Chapter 4

JAZZ

"Uh..yeah. That's also my name."

Napailing ako. "Narinig ko yung daddy mo na tinawag ka na Sebastian." nagpatuloy ako sa paglalakad habang tahimik siyang nakasunod sa akin. He was smiling sheepishly. Mukhatalagang tungak ang isang ito.

"How about you? Aren't you going to tell me your name?"

Ayoko talagang sabihin sa kanya ang pangalan ko kaya sinubukan kong ibalik sa kanya ang topic."What's with Edge? Feeling mo ikina-cool mo 'yon?"

He rolled his eyes at me. "Wala ka nang pakialam doon." he looked at me again. "Will you stop evading me? Sagutin mo kaya ang tanong ko?"

"Hindi porket sinabi mo sa akin ang pangalan mo, kailangan ko na rin sabihin sa'yo ang akin."

"Kailangan mong sabihin sa akin dahil kung hindi dahil sa'kin, nakakulong ka parin sa gym. Mag-isa, at higit sa lahat, gutom." nakangisi namang sagot niya.

Tss. Bakit ba kasi nakulong kulong pa ako sa bwisit na lugar na 'yon? Which put me in the mercy of this asshole. Kaasar! Naghahanap lang naman ako ng matatambayan na tahimik dahil ayoko pa ngang umuwi, dun naman ako napadpad.It's quite perfect. Deserted at tahimik. At kung bakit  ba naman hindi ko narinig na sinasara na pala ng bwisit na guard na yon ang gate?

"So?"

"Jazz."

"Jazz.. Jazz what?"

"Just Jazz! Ano bang feeling mo? Kasing bantot ng pangalan mo ang pangalan ko? The nerve!" iritableng sagot ko.

He just smiled. "I meant your surname. But no need to tell me, naalala ko na pala. It's Serrano, right?"

"I reluctantly nod. Paano niyang naalala?

"Ang ganda ng name mo," sinabi niya iyon habang nakatitig sa mata ko. Sa huli ay para din naman siyang nahiya na agad nagbawi ng tingin, yumuko sabay talikod. "Tara, andun yung kotse ko."

Sinundan ko na lang siya papunta sa sasakyan niya. Okay lang naman siguro kung sumabay nga ako sa kanya na umuwi, kapitbahay ko naman siya. Isa pa, baka mahirapan na rin ako humanap ng masasakyan sa ganitong oras.

Humantong kami sa tapat ng isang pulang Honda Civic. Nice. In fairness, bagong model naman ang kotse ni kumag.Hindi ko kasi ito napapansin sa bahay nila. Ang madalas na nakikita ko lang ay iyong Pajero nila. Baka iyon ang ginagamit ng Dad niya.

Pinagbukas niya ako ng pinto na nakapagpaismid sa akin. Pa-gentleman pa 'tong engot na 'to.

Maya maya lang ay nasa byahe na kami. Smooth naman siya mag-drive, mukhang sanay na. Sabagay, halata namang may kaya sila Sebastian, malamang niyan ay bata pa lang marunong na siya magmaneho.Ako kasi, kahit may kotse si Mommy, hindi naman niya ako tinuturuan na magmaneho. Di nga kasi kami close. Saka wala naman kaming pambili ng isa pang chikot. So, what's the use?

"Bakit ka nga pala absent?"

Kumunot ang noo ko. Masyadong matanong ang taong ito. Tsk.

"I'm thinking of dropping the subject."

"ha? Bakit naman?"

Ngumuso ako. "Anong paki mo?"

"Grabe 'to! Tinatanong ka lang, eh. Bakit ang sakit mo magsalita?" Ngumuso din siya. Anak ng--! May gana talaga siyang magpa-cute?Okay, sige. Cute talaga siya. Pero--No! Hindi ko siya type!

"Masyado kasing mataas yung room." napipilitang sagot ko.

"Pumasok ka kasi nang maaga para hindi mahaba ang pila sa elevator."

"Ayoko."

He glanced at me. Fuck! Bakit ba tingin ka nang tingin? Hindi ako sanay na may nagbibigay ng ganitong klase ng atensyon sa akin. 

"May ba pa naman sigurong paraan. Bakit naman drop agad iniisip mo?"

"Wala ka na ngang paki dun!" naiinis na pakli ko. "basta magda-drop ako."

"Sayang ang pera!"

"So? Pera mo?"

"Sayang time!"

"Time mo?"

"Yun na nga lang ang subject na kaklase kita, eh."

I looked at him with narrowed eyes. "Ano ngayon?"

Hindi siya sumagot.

"Type mo ba 'ko?" diretsahang tanong ko.

Bigla naman siyang natawa. Aba! Nakakalalaki na 'to, ah! Anong nakakatawa sa tanong ko?Hindi ba ako ka-type type para sa kanya? Tarantado.

"Hindi sa ganon."

"Anong hindi sa ganon? Sus!"humalukipkip ako. Parang bata na hindi nakuha ang sagot na gusto niyang marinig.

"Mag-seat belt ka nga," utos niya.

"H'wag na. Ang lapit lapit lang naman."

Napailing si Sebastian. "Pasaway ka talaga."

matapos ang sagutan naming iyon ay tahimik na kaming nag-byahe. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba iyon, o ano. Malapit lang naman ang school sa subdivision namin. Around thirty minutes siguro yung byahe kaya saglit ko na lang na titiisin yugn awkwardness sa pagitan naming dalawa. Hindi na talaga kumibo si Sebastian pero napapansin kong patingin tingin siya sa akin. Hindi ko lang pinupuna kasi baka mamaya sa side mirror pala talaga siya nakatingin, napahiya pa ako.

"We're here!" parang bata na anunsyo niya nang tumigil ang kotse sa tapat ng bahay namin.

"Alam ko." 

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse nang pigilan ni Seb ang braso ko. "Wait!"

Tiningnan ko nang masama ang kamay niya na agad naman niyang binawi. Umibis ako ng sasakyan at saktong isasara ko na ang pinto nang magsalita siya. "Friends na ba tayo?"

"Libre mangarap."

"Paano naman naging pangarap yon? Artsta ka ba?" pailing iling pa na sabi niya.

Nainis ako. Ayoko talaga sa lahat ay iyong sinasagot sagot ako nang ganun. Itong Sebastian lang na ito talaga ang may lakas ng loob na sagutin ako nang pabalang.Nasanay kasi ako na iwas sa'kin ang ibang tao . Palibhasa ay ganoon din kasi ako sa kanila. Nasanay na ako na kaunti lang ang kaibigan at kaunti ang kinakausap. Mas gusto ko mapag-isa.

Nagmartsa na ako papasok ng bahay nang may maalala ako. May dapat pala akong itanong sa lalaking 'to.

Nilingon ko siya at nakitang papasok na ng garahe ang kotse niya.

Hinintay kong lumabas siya ng kotse bago ako lumapit nang kaunti. Nagkunwari pa ako na nagsisintas ng sapatos ko. Baka naman kasi isipin gnSebastian na 'to na super gwapo siya at hinihintay ko siya.

"HoY!" sigaw ko nang aktong isasara na niya ang gate.

Nilingon niya ako na may kasamang ngisi. "Oh?"

"Wipe that grin off your face! What does SG stands for?" curious lang. Promise.

"Sungit Girl." sabay tawa.

"Bwisit." I spat. "Don't ever use it again."

"Why not?" he asked, still smiling.

"It's annoying." sagot ko sabay talikod na.

Tuloy tuloy na ako sa loob ng gate at hindi ko na siya nilingon pa. Pero ang lakas talaga ng vibes ko na tumatawa siya. Nakakainis! Tukmol talaga!

****

Sabado na noon. Wala kaming pasok sa school kaya I stayed all day in bed. Inabot na ako ng tanghali sa kama dahil wala naman akong ibang plano ngayon araw na ito. Sigurado rin naman akong wala si mama. Malamang ay may ka-date nanaman ito. Tsk.

Napilitan akong bumangon para isara sana ang blinds ng bintana ko dahil nasisilaw ako sa araw. Di sinasadyang napasilip ako sa labas ng bintana at natanaw si Seb mula roon.

Naglilinis siya ng sasakyan habang walang anumang suot kundi ang isang jersey shorts. Kahit malayo ay pansin ko kung gaano kaumbok ang pecs at ang six pack abs niya. Napalunok ako. Fuck! Mabilis na isinara ko ang bintana bago pa niya ako mahuling naglalaway sa katawan niya.

Hindi ako naglalaway! Hindi ko naman kasalanan na show-off ang lalaking iyon!

Nakangusong dinampot ko na lang ang ipod mula sa nightstand. I connected it to my wireless speaker via bluetooth and played a song by Yellowcard. Itinodo ko ang volume.

Ibinagsak ko ang ulo ko sa unan at saka mariing pumikit. The song suddenly sounded differen to me. Like it was speaking to my soul, making me remember things that I tried hard to forget. 

"Argh!" I bolted upright and buried my face in the palm of my hands. I screamed against it until my throat felt sore. "Don't do this, Jazz," I told myself. "Okay ka na, hindi ba? You were doing fine! Well, not entirely okay but you were getting there, right? You're getting there!"

Napahilamos ako sa mukha ko. Pinahiran ko ng likod ng kamay ko ang pawis na nananalunton sa sentido ko. I grabbed my ipod to turn the music off.

Mukhang hindi makakatulong ang mga ganyang kanta sa akin ngayon. I realized that. I pulled my drawer open and stuck my ipod inside and locked it. I don't want to risk listening to music only to feel that shitty again.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. Wala sa loob na napahawak ako sa braso ko.

BUmaba na lamang ako para humanap ng makakain. Marami nun sa ref. In all fairness to my mom, she's not entirely a negligent mother. Kahit pa paano ay nasisiguro niyang napupunan ang basic needs ko. Ako lang naman itong naghahanap ng aruga sana niya.

I went out holding a sandwich and a can of Pepsi in my hand and was taken aback when somebody shouted. "Hi, Miss SG!"

Napakurap kurap ako. What the heck?

Inirapan ko si SEb na nakatayo sa tapat ng gate namin.

"Ay, hindi na pala SG, SSG na."

I gave him a puzzled look.

"SSG. Super. Sungit. Girl," sabi niya na binuntunan pa ng malakas na halakhak.

Tumirik muli ang mata ko. "You know what? Hindi ka nakakatawa. Umalis ka nga dito!"

Tumalikod na ako at tangkang papasok na sa loob ng bahay nang muli ako tawagin ni Seb. Nagpakawala ako ng mahinang mura. Nakakasira talaga ng araw ang mokong na ito! Sobrang kulit niya! Sobrang corny! 

"Jazz!"

Nakakairita yung boses!

"Jazz!"

"Oh ngayon Jazz na?" pabulong kong sabi. Nilingon ko siya. He was grinning so widely habang nakahalukipkip ang dalawang braso niya sa harapan ng bahagyang maumbok niyang dibdib. He was wearing a white shirt and a blue, striped pajamas. He looked so fucking---I mentally punched myself. "Ano ba kasi yon?!"

"You look beautiful today."

I looked incredulously at myself. Naka-sleeveless ako at naka PJs gaya ni Seb. Ito ang usual na pantulog ko. At alam ko rin na sabog ngayon ang buhok ko dahil hindi ko naman ugaling magsuklay. Paanong sabi nitong tukmol na 'to na maganda daw ako ngayon? Saan banda?! Nag-init lalo ang ulo ko. Akala yata niya ay kaya niya akong utuin kagaya ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya sa eskwela!

Awtomatikong napa-about face ako at nagmartsa palayo.

"Hey, where are you going?May sasabihin pa ako!"

I didn't listen to him. Ayoko sa lahat, mga taong sinungaling!

"Jazz, wait! Saglit sabi!" kinalampag niya ang gate namin na parang tanga.

"WHAT?"

Hindi na ako nag-abala na lingunin pa siya.

"Sa monday. Agahan mo gumising, ha? Sabay tayo pumasok. Susunduin kita!"

I gave him the dirty finger.

***

Dahil sinira nang husto ni Sebastian ang araw ko ay nagpasya na lang akong lumabas. Thank goodness he wasn't outside when I left. Kung nagkataon ay baka mas lalo pa akong nabuwisit. Nagpunta akong muli kina Senna. I decided to stay overnight para hindi na ako magbyahe muli pauwi.

I texted my mom that I will not make it home but I received no reply. There's no surprise there. Maybe she just doesn't love me at all.

Wala ang parents ni Senna dahil nasa out of town trip ang mga ito. Kaya naman malaya kami natumambay sa bahay nila. Even her brother was not around that time. Hindi rin naman ako curious para magtanong pa.

"How was your new school? Have you found new friends? Mas cool ba sila kaysa sa akin?" tudyo ni Senna.

Hindi ko alam ngunit awtomatikong pumasok sa isip ko si Sebastian.

I shook my head. "It's fine. Wala rin akong interes na makipagkaibigan."

Umingos si Senna. "Ang arte mo naman. Hindi naman ako magseselos kung makikipagkaibigan ka sa iba." She laughed. Naupo siya sa tabi ko sa veranda at inalok ako ng sigarilyo.

I waved my hand at her. "No. Thanks. Nag-quit na ako, diba?'

"Baka sakali lang mademonyo ulit kita."

"Gago!" hinampas ko siya sa balikat.

Kahit maraming bisyo at itinurong bisyo sa akin si Senna, she's the only one who remained by my side after all that happened. When I was really down and depressed, siya ang dumamay sa akin. She didn't leave me. Halos siya ang tumayong nanay sa akin nung mga panahon na iyon. Hindi naman talaga niya sinadyang ituro sa akin ang mga bisyo niya. Nagkataon lang na nung panahon na iyon ay baliw na baliw ako. I didn't know what to do. I didn't know who to turn to. So I tried.

"Eh lovelife, kamusta?"

"Tama bang yan pa kamustahin, teh?"

She laughed. "Ah! Talagang nagpapakadalubhasa ka na d'yan sa good girl act mo, ha?"

"It's not like that," tinungga ko ang lata ng beer sa tabi ko. "I just don't feel like it. So, chill muna tayo."

"Sabi mo, e."

Sumapit ang kinaumagahan ng lunes, boses ni Mommy ang gumising sa akin.

"Jazz, ano ba? Hindi ka pa ba babangon d'yan?"

I rubbed my eyes before I checked my alarm clock. 6am? What the hell? Ang aga naman manggising ni Mom? I tought I was already late. At very seldom na gigisingin niya ako sa umaga.

"Wake up, already!" hinampas niya ako ng unan.

"Mom? Stop! Ang aga aga pa!" Nagtalukbong ako ng kumot ngunit mabilis na hinablot din niya ito. "Mom?! Eight AM pa ang pasok ko!"

"Get up. Sinusundo ka na ni Seb. H'wag mo ngang paghintayin iyong tao."

Napabalikwas ako ng bangon.  Paglingon ko ay nakalabas na ng kwarto si Mommy.

Sinusundo? Ni Sebastian? What?

Bumangon ako sa kama at dali daling bumaba. Ano na naman bang sinasabi ni Mommy? Bakit ako susunduin nang ganito kaaga ni Seb? Napanganga ako nang pagbaba ko ay nakita ko ngang prenteng nakaupo si Sebastian sa sofa at nagkakape.

"Good morning!" masiglang bati niya.

"What the fuck are you doing here?!"

"Jazz! Be nice to Seb!"

Napairap ako saka muling hinarap ang binata na ngingisi ngisi sa harap ko. "What the hell, Seb?" I hissed.

"Why do you look so surprised?" nakangiti pa rin niyang sagot niya. "Diba sabi ko naman sayo na susunduin kita today? Alam ko tanghali ka na gigising kaya inagahan ko na."

Nanalaki ang mata ko. " I didn't think you were serious!"

"But, I am."

Lumapit ako at binato siya ng throw pillow sa mukha. "Get out!"

"Hey–"

"I said, get out!"

"Jazz!" I heard mom called. "Ganyan ba dapat trumato ng bisita? I told you to be nice!" bumaling siya kay Seb. "Gusto mo pa ba ng kape, hijo?"

"Hindi na po, tita. Thank you." he politely smiled.

"if you need anything, just tell me, ha?" Napatirik ang mata ko. Bakit kay Seb ang bait niya? Ako yung anak niya!

Nang makaalis si Mom ay saka muling bumaling sa akin si Seb. "Magprepare ka na. Para hindi tayo ma-late."

"Ayoko." sabay halukipkip.

"Jazzy–"

"Stop calling me stupid names!"

Cmon–"

"Kung ayaw mo umalis, bahala kang ma-late d'yan kakahintay!"

"Walang mali-late!"

"Meron. Ikaw."

"Wala.Pareho tayong maaga papasok. Ngayon, kumilos ka na kung ayaw mong ako ang magpaligo sa'yo."

I looked at him incredulously. "No!"

"Yes." nakangiting sagot niya sabay kindat.

"Ugh! Fuck you!" bulalas ko saka tumalikod. Alam kong hindi naman talaga niya gagawin yung sinasabi niya pero I have my doubts. He's so annoying!

Napilitan talaga akong mag-ayos na. Badtrip talaga!

"Aren't you gonna eat breakfast?"

"No. Let's go." iritableng sagot ko at tuloy tuloy ang lakad sa palabas.

"But breakfast is the most important meal of the day!"

Hindi ko siya pinansin. Hinintay ko na lamang siya sa tapat ng kotse niya na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Ilang segundo bago siya lumabas ng bahay namin. Nang makita akong nakaabang ay nakipag unahan pang buksan ang pinto sa side ko ng kotse. Inangilan ko siya nang saglit na magdikit ang balat namin sa pag aagawan sa bukasan ng pinto. He grinned at me nang walang nagawa na ako na lang ang nagpaubaya. Tss! P-gentleman pa si gago akala mo naman mapo-fall ako!

Padabog na pumasok ako sa loob.

"Ano bang idinadabog mo riyan?" nakangiting puna niya nang makapasok siya sa loob.

"Dahil ang aga aga mo akong ginising!"

"Maaga ba yon? Ako nga, five AM nagising."

"H'wag mo akong igaya sa'yo."

"You should learn to wake up early. Araw-araw tayong sabay pumasok, from now on." 

"Pala-desisyon ka 'no?"

"Oo ah."

"You're irritating me! Ano bang problema mo?"

"Problema ko?" iniabot niya sa akin ang isang sandwich na hindi ko napansing hawak niya. "Hindi ka nag-aalmusal sa umaga. Breakfast is the most important meal of the day," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.

"Kakaadwa ka." walang nagawa na tinanggap ko iyon.

"Magkaibigan tayo. Wala naman sigurong masama kung isabay kita, since and'yan lang naman ang bahay n'yo."

"Hindi tayo friends, okay?"

"Gusto mo naman agad, more than friends! H'wag ka magmadali, darating din tayo dun!" patuloy na pang-aasar ni Seb.

"F*ck you, so much!"

"Bad yan!" sabay halakhak.

Nanahimik na lang ako at hindi siya pinansin buong byahe dahil alam kong hindi ako mananalo sa kanya pagdating sa asaran. Aminado naman ako na numero uno akong pikon. Noong maiparada niya sa school grounds ang kotse ay dali-dali akong bumaba.

"Teka! Wait!"

Tumirik ang mata ko nang makahabol siya sa akin.

"I need to know your sched,"

"Putek!" angil ko. "Nakakagigil ka na, ha?"

"Para alam ko kung kailan kita isasabay sa umaga!" parang balewala lang na sagot niya. "Saka kung kailan na rin tayo pwedeng mag-sabay umuwi."

Oh my god! This is so infuriating!

"H'wag mo nga akong ginagago, Seb!"

Umiling lang siya sa inasal ko sabay hablot sa binder na hawak ko. "Lahat na lang ba sa'yo panggagago?"

"Hoy! Ano ba? Akin yan!" sinubukan kong bawiin ang binder ko.

Kinalkal niya iyon habang nakikipaghablutan ako sa kanya. Grabe! Ang kulit ng isang 'to!

"Okay," nakuha na niya ang pakay niya sa binder. And schedule ko. Feeling ko namumula na ang tainga ko sa galit. "T'wing Monday, Thursday at Friday tayo pwede mag-sabay sa umaga. At Friday lang tayo pwede mag-sabay sa pag-uwi kasi may practice pa ako ng basketball. Hmm. Ano ba 'yan? Ang pangit ng sched mo. Intayin mo na lang kaya ako sa uwian?"

"Ano 'ko? Siraulo?'

"Ayaw mo ba?" Ngumuso si tanga. "Maaga kasi lagi ang pasok ko, pero sige na nga. Hayaan mo na para ma-miss mo rin ako minsan."

"Kapal mo, 'no?'

Papasok na kami ng room noon. Sa tingin ko sakto lang ang dating namin kasi marami na ring tao sa classroom. Agad kong tinungo yung upuan sa pinakalikod, sa tabi ng bintana.

Napansin kong nakasunod pa rin sa akin si Sebastian. Sinimangutan ko siya.

"What?" painosenteng tanong niya.

"Dun ka nga." mahina ngunit mariing utos ko.

"Ayaw mo ba ako katabi?"

Tinitigan ko siya nang masama. He must have seen something in my eyes that made him retreat. He offered me a small smile before going back to his usual seat.

Nakahinga ako nang maluwag at naupo na. Maya-maya dumating na ang prof. Iyong malditang sumita sa buhok ko noong nakaraang linggo.

Nangalumbaba ako sa haba ng lecture. I was bored kaya nag-doodle na lang ako sa notebook ko. Nang magtaas ako ng ulo para saglit na tumingin sa nagli-lecture harap ay napansin kong nakalingon si Seb sa akin. He smiled.

Tama bang biglang kumabog bigla ang puso ko? What the heck?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top