Chapter 04 *_^

Fe POV.

Kinabahan ako ng simula ng umakyat si senorita ely ano na lang sasabihin ko kila madam? Ito talagang si senorita eh pahamak minsan.

"ah mauna na po ako sir at madam"

Kinakabahang saad ko sa mga ito pero isang ngiti lamang ang tinugon nilang mag-asawa sa akin.

Nang medyo makalayo naako sa kanila ay nakahinga ako ng maluwag. Grabe kinabahan ako doon kala ko papagalitan na ako eh. Yung magasawa pa naman nayun sobrang bait pero pagnagalit nakakatakot.

Nang makarating na ako sa kwarto ay wala akong naabutan siguro nagluluto pa si nanay buti pa magpalit na ako at ng makatulong ako. KAya nagmadali na ako at ng matulungan ko si nanay at mamaya ay maggagawa pa ako ng mga assignment ko.

Bago ako tuluyang makarating ng kusina ay naamoy ko na ang niluluto ni nanay.

"Hmmmm ang bago mukhang masarap yun ahh"sabi ko sa sarili ko at tuluyan ng pumasok sa kusina.

"Nay anong niluluto mo?"

"Ah eh menudo at regadi...."

DI na naituloy nito ang sasabihin ng humarap at  makita ako.

"Bakit nay, anong problema?"

"Sino po kayo? Bakit kaboses mo po ang anak ko at bakit nanay po ang tawag nyo sa akin?"

Sunod-sunod na tanong nito. Napangiti na lang ako ng maalala ko na nagiba na nga pala ang itsura ko at obig lang sabihin noon ay di nya ako nakilala, natatawa talaga ako sa reaksyon ni nanay hahahaha..

"Ako ito nay si fe"

"Si fe? Wag nyo ho akong niloloko di po ikaw si fe. Impossibleng ikaw po si fe napaka ganda nyo ho para kayo isang senorita?."

Medyo nasaktan ako doon ah ito talagang si nanay parang napaka pangit ko naman sa itsura ko dati pero medyo naging masaya din ako sa sinabi ni nanay dahil para daw akong isang senorita.

"Nay ah ang sakit noon, ang pangit ko ba talaga dati? Ako nga talaga ito si Marieffe Agustin. Ang nagiisang anak ni Mary ann Agustin."

"Seryoso ikaw talaga yan fe?"

Di pa rin naniniwalang sabi ni nanay. Grabe di nya talaga ako makilala sarili nya akong anak. Talagang nahihiwagahan ako sa itsura ko ngayon ano ba talagang pinagawa ni senorita sa mukha ko. Di pa kasi ako humaharap sa salamin simula kanina eh hehehe 😊✌

"Oo nga nay!"

"Pero paanong nangyareng nagiba ang itsura mo? Pumasok ka kang sa eskuwelahan nagiba na itsura mo?"

"Naku nay ikukwento ko na kang sa inyo."

"Sige mabuti pa nga."

Yun nga at ikinwento ko na lahat ng mangyare kay nanay simula ng nangyare sa cafeteria nung pinagtanggol nya ako hanggang sa nangyare sa mall at isa lang ang masasabi ko di makapaniwala si nanay.

"Talaga anak ginawa nya yun?"

"Opo nay di nga rin po ako makapaniwala eh. Matagal-tagal na din po ng huling ginawa nya po yun."

"Baka nga nagbalik na sya sa dati nyang ugali anak?"

"Sa tingin nyo po nay?"

"Di tayo sigurado anak, buti pa wag muna tayong umasa at masasaktan ka lang hmm."

"Opo nay."

Nalungkot man ako sa sinabing yun ni ina pero sumang-ayon na lang ako dahil tama rin si nanay sa mga sinabi nya. Masasaktan lang ulit ako pagumasa akong bumalik na ang dating sya kaya mabuting wag na lang akong umasa. Pero kahit kaylan di ko magawang di umasa na bumalik na ang best friend ko.

=======

Someone's  POV.

Habang nasa salas ang mag-asawang mr. & mrs. Cunanan ay di mapigilang magtanong ng ginang sa kanyang asawa tungkol sa anak.

"Hon?"

"Oh bakit honey?"

"Di ko kasi mapigilan eh nagtataka lang ako."

"Bakit anong pinagtataka mo hon?"

Tanong ng ginoo sa kanyamg asawa na si mrs. Cunanan. At napahinto na ang ginoo sa panonood at tinuon na lang ang atensyon sa asawa ng marinig ang sinabi nito.

"Kasi di lang ako makapaniwala sa sinabi ni fe na si Gerly ang gumawa ng paraan sa pagmemakeover nya."

"Tama ka ako din di makapaniwala nung una pero na gets ko na rin naman."

"Huh? Anong ibig mong sabihin hon?"

Nakakunot ang noo't naguguluhang tanong nito sa asawa.

"Hon isa lang ang ibig sabihin noon, yun ay bumalik na sya sa dati. Yung dating Gerly na super mong binababy"

Masayang paliwanag naman nito sa asawa at unti-unti na ring naintindihan ng ginang. Nang matauhan na ay malaking ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

======:=

Gerly POV.

Nagising ako sa isang malakas na tunog ng alarm clock ko, yeah tama kayo ng basa nag-alarm na ako dahil ganon din naman kalakas ang boses ni fe charr. Ang totoo nyan gumamit talaga ako ng alarm clock is para di na ako gisingin pa at para masanay ako.

Nang matapos akong maligo at magbihis kiniha ko na ang gamit ko para bumaba na. Pagkababa ko naabutan ko si dad na nagcocoffe at si mom naman naghahanda ng breakfast.

"Good morning mom and dad!"

Bati ko sa mga ito at halik sa pisngi. Medyo nagulat pa sila dahil di nila inexpect na maaga ako hehe.

"Morning, aga natin nak?"

Tanong ni dad na may pangaasar pa. Si dad talaga eh.

"Oo nga nak. Ito oh milk and sandwiches mo."

"Thanks mom. It's nothing! Gusto ko lang pong sanayin yung sarili ko."

"Ok, thats good."

"Thanks dad"

Isang malapad na ngiti lamang ang tinugon ng mga ito..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top