Fall Chapter 2
this chapter is dedicated sa mga ghinost chour haha buti pa yung ghost dito nagpaparamdam pero yung inyo ayun nakisakabilang convo. na pinagpalit na nga di pa sinabihan awiiee haha nagsalita yung hindi ghinost:(
********
Mag-i-isang buwan na rin ang lumipas simula nang lumipat ako sa bahay na 'to. Wala namang nagbago sa kalayaan ko, iyon ang importante sa akin. Nagagawa ko pa rin ang mga gusto ko, nakakapunta pa rin ako sa kahit saan at walang pumipigil sa akin. Isa lang ang problema ko, talagang nakabuntot sa akin ang labin-limang body guard kahit saan ako magpunta, and one more thing ramdam ko palagi na may laging nakatingin sa akin, para bang bawat kilos ko ay pinabantayan at pinagmamasdan nang kung sino.
Noong una ay akala ko guni-guni ko lang, baka kakapanuod ko lang nang horror at paranormal house. Baka dahil na rin siguro sa laki ng bahay kaya napapamahayan na ito ng multo kagaya ng mga napapanuod ko sa movie na haunted house pero mali ako. Gusto kong isipin na ganoon na lang nga pero alam kong hindi. Hindi guni-guni ang nararamdaman kong may nakatingin sa akin, hindi nga lang ako sigurado kung tao ba iyon o multo.
This day I decided to get away from my boredom kaya naman pumunta ako ng swimming pool suot ang croptop sando at swim short. Dala-dala ko ang laptop ko para sa gagawin kong bagong novel. Naupo ako sa sun lounger na nakapuwesto sa paharap ng bahay. Sisimulan ko na sana ang pagsusulat nang mapansin ko ang isang lalaki na nakasilip sa balkonahe ng veranda sa second flor. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang kwarto kung saan hindi ako pinapapunta ni manang.
Simula nang araw na nakita ko ang lalaking pigura sa balcony ay may nagbago sa mga kilos ni Manang. Naging maingat siya sa mga bawat kilos niya maging sa mga salita niya. Wala akong nabanggit tungkol sa nangyari nang araw na iyon kaya sigurado ako na si Flor ang nagkuwento kay Manang sa nakita ko dahil nang araw din na iyon ay pinagsabihan ako ni Manang na huwag lumabas ng gabi kuwarto ko. Idinahilan ko pa noon na iinom ako ng tubig kaya naman bumili si Manang ng maliit na refrigerator. Para masiguro na hindi na ako lalabas pa.
May kasama pa kaming ibang tao sa bahay? Baka namamalikmata lang ako. Dapat masiguro ko muna. Pagkahalong kaba at takot ang naramdaman ko. I don't really believe in ghost or any super natural being kaya imposibling multo iyon. Napalunok ako sa kaba. Habang palihim na sinisilip ang lalaki sa balkonahe. Nagpanggap akong busy sa pagtatype kahit puro letra na walang nabubuong salita ang nagagawa ko. Napangiwi ako nang makita ko ang bastos na salita na nabuo. Hindi ko sinasadya iyon ang kamay ko ang may kasalanan. Sandaling nawala ang focus ko sa lalaki na nasa veranda.
Pasimpling sinilip ko ang veranda pero wala na ang lalaki. Naiinis na lumingon ako nang tuluyan sa gawi ng veranda at pilit na hinanap ang lalaki. Wala na nga talaga. Baka namamalik-mata nga lang ako. Ang bilis naman niyang mawala. Kung tama ako ng nakita ay nakaputing t-shirt ito at mukang kulay gray ang short niya, medyo malabo sa paningin ko ang suot niya lalo na ang muka niya. Hindi ko pa nga nakikita ang buong muka niya nang malinaw. Napabuntong-hininga ako sa inis. Hindi na ako matahimik dahil sa kakaibang pakiramdam ko. Naiinis na sumandal ako sa sun louger bago sinimulan ang gagawin na novel.
Lumipas ang oras at naramdaman ko na naman ang mga tingin na 'yon. Pinilit kong mag-focus sa ginagawa ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. I tried to contact my mother but she still cannot be reach. May pakiramdam ako na pinalitan na ni mama ang number niya sa phone. Halatang ayaw ako kausapin at ayaw niyang magpaliwanag sa akin, but I know at least I deserve an explanation.
Hanggang ngayon pala isipan sa akin kung bakit itinapon ako ni mama sa bahay na ito at kung bakit may body guard ako. Hindi ako naniniwala na dahil iyon sa kaligtasan ko. May pakiramdam ako na binabantayan nila ang kilos ko at para pigilan ako kung sakaling tumakas ako.
Isang araw naisipan kong tumakas sa mga body guard ko. Nakasunod lang ang sasakyan nila sa sasakyan ko pero hindi ko sila natakasan. Mukang makikipagpatayan sila kahit mabangga pa ang sinasakyan nila masundan lang ako. Sinubukan ko ang puwersahan, pero hindi ako nagtagumpay. Malakas na babae ako dahil noong senior high ako ay nag-training ako sa MMA, mura lang kasi ang bayad ng mga panahon niyon at sinama lang ako ng kaibigan ko na siya na rin ang nagbabayad dahil yayamanin ang babaita. Dahil na rin sa kawalan ng pera mas pinili kong mag-training sa military for six month before I pursue mass communication. Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit na kulang ako sa height ay kaya ko naman patulugin sa isang sapak ang isang lalaki.
I'm smart enough to figure out na ibang training ang ginawa nila para mapigilan ako. Ang isang body guard ay criminology graduate na hindi nakapasa sa exam. Ang iba ay trained ng isang agency. Ang iba naman ay nag-training sa 6 month military training at hindi pumasok sa pagsu-sundalo dahil mas pinili nila ang ibang profession. Iyon ang pagkaka-alam ko. Sa tingin ko ay agency ang nag-training sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad trenta na ang mga body guard na nakabantay sa akin. Siguradong malaki ang sahod nila sa pagiging body guard ko.
My instict is telling me that those body guard is not here to keep me but to stop me if ever that I escape from here. Iba ang takbo ng isip ni mama, at kahit naman hindi kami magkasundo ay alam ko na nahuhulaan niya ang mga action na gagawin ko. She is my mother after all. Ang ina ay kilala ang kanilang mga anak at kung paano ito mag-isip. Hindi nga lang minsan halata dahil minsan ay iniisip natin na wala silang pakielam.
Noong isang araw ay naisipan kong pumunta sa mall para iligaw sila. Pinaglalaruan ko lang sila nang mga oras na iyon dahil pati sa pagpasok ko sa mall ay sinundan nila ako. Maraming tao nang mga oras na iyon. Dumiretso ako sa restroom ng mga babae. Bago ako pumasok ay nakita ko ang isa sa mga body guard ko na may tinatawagan as if nagre-report sa amo niya. Nagpalit ako ng damit sa restroom bago lumabas. Buong akala ko ay makakatakas na ako pero habang papalabas ako at nakayukong naglakad, nabunggo ako sa isang malaking tao na isa pala sa mga body guard ko. Sa likod ng body guard na nabunggo ko ay naroon ang iba pa niyang kasama.
"Hija, magmeryenda ka na muna," tawag pansin ni manang Sonya.
May hawak-hawak siyang tray na may pagkain at inaayos niya iyon sa mesa na nasa kaliwang banda ko.
"Sigi lang ho, manang. Tatapusin ko lang ho ang chapter na to," sabi ko nang hindi tinatanggal ang paningin sa screen.
Kailangan ko matapos 'to. Ilang araw na akong walang update sa novel na sinusulat ko. Mga dalawang araw pa lang naman. Ilang minuto pa bago ko matapos ang updated chapter ng novel ko ay napansin ko na hindi pala umalis si manang. Nakaupo ito sa katabing sun lounger sa kaliwang bahagi ko kung saan ang mesa ay napapagitnaan namin. Tahimik lang itong nakamasid sa akin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti ito.
"Hija, may mga itatanong lang ako... Tapos ka na ba?!" malumanay sa saad ni manang.
Napalingon ako sa laptop ko bago tumango at lumingon sa kaniya.
"Opo, tapos na po... Ano po ba 'yun?" takang tanong ko habang inaayos ang aking laptop at inilapag ito sa mesa para makakain na rin ako.
"Kumusta ang pananatili mo rito?" nakangiting tanong ni manang.
"Ayos naman po, nasasanay na rin po ako kahit papano," pagpapakatotoo ko.
"Buti naman kung ganoon, hija. Mabuti at nakapag-adjust ka na agad," natutuwang sabi nito.
For the past few weeks si Manang Sonya ang parang naging magulang ko sa bahay na ito. Mabait siya at hindi ako tinatantanan sa kakatanong kung may kailangan ba ako. May mga pagkakataon na naguguluhan ako sa mga tanong niya at kapag sinagot ko iyon ng tanong ay magmamadali siyang magpaalm na aalis. Ilan sa mga tanong niya ay kung pamilyar daw ba ako sa kaniya, kung nakapunta na ba raw ako dito dati, at kung naaksident daw ba ako.
Hanggang ngayon pala-isipan sa akin kung bakit itinatanong ni Manang ang ganoong bagay gayong dapat ay hindi naman niya tinatanong ang mga ganoon. Binabaliwala ko na lamang iyon parati ngunit may mga pagkakataong sumasagi sa isip ko ang tanong niya. Pakiramdam ko ay may kinalaman kasi iyon kung bakit ako narito. Hindi naman masama ang magbaka sakali hindi ba.
"Opo, hindi rin naman po mahirap... Pakiramdam ko dati na akong nakatira dito, manang," halos pabulong na tugon ko. Sandali akong natulala.
"Anong ibig mong sabihin, hija?" she eagerly asked.
Napalingon ako sa kaniya at napaangat ang kilay ko sa reaction niya. May mga pagkakataon talaga na kakaiba ang kilos ni Manang Sonya. Gusto ko man magtanong ay sigurado ako na hindi na naman niya iyon sasagotin at tatakasan lang niya.
"Hindi ko rin po alam, manang." Natatawang sagot ko. "Basta po parang pamilyar sa akin ang pakiramdam na nandito ako, para bang palagi po akong pumupunta rito dati... or maybe I was reincarnated and, I was the former owner of this house, na napaka-imposible," pabirong sabi ko.
"Baka dahil madalas ka talaga rito dati," sabi nito na para bang nagbibigay lang ng opinyon. Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Manang Sonya. "Ang ibig kong sabihin ay baka pumupunta ka dito dati, pero hindi mo lang maalala."
Napatango-tango ako nang maintindihan ang ibig sabihin ni Manang. Napa-awang pa ang labi ko sabay ngiti. Nitong mga nagdaang araw ay napapansin kong nagiging slow ako. Ang totoo pamilyar sa akin ang lugar. Mukang tama si manang, mukang madalas nga akong nandito, pero hindi e wala akong maalala. Ngayon lang ako nakapunta rito.
"A, puwede rin po kaso wala po akong maalala e. Baka magaan lang po talaga ang loob ko sa bahay na 'to, sa ganda ba naman ng ambiance. Mahangin, tahimik, maaliwalas at maganda ang lugar." Nakangiting sagot ko.
Maayos ang lugar. Malawak ang garden kaya lagi akong tumatambay roon at dito sa pool side. Ang totoo niyan ay gusto ko lagi sa pool side dahil kita mula rito ang kuwarto kung saan ipinagbabawal ako ni Manang. Curious kasi ako kung bakit bawal ako doon gayong puwede sila. E bahay naman ito ni Mama. May pakiramdam akong may tinatago sila sa loob ng kuwarto na iyon. Sana lamang ay hindi bangkay. May napanood kasi akong horror movie kung may mansion at ang isa sa mga kuwarto doon ay pinagtataguan ng mga bangkay.
"Malaki ang lugar na ito. Maganda bumuo ng pamilya rito, kahit ilan ang maging anak niyo ay kasiya rito," makahulugang sabi ni Manang habang nakangiti.
I find it creepy para bang may tinatagong malupit na sekreto si manang na malapit na niyang ibunyag. Akmang susubo ako nang kutsyara nang maalala ko bigla ang lalaking nakita ko kanina. Nagdadalawang isip ako kung itatanong ko ba ang nakita ko. Wala naman sigurong masama kung susubukan kong humingi nang sagot sa kaniya. Gusto ko itong itanong kaso baka lalo nilang itago sa akin ang totoo, pero baka hindi, who knows.
"Nga pala, Manang. Napapansin ko po parang may laging nakatingin sa akin, ang weird po sa pakiramdam." I pretend like I'm scared.
Ngumiti si manang at parang pinipigilan matawa. Kapag matatanda talaga hindi takot sa mga paranormal. Mahilig ako sa horror pero hindi pa ako handa kung sakaling mangyari sa akin ang mga napapanood at nababasa ko. Baka mahimatay ako sa takot at mangisay ako sa sahig.
"Naku, hija. Walang multo dito. Paano ba iyan, aalis na ako at may gagawin pa ako," Nakangiting sabi nito. May tinatago sya. Tumayo ito, parang pinipigilan na lumalim ang usapan at mapunta sa kung saan. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ni Manang ay lumingon ito sa akin. "Ayaw mo bang mag swimming, hija? Mainit ang panahon." Nakangiting paanyaya ni Manang.
"Hindi na po, manang. Hindi po ako mahilig sa malalalim na tubig." Nakapangalungbabang tanggi ko.
Hindi naman ako takot talaga, hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kapag nasa tubig na ako. Hindi rin sa ayaw ko hindi ko lang talaga gusto ang pakiramdam na nasa malalim na tubig ako. Halo-halong emosyon kasi ang nararamdaman ko. Nakakalapit ako sa pool side, sa seashore pero kapag nandoon lang ako. Kapag nasa tubig na ako ay hindi na ako makahinga nang maayos, nahihirapan akong huminga at para akong mahihimatay.
"Ganoon ba, sayang naman... Ayy sigi, mauuna na ako at may gagawin pa ako. Kung may kailangan ka puntahan mo lang ako."
Tango lang ang naisagot ko bago umalis si manang. Hindi sinasadyang napatingin ako sa veranda, nakatayo na naman ang lalaking nakita ko kanina at nakatanaw na naman ang lalaking iyon. Nagtama ang paningin namin kaya napaayos ako nang upo, kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga muka kaya dali-dali itong nagtago sa pader, kasabay nun ang pagpapakawala ko nang hangin. Kumakabog ang dibdib ko na para bang gusto nitong kumawala. Nanghihina rin ang mga tuhod ko pakiramdam ko ay matutunaw ako.
Kalahati lang nang muka niya ang nakita ko pero kitang-kita ko kung paano lumaki ang mata niya sa gulat at agad na nagtago sa likod ng mga pader. Hindi lang guni-guni ang nakita ko. Totoong may iba pa kaming kasama sa bahay na 'to. Kinakabahang napalunok ako sa takot. Ano ba talaga siya? Sino ba talaga siya?
NAPATINGIN ako sa wall clock na nasa taas ng television ko. Nasa loob ako nang kuwarto ko, nanunuod ng drama. Ala-sais na nang gabi. Magandang lumabas sa gabi dahil tahimik at malamig sa labas. Pinatay ko ang televsion at tinanggal sa saksakan nito. I took a bath for a little while, while thinking if where I can go. I chose to wear a simple denim jeans and white t-shirt, a white high end rubber shoes and a pink a black ball cup.
Hihintayin ko munang mag-alas otsyo para masiguro na tulog na ang karamihan. I want to try this chance na makalabas ng walang guard. Alam ko mali dahil hindi ako magpapaalam kay manang Sonya. But who knows what are waiting for me if I successfuly get out from here.
SUMAPIT ang alas-otso nang gabi, naging hudyat iyon para patayin ko ang ilaw sa buong kuwarto ko at maingat na binuksan ang pinto para sumilip sa hallway. Sa hindi malamang dahilan pagpatak ng ala-syite ay nagsisimula ng magligpit sila manang at maghanda sa pagtulog kaya naman pagpatak ng alas-utso ay nasa loob na sila ng mga sari-sarili nilang kuwarto.
Madilim na sa hallway kaya maingat na lumabas ako at parang magnanakaw na isinara ang pintuan ng kuwarto ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid sabay kuha ng cellphone sa bulsa ko. Pupunta ako kay Joshua. Joshua is my boy best friend since we were high school. SIgurado ako na nasa penthouse niya lang ito. O hindi kaya ay nasa bar ni kuya Justine at siguradong dinudumog na naman ng mga babae.
I tried to call him but it's only keep on ringing so I guess he is in the bar. Dali-dali na tinago ko ang cellphone sa bulsa ko at bumaba ng hagdan. May cctv sa buong bahay and I don't have any idea kung sino ang may hawak o tumitingin sa monitor nito. Siguradong malalaman at malalaman nila na tatakas ako ngayon but I still want to try kahit ma-disappoint sila sa akin, who cares. Sanay naman na ako sa disappointment.
As the time passed, I already reach the gate but unlucky it was locked, that who knows who locked it. May bakal na lock ito but it was also locked by automatic system. Pinilit ko itong itulak pero hindi pa rin gumagana, nagmumuka lang akong tanga. Naka-automatic ang gate ng mansiyon at mukang naka-lock na ito pagsapit ng gabi at ngayon ko lang na-reliase iyon dahil unang-una ngayon pa lang ako tatakas. Ano bang klaseng kulungan 'to? Anong gagawin ko?
Snakes can help predict earthquakes.
They can sense a coming earthquake from 75 miles away (121 km), up to five days before it happens.
omo jinja?! nakakalungkot na maraming pinapatay na ahas sa mga probinsya dahil lang sa paniniwala maging sa takot, na tayo rin ang may gawa hmm
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top