kong nakaupo na ang lahat. Sinenyasan naman ako ni Novie Mae na maupo sa tabi niya.
But I also noticed, Joshua was sitting next to my chair. Nagkatinginan ulit kami, pero kaagad akong umiwas. Why is he keep on staring at me with his intense black eyes? Iniling ko na lamang ang aking ulo.
"Salamat," panghihingi ko ng pasasalamat kay Novie Mae.
Pero binigyan ko siya ng nakakunot kong noo nang makita ko siyang umiling. Habang namutawi naman ang malalapad niyang ngiti sa labi. "It wasn't me who reserve you a seat. It was Joshua," nakangiti pa rin niyang saad.
Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya. Tiningnan ko ang aking katabi. He was busy eating a vegetable salad, while still looking at me straight in my eyes. I was about to say thank you, but he preceded me.
"You're welcome," he said precisely.
After that, I give him a quick smile. Ibinaling ko ang aking atensyon sa pagkain. There's too many dishes. Kaya nahihirapan akong pumili. Nabigla naman ako nang mapansin kong pinagsandok ako ni Joshua ng kanin.
Hindi ko alam kung ano ang intensyon niya sa akin, pero ayoko namang pag-isipan siya ng masama. Nagpasalamat ulit ako sa kaniya. This time, ako na ang pumili sa magiging ulam ko. Inabot ko ang isang maliit na bowl at nagsandok ng sinigang na isda malapit lang sa akin.
Napansin ko ring kumuha na rin ng kakainin si Novie Mae. After magsandok ni Novie Mae ay napadaan sina Jace, Rindash, at Blaylan. Umupo sila sa ibang side ng table dahil doon na lamang ang bakante. Kaya ang naging resulta, magkaharap kami ni Jace.
Habang sina Blaylan at Joshua naman ang magkaharap. At sina Novie Mae at Rindash naman. Tahimik akong nagpukos sa pagkain ng agahan ko. Hindi naman ako matakaw sa pagkain, kaya mabilis akong nabusog.
Napansin ko ring ang tahimik pala naming lahat. It seems like we were thinking the same thing. Ano kaya ganap today? Ano kaya ang mangyayari sa sinasabi nilang claiming ceremony?
'Yan 'yong pangunahing tanong na pumasok sa aking isipan.
☽ ♆ ☾
Katatapos ko lang maghanda. Sinusuklay ko na lamang ang aking buhok at, viola! Tapos na ako. Kanina kasi pagkatapos naming kumain lahat, may dumating na dalawang aurai. They both instructed us to get ready and told us to follow our odigos.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nila sa salitang "odigos", kaya napagdesisyonan ko na lamang na alamin mamaya. I made a quick look at the mirror, I smiled. I am satisfied with this outfit.
Naglakad na ako papalapit sa pintuan ng kwarto. Bumuntonghininga muna ako nang malalim bago buksan ang pintuan. After I finally calm myself, I opened the door. Sumalubong ulit sa aking mata ang mahabang hallway na 'to.
This hallway was filled with more doors. As I can remember, kusang nagbabago ang cabin ng number of rooms base sa kung ilang baguhan ang expected nilang darating sa academy. And since we are total of fifteen expected new students in the academy, fifteen din ang mga rooms nandito sa second floor.
Magkaharap lang ang rooms ng boys at saka girls. There are total of eight rooms on my left and seven rooms on my right. Nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdan. As I walked, the click-clack sound of my heels echoed here in this long hallway.
Another smile plastered upon my lips, I love the sound of it. But I was caught off guard when I heard someone speak a few inches behind my back.
"You look exactly like a moon, and it's as if your beauty reflected in the vast of the ocean." Lumingon ako sa aking likuran. Nang makita ko ang hitsura ni Joshua, biglang uminit ang aking pisngi. Tumigil siya sa aking harapan habang nakangiti ng matamis. "It's as if you were like a flower that blooms and smile at night."
For the very first time, I looked at his eyes. When I looked at him that long, another sweet smile plastered on his lips.
"Thank you," I shyly said. And looked at what he's wearing. "You look good," I concisely added.
Bakit ba? I am not good at giving compliments. I wasn't that creative. Unlike him, he even used the moon and ocean as reference to compliment my beauty. And I appreciate it, because no one has ever done that to me before.
Joshua was wearing all-in-black suit. From blazer, polo, necktie, slacks, and black leather shoes. May suot naman siyang kulay silver na skull necklace. His personality and his fashion were exactly match.
"Kakaiba pala kapag ikaw 'yong pumuri," I heard him commented. Therefore, I looked at him in confusion. When he realized I was looking at him, waiting for the answer, he awkwardly smiled. "Never mind. Let's go?"
He offered me his arm. Kahit na nahihiya, tinanggap ko naman ito. Sabay kaming naglakad papunta sa hagdan. Mas lalo akong nahiya nang makuha namin ang atensyon ng lahat nang pumanaog na kami.
Everyone starts gossiping.
Sumalubong naman sa akin ang gulat na gulat na mukha nina Novie Mae, Jace, Rindash at Blaylan. Sumunod naman ang mapang-asar na ngiti ng tatlong lalaki nang mapadako ang kanilang tingin sa lalaking hawak ko ang braso.
"Kaya naman pala nagpahuli," rinig kong komento ni Blaylan nang makalapit kami sa kanila.
Joshua just looked at them innocently. Napatingin ako sa kanilang apat. Novie Mae was wearing a plain gray dress, gold necklace with a pendant of an owl, and a white six inches stilettos. Kaya dahil doon mas lalo siyang tumangkad.
Si Blaylan naman ay nakasuot ng kulay gray na blazer, saka jeans na kulay gray din. Naka-unbutton naman ang isang butones ng kaniyang suot-suot na blazer. Wala siyang kahit na suot na polo sa inner. Katulad ng kay Novie Mae, nakasuot naman siya ng owl necklace.
Hindi ko alam kung magkapatid ba talaga ang dalawang 'to.
Pero kasi pareho sila ng taste ng kulay, saka ng fashion. Or baka coincidence lang. Napadako naman ako sa hitsura ni Jace. As usual, g'wapo pa rin siya. Bagay na bagay sa kaniya ang suot-suot niyang pink suit.
Katulad ng kay Blaylan, naka-unbotton naman isa niyang butones sa suot-suot niyang blazer. On the other hand, Rindash was wearing a floral blazer, and a green slacks. Obvious na obvious na he's into nature talaga.
"You possessed the glowing beauty of the moon, Sabrina." I heard Novie Mae commented.
Sinundan naman nito ang paglaglag ng kaniyang panga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top