Fall Chapter 23
Bumalik ang magandang mood ni Cosmer kaya naging magaan ang biyahe namin papunta sa susunod na destination. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Siya raw ang bahala sa araw na 'to. Halos dalawang oras mahigit kami sa biyahe na puro asaran.
Nang huminto ang sasakyan sa parking lot ng malaking building ay lumabas na kami. Parang pamilyar ang lugar, mukang nakita ko na sa internet. Agad na pumulupot ang braso ni Cosmer sa bewang ko. Sobrang lapit din ng katawan niya. Daig niya pa guwardiya sa ginagawa niya. Natatawang napailing na lamang ako at hinayaan siya.
Pagkapasok namin sa loob ay halos lumuwa ang mata ko sa dami ng libro. Para akong nasa isang museum na puno ng libro. Damn, every bookworm dream. Napa-awang ang labi ko sa pagkamangha. Ang tatayog ng mga book shelves at punong-puno iyon ng mga libro. Maging sa pag-akyat mo ng hakdag ay may madadaanan kang libro na siyang namumukang pader. Ang ganda rito.
"Nagustohan mo ba?" bulong ni Cosmer sa tenga ko.
Namamanghang lumingon ako sa kaniya. Hindi ko napigilang yakapin siya ng mahigpit. Tahimik ang lugar, kita ang disiplina ng bawat taong narito. Maingat din ang mga galaw at bawat hakbang nila. Ilang palapag kaya ang building na 'to?
Nilibot namin ang buong lugar. Mula sa mga librong nadadaanan ko ay may nakapukaw na book cover sa akin. Mukang maganda. Kinuha ko iyon para basahin. 'Way back 1897 Katipunera Series 1 by RainMaxxx' ang pamagat ng libro. Naglibot pa kami para makahanap ng space na wala gaanong tao.
Nakarating kami sa second floor at doon nakakita kami ng isang space sa pagitan ng mga mataas na book shelves. Doon ko napiling magbasa. Naupo ako sa sahig at sinandal ang likod sa malamig na pader. Cosmer followed me and seated beside me. Mula sa periperal vision ko ay kita ko ang nakabusangot na muka ni Cosmer habang masama ang tingin sa hawak kong libro. Pinigilan kong huwag matawa at nag-focus na lamang sa pagbabasa.
Walang pang ilang segundo ay may sumusundot na sa pisnge ko. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Cosmer na naka-indian seat na paharap sa akin habang nakapangalumbaba. Hinawi ko ang kamay niya na patuloy sa pagsundot sa pisnge ko.
"Cosmer?!" I hissed in annoyance.
Lalong sumimangot ang mukong. "Nakahawak ka lang ng libro, hindi ka na namansin. Daig ko pa hangin dito. Hon, naman."
"Sorry na, mukang maganda kasi 'to oh. Basahin natin, tara."
Hinila ko siya patayo sabay paupo sa kaniya sa dati kong puwesto. Umupo naman ako sa pagitan ng mga hita niya. Nasa likod ko na siya baka mamaya magtampo na naman. Agad na pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko at siniksik niya ang ulo sa leeg ko.
"Okay na ba?" Sinuklay ko ang buhok niya.
Tumango lamang ito bilang sagot. Mukang ayaw niya talaga magbasa. Napailing na lamang ako bago itinuon ang atensyon sa pagbabasa. Historical ang genre ng kuwento. Naka-ilang chapter na ako nang mabasa ko ang pangalan ni Flor. Isang reincarnated ang babaing bida, bumalik siya sa nakaraan niyang buhay at nakilala si Flor. Hindi kaya na-reincarnate rin si Flor? At ang Flor na kasama ko sa mansyon ay reincarnation ni Flor sa libro? Argh, kabaliwan.
Tumatakbo na ang isip ko sa kung saan-saan nang biglang kinagat ni Cosmer ang leeg ko. Binalewala ko na lamang iyon dahil nagiging intense na ang kuwento. Patuloy sa pagkagat si Cosmer pero hindi ko pa rin ito pinapansin hanggang sa naging malikot na ang kamay nito. Literal na naistatwa ako sa kinakaupuan ko. Akala ko ay magiging mapayapa na ang pagbabasa ko. Hindi pala.
Hinahaplos-haplos niya ang bewang ko at paminsan-minsan ay pinupuslit ang mga daliri sa siwang ng polo shirt ko. Gumuguhit siya ng bilog sa tiyan ko. Tumaas ang balahibo ko dahil sa ginagawa niya, nakikiliti ako. Hindi ko tuloy maipagpatuloy ang pagbabasa ko. Ano ba ang ginagawa mo sa akin Cosmer?
"Cosmer, tumigil ka na."
"Uhm," angil nito.
"Cosmer, paano ako makakapagbasa?"inis na turan ko habang nakatingin sa kaniya ng masama.
"Paano tayo makakapag-date?" masungit na buwelta nito habang salubong ang dalawang kilay na nakatingin sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya. Fine, he has a point. Nasa date kami, hindi ito ang tamang panahon para magbasa. Dinala niya ako rito para may pagka-abalahan ako bukas sa bahay dahil papasok na siya at maiwan ako sa bahay. He does not allow me to got out without him.
Ang corny naman ng marriage life ko. Daig ko pa nasa kulungan. Mas maganda sana kung may anak na akong pagkaka-abalahan. Erase, ayoko manganak. Masakit manganak, mapapasigaw ka na lang habang ginigupit ang kipay mo para mas mailabas ang bata.
"Oh... fine. Ganito na lang. Tataposin ko lang ang kalahati ng libro. Saka tayo mag-iikot ulit para mamili ng librong bibilhin then aalis. Okay na ba iyon?"
"No, I'm bored. I'll let you read and let me do what I want."
Paano ko naman siya hahayaan kung nakikiliti ako sa ginagawa niya? Talagang may sapak sa ulo ang lalaking ito. Nananahimik na lamang ako at bumalik sa pagbabasa. Siya naman ay pinili na lamang na isiksik ang muka sa leeg ko. Mabuti na lang at hindi na naging malikot ang kamay nito pero hindi ko naman maiwasan makiliti sa hininga niya na tumatama sa leeg ko. Sorry na, malakas kaya kiliti ko sa leeg, maging sa bewang, tiyan, kili-kili, kahit saang parte yata ng katawan ko may kiliti.
Ilang minuto pa ay natapos ko na ang kalahati ng libro kaya inakay ko na si Cosmer na umikot muli sa building. Sa lawak ng building ay inabot kami ng halos isang oras sa pamimili ng mga libro. Palabas na kami ng library nang mapansin ko ang isang cafe sa katabing building. I asked Cosmer if we can come there at pumayag naman siya. Buti nga hindi badtrip e.
Nasa tapat na kami ng cafe nang matanaw ko si Joshua sa loob. Glass kasi ang wall ng cafe kaya kitang-kita ang mga tao sa loob. May kausap itong babae. Naroon ang saya sa muka ni Joshua habang kausap ang babae. Sino kaya ang babaing iyon? Hindi naman iyon ang girlfriend niya. Kilala ko ang likuran ng girlfriend ni Joshua dahil classmate namin iyon noong college. Kaibigan niya siguro or ka-date niya siguro? Is he cheating? Baka break na sila ng girlfriend niya. Baka nga.
Bago pa kami makapasok ay pinigilan ko na si Cosmer. Kinuha ko agad ang cellphone ko at pinikturan si Josh kasama ang babae niya. Itatanong ko sa kaniya ang nakita ko. Hinila ko si Cosmer palayo sa cafe. Naguguluhan ito sa inaasta ko kaya sinabi ko ang nakita ko pero pinagtanggol niya si Joshua. Mga lalaki nga naman, sila-sila rin ang nagtatakipan ng sekreto ng isa't-isa.
Hanggang sa nasa biyahe na kami ay nasa isip ko pa rin ang nakita ko. I hate cheater and I cannot imagine one of my friend will cheat on their partner.
"Hon, what's wrong?" basag ni Cosmer sa katahimikan.
"Hindi ko lang kasi ma-imagine na magagawang mag-cheat ni Josh. Kung sakali nga na babae niya iyon. I hate cheaters."
"I know."
"Kaya ikaw, umayos ka. Kapag ikaw, niloko mo ako mayayari ka sa akin. Puputulin ko iyang ano mo," nanggigil na sabi ko habang nakaturo sa kaniya.
"Sandali, bakit napunta sa akin ang usapan?" gulat at natatawang tanong ni Cosmer.
"Nagpapa-alala lang. Baka kasi makalimutan mo ang usapan natin. Ayoko maging kriminal ng wala sa oras."
Natawa naman si Cosmer sa naging sagot ko. Totoo naman e. Ayoko maging kriminal ng wala sa oras. Pinili na lamang ni Cosmer na ibahin ang usapan. Pinakuwento niya ako tungkol sa mga naaalala ko. I told him everything that I remembered. Madami na iyon kung tutuosin. Akalain mo iyon siya ang hindi ko pa naaalala. Kaya pala may mga panaginip akong paulit-ulit na parang nangyari na noon pa. Alaala ko pala ang mga iyon na gusto ng bumalik.
Bukod sa childhood friend ko siya ay boyfriend ko rin siya. Bukod doon ay kaibigan ko rin pala si Collen. Binura ng isip ko ang lahat ng may kinalaman kay Cosmer kasama na roon ang kapatid niyang si Collen. Kaya pala parang feeling close kung magsalita ang mayabang na iyon. Kababata ko rin pala, although hindi pa kompleto ang naalala ko sa kaniya, atleast mayroon na kahit kaunti.
Hanggang sa makarating kami sa isang camp na puno ng physical activity ay pinag-uusapan pa rin namin ang mga naaalala ko. Nagkukuwento rin siya ng mga bagay na naaalala niya sa araw ng mga naaalala ko. Tumambay muna kami sa isang lilim ng puno dahil tirik na masyado ang araw.
Cosmer suggested na kumain muna kami bago puntahan ang mga physical activities sa camp but I insisted na gawin muna ang mga iyon bago kumain. Wala pa namang lunch dahil ten thirty pa lang ng umaga. Una naming pinuntahan ang isang activity na tatakbo at madadaanan ang mga gulong. Paunahan kami at ang matatalo ay gagawin ang consequences ng nanalo.
Nang magsimula kami ay may babaing nanunuod. She was looking at me and Cosmer. Binigyan ko iyon ng malisya kaya binilisan ko pa lalo ang takbo para manalo, para na rin matapos na agad ang laro. Iba kasi ito kung makatingin kay Cosmer. Sino ba ang babaing iyon?
Naka-sports bra ito at leggings kaya kitang-kita ang kurbada ng katawan. Matangkad din ang babae, maganda at higit sa lahat mukang mayaman. Dukitin ko kaya ang mata ng babaing iyon.
Sa huli ay nanalo ako. Agad kong nilapitan si Cosmer pagkatapos kong makapunta sa finish line. Inabangan kong makalapit si Cosmer. Nilabas ko agad ang panyo na nasa bulsa ko para punasan ang muka ni Cosmer. Akala ko ay aalis na ang babae dahil sa nakita niya pero ang bruha lumapit pa. Nakatingin lang ito kay Cosmer habang palapit.
"Rem? Ikaw ba 'yan?" Ngiting-ngiting tanong ng babae.
Tinignan naman siya ni Cosmer pagkuwan ay ngumiti ito nang ma-recognize ang babae. Wow, hello. Nandito sa tabi mo ang asawa mo, Cosmer. Sa harap ko talaga lalandi?
Sa inis ko ay naitapon ko ang panyo. Hindi iyon nakita ni Cosmer dahil lumapit pa siya sa babae para makipagkamay pero ang bruha imbes na kamayan si Cosmer ay hinila nito si Cosmer para yakapin. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Wow, grabe. Hindi ko alam kung paano magre-react sa nakita ko. Sumisikip ang dibdib ko at parang gusto ko umiyak na lamang sa isang tabi. Gusto kong umalis pero naistatwa na ako sa kinalalagyan ko.
Napalunok na lamang ako nang marinig ko ang mahinang tawa ni Cosmer bago kumawala ng yakap sa babae. Nag-iwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko. Kamusta na? Iyon ang una kong narinig na sinabi ng babae. Napabuga ako ng hangin bago tuluyang tumakbo paalis. Narinig ko pa ang kung paano tumawa si Cosmer. He chuckled as if that women matter and said sorry. I don't know why Cosmer are saying sorry dahil nakalayo na ako. Edi wow, magsama sila.
Buti na lang at may dala akong bag kung saan naroon ang phone at wallet ko. Kinuha ko iyon kanina bago lumapit kay Cosmer, buti na lang talaga. Dumiretso ako sa canteen ng camp. Idadaan ko na lang sa pagkain ang nararamdaman ko. Bakit kasi ganito ang nararamdaman ko? Ang bigat sa pakiramdam. Parang gusto kong umiyak at the same time manakit.
Kung kaya ko lang sana prangkahin ang babaing iyon. Kung kaya ko lang sana makipag-away, kaso hindi e, hindi ko kaya. May karapatan ako pero wala naman akong lakas ng loob para gamitin iyon. Kung bakit kasi hindi marunong mahiya ang mga haliparot na babaing iyan. Harap-harapan talaga? Alam na niyang may kasamang babae ang tao, isa pa itong Cosmer pumayag na lang basta.
Matamlay na lumapit ako sa tindera ng canteen. Limang putahe ang binili ko at may kasamang dessert. Sa pinakadulong parte ng canteen ako umupo. Pagkarating ng mga pagkain ko ay sinungguban ko agad iyon. Halos lumubo na ang pisngi ko sa dami ng pinapasok kong pagkain.
Halos paubos ko na ang lahat ng pagkain ko nang may umupo sa katapat ng upuan ko. Nag-angat ako ng tingin na dapat hindi ko na ginawa. Si Cosmer iyon habang nakatingin sa akin ng masama. Siya pa talaga ang may ganang tumingin sa akin ng masama.
"Bakit mo ko iniwan?" seryosong tanong ni Cosmer.
"Bakit ka nakipaglandian?" sarkastiko ang tono ng pananalita ko habang masamang nakatingin sa kaniya.
"What?!"
" 'Wag mo akong watwatin, Cosmer."
"Hon, come on. Tell me, why did you leave me?"
"Huwag mo akong ma-english-english!" napalakas ang boses ko.
"Sorry, sorry na," turan nito sa mababang boses.
"Wow, nagso-sorry ka ng hindi mo alam ang kasalanan mo? Umuwi na nga lang tayo, mas lalo lang akong naba-badtrip sa muka mo." Napalakas ang hampas ko sa lamesa pagkatayo ko.
Nauna na akong lumabas ng canteen. Sakto naman na parating na ang babaing kaharutan ni Cosmer kanina. Napahinto ako naman ako sa paglalakad. Parang may hinahanap ito dahil panay linga-linga sa paligid. Dumating si Cosmer at agad na pumulupot ang braso sa bewang ko. Nang dumapo ang tingin ng babae kay Cosmer ay tumakbo ito palapit.
Ngiting-ngiti ito habang nakatingin kay Cosmer. Tinignan ko naman ito ng masama bago sinamaan ng tingin si Cosmer. Napangiwi naman ito bago nag-iwas ng tingin. Ngayon mo sa akin sabihin na hindi mo alam kung bakit ako nang-iwan kanina.
"Cosmer, bakit umalis ka agad? Nga pala, sino siya?" inosenteng tanong ng babae. Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay niya. Ngimiti siya ng peke kaya gumanti ako.
"Ako? Ako lang naman ang asawa ng nilalandi mo," walang prenong nasabi ko.
Nanlaki ang mga mata nito at napa-atras pa. Gulat na gulat yarn. Siguro mas maganda kong sasampalin ko siya para pang-telenovela ang peg 'diba. Muli niya akong tinignan mula ulo hanggang paa bago nanlalaki ang matang napatakip siya ng bibig.
"Heaven? Ikaw ba iyan?!"
"You know me?" mataray na tanong ko.
"Hindi mo ba ako naaalala? It's me, Caroleen. Classmate tayo noong highschool."
"Caroleen? You mean, Carolina, Carolina, ohh ohh, Carolina, Carolina." Pagkanta ko sabay tawa. "Uhm, sorry. Sorry, I don't remember you."
"Oh, it's okay. Hindi pa pala kayo naghihiwalay." Natatawang sabi nito. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Uhm, sorry. I mean, alam niyo na, 'diba. Most of the highschool lover hindi naman talaga nagkakatuluyan pagdating ng araw. Akalain niyo iyon, kayo pa rin pala."
"Yeah, kami pa rin sa huli. Mag-asawa na nga 'diba?" Naglakad ako palapit sa kaniya. "Kaya kung ako sayo dumistansiya ka kung ayaw mong mabangasan 'yang muka mo, manghihiram ka talaga ng muka sa aso." Binangga ko si Carolina nang mag-walk out ako. "Cosmer, let's go."
Sumunod naman agad si Cosmer. Buti na lang talaga dahil baka lalo lang akong magalit sa kaniya. Lumalabas talaga sungay ko dahil kay Cosmer. Nagmartya ako papuntang kotse. Gusto ko na lamang magbasa kaysa makipag-date sa isang haliparot na lalaking gaya niya.
Ramdam ko ang pagsunod ni Cosmer sa likod ko. Nasa likod ko lamang siya at hindi nagsasalita, ni hindi nga hinawakan ang bewang ko na lagi niyang ginagawa. Bakit? Bakit hindi niya ginagawa? Napa-paranoid ako. Ako dapat ang galit, pakielam ko sa kaniya. Bahala siya riyan.
Hanggang sa makarating kami sa sasakyan ay hindi ito umiimik ni hindi ako pinapansin. Hindi niya rin binubuksan ang pinto. Nagmamatigas siya puwes hindi ako magpapatalo. Sumandal ako sa sasakyan habang naka-cross ang mga braso ko sa dibdib ko. Nakatanaw lang ako sa paligid. Sige, magmatigas tayo.
Tumabi si Cosmer sa akin pero hindi pa rin ito nagsalita. Hindi ko tuloy alam kung nakikiramdam ba siya o sadyang galit din siya. A basta, hindi ako marupok ako. Hindi ako bibigay.
Ilang minuto na ang lumipas pero ni isa sa amin ay hindi nagpatinag. Nangangalay na ako sa totoo lang. Ang daming langaw dito, pinagkakaguluhan ako. Alam ko naman na maganda ako pero 'wag naman pati langaw hahabolin ako. Inis na umayos ako ng tayo. Kung ayaw niya akong kausapin, edi 'wag. Uuwi na lang ako mag-isa.
Walang paalam na naglakad ako palayo sa kaniya. Sumunod naman ang mukong sa akin. Inis na tinignan ko ito pero nagpanggap itong tumitingin-tingin sa paligid. Nakikipaglokohan ba siya sa akin? Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad pero nakasunod na naman siya. Mas binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa tumakbo na ay nakasunod pa rin ito. Tumatakbo na rin siya gaya ko.
Hindi na ako nakatiis kaya hinarap ko na siya. Hinihinga pa ang mukong nang huminto ito sa harap ko. Nakahawak na ito sa mga tuhod niya. Tsk, sumunod pa kasi hindi naman pala kaya tumakbo.
"Ano ba? Bakit mo ba ako sinusundan?!" naiiritang tanong ko.
"Bakit hindi?"
"Kapal din talaga ang muka mo nuh? Nakipaglandian ka sa babaing iyon sa mismong harap ko tapos ngayon aasta ka ng ganito? Ginagago mo ba ako?"
"Sorry, Hon. Maniwala ka, nagulat din ako nang yakapin ako ni Caroleen."
"Wow, talaga? E mukang masaya ka pa nga e."
"No, syembre natuwa ako nung makita ko siya. Lagi rin natin siyang kasama dati pero hindi ko rin nagustuhan ang ginawa niyang pagyakap. She cross the line."
"E bakit hindi ka bumitaw agad?"
"I tried hindi mo ba nakita? I tried, dinaan ko na lang sa pagtawa para hindi maging awkward ang ginawa ko. I even told her not to do that again. Dapat ipapakilala kita pero wala ka na pala."
"Talaga lang hah? Ipapakilala mo? No, thanks. Saksakain mo sa baga mo iyang kaharutan mo."
Tumakbo ako ng mabilis palayo sa kaniya. Mabuti na lamang at may dumaang tricycle kaya agad ko itong pinara. Nakasakay naman agad ako kaya hindi niya na ako nahabol pa. Bahala siya diyan. Ayoko muna siyang makita.
Totoo ang sinabi niya. Napansin ko rin naman iyon kanina, he was trying to break free from the hug pero ewan ko ba. Hindi matanggap ng sistema ko ang ginawa nila. Awkward ang tawa niya kanina pero hindi ko kasi maintindihan kung bakit nawala sa isip niya na nasa tabi niya lang ako. Ipapakilala niya ako? Dapat una pa lang ginawa niya na. Gusto ko silang pag-untugin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top