iii.
"Library."
"Regio, ano ulit tawag do'n? Carnivores, omnivores, tapos?" Rinig kong mahinang tanong ni Mat.
Nagqui-quiz kami ngayon at nasa labas si Sir para mag-CR. Syempre, kinuha na ng mga kaibigan ko ang chansang 'yon para magpalitan ng mga sagot.
"A-Ah, ano. Diba 'yon ba ung gulay lang kinakain?" Balik na tanong ni Regio.
"Oo, dalian mo pabalik na si Sir."
I saw Regio check his answers in the corner of my eye. Naniningkit ang mga mata niya na para bang may sagot talaga ang blangko niyang papel.
"Gulay lang ung kinakain... Vegetarian tol sagot ko." Seryosong sagot ni Regio.
Mabilis kong tinikom ang bibig ko para hindi ako makatawa. For pete's sake, where did he get that answer?!
"Bobo... parang Valedictorian ata 'yon eh." Paninigurado pa ni Mat.
"Pareho kayong bungol!" Mahinang pagsuway ni Leo. "Alam na ngang puro vorse ung dulo naging vegetarian amp. Herbivore!" Dagdag niya.
Mahina akong tumawa at sinigurado kong hindi nila ako napansin. Both Regio and Mat sucks when it comes to academics.
But it's also one of the reasons why we're friends. Unlike some of my so called friends before, they don't use me to pass the subjects.
Sa totoo pa nga ay ayaw nilang pinapakopya ko sila o nagbibigay ako ng sagot. Everyone sees me as a role student, they don't want me to get in trouble because of them.
Natapos ang quiz at kasunod ang break namin. Parang nakawala sa kulungan ang mga kaklase ko nang matapos ang klase.
"Perfect na naman si Tin." Napapailing na sambit ni Regio. "Lagi kasing nagbabasa sa bahay eh."
Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. "N-Nagbabasa?"
He looked at me, dumbfounded. "Diba? Nagre-review ka lagi?"
I nervously laughed. "A-Ah, oo." Yeah, I read... manga and novels.
"Tara sa canteen, ang dami na namang mga tao ro'n." Pag-aya ni Mat. Sinenyasan niya kami na lumabas ng room.
Agad akong nakangiting umiling. "Kayo na muna, may gagawin lang ako sa library." Sambit ko.
Napasimagot ang mga kaibigan ko sa narinig. Leo's nose crinkled as his eyes squinted. "Nerd."
I chuckled. Coming from someone who's always with a book no matter where he go.
"Sige na, sige na." Pamamaalam ko sa kanola bago ako umalis.
I need to borrow some books in the library today. I can't buy some new novels because I'm broke. Naubos ang pera ko kabibili ng pagkain.
I went to the main library. I scanned my ID and went inside to find some books.
That was my first plan...
Iyon sana ang gagawin ko, pero mabilis 'tong nag-iba nang mabilis na naagaw ng atensyon ko ang isang pamilyar na babae.
For pete's sake, I see her often for an extra.
It's the same girl as before, the yellow raincoat girl and the notebook girl. She's casually reading a book with a serious yet stunning expression of her.
Nawala ang plano kong maghanap ng libro. Kung ano ang nahawakan kong libro ay agad kong kinuha at umupo sa harapan niya.
Pasimple akong napatikhim at nagtago sa libro at pinanood siyang magbasa. I guess if she's a book, I would love to read her every chapter, pin every important details, and appreciate every simple notes.
She would be a mysterious one, a kind of book that will hook me not in the title nor the cover, but the author herself.
I don't care if it looks ugly, or the title is 'binagoong ni Mang toyo' or 'ang alamat ng pigsa'. If the author says her name, I would love every page of it.
W-Wait... her name. What's her name?
Napalunok ako at napakurap-kurap nang mapagtanto kong hindi ko alam ang pangalan niya.
W-Well, it's not like she's the main character of my story or something. It's just, for an extra, she caught my attention too much.
Y-Yeah, that's why-
Kusa akong napatago nang bigla siyang tumayo. Nawala ang nasa isip ko at nanatiling nasa kaniya ang tingin ko.
She finished reading the book and she's about to put it back. I guess...
Nasa panglimang shelf ang lagayan ng libro. And... she can barely touch the 4th.
I heaved a sigh, how did she-
Wait... wait, I've read this on a manga before!
Parang may umilaw na bumbilya sa utak ko. Lumiwagan ang ekspresyon ko at hindi ko mapigilang mapangiti.
Yeah, I'll help her-
My smile immediately faded when I looked at her again. I don't need to help her anymore... it looks like she doesn't need it from the start.
For pete's sake, the extra shamelessly used a stool to reach the shelf!
That's freaking unfair!
Para akong nalugi nang makitang nagawa niyang isoli ang libro ng walang kahirap-hirap. Matapos niya itong isoli at ang upuan, walang ekspresyon siyang umalis na para bang walang nangyari.
Before she completely leave, I saw her glanced at me that made me look at the book I'm holding.
Nang maramdaman kong umalis na siya, malalim akong huminga.
Naiwan ako roon, nakatulala. Seconds after, I heard the bell. Break time is over.
Hindi pa 'ko kikilos kung hindi ko naramdaman ang paglapit sa akin ng kung sino. Hindi ko napansin ang librarian na nasa gilid ko na pala.
Akala ko kung ano ang gagawin niya at natigilan na lang ako nang hawakan niya ang librong hawak-hawak ko at binaliktad ito.
"Nasobrahan ka na ata sa kababasa, sinubukan mo naman na baliktarin." Natatawang sambit niya.
I also faked a laugh. Pasimple akong napaiwas ng tingin habang hindi maipinta ang mukha.
I didn't had a chance to help her nor find a book. Tsk, badtrip...
_________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top