Fall Chapter 24
Gabi na nang umuwi ako sa mansyon. I don't know kung nandito na si Cosmer, wala na din naman akong pake. Dumiretso ako sa kuwarto. Madilim ang kuwarto ko nang madatnan ko. Bubuksan ko sana ang ilaw nang biglang may maliliit na parang star ang nabuhay mula sa mga pader ay kisame ng kuwarto ko.
Isang malamyus na music ang unti-unting kumain sa katahimikan. Sinarado ko ang pinto nang hindi binubuksan ang ilaw. Nakabukas naman ang kurtina kaya pumapasok ang kaunting liwanag ng buwan sa kuwarto ko.
Mula sa dilim ay sumulpot si Cosmer sa likuran ko. Niyakap ako nito mula sa likuran. So pakulo niya 'to? Kung akala niya makukuha niya ako rito puwes hindi. Pinilit kong makawala sa kaniya pero tumigil din nang magsalita siya.
"Sorry, sorry about what happened today. It was supposed to end in a romantic place but it end hurting you," mahina ang boses nito pero sapat para marinig. Malungkot ang boses niya pero hindi niya ako madadaan diyan. "I admit, I'm happy to see an old friend but believe me, I don't like what she did. She cross the line and I told her that. She said sorry and will never do that again. I was planning to introduce you to her but you left. I chose to find you that's why I left her without saying anything. I got panic, I thought you escape from me and will never come back."
"Anong eksaktong sinabi mo sa kaniya?"
"What do you mean?"
"Anong eksaktong sinabi mo sa kaniya, na 'wag na niyang gagawin ulit iyon? Gusto ko lang malaman."
Huling narinig ko ay sorry. Ano iyon? Para saan ang sorry na iyon? Paano ako maniniwala sa kaniya? Sinungaling siya.
"Sorry, but can you please don't do that again. I don't like what you did, you cross the line. That was what I told her."
"Totoo?" He nodded slowly. Okay, naniniwala na ako. "Fine, pero next time puwede bang makiramdam ka naman? Obvious naman na may gusto sa'yo iyong tao e. Buti sana kung wala. Sa'yo walang malisya iyon pero sa kaniya mayroon. Sa'yo hindi big deal iyon pero sa kaniya sobrang big deal iyon. You're giving her a hope. Kaya nga hinabol ka. Hindi mo pa sinabi na may asawa ka."
"Kasi ayoko na pangunahan ka. Oo, sinabi mo na handa ka ng tanggaping ang sitwasyon natin pero hanggang ngayon wala akong assurance kung handa ka ba na sabihin iyon sa ibang tao. Na asawa mo ako. Kasi alam naman natin na ayaw mo sa marriage na 'to, una pa lang."
I got his point. Sa huli ay nakipagbati na lamang ako. Wala rin namang patutunguhan ang away na 'to. He explained his side again and again but I kept on insisting that we should forget it already. Naniniwala naman ako sa kaniya. Tugma naman lahat ng sinasabi niya sa mga nakita ko.
He set my room into a romantic place. May mesa kung saan kami magdi-dinner pero walang rosas na nakasaboy sa paligid kundi mga glitters. Glitters nga ba? Hindi ko alam kung paano niya ginawa iyon pero nagkaroon ng mga maliliit na kumikinang sa sahig. Ang galing.
"Kanina ko pa 'to hinanda. Akala ko hindi ka na uuwi."
Hindi talaga siya maka-move on. I assured him about his thoughts and fears. Hindi puwedeng hindi. As we eat dinner, my naughty Cosmer back. Kumain na ako bago ako umuwi pero hindi ko sinabi sa kaniya iyon dahil baka malungkot siya. Kahit busog ay pinilit kong kainin ang hinanda niya.
The night end well. Nagkabati kami ni Cosmer and the romantic dinner made me flatter. Dahil sa lamp na nagki-create ng mga star sa pader at kisame naging mas maganda ang room ko. He prepared a small bed in my sala, nag-set din siya ng projecter para makapanood kami ng movie. Nang antokin na ako ay pumunta na kami sa kuwarto niya para matulog.
I woke early in the morning. May trabaho na kasi si Cosmer ngayong araw. Gusto ko ay ako ang maghahanda ng breakfast niya at ng susuotin niya. 'Diba isa iyon sa responsibilidad ng isang babaeng asawa? Ang pagsilbihan ang asawa niya. Naalala ko tuloy kung paano magreklamo si Mama kapag pinagsisilbihan niya si Daddy. Ayoko maging ganoon. Kusang loob ko itong gagawin.
Maingat na inalis ko ang braso ni Cosmer sa bewang ko. Naging sucessful naman iyon ng hindi siya nagigising. Tumungo muna ako sa kuwarto ko para maghilamos at magbihis. Ayoko maligo, tinatamad pa ako. Ala-singko pa lang naman ng umaga. Ala-syete ang pasok ni Cosmer. Mahaba pa oras ko.
Pagkatapos ko mag-ayos ay tumungo na ako sa kusina. Sakto naroon si Flor, mukang nag-a-almusal. Sa kaniya ako magpapatulong. Mabuti na lang at siya ang nadatnan ko. Binati ako nito nang makita ako. Itinabi pa nito ang hawak na tinapay at kape para harapin ako.
"Good morning din. May itatanong ako. Kumain ka habang nag-uusap tayo." Nakangiting sabi ko. Tumango naman ito bilang sagot. "Anong kinakain ni Cosmer sa almusal? Anong hinahanda niyo sa kaniya?"
"Ah, simpli lang po ang almusal ni Sir. Fried rice, hotdog and egg. Parang hotsilog ganoon. Mahilig po siya doon. Ang alam ko po iyon po ang favorite food mo before kaya naging favorate na rin ni Sir Cosmer."
"Ganoon ba, puwede mo ba akong tulungan? Hindi kasi ako marunong magluto ng fried rice.."
Pumayag naman agad si Flor. Tatapusin daw muna niya ang kakainin niya bago kami magsimula. Nagpasalamat naman ako. Hindi kasi ako marunong magluto ng fried rice buti kung sinangag aykaya ko. Iyon lang ang afford ng budget namin e. Kaya iyon lang din ang alam kong lutuin.
"Maliit na bagay, Madam. Alam niyo namang Team HeCo ako."
Napapailing na lamang ako sa sinabi niya. Napakabibo niya talaga, masayahin kahit mahirap ang pinagdaanan niya. Magandang inspirasyon ang mga kagaya niya. Tapos magkakaroon siya ng prince charming na magbibigay kulay sa mundo niya. Ang gandang isipin . Bigla tuloy akong may naisip na ideya.
"Gusto mo ba na gawan kita ng novel? Ikaw ang bida at may prince charming ka? Ano? G?"
Halos maibuga naman ni Flor ang iniinom na kape pero hindi naman natuloy imber ay nasamid na lamang siya. Nakokonsensya namang hinaplos ko ang likod niya. Malay ko bang masasamid siya sa ideya ko. Nang makabawi ay tumili ito nang pagkalakas-lakas. Agad ko namang tinakpan ang tenga ko.
Ilang segundo rin iyong nagtagal. Grabe, ibang klase pala ito sumaya. Mayayanig tutuli mo. Ngiting-ngiti na hinarap ako ni Flor. Kumukurap-kurap pa ang mga mata nito at kita ang ningning sa mga mata niya.
"Madam, sigurado ka? Kasi kung, Oo, g na g ako diyan. Gusto ko ko, Madam ay yung may six pack abs tapos iyong mayaman na engineer na umiigting ang panga. Iyong Iko-corner ako sa pader kasi nagseselos siya tapos hahalikan niya ako. Kyahhh!" kinikilig siya habang sinasabi ang mga iyon. Nakatingin pa ito sa taas na parang naroon ang ini-imagine niyang senaryo.
Grabe rin pala ang epekto ng wattpad sa babaing ito. Well, pinangarap ko din naman iyon. Iyong tipong malalaglag panty ko sa super duper hot guy na dream guy pero in reality takot ako. Ilang mayaman na engineer at gwapo na rin ang sumubok na manligaw sa akin pero pinapangunahan ako ng takot. Kung siguro hindi ako napasok sa arrange marriage baka tatanda akong dalaga.
"Kaka-wattpad mo 'yan," tanging nasabi ko.
GAYA ng sabi ni Flor tinulungan niya nga akong magluto. Fried rice, hotdog, bacon at pancake ang niluto namin. Syembre, pancake for me. Siya na ang nag-ayos ng mesa dahil kailangan ko ng umakyat sa kwartoni Cosmer.
Inamoy-amoy ko muna ang sarili kung mabaho pero mabango pa naman kaya pumasok na ako sa kuwarto. Tulog pa si Cosmer nang madatnan ko. Lumapit ako sa kama at umupo malapit kay Cosmer. Halos mapamura ako nang hilain ako nito pahiga sa tabi niya at niyakap ako mula sa tagiliran, maging ang paa niya ay iniyakap sa mga binti ko.
"Saan ka galing?" inaantok pa na tanong nito.
"Nagluto po ng almusal natin. Bangon ka na, may pasok ka pa. Baka ma-late ka, maligo ka na at ako na ang kukuha ng damit mo."
Kumilos ako paharap sa kaniya, ni hindi natinag ang pagkakayakap niya sa akin. Nagtagpu ang mga tingin namin kaya ngumiti ako.
"Papasok ako pero dapat dito ka lang sa bahay." Nakabusangot na sabi nito.
Wala na nga pala ang mga bodyguards kaya kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip niya. Buo na ang desisyon ko, wala ng atrasan. Gusto ko mag-stay sa tabi niya at I-work out ang marriage namin.
"Opo, at kung maisipan ko man lumabas, magpapaalam po ako sa inyo. Okay na ba iyon? Tumawag ka lang pag hindi ka busy, sasagutin ko." Tinaas-baba ko ang dalawang kilay ko.
"Sige, 'wag kang tatakas hah?" naglalambing na sabi nito habang salubong ang mga kilay.
Napairap na lamang ako sa sinabi niya. Ilang minuto pa kaming nag-usap bago siya kumilos. Kinuha ko ang mga gamit niya, maging ang damit niya at inilagay sa kama bago umalis ng kuwarto. Kailangan ko din maligo. Dumiretso ako sa kuwarto at doon naligo.
Mabilis akong naligo para makasabay sa almusal kay Cosmer. Pag-alis niya ay paniguradong mabo-bored ako. I need Flor to stay with me para malibang naman ako kahit paano. Maganda siguro kung simulan ko na ang novel niya.
GAYA ng plano sabay nga kaming nag-almusal ni Cosmer. Mabilis lang iyon dahil nagmamadali siya. Hinayaan ko na lamang dahil alam kong late na siya. Hinatid ko siya hanggang pinto ng mansiyon at tinanaw na lamang ang tuluyan niyang pag-alis. Matamlay na bumalik ako sa loob. Anong gagawin ko? Ang boring. Kaya ayoko ng malaking bahay lalo na kung konti lang ang kasama ko buti sana kung madami kami.
Unang hinanap ko si Flor. Naglilinis ito ng pinagkainan nang madatnan ko sa dining. Pagpapa-kuwento na rin ako sa kaniya about kay Cosmer. Sa tagal na niyang nagsisilbi kay Cosmer, for sure marami na siyang alam tungkol sa boss niya.
"Flor, tara sa pool. Gawin na natin ang novel mo."
"Baka po pagalitan ako ni Manang e," malungkot na saad nito.
"Akong bahala sayo, tara na. Taga-libang ang trabaho mo simula ngayon, tara na." Hinila ko siya papuntang pool.
Iniwan ko muna siya roon para kunin ang laptop at ipad ko sa kuwarto. Nang makarating ako sa kuwarto ay sakto namang may tumawag sa phone ko. It was Jana kaya agad ko iyong sinagot habang kinukuha ang mga pakay ko. She greeted me with her gloomy voice. Binaliwala ko na lamang ito dahil mukang alam ko na ang dahilan. It's her sister again.
Jana asked kung bakit namin siya hinahanap kahapon. Mukang nakarating sa kaniya. Well, si Cosmer lang naman ang naghahanap sa kaniya kaya sinabi ko ang totoo. Napatango na lamang ako nang sabihin nitong nasa vacation siya para makapagpahinga. Una na akong nagpaalam dahil wala naman kaming dapat pag-usapan pa.
Dumiretso ako sa pool nang makuha ko ang mga gamit ko but to my surprise Flor wasn't there but instead Cyrene. Anong ginagawa niya rito?
Naka-upo si Cyrene sa sun lounger habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Ni hindi niya ako napansin na lumapit. Umupo ako sa katapat ng inuupuan niyang sun lounger. I asked her right away what she need from me.
"Gusto ko lang na kamustahin ka. Isa pa, kilala mo na si Cosmer. So there is no need for me to hide."
"Bakit nga ba nagtago ka?"
"I told you, you cannot trust anyone and I too. Aalis na ako at hindi ko alam kung kailan ako babalik."
"Bakit ka aalis?"
"Kasi sobrang toxic na." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Heaven, kaibigan kita. All I want is your happiness pero kailangan ko rin protektahan ang kung anong mayroon ako. Nung sinabi ko sayo na huwag kang magtitiwala kahit kanino. Maniwala ka, lalong lalo na kay Joshua."
"Si Joshua? Ano na naman ba ito? Ano ba ang ginawa ni Joshua sa inyo?" iritabling tanong ko.
"Oo, may ginawa nga siya sa akin pero hindi lang sa akin kundi sayo rin. Siya ang dahilan ng lahat nang ito, Heaven-" Napahinto siya na para bang may mali sa sinabi niya. May tumulong luha mula sa mga mata niya na ipinagtaka ko. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. "I'm sorry kung hindi ko kayang sabihin lahat ng alam ko. Ayokong mapahamak ang pamilya ko. Siguro naman naiintindihan mo ako 'diba? May pamilya ka rin na gustong ingatan, ganoon din ako."
"Ayos lang," seryosong sagot ko.
"Mag-iingat ka. Basta, hangga't maaari lumayo ka na kay Joshua... aalis na ako dahil baka mahalata na ako."
DUMAAN ang mga araw na nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Cyrene. Naging maayos ang buhay ko sa mga nagdaang araw. Cosmer is a good husband, he is sweet and thoughtful. Sa ngayon ito muna ang dapat na pagtuonan ko ng pansin. Wala rin naman sigurong masama na sundin ko ang sinabi ni Cyrene. Sa nagdaang araw ilang beses ding tumawag si Joshua sa akin pero pinili kong hindi sagutin.
Ayoko rin naman bigyan ng rason si Cosmer magselos. Dahil simula nang malaman niyang tumatawag si Joshua sa akin at napapadalas iyon ay nag-iiba ang timpla ng muka ni Cosmer. Cosmer is my priority right now nang sa ganoon din ay maibalik na ang ilang mga alaala ko na nabura. At maaalala ko lang iyon kung nasa tabi ko si Cosmer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top