Chapter 2

SEB


Nilingon ko yung babae habang naglalakad na kami palayo ng mga kaibigan ko. Ibang klase talaga siya. Inirapan ba naman ako? Pinigil kong matawa. Ano kayang problema niya? Naisip ko na baka nainis siya dahil tinukso siyang mataray nila Ryan. Eh sa totoo namang mataray siya ah? Hindi siya friendly. Tapos yung mga mata niya, kala mo balisong na galing Batangas sa sobrang talas. 

But, my god, those eyes..

"Huy Edge! Ano bang nililingon mo pa d'yan ha?" tawag ni Chase. Isa sa mga kaibigan ko na taga dito din sa subdivision. Mula highschool magkaklase na kaming dalawa. Nagsimula lang kami noon sa paglalaro ng computer games hanggang sa hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. "Crush mo ba yung chick na yun?"

Natawa lang ako sabay siko sa kanya. Crush agad? Let's just say, I'm intrigued with Ms. SG. SG stands for Sungit Girl. Parang medyo redundant na may miss na , may girl  pa. Pero hayaan na. There's just something really interesting with her. I just knew she's not the typical girl na sa edad namin, puro paporma ang alam--puro make-up, pagpapaganda at kiligin sa mga cute crushes nila. She just doesn't seem that type.

She's more like a T-shirt, jeans, sneakers type of girl. Tipong boyish pero hindi rin masyado brusko. And aside from her being different, she is really a looker. Mapapansin mo talaga kahit isama mo pa sa mga chicks sa university na pinapasukan ko. Ganun ka-outstanding yung ganda niya para sa'kin. But I'm not saying na type ko siya ha? Na-appreciate ko lang yung looks niya. Besides, I'm not the type na nagkakagusto sa babae by the looks alone. I go for personality.

"Pre, ano ba't natahimik ka na dyan?" siniko ako ni Ryan. "Kilala mo ba yung chics na yun ha? Pakilala mo naman ako oh."

Natawa ko. It's not as if may chance siya kay Ms. SG. Kung ako nga hindi pinapansin eh. Tsk! Ano ba to? Nagiging masama na ugali ko.

"Nah. I don't know her, as in.. you know." drinibol ko ang bolang hawak ko. "Kakalipat lang nila kanina, dun sa bakante sa tapat namin."

"Whoa! Eh di may chance pala na makilala mo siya?" tanong naman ni Kiko, isa rin sa mga tropa namin sa subdivision "Nice Edge!"

Nagtawanan nanaman sila.

Ako naman napatingin sa phone ko. Nagtext si Dad. Naalala ko inimbita nga pala niya mag dinner yung mommy ni Ms. SG. Sasama kaya siya? 

Nilingon ko sila Chase. "I better get going, may ka dinner nga pala kami ni Dad." Hindi ko na sinabi sa kanila na sila Ms. Sungit Girl yun, dahil lalo lang akong aasarin ng mga tukmol na 'to. Tumalikod na ko agad at tumakbo pabalik ng bahay. Kailangan kong makapag shower muna.

~ ~ ~ ~ ~

Kung tatanungin mo 'ko kung umasa ba 'ko na makakasama ko mag dinner si sungit ay aaminin kong oo. Nagmamadali pa man din akong umuwi para makapag shower ako bago mag dinner dahil basang basa ako ng pawis sa kakalaro kanina. Nakakahiya naman kasi kung amoy asim ako habang kaharap siya diba? Pero ang masama nga dun, hindi sumama si Ms. SG sa mommy niya. Hindi ko alam kung nasaan siya, sigurado naman ako na pauwi na siya kaninang nakasalubong ko siya.

Nakakadismaya! Napahalukipkip ako habang nakahiga sa kama.

Maya maya, tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Damn it! Bakit ba sobrang apektado ako dahil lang hindi siya pumunta kanina? For Goodness sake! I don't even know her!

Tumayo ako mula sa higaan at naisipan ko bigla sumilip sa bintana ko. Nakabukas ang ilaw sa kwarto niya. Or at least, I think it is her room. Baka naman ayaw na niya magkwarto dun dahil nga akala niya nun nakaraan sinisilipan ko siya. Tss. Tamang Hinala.

Pero curious talaga ko sa kanya eh. Is she some kind of anti-social, or something?

Isa lang ang sigurado ko. I should stop thinking about her.

Starting now!

~ ~ ~ ~ ~

Isang linggo na lang at magpapasukan na ulit. Nakahiga ako nun sa may sofa at nagbabasa ng libro ko. Sobrang boring sa bahay pag sembreak. Ayoko naman masyado lumabas at maglaro ng basketball.

Basketball na nga sa school, basketball pa rin sa bahay. Kung hindi lang naman ako yayain ni Chase ay hindi talaga ako lalabas ng bahay. Nagsawa na rin ako sa kakakalkal ng computer ko. Hindi naman din ako ganun kahilig sa mga social networking. Pero may facebook account din naman ako. Hindi ko nga lang masyado sinisiryoso.

I was halfway through the book I was reading when the phone rang.

Tatayo na sana 'ko pero naunahan naman ako ni Daddy na sumagot. I watched him carefully. Nagbilin na kasi ako dati pa sa kanya kung sino yung mga taong pagsasabihan niya ng, "sandali tatawagin ko siya." at, "wala dito si Edge eh, tawag ka na lang next time. Hindi ko alam kung anong oras siya uuwi."

It's not what you think, OK? Hindi yun mga chics na pinagtataguan ko dahil may atraso ako. Minsan, may mga makukulit lang talaga, at ayoko naman sila paasahin pa.

"Seb."

Pinandilatan ko si Daddy. "Who??" I mouthed at him.

"Si Gabby."

I breathed a sigh of relief. Good. Gabby is an ex-girlfriend. If somebody would ask me if I still have feelings for her, the answer is, I don't know. Seriously. Basta ang alam ko lang, we parted as good friends. Career move ang dahilan kung bakit kami nagbreak. Nagmomodel kasi si Gabby, at well.. tanggap ko naman na hindi niya priority ang relationship namin, so we decided to end it.

We never lost our communication, though. From time to time, tinatawagan niya 'ko para mangumusta and minsan lumalabas parin kaming dalawa.

No strings attached.

"Hi Gabby.. what's up?" bungad ko.

"Hi Edge! I'm great! Libre ka ba today?"

Napangiti ako. "Uhh.. yeah, I think so.. Why?"

"I wanna hang out kasi eh.. Wala pa 'kong project as of now, so, sinasamantala ko na. Ano? Are you up to it?"

"Sure. Of course!"

 ~ ~ ~ ~ ~

"So, you mean wala ka pa ring girlfriend?"

I smiled sheepishly. "Nah.." Yeah. I would rather die than admit to her na hindi pa ako sigurado kung naka-move on na nga ako sa kanya. Hindi naman sa hindi nga ko maka move on, but Gabby is such a great catch. Wala pa 'kong makita na babaeng pwede kong ipalit sa kanya.

"Why not? I mean.. kumukupas na ba ang galing natin sa mga chics?" panunukso niya sa akin na sinabayan pa niya ng magaang siko sa dibdib ko.

"That's not it. You know, nag-eenjoy ako ngayon sa pagiging single ko." sumandal ako sa upuan ko. "What about you? Are you dating someone?"

"Uhmm.. No." simple siyang ngumiti.

"Why? kumukupas na ba ang appeal natin sa boys?" ganting panunukso ko.

She laughed.

Nasa isang coffee shop kami noon. Dito namin hilig tumambay nung kami pa. Hinawakan ko ang tasa ko ng brewed coffee at sinimsim iyon. Hmmmm. Halos wala pa ring pinagbago. I looked at Gabby, she was wearing a nice pink dress. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Although isa siyang model, simple pa rin siya in so many ways.

Napansin ko na tumahimik bigla si Gabby, parang malalim ang iniisip niya.

"What's up? Ba't natahimik ka ata dyan?"

"Nothing.. I was just thinking.." She looked at me under her long eyelashes.

"What?"

She shook her head and smiled. "Wala.."

Muli nanaman siyang naging animated sa pagkukwento. Minsan tungkol sa trabaho niya. I even asked her kung kelan niya balak na bumalik sa school pero sabi niya, mukhang malabo pa yun sa mga susunod na buwan dahil marami daw event na naka line up sa schedule niya. Kahit panay ang kwento niya ay napapansin ko parin yung kakaibang ilang niya. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sabi.

Ipinagkibit balikat ko na lang yun.

After sometime nagyaya na rin siyang umuwi. Hinatid ko muna siya sa kanila at dumiretso na rin ako ng uwi.

Nasa loob na ko ng subdivision nang makita ko si Ms. SG na naglalakad sa sidewalk. May ilang sandali na nagtalo ang isip ko kung hihintuan ko ba siya at aalukin na sumakay na lang sa kotse para hindi siya mahirapan maglakad pero sa huli, napagdesisyunan ko na lang na wag na, baka sungitan pa ko, at mapahiya.

Ganunpaman, hindi ko parin maiwasan na tingnan siya sa side mirror ko.

"Tss. Miguel Sebastian! What the hell? Stop this nonsense already!" pagalit ko sa sarili ko.

I drove off silently after that.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top