Fall chapter 13
Sumugod ako at pinaulanan ng suntok si Collin. Tama, si Collin ang tarantadong humahalik sa leeg ni Heaven. Walang kapatid-kapatid, ang traydor ay traydor. Tangina, ganito ba yun? Ganito ba yung pakiramdam na niloko ka? Gago, ang sakit. Tama nga sila hindi mo malalaman kapag hindi mo pa nararanasan.
Puro dugo na ang nakikita ko. Naririnig ko na may bumagsak dahilan para matigilan ako. Umayos ako nang tayo, hinanap ng mga mata ko si Heaven. Nakahiga na ito sa sahig, walang malay at parang nahimatay. Magulo ang buhok at gusot-gusot na ang damit. Malakas na sinipa ko ang tiyan ni Collin dahil para sumuka ito ng dugo. Dinuraan ko ito bago lumapit kay Heaven. Inayos ko ang nakatabing na buhok sa muka niya bago ko siya kinarga.
Collin knows how weak Heaven is kapag lasing pero talagang ginamit niya pa talagang pagkakataon yun para makuha ang gusto niya. Naramdaman ko ang putil ng luha na dumaloy sa pisnge ko. Tangina naman kasi. Si Heaven may kahalikan, at kapatid ko pa talaga. Karma ko ba 'to? Ito ba ang kapalit sa ginawa ko?
Ang gago mo, Collin. Hindi pa tayo tapos. Habang nasa elevator kami ay hindi ko maiwasan na mapatulala. Ang tindi ng karma. Palabas na ako ng elevator nang may babaing pumasok at pinigilan ako.
"Saan mo dadalhin si Heaven?" nang bibintang na tanong nito. May pagdududa sa mga tingin nito. "She's my guest so she's my responsibility. Kaya ibaba mo na siya dahil may room na nakalaan para sa kaniya."
"Kung ganoon saan?" naiinip na sagot ko.
Pumindot ito sa floor ng elevator bago masamang tumingin sa akin. Naiinis na nag-iwas ako ng tingin. Responsibility my ass, kung totoong may pakielam siya ay hindi niya sana hinayaan na uminom si Heaven ng marami at hayaan na halikan ng siraulong lalaking yun. Bumakas ang elevator kaya napalingon ako sa babae.
"Follow me." Lumabas ito ng elevator kaya sumunod ako. Sa unang kuwarto siya huminto at binuksan niya iyon. "Iwan mo na lang siya rito."
"No, I won't leave her. She's my wife," turan ko habang ibinababa si Heaven sa kama.
"Wife? Excuse me, but Heaven don't have any boyfriend how come she become your wife?" maarteng sagot nito.
Napipikon na umayos ako ng tayo at tinignan siya ng masama. "Can you just leave us? I'm her husband and I will take care of her," I said coldly. "Leave!" I shouted while pointing the door.
Napaatras ito sa gulat. Napatingin ito kay Heaven bago nanginginig na umalis. Aalis din pala gusto pa na tinatakot. Mga babae talaga. Pagod at pabagsak na umupo ako sa kama katabi ni Heaven. She's sleeping soundly. frustrated na ginulo ko ang buhok. Paano mo nagawa sa akin 'to, Heaven?
Hindi ko napigilan na mapasigaw habang hawak-hawak ang buhok. Ayokong maniwala na totoo ang nangyari pero kitang-kita nang dalawang mata ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Tinignan ko ang kanang kamay ko na ginamit ko sa pagsuntok kay Collin. May mga dugo iyon. Nanginginig ang kamay ko habang tinitignan ko iyon. Dugo ng kapatid ko. Ano ba ang ginawa ko? Hindi dapat ako umabot sa puntong yun.
"Cosmor..." halinghing ni Heaven.
Nanlaki ang mga mata ko bago marahang tumingin kay Heaven. Tulog pa rin ito pero binabangit niya ang pangalan ko. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. She was moaning my name. Rinig na rinig ko iyon habang hinahalikan siya ni Collin. Hindi kaya ako ang iniisip niya habang ginagawa sa kaniya ni Collin yun? Naalala niya na ba ako?
Napabuntong-hininga ako sabay gulo ng buhok. Ito na naman ako. Pinapaasa na naman ang sarili. Hindi madali ang pinagdaanan ni Heaven. Ako ang unang dapat na uunawa sa kaniya lalo na sa kalagayan niya.
Napaigtad ako nang maramdaman ko ang braso ni Heaven na pumulupot sa bewang ko pero dahil na hindi mahaba ang braso ni Heaven ay nalaglag ang kamay niya sa pagkalalaki ko. Bigla akong nakaramdam ng ibang kiliti dahil roon. Don't fucking tease me, Heaven.
Napalingon ako kay Heaven sakto naman na mapupungay ang mata na tumingin ito sa akin. Kusang gumalaw ng kamay nito at humaplos sa katawan ko. Muli nitong tinawag ang pangalan ko. Marahan itong bumango kaya agad ko itong inalalayan. Nanlaki ang mga mata nang bigla namang nitong hiyakap ang leeg ko sabay hila sa akin pahiga at hinalikan ako.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Tumayo ako bago siya tinitignan. Nakatitig lang ito sa akin gamit ang mapupungay nitong mga mata. Tsk, she likes being kissed when she's drunk. Napabuntong-hininga ako bago dumiretso sa balcony ng hotel room ni Heaven. I snatched my phone from my pocket and dialed the phone number of Mr. Valdez, the chief of the bodyguards I hired.
Ilang minuto pa ang lumipas bago sumagot si Mr. Valdez. Inaantok ang boses nito parang bagong gising. Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. Anong akala nila sa sahod na binibigay ko? Libre?
"Where are you? 11 is your report duty pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Kanina pa kayo hindi ma-contact!"
"My apology, Sir! Hindi inaasahan ng buong team ang pag-atake ng mga lalaki."
My forehead creased in confusion. "What do you mean?"
"May mga lalaki sumugod na hindi kilalang lalaki sa grupo, Sir. Ang nakapagtataka ay hindi sila gumawa ng malaking gulo o pinsala sa amin. Tinurukan lamang kami nito ng mga pamtulog."
"The f*uck, come here in Carreon hotel main branch. Siguradohin niyo na hindi na ito mauulit!"
"Yes, Sir!"
I hang up the phone call and come inside the room. Hindi ako puwede madatnan ni Heaven na kasama niya sa kuwarto. Magulo ang isip ko. Kung anu-anong pumapasok. Naglakad ako palapit sa paanan ng kama ni Heaven. Mahimbing na ang tulog nito. Napabuntong-hininga ako bago maingat na lumapit sa kaniya para ayusin ang pagkakahiga nito.
Pagkatapos kong kumutan si Heaven ay umupo ako pa-squat para titigan ang muka ni Heaven. Bilugang muka, saktong haba ng pilit mata, saktong tangos ng ilong, kahit na walang make up ay parang may kulay ang mga mata niya. Kung hindi ako nagkakamali ay eyeshadow ang tawag doon. Natural na kulay brown at orange kiss ang kulay niyon na lalong nagbigay ng ganda sa mga mata niya.
Huminga ako nang malalim bago napagpasiyahang umalis. Dumiretso ako sa opisina ko. I have some private room in my office. I've decided to slept here for a night. After I took a quick shower ay mabilis akong nakatulog.
Naging mahaba ang pagtulog ko. Nang magising ako ay tirik na tirik na ang araw. The sunlight was coming in through the glass window. Tumunog ang cellphone ko. It was the ringtone for a phone call not for an alarm. Hinilot ko muna ang sentido bago marahan at inaantok na bumangon ako. Inabot ko ang cellphone sa side table katabi ng lamp shade.
"Bro, ang tagal mong sumagot!" inis na pangbungad ng kung sino.
Naiinis na inilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Pamilyar sa akin ang boses pero hindi ko maalala kung sino ang tumawag. Tuluyan akong bumango at umupo sa gilid ng kama. Tinignan ko ang caller at napataas ang kaliwang kilay ko nang makita ang pangalan ni Joshua sa screen. Ano naman kaya ang kailangan nito?
"Joshua?! Paki mo ba! Natutulog pa ko, estorbo ka!" inis na sagot ko.
My brows knitted in annoyance, siya na nga itong estorbo siya pa itong magagalit. May kasalanan pa siya sa akin. He likes Heaven and he helps Heaven to escape that night with Justine.
"Baliw, Pare! Mamaya ka na matulog. Mayayare tayo kaya umayos ka!" galit ang tono ng boses nito.
Napakunot noo ako kasabay ng kaunting kaba na namuo sa dibdib ko. Kapag ito isa na naman sa mga pakulo at biro niya, asahan niyang masisira ang isa sa pinakamamahal niyang sasakyan. Huwag niya akong susubukan ngayon bagong gising ako.
"Ano ba yun, Pare?!" naiinip na tanong ko kay Joshua kasabay nang paghigpit ng hawak ko sa telepono.
"Pre, si Jana, balak magsalita sa nangyari 2 years ago. Kasama niya si Heaven ngayon!" natatarantang sabi niya. Tarantado mas nataranta ako sa sinabi niya.
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko mapigilang mapatulala. Ilang senaryo ang pumasok sa isip ko kung sakali ngang sasabihin ni Jana ang nangyari about 2 years ago. F*ck that bitch, I will sue her if something bad happened to my Heaven. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang magkapatid na yun. Mga sakit sa ulo.
"Pre! Andyan ka pa? Pre? Pre? Siraulo sumagot ka!"
Natauhan ako at agad na sumagot, "Papunta na ako." I immediately hang up the phone.
Mabilis akong nagbihis. I was naked the whole time I've slept. Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa side table at agad na umalis. I know Jana's house, it was the same house she lives in with her traitor sister.
Para akong nakikipagpatentero sa highway without minding the noisy beep of other vehicles. Wala pang kalahating minuto ay nasa harap na ako ng bahay ni Jana. Ang village na tinitirhan ni Jana ay may shortcut na papasok sa highway kaya mabilis lang ako nakarating. Pagkarating ko ay kinuha ko ang cellphone ko. I dialed Joshua's phone number.
"Nandito ako sa tapat ng bahay ni Jana. Nandito si Heaven, nandito ang sasakyan niya," bungad ko habang nakatingin sa sasakyan ni Heaven.
"Pumasok ka na! Pigilan mo si Jana! Ayaw niyang magpapigil sa'kin, pupunta rin ako diyan, bilisan mo!" natatarantang sagot ni Joshua sabay patay niya ng tawag.
Umakyat ako sa malaking gate na para sa sasakyan at walang kaalam-alam na bukas pala ang gate na para sa tao. Kung hindi pa humangin at gumalaw ang gate ay hindi ko malalaman. Potrages, pinahirapan ko pa sarili ko. Sa inis ko ay sinipa ko ang gate bago patakbo na pumasok sa loob.
"Heaven!" pasigaw na tawag ni Jana.
Sigurado ako na boses iyon ni Jana. Napalingon ako sa diresksyon ng kusina. Mukang nandoon sila. Mabilis kong tinungo ang kusina na may halong kaba at takot. Patay ka talaga sa'kin babae pag may nangyaring masama kay Heaven.
"Mou!" pagtawag ko kay Heaven nang makita ko ito.
Nakatayo ito habang tinatakpan ang kaniyang mga tenga. Pabagsak na siya at nanghihina na, tinakbo ko ang pagitan namin. Bago pa siya tuluyang bumagsak ay nasalo ko na siya. Nag-aalalang hinawi ko ang buhok na nakatabing sa muka nito. Sobrang putla na niya, lalo na ang labi niya.
Tinapunan ko ng masamang tingin si Jana. Kanina pa siya sumisigaw at natataranta habang tinatawag ang pangalan ni Heaven. Umiiyak itong napatingin sa akin. Potrages, walang magagawa ang pag-iyak niya. Hindi ako naaawa sa kaniya mas lalo lang akong naiinis sa itsura niya.
"Sorry, sorry, hindi ko sinasadya, sorry," sunod-sunod na turan nito, habang nanginginig ang boses.
Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya. Nagmamadaling binuhat ko si Heaven para dalhin sa hospital. This is Jana's last warning, ilang beses na siyang pinatahimik pero sigi pa rin siya. Hindi siya gumaya kay Cyrene na tahimik lang. Huwag niya isisi sa akin kapag hindi nakapagpigil si Joshua at saktan siya.
Nasa labas ako ng kuwarto ni Heaven habang nakaupo sa waiting chair na nasa hallway. Mahimbig ang tulog ni Heaven. Ang sabi ng Doctor ay mabuti na ang kalagayan ni Heaven pero maaaring sumakit ang ulo nito, mas malala sa mga nakaraang nangyari. Hindi pa rin sigurado ang Doctor sa memories ni Heaven hangga't hindi pa nagigising si Heaven. Ito ang ikinakatakot ko. Her brain may betray her, instead, she gain more memories she might lost everything.
"Pre!" Joshua's voice suddenly show up. Nagpa-angat ako ng ulo mula sa pagkakayuko nang marinig ko ang boses si Joshua. Nakita ko itong tumatakbo palapit sa akin. "Pre, anong nangyari?!" tanong nito nang makalapit. Tinapik niya ang balikat ko bago tumabi ng upo.
"Nahuli ako, pre. Nakita ko na lang na nawawalan na nang malay si Heaven, kaya sinugod ko agad dito."
Halos sabay kaming napapapuntong-hininga. Hindi ko maiwasan na hindi magselos kay Joshua dahil naaalala siya ni Heaven pero ako hindi. Kung sa bagay, Joshua never did anything wrong against Heaven. Joshua is much more protective to Heaven kumpara kay Justine, hindi ko naman masisi si Joshua dahil si Heaven ang nandiyan sa tabi niya nung mga panahon na naghiwalay ang mga magulang niya.
"Asan si Jana?!" mahina ngunit pagalit na tanong ni Joshua.
"Umalis, tatawagan muna raw sila tita, bibili na rin daw ng makakain," pagod na sagot ko.
Napabuntong-hininga ako bago ipinatong ang mga siko sa tuhod ko. Nakahawak naman ang mga kamay ko sa ulo ko. Nakakapagod ang nangyari ngayon. Kahapon at ngayon, walang bago. Simula nang magpakita ako kay Heaven ay ito na ang mga nangyari.
Frustrated na ginulo ko ang buhok ko sabay kawala ng malalim na hininga. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang sekretarya ko. Hindi ko puwede ikansela ang mga meetings ko ngayon. Mga importanteng tao at may sinabi sa lipunan ang mga makakausap ko ngayon. I-u-urong ko lang ng kaunti ang oras.
Tatapusin ko ngayon ang dapat kong gawin ngayon at sa mga susunod na araw. Hahayaan ko munang si Collin ang humawak sa kompanya habang wala ako pansamantala. Collin is good at handling business. Ito na lang ang kabayaran sa ginawa niya kagabi. Binaba ko ang telepono pagkatapos ko sabihin ang dapat gawin ng sekretarya ko. Bumalik ako sa pagkakayuko.
"Joshua?!" Jana voice shows up, her voice seems scared and trembles.
Ilang yakap ng mga paa ang narinig ko, mukang hindi lang si Jana ang nandito may kasama siya. Mukang kumuha ng kakampi. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Pagod ako at nag-aalala sa kalagayan ni Heaven, mas mabilis uminit ang ulo ko sa ganitong estado, dapat hindi na bumalik pa si Jana, baka mapatay ko siya.
"Siraulo ka, Jana! Ano bang pumasok sa kukote mo at ginawa mo 'to?!"
Bigla akong napa-angat ng ulo nang sumigaw si Joshua. Galit na galit ito, kitang-kita sa mga mata ni Joshua, parang ano mang oras ay handa siyang manakit ng babae. Pulang-pula ang buong muka nito hanggang leeg. Napatayo ako para awatin si Joshua. Babae pa rin si Jana.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top