-9-
Happy 500k reads Mafia Slave!! *cries*
-------
Miracle fell asleep besides Hansel. Hindi na nito napatapos ang movie na pinapanood nila because she got very comfortable in his bed, in his warmth and on his scent. It is the first time Hansel saw her doze off.
Dati kasi hindi ito natutulog hangga't hindi pa natutulog si Hansel. Kapag may lakad si Hansel papuntang Cagayan, Miracle will drive for him, kahit walang tulugan. She would check all doors and windows properly locked before sleeping tapos magigising din ito ng maaga.
"Rest well..." Hansel whispered to her bago ayusin ang comforter na nakabalot dito. Hininaan na rin niya ang aircon para mas komportable itong makatulog.
"How's Rheisanne?" Hansel asked Clarence over the phone. At first, he didn't really want to give Rheisanne to Clarence, knowing his cousin's reputation on girls. But Clarence needs his own butler and he trusts Rheisanne that she could do the job effectively.
"Still stingy.." Clarence kidded.
"Don't harass her Clarence."
"I am not! I am just friendly and you know that..."
"Flirty, flirty is the right term." Hansel hissed.
"Whoah! Whoah! Stop right there! You're hurting my feelings Hansel. Kasalanan ko ba kung lapitin ako ng mga babae? I am just a gentleman."
"Oh yeah right! Can you teach me how to cook?"
"What? Anong lulutuin mo? Asan si Miracle?"
"Tulog pa siya--"
"WHAT?! ANG BILIS MO TALAGA DUDE!!!"
"What?! G*go! We just watched a movie and she fell asleep! Ang dumi ng utak mo!"
He heard Clarence laughed out loud over the line na mas lalo niyang ikinainis.
"Bababaan na kita ng tawag if you won't help me!"
"Etoh naman, tampo agad!" Clarence chuckled. "Okay! I'll send you some recipes, I know you can't bother Gretel kaya ako na naman ang pinepeste mo."
Miracle woke up feeling refreshed parang ngayon lang sa buong buhay niya siya nakatulog ng ganun kaayos.
She stretched her arms and roamed her eyes around the room. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng mapansin na wala siya sa kwarto niya. She checked her wrist watch and it's past dinner time!
Agad siyang bumaba ng kama ni Hansel at nagmamadali bumaba sa kusina. She gasped when she saw Hansel in front of the stove holding his phone in his right hand at sandok sa kabila. He felt her presence kaya agad siyang napatingin kay Miracle.
"Oh! You're awake! Gigisingin na sana kita kapag luto na 'to but Clarence sent me a very complicated recipe." Kunot noong sabi nito while still checking his phone.
"B-Boss, ako na po diyan..." Sinubukang kunin ni Miracle mula kay Hansel yung sandok pero iniiwas yun ni Hansel.
"Can you just relax? Kaya ko namang magluto kung may recipe guide."
"P-Pero boss, trabaho ko po yan. Tsaka ginising niyo po sana ako kanina." She insisted.
"Ssshhh just sit down and watch." Miracle was left with no choice. Umupo na lang siya malapit sa counter at binantayan si Hansel magluto.
Miracle pressed her lips tightly. Hindi siya mapakaling wala siyang ginagawa. Especially, when she's watching Hansel cooking for her, too.
"I-Ibawas niyo na lang po yung sweldo ko ngayon..." She sighed. Muling bumaling sa kanya si Hansel at bahagyang bumuntong hininga.
"Mira, you're a friend to me. I won't restrict your actions if nakatulog ka dahil sa pagod, hindi kita papagalitan or sisisihin. You're with me 24/7, a few hours of sleep is okay." He assured her.
Mira pressed her lips tightly and nodded.
"Then at least let me help you..."
"Fine! Dahil makulit ka, make some desserts nakapagsaing na naman ako." Hansel said.
"O-Ok boss---"
"It's Hansel, Mira. Magagalit na 'ko." Naniningkit ang mga mata nitong sabi.
Mira stopped herself from smiling even if she found him cute. Nagfocus na lang siya sa paggawa ng strawberry shortcake sa tabi ni Hansel na panay pa rin ang sulyap sa phone niya while following the recipe guide.
"I think it's okay." Hansel said after tasting his cooking. Inilapit niya kay Mira ang kutsarang ginamit niya para tikman ang niluto niya. "Taste it."
She gulped at nanginginig ang mga kamay na kinuha ang kutsara na may lamang sabaw at karne. Tumalikod siya kay Hansel before lifting her mask and tasted the soup.
Hindi tuloy niya alam kung mas masarap ba yung sabaw o yung kutsara mismo.
"How was it?" Hansel asked. Namumula ang mukha ni Miracle na ibinalik ang kutsara kay Hansel before giving him a thumbs up.
"It's good." She gulped.
"See?!" Hansel exclaimed with a wide grin on his face. "I can cook, too." Medyo proud na sabi nito.
"First time mo bang magluto?" Miracle asked him.
"Nope, nagluluto naman ako sa bahay kapag nagsasakit-sakitan si Gretel, kasi nasa Military na noon si Ace. Aurora and Austin can't cook, so I taught myself. Ngayon na lang ulit ako nakapagluto." He smiled at her.
"Hindi mo ipinagluto yung mga naging girlfriend mo?"
"Wala naman akong naging girlfriend maliban kay Sofia and no, I never cooked for her. She's not special."
"Pasensya na Bo--, I mean Hansel, napaluto ka tuloy ng wala sa oras." Miracle sighed.
"It's okay. You're special to me." He smiled. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Miracle sa narinig kasabay ng pagdaloy ng kilig sa katawan niya.
"You're my very first girl best friend. I will take care of you." He added. Nasamid pa sa sariling laway si Miracle sa narinig. Okay na sana yung first statement pero dinagdagan pa.
"T-Thanks..." She choked.
"Wag mo na masyadong isipin ang Lolo mo, at ang misyon mo. Just be yourself."
"Thank you ulit." She said sincerely. She felt the warmth from Hansel's words. A feeling that she never felt before.
Si Spade at Rheisanne lang noon ang nagpapalakas ng loob niya sa mga panahong nagtatanong siya kung bakit sa lahat ng tao sa mundo bakit kailangan pa niyang maghirap ng ganito. Bakit pinagkaitan siya ng normal na buhay.
Until she gave up questioning everything, tinanggap na lang niya ang kapalaran niya at nabuhay sa paraan na itinakda para sa kanya. She never had the choice to decide for herself, she wasn't given the leisure to dream of her future.
But then, he came.
If she hadn't been through all of these, maybe she will never meet a wonderful person like Hansel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top