Fall Chapter 3
Sana all ket NBSB may asawa na agad bonga lakas makakorean drama Hola aroha:) mga sawi sa pagibig tamang hintay lang darating din ang tamang tao para sayo
********
Kailangan kong makaalis dito. Hindi naman kailangan, gusto ko lang pala. Ayoko mabulok dito habang buhay. Kulungan na ang tingin ko sa pamamahay na 'to. Ang daming kailangan sundin. Hindi ko alam kung sino ang nagpapatupad ng rules sa bahay. Kahit anong pilit kong mag-contact kay mama ay cannot be reached ito. I even tried to go in our house, pero wala siya roon lagi, halatang iniiwasan ako.
Nagpalinga-linga ako sa buong paligid. Patay na ang ilaw mula sa loob pero bukas ang ilaw maging ang mga lamb sa labas. Kailangan ko ng tulong. Napasilip ako sa bakod ng mansiyon. Kasing taas iyon ng isa't kalahating tao. Unlucky, my height didn't reach the normal height of others. I was born with this freaking cute height. Hindi ako pandak kinulang lang sa height.
Napabuntong-hininga ako sabay kuha ng cellphone. Sana naman ay sumagot na si Joshua dahil kung hindi ay si Kuya Justine ang hihingian ko ng tulong, but he is my last option dahil baka natutulog na ito kasama ang asawa. Kuya Justine is a married man but he is my first boy best friend.
I dialed Joshua's number. I keeps on ringing but I still hoping na sasagut siya. Napasilip ako sa bakod, habang parang naiihi na hinihintay ang pagsagot ni Joshua sa phone call ko. Ano ba naman kasi ang ginagawa ng kulukoy na yun?
Naiinis na nilagay ko ang cellphone ko sa bulsa at tumakbo palapit sa mga upuan na nasa front door ng masiyon. Iika-ika ko itong binuhat at pilit na nagmamadali na makapunta sa bakod. Kaya ko 'to. Makakatakas din ako. Binagsak ko ang upuan sa tapat ng pader malapit sa gate. Hinihingal na tumingala ako habang tumatagaktak ang bawis sa muka ko. Ramdam ko rin ang basa sa kilikili ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang hindi man lang sinagot ni Joshua ang tawag ko. I dialed kuya Justine's number. Kaunting minuto lang ay sumagot na ito. Mabuti pa si Kuya mabilis sumagot. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa.
"Kuya! Thanks you answered my call! I need your help!"
"Help? Okay, what is it?" kalmadong turan nito.
"Tulungan mo akong makatakas sa bahay. Naka-lock ang gate, it was locked by the system. Sunduin mo ako, I will send the address, now."
Hindi ko na hinintay ang sagot ni kuya at basta na lamang pinatay ang tawag. I typed the full address of this mansion and click the send bottom. Umakyat ako sa upuan at pilit na inabot ang tutok ng pader but it is not enough. Ang hirap naman kapag kinulang sa height. Isang kaluskos ang narinig ko. Gulat na napalingon ako sa paligid. Mahuhuli na ba ako? Sino kaya yun?
Marahang bumaba ako sa upuan at napasandal sa pader habang lumilinga-linga sa paligid. Kapag nahuli ako baka mas humigpit ang rules nila pagdating sa akin. Simingkit ang mata ko nang makita ang isang anino na nagtatago sa isang matanggkad na halaman na namumukadkad sa dahon at bulaklak. May multo. Hindi naman totoo ang multo. Tinatakot ko na naman ang sarili ko.
"Sino 'yan? Hindi ako natatakot sa-sayo," halos pabulong na turan ko, mahahalata ang takot at kaba sa pangingining ng boses ko.
Nang hindi kumilos ang anino ay nagmamadaling binuhat ko ang upuan at inilagay sa tabi na para tao. Sakto sa isang tao na daraan. Sa tabi kasi nito ay ang gate para sa mga sasakyan. Mas kaya ko itong abutin kaysa sa pader. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip?
May pagkashunga rin talaga ako minsan. Umapak ako sa upuan at kinuha ang cellphone ko. I dialed Kuya Justine number. Agad naman niya iyong sinagot. Bumungad sa akin ang bati niya at isang masamang balita.
"Heaven, hindi ako makapasok. What I should do? Mahigpit ang security ng village at kailangan daw ng permission at call sa mismong bahay na pupuntahan ko gamit ang house phone."
"Sigi, pahintay na lang ako sa labas ng village. Thank you, kuya." Pinatay ko ang tawag at binulsa ang cellphone.
Isang kaluskos na naman ang narinig ko pero binaliwala ko iyon at nag-concentrate sa pag-akyat sa gate. I reach the edge of the gate, I tried my best to lift up myself. Umapak ako sa bakal na lock kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makaakyat sa tutok ng gate at makita ang labas.
This is what we call heaven and freedom. Akalain mo iyon, ito lang pala ang solusyon tapos ngayon lang ako naglakas-loob na tumakas. Sumampa ako sa edge ng gate, sabay napangiwi sa naramdaman. Nasa pagitan ng hita ko ang gate kaya masakit sa baba. Hindi ako magaling sa akyat-bahay. Kaya ko 'to. Para sa kalayaan, para sa sarili.
Bumiwelo ako para makapunta na sa kabila. Tumalon ako at hindi na umapak sa kung saan. Humalik ang puwetan ko sa sementadong daan kahit papaano ay naging maayos naman ang pagbagsak ko sa daan. Pinagpagan ko ang puwetan ko at pantalon ko.
Nilibot ko ang paningin sa paligid at nakahinga ng maluwag nang makitang walang bodyguard. Napangiti ako sabay langhap ng hangin at napapapikit pa sa sariwang hangin na nararamdaman. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay bumukas na ang gate sa likuran ko.
"Hija, saan ka pupunta?"
Naistatwa ako sa kinakatayuan ko sabay lunok. Hindi 'to puwede. Ang hirap umakyat sa gate. Walang lingon-lingon na tumakbo ako ng mabilis. Hindi puwede na bumalik ako sa bahay na hindi ko nalalasap ang pinaghirapan ko na tumakas. Habang tumatakbo ako ay kinuha ko sa bulsa ang phone ko para I-dialed ang number ni Kuya Justine.
Nang sagutin ni Kuya ang tawag ay agad akong nagsalita. "Kuya, I-start mo na ang engine. Nandiyan na ako. Baka may humahabol na sa akin ngayon."
Narinig ko ang pag-start ng engine ni kuya pagkatapos niyang sumagot. Saktong nasa tapat na ako ng gate at kita mula rito ang pag-ilaw ng sasakyan niya. Dumiretso agad ako sa sasakyan ni kuya at agad na pumasok sa loob. Inutusan ko si kuyang paandarin agad ang sasakyan, agad naman itong tumalima.
Hinihingal na lumingon ako sa likuran ng sasakyan. Baka may sumusunod na sa amin. May mga sasakyan ng nakasunod sa amin. Apat na SUV na itim. Siguradong mga bodyguards iyon. Marahan na pinaghahampas ko si kuya para madaliin ito. Hindi kami puwedeng maabotan. Takagtak na ang pawis ko at nangangamoy pawis na rin ako.
"Ano ba ang nangyayari, Heaven? At paano ka napunta sa isang exclusive na village? Akala ko ba hindi mo kaya bumili ng bahay dahil sa mga projects na ginagawa mo?" natatarangtang tanong ni Kuya.
"Saka ko na lang ipapaliwanag kapag nakalayo na tayo sa mga bodyguards," natatarantang sagot ko ng walang lingon-lingon.
"Pasaway ka talaga. Kung saan-saan ka nasasangkot. Ganiyan ba talaga pag-single? Kung ako sayo pumasok ka na sa relasyon para layuan ka na ng gulo," animo'y seryosong turan nito habang nakakunot ang noo at tutok ang paningin sa daan.
"Tsk, ewan. Bahala na. Wala namang poreber," naiinis na sabi ko.
Nakatutok ang paningin ko sa likuran ng sasakyan kung saan may apat na SUV na humahabol sa amin. Napaigtad ako sa gulat nang tumunog ang phone ko. Sandaling nawala ang atensiyon ko sa mga sumusunod sa amin. Sinagot ko ang tawag kahit hindi tinignan kung sino ang caller. Umayos ako ng upo sa front seat.
"Hija, bakit umalis ka ng walang paalam?" boses ni manang, halata ang pagka-stress at galit nito sa boses.
Walang pasabing binaba ko ang call. Ano naman ang sasabihin ko? Na trip ko lang tumakas? Na inabot ako ng tupak kaya tumakas ako? Ano ba namang klaseng rason iyon?
Bumilis ang patakbo ni kuya sa sasakyan. Nasa highway na kami at marami na ang sasakyan, halu-halong sasakyan ang madaraanan. Pinilit ni kuya na makasingit sa mga sasakyan para mailigaw ang mga bodyguards. Bakit ba kasi kailangan pa nilang maghabol? Ganoon ba ako kaganda para habulin nila? Gosh, labin-lima silang lahat, isa lang ako.
Napalakas ang liko ni kuya dahilan para mawalan ako ng balanse sa upuan. Tumama ang ulo ko sa bintana, mahina lang iyon pero nahilo pa rin ako. Napasandal ako sa upuan. Nanghihina ako pakiramdam ko ay hihimatayin ako. Naging malabo ang paningin ko pero may nakikita akong mga imahe na pilit kong inaaninag.
Nahihirapan akong huminga, parang may kung anong nakapatong na mabigat na bagay sa dibdib ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko, pakiramdam ko ay susuka ako anong mang oras. Tawanan, asaran at kuwentuhan ang naririnig ko. Wala na ang busina at tunog ng mga sasakyan. Umiikot ang paningin ko, at blurred ang lugar na hindi pamilyar sa akin.
"Heaven?! Anong nangyayari sayo? Heaven? Nandito na tayo sa bar! Joshua, bilisan mo. Hindi ko alam ang gagawin ko! Punyemas naman o," rinig kong kinakabahan na turan ni kuya Justine.
Narinig ko ang hinihingal na ingay mula sa kung sino. Unti-unti ay bumabalik ang lakas ko. Kumakalma ang paghinga ko pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko.
"Ano ba ang nangyari?" boses iyon ni Joshua, halata ang pag-aalala sa boses nito.
"Hindi ko alam. Basta na lamang siya nahirapan huminga, dalhin na kaya natin siya sa ospital," takot at pagkatarantang sabi ni kuya.
Naramdaman ko ang paghawi ng isang kamay sa buhok ko na nakatabon sa muka ko kasabay ng pakiramdam na paglutang ko sa ere. Dalawang braso ang bumuhat sa akin at nasisiguro ko na si Joshua iyon. Naglakad si Joshua at narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan.
"Baliw, e baka naman ang bilis ng patakbo mo. Ayan, humihinahon na siya. Dahil na lang natin siya sa office mo. Sa susunod kasi bagalan mo patakbo mo," napipikon na turan ni Joshua.
"E may humahabol sa amin, anong gagawin ko? Mas bagalan lalo?" pagalit na sagot ni kuya.
Naramdaman ko ang paghinto ni Joshua sa paglalakad. Huwag mo sabihing mag-aaway sila sa labas ng dahil sa akin?
"Ano?! Sino? Bakit kayo hinahabol?" pagalit na tanong ni Joshua.
"Hindi ko alam."
"Bakit hindi mo alam?!"
"E kung sipain kita? Tsk," inis na sagot ni kuya Justine.
Nag-aaway sila sa isang walang katuturan na bagay. Natapos ang usapan nila at dinala nila ako sa office ni kuya Justine sa bar. Sabi ko na nga ba na nandito lang si Joshua the whole time I was calling. Rinig ko ang maingay at nakakairitang musika sa disco section.
Gumalaw ako ng kaunti at yumakap kay Joshua para hindi ako mahulog. Minsan lang makaranas mabuhat ng bridal style sulitin na. Naramdaman ko ang malambot na kama. May small bed si Kuya Justine sa office niya dahil dito siya nagpapahinga.
"Hind kaya kagagawan 'to ng lalaking yun? Mukang hindi niya talaga tatantanan si Heaven," Joshua said in a low voice.
Sinong lalaking yun ang tinutukoy ni Joshua? Kilala ko ba siya? May kinalaman ba siya sa mga nangyayari sa akin?
Nagpahinga ako at hinayaan ang sariling humiga sa hindi mabango, hindi rin mabantot na kami ni Kuya Justine. Mga lalaki talaga, ang baboy sa gamit. Kinuha ko ang unan ko at niyakap iyon. Gusto kong matulog pero gusto kong kumain. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko dahil bawal matulog kapag busog. Aminado naman ako na malakas akong kumain.
Mahina ang boses nila kuya Justine at Joshua habang nag-uusap, animo'y nag-iingat na walang may makarinig sa kanila. Mukang tungkol ito sa lalaking tinutukoy ni Joshua. Hindi ko maramdaman ang presinsiya nila sa likuran ko. Palihim akong sumilip at nakita silang nag-uusap sa harap ng pinto. May sala sa office ni Kuya Justine malapit sa kama kung saan ako nakahiga. Bakit hindi na lang sila doon mag-usap?
KINAUMAGAHAN ay nagising ako na pang-alis ang damit ko. Bumangon ako na masakit ang buong katawan ko lalo na ang ulo ko. Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Nahihirapan na bumango ako habang hawak-hawak ang sintido ko. Pumipintig-pintig iyon sa sakit. Ano ba ang nangyari? Bakit wala akong maalala?
Umupo ako sa kama at hinilot ang sentido ko. Bakit ang sakit ng ulo ko? Bakit parang binugbug ang katawan? Pumasok na naman ba ako sa gulo?
Pinilit kong alalahanin ang nangyari. Nagmuka akong akyat bahay sa ginawa ko kagabi, tumakas ako ng walang paalam. Hinabol kami ni kuya Justine ng mga body guards. Nanghihina ako at pinagpahinga nila ako sa office. Pagkatapos nun ay nakatulog ako. Nagising ako at kasama ko na sila Cyrene para magsaya sa disco section. Hanggang doon lang ang naalala ko.
"Oh, hija. Mabuti at gising ka na," turan ni Manang, wala ang ngiti sa labi nito hindi gaya dati.
"Opo, manang. Paano po ako nakauwi? Sino po ang naghatid sa akin? At anong nangyari sa bar?"
"Wala kang maalala? Mabuti pa ay kumain ka na lamang dahil ikaw lang din ang makakasagot sa tanong mo," masungit na sagot nito.
Naiintidihan ko kung bakit ganiyang ang pakikitungo ni manang pero sana naman ay ipaliwanag niya sa akin ang nangyari kagabi, imposible na hindi niya alam gayong siya ang nakahuli sa akin. Hindi niya ako maloloko. Gusto ko lang naman malaman ang nangyari.
Inilagay ni manang ang pagkain sa kama at nagpaalam na itong aalis. Napalunok ako at napatingin sa tray na may pagkain, may dalawang gamot din na kasama. Napabuntong-hininga ako bago pinilit na kumain. Gusto kong maligo at magbabad sa malamig na tubig. Sa pool side kaya? Kakayanin ko ba? Well, sa gilid lang naman e hindi naman ako lalangoy.
Pinilit ko ang sarili na ubusin ang pagkain na hinanda ni Manang, ininum ko rin ang gamot na dala niya. Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na ako. Two-pieces na color black ang sinuot ko. Isang malaking ploral black jacket na abot hanggang paa ko ang haba, at lagpas hanggang mga daliri ko naman ang sleeve. Shinelas na gawa sa nipa ang ginamit ko. Napangiti ako habang nakatingin sa reflection ko sa harap ng malaking salamin. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito. Wala akong lakas ng loob na ipakita sa mundo ang katawan ko.
Dala ang tray ay lumabas ako ng kuwarto. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng mga matatanda na kasama namin sa bahay. Alam naman natin na conservative ang mga matatanda dahil sa panahon na kinalakihan nila. Pababa na ako ng makasalubong ko si Flor. Laglag ang panga nito, habang gulat na nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong nailang.
"Omg, maam. Ang sexy ninyo pala. Wow, pakiramdam ko, maam, nagiging lalaki ako," seryosong turan nito.
"Huwag ka ngang ganiyan. Naiilang ako sayo," suway ko sabay iwas ng tingin.
"Biro lang, maam." Natatawang sabi nito. "Pero sexy po talaga kayo. Ano po palang gagawin ninyo diyan?"
"A ito. Ibabalik ko sana sa kusina."
"Ako na po," turan nito sabay kuha ng tray sa kamay ko. "Punta na po kayo ng pool. Siguradong may mabubusog na naman na mata. Kumampa kayo roon, maam. Tapos ipakita niyo kung gaano kayo ka-sexy para mawala ang pagkaduwag ng isa diyan."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top