-7-

Malamig sa loob ng cinema pero tagaktak ang pawis ni Miracle habang nanonood sila ng movie ni Hansel. They sitting very close to each other and Hansel's shoulder is slightly leaning towards Miracle. She couldn't even focus on the movie.


"I like this flavor." Hansel said sabay abot sa kanya ng bucket ng popcorn. 


"H-Ha? Ako rin." She gulped. Hansel leaned closer and Miracle almost shrieked. She just pressed her lips tightly para hindi siya makatili sa sobrang gulat at kilig. She's literally hyperventilating right now. 


Her hands are shaking as she reached for her cup. 


"Are you cold? You're shaking." Puna ni Hansel sa kanya. Nabitawan pa agad Miracle yung cup niya at napahawak sa nanginginig na kamay. 


"M-Malamig nga. Tsaka madilim." She said. First time pa naman niyang pumasok sa sinehan. She wasn't able to enjoy her leisure times during her younger years dahil focused sila noon ni Rheis sa pagtetrain na maging butlers. 


"Naalala mo yung house design na pinagawa ko kay Clarence?" He suddenly asked her. Napatitig sa kanya si Miracle. His features are just so perfect that they stand out kahit nasa madilim sila. 


"There'll be a Home theatre, big beds, pillows and a huge white screen on the wall. We could adjust the temperature to your liking." He said. Nasamid tuloy si Miracle kahit wala itong ininom o kinakain. 


"D-Dapat sinasabi mo yan sa girlfriend mo." 


"You know basically that I don't have a girlfriend and I am not planning to have one. And you'll be sticking to me until I say so. You'll be my girl best friend. We'll do everything ng magkasama." 


Miracle bit her lower lip and slightly  avert her gaze. She was just friend zoned in a moment where she thought was romantic. Rinig na rinig na ang pagkawasak ng puso niya kasabay ng pag-iyak ng babaeng bida sa pelikula. 


"What country you like visiting?" He asked her sabay alok ng popcorn.


"Wala naman, hindi ka ba manonood?" Nakaharap sa kanya si Hansel at wala na ang atensyon nito sa movie na pinapanood.


"You're not even watching, I'm more interested in your story though." He smiled at her. 


Biglang bumilis ang tibok ang puso ni Miracle sa narinig.


Jusko! May friend bang nagpapakilig ng ganito?


"Baka makaistorbo tayo sa ibang nanonood, we might as well just enjoy the movie." 


"Okay." Tipid na sagot ni Hansel at umayos ng upo. Miracle pressed her lips tightly, nakakausap naman niya noon ni Hansel but not as casual as this. She's not used to it. Dati naman tinititigan lang niya ito sa malayo, ngayon ang lapit-lapit na nila sa isa't-isa. 


"I'm getting bored, let's go." Hansel suddenly stood up from his seat at iniwan na lang yung mga pagkain nila sa seats niya. Nagulat pa si Miracle kaya napatayo rin siya bigla and followed Hansel out. 


Dire-diretso lang sa paglalakad si Hansel at nakabuntot lang sa kanya si Miracle. His mood is hard to predict sometimes. Gaya ngayon, hindi niya alam kung tatabi ba siya sa kanya or she'll just keep her distance. 


"Where do you want to eat?" Biglang tumalikod si Hansel kaya muntikan ng bumangga sa kanya si Miracle but he was able to hold her arms before she could even take one step back. 


"M-May face mask ako." She breathed. Pakiramdam niya nalulunod na siya sa tingin ni Hansel sa kanya habang nakahawak ito sa mga braso niya. 


"Do you wear your mask for others not to see your face or.... hindi ko rin pwedeng makita ang mukha mo?" He asked. 


Napalunok si Miracle sa sinabi nito. "B-Bawal po kasi." 


Hansel sighed before letting go of her arms. "Let's go home then." 


He held her wrist so she could walk besides him. Miracle glanced at him para tignan kung galit ba ito o hindi but he just remained stoic while gently holding her wrist. 




Miracle is cooking in the kitchen habang nasa kwarto si Hansel while calling his Mom. Lately, ang Daddy lang nila ang nakakausap nila who is always checking on them. Gustohin man nitong umuwi sa Pilipinas ay hindi daw siya pinapayagan ni Maxene dahil marami silang inaasikaso. 


"Mom! Ang tagal mong sumagot!" Naiinis na sambit nito over the phone.


"Ay wow! Di pwedeng busy?!" 


"Mom! I went out with Miracle! Nanood kami ng sine!" 


"Proud na ba ko niyan?  Ano ba talaga issue mong bata ka? Tumawag ka lang para sabihing nagdate kayo ng butler mo?" Maxene asked sarcastically. 


"Mom! She doesn't want to take her mask off!" 


"It's part of their uniform. You can't take that off her."


"We're friends now though! And you said she's pretty! I wanna see it"


"Ewan ko sayong bata ka. Ang gulo mo! Your Dad wants to talk to you." Maxene was about to pass the phone to Waldrin ng biglang umangal si Hansel so she just put it on speaker. 


"No! And can you please tell Dad that I am fine, okay na ko, si Clarence and Austin, he doesn't really have to call every time."


"You're hurting my feelings son." Singit ni Waldrin sa linya. 


"Dad!" Hansel gasped. "What I mean is, you don't have to worry about us. You can just enjoy your vacation with Mom." 


"Yeah I know, hindi ko naman syempre maiiwasang mag-alala lalo't puro chocolates ang kinakain mo. Hindi ka na bata Hansel." 


"Kasalanan mo rin Dad, you kept on sending me chocolates punung-puno na yung ref." 


"Your son, dated his butler today." Hansel heard Maxene told her husband. 


"Oh? That girl Miracle? She's very pretty and shy. I like her. Pero hindi kayo bagay Hansel, medyo makapal ang mukha mo anak." 


"Wow Dad! Sa pagkakaalam ko mana ako sayo." Hansel smirked. 


He heard his parents laugh over the phone kaya nailing na lamang siya. 


"So, anong issue? May gusto ka na sa butler mo?" Maxene said. 


"Mom! No, I just want to make friends with her, to treat her better than her family. Di ba nga sinasaktan siya ng family niya?" 


"Kailan ka pa naging understanding sa kapwa mo Hansel? Sa pagkakaalam ko lumaki ka namang selfish." Naiiling na sabi ni Maxene.


"Ano ba yan Mommy?! Gulo mo namang kausap! Kay Daddy Raven na lang ako magpapatulong." Pagtatampo nito.


"Knowing your Daddy Raven, kapag sa kanya ka nagpa-advise siguradong next month nabuntis mo na yang butler mo." Waldrin chuckled. Agad na namula ang mukha ni Hansel sa narinig and immediately ended the call. 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top