Chapter 02 ^_^
"Senorita gising na po!"
"Tanghali na senorita gerly!"
"Gumising na daw po kayo sabi ni madam at sir, senorita gerly!"
"Malalate ka na po sa school senorita!"
Ano bang ingay yun nakakairita ang aga-aga nangiistorbo, kainissss!!!
"Senorita gumising na po kayo!"
"Oo na gising na ako yaya, pwede ka ng bumaba at manahimik okey?!"
Nagasikaso na ako, naligo at najabihis na. Make up na lang ang kulang at ready na ako. I almost forgot that this is my first day of school at ayokong malate kaya bumaba na ako para makapagbreakfast na.
Nang makababa ako naabutan ko si mommy at daddy na nagbebreakfast na. Agad ko silang binati ng makalapit ako.
"Good morning mom and dad." Masayang bati ko.
"Good morning baby, how's your sleep?" Masayang bati rin nila sa akin.
"It's fine mom maliban na lang sa panggigising ni fe. My god kala ko masisira ang earsdrum ko ehh!" Pagrereklamo ko na natatawa.
"Ikaw talaga anak di ka na nasanay kay fe, masanay ka na dahil lagi mo na syang makakasama dito sa bahay at sa school." Yeah I know dad..
"She's okey to me dad except on her voice." Sobrang nakakainis yung boses nya napakalakas kala mo nasa kabilang bundok ang kausap.
"Ay naku buti pa at magbreakfast ka na at mamaya nandyan na din si fe at si mang juls." Buti pa nga.
After magbreakfast ay nagbabye na ako kila mom at dad at sumakay na sa kotse. Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa school. Humanga ako sa taglay na ganda nito simula sa labas hanggang loob napaka ganda at malalaman mo agad na mayayaman ang mga nagaaral.
"Ang ganda, di ako makapaniwalang pinagaaral ako nila sir at madam sa ganitong skuwelahan!" Amused ma amused na saad nya. Nakakatuwa yung expression nya hihihi..
"Pwede ba fe wag kang magpahalata jan kung ayaw mong masira ang memorable day mo na ito." Pagpapaalala ko sa kanya na may kaunting taray.
"Sorry senorita ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganitong skuwelahan eh." Nagulat ako dahil naging malungkot ang expression nya. Alam ko naman eh ayokolang namabully sya.
"Naiintindihan ko kaya nga sinabihan kita eh, dahil pagnalaman nilang katulong ka lang mabubully ka panigurado." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Naiintindihan ko po senorita, hindi na po mauulit pangako senorita!" May galak na saad nya, naging masaya na rin sya..
"Wag mo na akong tatawaging senorita, just call me gerly okey?!"
"Senorita ay este ely. Tama ely na lang po itatawag ko saiyo." Ely? Ang cute!!!!
"Ang cute!!! Okey basta wag mo na akong iopo opo jan, magkasing edad lang tayo."
"Okey!"
"Wag kang lalayo sa akin hmm!" Tumango na lamang sya bilang sagot sa akin.
Nang makapasok na kami sa building namin ay agad kung narinig ang mga bulong-bulongan nila pero wapakels ako. Derederetyo akong pumunta sa dulo at naupo, nakita ko naman tumabi sa akin si fe.
May bagong transfere na naman?
Ang ganda nya noh?
Oo nga, sino kaya sya?
Ano ba kayo ang panget kaya nya!
Mas maganda pa ako sa kanya bakit nagaabala pa kayong malaman kung sino sya?!
Ay naku mga ingitera talaga! Sa wakas dumating din ang prof namin tagal ehh.
"Good morning class!"bati ni sir
"Good morning sir!"bati naming lahat.
"Ohh may bago tayong dalawang transfere, pakilala nyo muna ang sarili nyo!"gulat at masayang saad ni sir.
"Hi I'm Marieffe Sandoval,17, pwede nyo rin akong tawaging fe or marie."pakilala mi fe at may biglang pumasok na lalaki.
"Oh mr. Montesilio bakit ngayon ka lang your 10 minutes late?"inis at pangaasar na saad ni sir.
"I don't care!"tanging sagot nya, napaka galang na bata. Bravo pak pak.
"Okey continue."sabi na lang ni sir, pero may kaunting inis.
"I'm Gerly Cunanan, 17."
What? Gerly Cunanan?
She's the heiress of the Cunanan corporation?
No way!! Don't suit her..
Bulong-bulungan nila, sa dahilanang di makapaniwala na anak ako ng napaka yamang pamilya, dahil di halata sa pagkatao ko. Di nila ako kagaya na ipapalandakan na mayaman sila at mangaapi ng mahihirap na makikita nila. No way, never kung gagawin yun..
Nang matapos na ang klase namin ay agad kaming pumunta sa cafeteria at umupo sa dulo. Si fe na ang umorder para sa aming dalawa dahil trabaho parin daw nyang pagsilbihan ako kahit pinipilit kong wag na..
Girl nandyan na sya!!!
Oh my god ang gwapo talaga nya!!
Papa timothy akin ka na lang!!!
Ang ingay naman nila nakakaasar ano bang pinagkakaguluhan nila at kaylangan pang sumigaw kaasar. My precious ear lagi na lang. Bahala sila jan magingay wala akong pakialam sa kanila.
"Hi!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa harap ko.
"Yes?" -ako na medyo may pagkataray.
"Ang taray mo naman! Gusto lang naming makipagfriend sayo." Wow talaga? Makikipagkaibigan sila?
"By the way I'm Cheska Montemayor" ito siguro ang leader nila. "Sila naman ang mga kaibigan ko" turo nya sa mga nasa likod nya, If I know mga alipores nya yan. Sigurado ako mga bitch ang mga ito, sorry kung bitch sila mas bitch ako..
"Bakit?" Tanging sagot ko sa kanya.
"Huh? Halatang nagulat sya sa sagot ko di nya iniiexpect pero agad naman syang nakabawi. "Alam mo na mayaman kami, mayaman ka kaya dapat lang na magkaibigan tayo kesa naman mga pulubi ang maging kaibigan mo diba gurls?!" Confident nyang sagot. Nakita ko si fe na nahiya at nalungkot dahil sa sinabi nitong cheska na toh. Dahil jan di ako papatalo sayo noh..
"Ano naman kung pulubi ang maging kaibigan ko, ano namang problema doon??" Nakita kong nagulat si fe sa sagot ko di nya iniexpect na isasagot ko yun. Wala silang paki kung sino kakaibiganin ko.
"Kasi di kayo bagay na pagsamahin, mayaman ka pulubi sya. Magmumukha lang syang katulong mo hahaha".
"Hahahahahahahagahahaha" nagtawanan sila at nakita kong lumungkot na naman ang mukha ni fe.x
"Anong pinagkaiba non? Pareho naman silang tao?!." Tama naman diba?
"Wag na tayong magtalo ano ka ba? Alam mo naman kung ano ang ibig kong sabihin diba?" Oo di mo ko gayang tanga, di ko kayo gagayahin..
"Oo dahil di ako tanga at Wala akong paki. Wala kayong paialam kong sino at anong istado sa buhay ng kakaibiganin ko dahil buhay ko ito wala kang karapatang diktahan ako!." Matapang na sagot ko..
"Ang yabang mo naman kala mo kung sino ka!" inis na usal nya. Hahaha pikon ka pala ehh..
Timothy POV
Nang pumasok ako sa cafeteria as usually pinagkakaguluhan na naman ang gwapo kong mukha. Wag kayong komuntra gwapo talaga ako. Pero ang di ko inaasahan ay pagkaupo ko palang may nagbabangayan na agad naichapwera tuloy ang gwapo kong mukha. Pero interesting to ha grabe tong bagong transfere na toh matapang ibang klase. Ang sarap manoud, at ibang klase sya may punto sya sa mga sagot nya.
"For your information hindi ako nagyayabang sinasabi ko lang ang totoo at ako? Ako lang naman si Gerly Cunanan katandaan mo yang pangalan na yan. Dahil yan ang taong di mo gugustuhing makabanga." Ibang klase talaga sya sumagot napaka tapang nya.
Sya yung tipong di mo aakalain mas bitch pa sa mga bitch. Napakahinhin nya kong titignan mo pero pagnilabas nya ang totoong ugali nya mabibilib ka agad. Di naman ako ganto kabilis mabilib sa mga babae ah pero sya iba talaga..
Fe POV
Di ko aakalaing ganon ang isasagot ni senorita, akala ko makikipagkaibigan sya sa mga yun at ako ay ichapwera na lang sa kanya dahil katulong lang ako. Totoo lang tama yung mga babae na yun eh magmumukha lang akong katulong pagkasama ko sya kahit isa talaga akong katulong dahil sya isa syang anak mayaman. Pero dahil sa mga sagot ni senorita magkaroon ako ng lakas ng loob, salamat kay senorita ely..
Pagkatapos makipagsagutan ni senorita ely ay umalis agad sya at sumunod na lang ako sa kanya. Pero laking gulat ko ng sa parking area sya papunta uuwi na agad kami eh may klase pa kami ehh. Anong gagawin ko baka mapagalitan kami nito at ito na nga si mang juls paktay na?!
"Senorita saan po tayo pupunta, may klase pa po tayo eh." May pagiingat kung saad kay senorita dahil baka magalit din sa akin.
"Di ba sinabi kong wag mo na akong tawaging senorita? Kala ko ba nagkaintidihan na tayo kanina?" Galit na usal ni senorita, sinasabi ko na nga ba ehh. Shut up na talaga ako. Di na lang ako sumagot naka magalit pa lalo eh.
"Mang juls sa ******** mall po tayo." Huh? Sa mall naku malilintikan talaga ako nito.
"Pwede ba ayusin mo yang sarili mo di ako nagagalit sayo kaya magsalita ka"huh? Nakakagulat naman ito si senorita, pero hindi sya nagagalit sa akin. Pero anong gagawin namin sa mall?
"Ely anong gagawin natin sa mall? May klase pa tayo baka malaman to nila madam at sir lagot ako."
"Don't worry akong bahala. Aano tayo sa mall magmamagic tayo!" Masayang sabi ni ely. Ano daw magmamagic sa mall? Nalintikan na..
Ito muna mga readers kung may readers man ako hehehe.
Hanggang sa muli. Di na kaya ng power ni author ehh. Maraming-maraming salamat sa inyo.
-------
Facebook: Lhin Sapno Manalang
(If you want to add me on my fb, Pm me on my wattpad account di kasi ako basta-basta nagaaccept ehh..)
Don't forget to Vote, Comment and Share guys please. Salamat..
_lagengnasasaktan_018_
Ito muna mga readers kung may readers man ako hehehe.
Hanggang sa muli. Di na kaya ng power ni author ehh. Maraming-maraming salamat sa inyo.
-------
Ito muna mga readers kung may readers man ako hehehe.
Hanggang sa muli. Di na kaya ng power ni author ehh. Maraming-maraming salamat sa inyo.
-------
Facebook: Lhin Sapno Manalang
(If you want to add me on my fb, Pm me on my wattpad account di kasi ako basta-basta nagaaccept ehh..)
Don't forget to Vote, Comment and Share guys please. Salamat..
_lagengnasasaktan_018_
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top