Chapter 5

EDGE'S POV~

Pinagmamasdan ko si Jazz habang naglalakad sya sa harapan ko. Papasok na kame sa classsroom nun. Masaya ko nun kase pumayag sya na sabay na kameng papasok sa school pag pwede.

Actually, hindi sya pumayag. Napilitan lang, kase wala naman sya magagawa. Bwahahaha!

Napansin ko na kahit ang angas angas nya, graceful parin sya maglakad. babaeng babae, unlike sa ugali at pananalita nya na parang lumaki sa kalye.

Pagpasok namin sa room, dumiretso nanaman sya dun sa sulok na dati nyang inuupuan, sumunod naman ako sa kanya.

Tumingin sya sakin. That cold blank stare!

"what?"

 

"dun ka."

 

TInataboy na naman nya ko. Bakit ba mas gusto nya mag isa? "Ayaw mo ba ko katabi?" pabirong sabi ko. Pero mukang minasama nya iyon. Tinitigan nya ko ng masama.

okay.. okay.. back off.. sabi ko nga eh..

 

Wala kong nagawa kundi bumalik na lang sa dati kong upuan. Napansin kong si Chase lang ang nandun at wala si James. Naupo ako.

"what was that?" di makapaniwala na bulong ni Chase sakin.

"huh?" patay bata na sagot ko.

"Hoy gago. wag ako ha? NAkita ko yun." siniko nya ko. "bat parang balak mo pa tabihan si mysterious girl?"

 

Natawa ko sa isip ko. Mysterious girl talaga? hahaha. Nilingon ko si Jazz, Oo nga, may pagka mysterious sya. Siguro yun ang dahilan kung bakit ko ginagawa lahat ng ito. She's so interesting.

"Anu na?" paniniko ulit ni Chase. sumusobra na toh ah?

"Asan si James?" iwas ko sa usapan.

"Asa labas. Pwede ba sagutin mo yung tanong ko?"

 

Sa totoo lang, wala kong balak na sabihin kay Chase kung anong ginagawa ko, dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano tong kalokohan na pinapasok ko.

Buti na lang dumating yung prof kaya hindi na nakapagtanong si Chase. Mamaya magiisip na lang ako ng paraan para makatakas sa kanya. Pumasok na rin si James.

Every now and then napapalingon ako kay Jazz (na dapat iwasan ko na kung ayaw kong lalu akong kulitin ng mga kumag kong kaibigan). Lage na lang syang mukhang bored.

Napansin ko maya maya na nagsusulat sya..

No..

I think nagdodoodle sya..

Bored na bored.. hahaha!

Nung napatingin ako ulit, Napatingin din sya sakin.

Huli ka! Tinitingnan mo din pala ko ha?

Nginitian ko sya.

Nagulat ako dun bigla syang lumingon sa ibang direksyon. Hindi yun ang kinagulat ko, kakaiba kase un reaction ng mukha nya. Parang nagulat na na confuse na ewan..

Tss. She's so hard to read.

***

Pagkatapos ng period namin na yun, nagmamadali nanaman sya na lumabas. Napatayo tuloy ako agad.

"oh? san ka pupunta?" si Chase. "May isa pa tayong subject dito!"

 

"Wait lang." wala sa sarili na sabi ko.

Agad na napatakbo ako palabas. Hinanap ng paningin ko si Jazz, nakita ko sya nasa may hagdanan na. Anu ba? may elevator naman, bakit ayaw nya gamitin?

Nilapitan ko sya.

"huy!"

 

Hindi nya ko nililingon.

"pag hindi mo ko nilingon, isisigaw ko pangalan mo." banta ko.

Hindi naman ako nabigo dahil tumingin sya sakin. Napangisi ako. Lalung nalukot ang mukha nya. She hates it when i grin at her.

"what do you want?"

 

Inabot ko sa kanya ang isang sandwich. "Kinuha ko sa bahay nyo. Hindi ka kase nagbreakfast baka magutom ka."

 

Napansin kong naghesitate syang kunin yun.

"Kunin mo na." udyok ko.

Paismid naman nyang kinuha. Tapos sabay alis.

Natawa ko. Sus! Pakipot pa! TAtawa tawa bumalik ako sa classroom.

***

JAZZ'S POV~

 

 

Para kong tanga! Para kong tanga!

Padabog akong naupo sa may ilalim ng puno sa lower grounds ng school. BAkit ba ganun na lang nagiging reaction ko kay Mongols?

Tinitigan ko ang sandwich na nasa kamay ko.

itatapon ko ba?

 

sayang ehh..

 

Ang wirdo ko nakakainis! Hindi ko rin maintindihan yung naging reaction ko nung binigay sakin ni Sebastian etong sandwich na to. Muli ko yung tinitigan.

"Kinuha ko sa bahay nyo. Hindi ka kase nagbreakfast baka magutom ka."

 

Natouch ba ko?

Anu ba namang kalokohan yan Jazz? HIndi mo pa gaanong kilala yung tao lumalambot ka na agad? malay mo ba kung may masamang motibo yan sa pakikipag lapit sayo? Eh di patay ka nanaman? 'Yan hirap sayo eh!

 

Ginulo ko ang buhok ko. Anu ba?! Leche naman kase yang Sebastian na yan, pilit na iniinvolve ang sarili nya sa buhay ko! Tsk.

Naglakad ako palayo. Parang trip ko nanaman magcutting.

Naiinis pa ko dahil andame kong dala.

Imbis na binder lang ang hawak ko, nakadagdag pa tong sandwich na toh. Tsk.

Pinagisipan ko kung kakainin ko ba yun. In the end, naisip ko na wala naman sigurong masama. Basta iyon na ang huling beses na tatanggap ako ng kahit anong bagay sa isang tao. Besides, gutom naman na talaga ko.

***

EDGE'S POV

 

 

"Alis na ko, may kukunin lang ako sa library." Paalam ko kina Chase nung Lunch break na. Dali dali akong umiba ng landas habang papaupo sila sa Cafeteria.

Hinawakan ako bigla ni Chase sa braso. "hep hep! san ka?"

 

"Sa Lib nga! kulit!"

 

"Sus! Lib nanaman? Ang sabihin mo umiiwas ka."

 

"Hin-"

 

"Okay! HIndi na kita kukulitin kung ayaw mong sabihin!" Nakangising sabi nito.

Naghesitate ako.

NAupo na si Chase at James.

Naisip kong wala naman talaga kong gagawin sa library. Aalis na lang ako pag kinulit ako ulit ng kumag na to.

KAnina ba naman pag balik ko ng room walang tigil sa kakatanong? tsk. Naupo na ko sa tabi nya sa usual na pwesto namin sa cafeteria.

"sinasabi ko na nga ba eh." nakangising sabi ni nito. "Hindi na kita kukulitin, wag ka magalala. Malalaman ko din yan."

 

"Uy, teka! Anu yan ha? Ba't di ako kasali?" paepal ni James.

"Wag ka na, Boy!" si Chase.

"Ganyanan na ha?" patampo tampo pa kunwari ito. parang tanga.

Naging animated na ulit ang kwentuhan habang kumakain kame. Hindi ko masyado naiisip si Jazz dahil ang kukulit ng mga kasama ko. Puro chics ang pinaguusapan nila, nakikitawa na lang ako kase wala naman akong lovelife ngayon. Hindi ko naman masasabing love life yung samin ni Gab.

Speaking of Gab...

**message alert tone**

 

I Looked at my cell.

ONE MESSAGE RECEIVED:

Gabby:  Hi Edge! Text me naman if you're free. I wanna hang out with you kase. :)

Wow. Mukhang napapadalas na gustong lumabas ni Gabby ngayon ah?

Nagreply ako.

To Gabby: Sure! HAbang wala pa masyadong gagawin sa school. Take care.

MAya maya nagreply ulit sya.

Gabby: That's Great! Just text me ha? Anytime you want! :D

To Gabby: Okie dokie!

Buong araw kame naging busy nun. After kase ng Lunchbreak, tuloy tuloy na subjects na until 5pm. Maswerte ka kung bigyan kayo ng break ng professor nyo. Which in our case. Walang break.

Puro umaatikabong discussion.

NUng uwian, sabay kame ni Chase, nasa Casa daw kase yung auto nya. sa subdivision din naman sya nakatira.

"thank you bro ha?"

 

"no problem!" sagot ko nung makababa na sya sa tapat ng bahay nila.

Nung nagddrive na ko pauwi sa bahay, may nakita akong pamilyar na pigura. Si JAzz! ba't kaya ngayon lang uuwi tong babaeng to? Dapat kanina pa sya nakauwi ah?

 

bumusina ako.

Nilingon nya ko pero deadma na parang wala syang nakita.

Tinapatan ko sya at binaba yung salamin ng kotse.

"Get in." sabi ko. "hindi ka dapat naglalakad dito ng dis oras ng gabi. anu ka ba?"

 

"Ayoko. Kaya ko maglakad."

 

 Ay ang kulit! "Sasakay ka, o ako pa magsasakay sayo?"

 

 Again, napilitan sumakay si sungit.

"Let me get things straight." bungad nya agad. "Stop ordering me around. Hindi mo ko alila. Wag ka rin masyadong sunod ng sunod sakin dahil ayoko sa mga makukulit na tao."

 

"Hindi kita sinusundan no!"

 

"Whatevs!" She rooled her eyes. "Basta wag ka dikit ng dikit sakin!"

 

"Bakit may magagalit ba?"

 

"Wala ka ng paki!"

 

"Hindi nga?" Pangungulit ko.

 "It's none of your business. Isa pa, wag kang tanong ng tanong!"

 

Natawa ko. I doubt it kung may Bf nga sya na magagalit kung dikit man ako ng dikit sa kanya. Alam ko naiirita lang sya, and she prefers to be alone.

May naisip ako. "Pag sinunod ko ba yang mga rules mo na yan, papayag ka nang maging friends tayo?"

 

Kinunutan nya ko ng noo. Tinitingnan siguro kung siryoso ako. And when she was satisfied at what she's seeing, she said, "I'll try."

 

"Bakit 'I'll try' pa? Bakit hindi mo-"

"Bahala ka nga sa buhay mo!"She cut me off.

NApabuntong hininga ako. "Fine! 'I'll try' will do." pinapahirapan talaga ko netong babaeng to.

Hindi ko na gaano nakikita si Jazz sa mga sumunod na araw. Sali saliwa kasi ang sched namin. KAhit sa bahay, hindi ko rin sya nakikita. Masyadong mailap. Tingin ko gabi na sya umuuwi, ang hindi ko alam eh kung san sya nagpupupunta.

Ang sabi noon ng Mommy nya, taga bulacan sila. It means malayo dito kung sino man ang mga friends nya. Sino kayang kasama nya?

Excited na tuloy ako mag thursday para masundo ko ulit sya.

 Pero muli, nadismaya lang ako nung sumapit ang thursday. Pagdating ko sa bahay nila, wala daw si Jazz, hindi umuwi.

Tinanong ko syempre yung mother nya kung saan pumunta si Jazz, pero hindi daw nya alam.

WTH?!

parang walang kapaki pakialam sa anak nya?

Hays.

Kaya ayun, nakasimangot syang umuwi, kahit naman kase sa school hindi ko rin nakita si Jazz.

Saan ba nagsususuot yung babaeng yun? Ba't hindi nanaman pumasok??

 

Maghapo akong wala sa mood. Hindi din ako makausap ng matino nila Chase. Nagtataka na rin naman ako sa sarili ko kung bakit masyado kong apektado sa hindi paguwi uwi ni Jazz. Saka na rin sa pagwawalang bahala ng Mother nya sa kanya.

Jeez.. kakikilala ko pa lang sa kanya a few weeks ago.

Ni hindi ko nga masabi na kilala ko na talaga sya eh. Hindi pa naman kame nagkakausap ng matino ng babaeng yun, tas ganito na ko umasta?

Hindi ko talaga maintindihan. Why I can't seem to leave her alone?

Friday.

Hindi parin pumapasok si Jazz.

Nagaalala na rin ako baka ma drop na talaga sya ng tuluyan sa subject namin.

Shit! 'Di kaya nag drop na talaga sya?!

Ano ba yan?!

Nababalisang pinaikot ikot ko yung ballpen na hawak ko sa pagitan ng mga daliri ko. Sana naman hindi sya nagdrop! Sana hindi!

 

'Eh ano naman sayo kung nagdrop na nga sya?' my mind jeered.

Kainis! Bakit ba kasi ako nagkakaganito?

"pre., wala ka sa hulog ah." puna ni Chase sakin.

"Wala lang."

 

"Ba't pala hindi nanaman pumasok si Mysterious Girl?"

 

Do you need to rub it in, dude? Tss. "Malay ko? HIndi kame close."

 

"Utot mo, dela Rosa."

 

Buti na lang bumalik na si Chase sa gingawa nya.Paepal eh.

Nakuha na ni Chase yung auto nya kaya wala na kong kasabay pauwi. Medyo madilim na nung napagpasyahan ko yun, tumambay na lang ako ulit sa gym, pero hindi na ko nagbasketball. Naupo lang ako dun, nakatingin sa kawalan.

Nagdadrive na ko ngayon pauwi. As usual, lumilipad ang utak.

Papaliko na ko sa street namin, medyo madilim sa bahaging yun ng subdivision. Nagliwanag lang ng konti dahil sa headlights ko.

napansin ko yung mga kalalakihan na nagkumpulan sa may gilid. Apat sila. Hindi ko kilala.

Nun ko biglang nakita na may parang hinaharass sila na babae.

Si Jazz!

Tsk.

Bumusina ko para malaman nila na nakita ko sila.

Pero hindi sila tumigil.

Bumaba agad ako.

"Hey!"

 

"sino ba tong asungot na to, miss? Bf mo?" sabi nun isa.

"tapang ah!" sabi naman nun isang medyo matangkad.

"Leave her alone." matapang na sabi ko.

Dalawang maliit. Dalawang medyo malaki. Sa isip isip ko, siguro naman kakayanin ko tong mga mokong na to.

"Bitawan mo sabi ako."nagpupumiglas si Jazz sa isang tabi. Hawak hawak sya nung isang medyo malaki din.

"you heard her." sabi ko. "bitawan nyo sya."

 

"Tapang mo ah!"

 

Bigla na lang ako sinuntok nung isa. Tss. Naunahan ako dun ah?

Kahit papano naman kaya ko lumban sa kanila. Nagaral ako ng Judo dati nun High school ako, hindi ko nga lang tinuloy kase naging busy na ko sa school. Nagawa ko naman silang upakan, nagsitakbo na rin ang mga mokong nung may dumating na security guard.

Pagkatapos ko magpaliwanag sa sekyu ay umalis na kame.

Sapo sapo ko yung panga ko. Duguan din ang ilong ko at putok ang ibabang labi ko.

"Okay ka lang?" Ngayon ko lang naisipan na tanungin si Jazz. Napaka un gentleman ko.

"You don't have to do that." Nagtatagis ang bagang na sabi nya sakin.

What the hell is wrong with her?!

Sya na nga yung niligtas, parang sya pa ang galit! Tsk.

"What are you saying? pano kung na rape ka ng mga yun?!"

 

Naglakad na sya palayo. Narinig ko pa na bumulong sya ng, "who cares?"

Agad ko syang sinundan. "What do you mean, who cares?" I demanded. "You're mother cares. I care! Pwede ba sandali lang, kausapin mo muna ko."

 

Hindi sya natinag.

"will you stop walking woman?!"

 

Galit na binalikan nya ko."Didn't I tell you to stop ordering me around?! It pisses me off!"

 

"I will order you around as I please. Lalu na kung ganyan ang attitude mo!" I crossed my arm in front of my chest. "Aba! Ikaw na nga tong niligtas, Ikaw pa ang galit! Ibang klase ka talaga! The least you could do is say thank you, pero ano-"

 

"EH DI THANK YOU!"

 

 

 

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top