-1-

"This is your new assignment Miracle, and I want you to be with Rheisanne." Lolo said upon handing them a green folder.


"Lo, bakit lalaki yung hawak ni Mira tapos ako babae?" Rheis asked innocently upon reading the profile given to them.


"Because Miracle is more capable than you." Lolo grimaced. Napangisi si Mira at dumila kay Rheis na inirapan lang ito. They are of the same age pero mas matangkad ng kaunti si Mira. They've been partners since birth.


"What will we do exactly, Lo?" Miracle asked him.


"You will protect Hansel, Miracle, you will be his personal assistant, secretary and bodyguard. Lumapit mismo ang Ina niya para dito, she wanted the best protection for her son. But Hansel also wants a bodyguard for his girlfriend at yun ang magiging trabaho mo Rheisanne. Maxene, his mother will talk about you the details. Also, during your mission I don't want you to fully exposed your identity. If you can keep your faces covered it would be better."


Nagkatinginan sina Miracle at Rheisanne bago ulit bumaling sa mga profile na hawak nila.


"This will be easy." Rheisanne giggled. Rheisanne is good at stalking people. She can be a private investigator if she wants but she prefers interrogating people. Masarap daw sa pakiramdam ang mapaamin ang mga sinungaling na tao sa kasinungalingan nila.


"Now go to the private room and meet Miss Maxene..." 



"I LIKE THEM Senior..." Maxene said to the president of MISS who happens to be Waldrin's Dad's friend. 


"Not because they are my granddaughters, but because I know they're the best in this field kaya ibibigay ko na sila sa inyo." 


"My son will handle them well." She smiled at him bago bumaling sa dalawa. "Now ladies, you've read the contract?"


"Yes Misis McNeil..." They both said in unison. 


"Good, I have one last thing to say." Maxene smiled at them.  "I don't want any of you to fall in love with my son, 'cause if you did eventually please do give me your resignation letter immediately."


Napasinghap at nagkatinginan ang dalawa sa narinig. Everyone in their family knows how much they love their job and that they can do anything just to accomplish every mission. 


"Makakaasa po kayo Misis McNeil." 





IT'S BEEN ALMOST 6 months since Miracle started her mission, ganun din si Rheisanne ngunit madalang silang magkita because Hansel's girlfriend lived separately. She's done cooking breakfast at di rin magtatagal ay bababa na si Hansel.


It has been their routine since she started working. Ayaw ni Hansel na may kasabay siyang kumain maliban na lang sa nobya nito. That's why Miracle makes sure that she finishes eating before Hansel wakes up.


Wala silang ibang kasama sa condo ni Hansel 'cause Miracle does everything, maglinis, magluto, maglaba, mag-ayos ng mga damit nito. She even drives for him to his office.


Pumasok na si Miracle sa kwarto para mag-ayos. She wore her usual outfit. She wore her own pair of tux na pambabae and fix her hair into a ponytail before putting on her aviators and face mask.


Naramdaman ni Hansel ang pagdaan ng bodyguard niya sa likuran niya while he's sipping his coffee.


She smells great as always. Isip nito. He may have not seen Miracle's face personally pero alam niya kapag nasa malapit lang ito. It's like he can feel her presence whenever she's near.


Bahagya siyang lumingon pero naabutan na lang niya ang likod ni Miracle bago isara ang pinto. His friends always praise her most of the time, she have the height and body of a beauty queen and the strength of a wrestler dahil siya lagi ang nag-uuwi dito kapag naglalasing siya because of a feud between him and his girlfriend.


Napabuntong hininga na lang siya and read the update that Rheisanne sent to him about his girlfriend.


From: BG Rheis


Boss, I emailed you a report. I know this is not part of my job but I need you to know about this.


Kumunot ang noo ni Hansel at dali-daling inayos ang kanyang suit. Hindi pa niya naayos ang kanyang tie. Mabilis siyang bumaba ng building at agad namang huminto ang sasakyan niya sa tapat niya.


"We need to be there in 15 minutes." Tumataas baba ang bagang niya sa galit. He needs to know what Rheisanne found out. Narinig niya ang maingay na tunog ng makina as he glanced at Miracle na mukhang pinapainit na ang makina ng sasakyan.


"Buckle up boss." She said.


Mabilis na nagsuot ng seat belt si Hansel. Bihira lang magsalita si Miracle sa kanya but when she talks alam niyang importante ito. Alam niyang maasahan si Miracle sa mga ganitong bagay at kahit gaano katraffic sa EDSA ay kaya nitong lusutan.


They reached their office in less than 15 minutes. Hindi na hinintay ni Hansel na pagbuksan siya ng pintuan ni Miracle. Nagmamadali itong lumabas at pumasok sa building.


Napabuntong hininga na lang si Miracle as she drove off to park his car. Kinuha niya ang telepono mula sa bulsa at sinagot ang tawag ni Rheisanne.


"Miraaaaaa!!!! You can't believe what I found out!!!" Rheisanne said excitedly. Bumaba ng sasakyan si Miracle at inayos ang aviators niya.


"What?" Naglakad na ito papasok ng building.


"You remember yung million dollar na proposal ni Sir Hansel?"


"The one that he lost? How could I forget eh halos lahat ng gamit sa unit niya basag." she almost rolled her eyes.


"May kinalaman pala yung lintang girlfriend niya." Rheisanne said. Bahagyang natigilan si Miracle sa narinig. Umigting ang kanyang panga at napahawak ng mahigpit sa phone niya.


She knew it! Amoy pa lang ng babaeng yun hindi na mapagkakatiwalaan! Ano ba kasi ang pinainom nito kay Hansel at bakit baliw na baliw ito sa kanya! The girl is not even that pretty! Simple lang ito ngunit may dating! At lantaran ang pagiging gold digger.


"Tell me the details." Nanggagalaiting sabi nito.


"Hahaha relax Mira! Alam kong gigil na gigil ka na dun sa babaeng yun. I sent the details to Sir Boss already. I'll be there in a few. Usap tayo." Rheisanne chuckled before ending the call. Miracle pressed her lips tightly bago sundan si Hansel sa office nito.


As expected, nagkalat na naman ang mga gamit nito at halos basag ang lahat. Nakaupo si Hansel sa upuan niya habang nakasabunot sa buhok niya. He groaned loudly at dinig-dinig sa boses niya ang galit, sakit at frustration nito.


"P*TANG*NAAAA!!!!" He roared. "HOW COULD YOU DO THIS TO ME SOFIA?!!!!"


Miracle picked up some documents at masinop na inalabas ang mga ito para ayusin.


"Ako na lang dapat kasi, para di ka na nahuhurt ng ganyan." She murmured to herself. Rinig na rinig niya pa rin ang pagsisisigaw ni Hansel sa loob.


She admit she had an instant crush on him when she saw him. Dinaig pa ng kilig na nararamdaman nila ni Rheisanne sa mga oppa nila sa Koreanovela. Hansel has the very features of a badboy and a cold hottie. Malamig ang mga mata nito at kung magsalita laging pautos, laging galit.


She never seen his body dahil kapag nakita niya ito ay baka dumugo ang ilong niya at malaman nitong pinagpapantasyahan niya ito.


"Miracle!"


She glanced at Rheisanne na mabilis na naglakad papunta sa kanya. They have the same get up. Bumaling ito sa office ni Hansel bago kay Miracle.


"End of the world na naman ba?" Rheisanne asked.


"That b*tch! Dapat talaga matagal na natin yung ginilitan ng leeg!" Miracle hissed.


"Sus! Selos ka lang eh! Actually, matagal na talagang fishy yan, kaya hindi na ko nakapagpigil na imbestigahan." Rheisanne said bago umupo sa table ni Miracle sa labas ng office ni Hansel.


"Why don't you try seducing him?" Rheisanne chuckled kaya agad naman siyang binatukan ni Miracle. Napanguso na lang ito.


"Hindi ako bantay salakay! And duh! We've been together for 6 months pero wala, puro Sofia ang bukambibig niya."


"He haven't seen your face yet---"


"And he'll like me because of my face?! Rheisanne, that will be pure physical attraction, kung hindi siya nahulog sakin dahil sa mga efforts ko mas mabuti ng hindi siya talaga magkagusto sakin. You know I don't like guys who fall for me because of my face."


Napahawak si Rheisanne sa baba niya at napatango-tango. "Sabagay you have a point, lahat naman kasi ng nag-alok satin ng kasal kung hindi dahil sa apo tayo ng isang Mafia Lord, dahil sa mukha natin. Ka-imbyerna!"


"MIRACLE! IN MY OFFICE AND YOU RHEISANNE DALHIN MO DITO SI SOFIA!!!" Parang dragon si Hansel na nagbubuga ng apoy. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top