Chapter 01 ^_*
Hi I'm Gerly Cunanan, 17 years old, Senior high school at St. Timothy university. Yes, tama kayo isang private school ang St. Timothy university at ibig sabihin lang po non ay mayaman din ang mga kinilala kong mga magulang, oo ampon lang ako at lumaki ako sa isang amponan.
Kukwento ko pa ba sa inyo mga reader ang istorya ng buhay ko?
("Wag na tinatamad akong magtype noh!")-author
Epal si author wag na daw ehh, pano ba yan?
("Sige na nga, nakakahiya naman sa inyo ehh. Alam nyo namang mabait ako ehh".)-author
Yeheyy!!! Okey ito na nga ikukwento ko na sa inyo.
FLASHBACK last 7 years ago
Nandito ako sa amponan at nagmumuni-muni sa isang tabi habang naglalaro ang aking mga kasamang mga batang nakatira din dito sa amponan. Bakit di ako nakikipaglaro? Gusto ko lang mapagisa at tahimik na lugar pero alam kong masisira ang tahimik kong pagmuni-muni ngayon pagdumating na sya.
"Hoy beb, andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap eh!"
Speaking of!, sya lang naman ang sinasabi ko sa inyong sisira ng tahimik kong pagmumuni-muni. Sya ay walang iba kundi si Joshua De Guzman ang aking matalik na kaibigan simula nang ako'y mapunta dito sa amponan. Sya ang naging sandalan ko sa lahat ng problema at naging knight in shining armor ko.
Si joshua ay mabait, magalang, mapagpasensya, masayahin, mapagbiro at mapagmahal.
"Hoy beb!!"
"Hay beb ka. Ano ba bat nanggugulat ka?! At ilang beses ko bang sasabihing tigil-tigilan mo ang pagtawag saking beb?"
"Kanina pa kaya kita tinatawag lumilipad na naman yang utak mo! Hindi ako titigil na tawagin kang beb, bakit ba yun ang gusto kong itawag sayo ehh para alam nilang akin kalang".
Ane be kenekeleg ake hihihi...
"Hoy ano lumilipad na naman yang utak mo!"
"Ay lumilipad! Bakit ba?
"Kanina ka pa kasi pinapahanap ni sister anne dahil merong dadating na bisita."
"Hays meron na naman? If I know magaampon lang sila."
"Syempre ano pa nga bang gagawin nila dito?"
Ilang minuto kaming natahimik at binasag iyon ni josh.
"Ano? Halika ka na baka mapagalitan pa tayo?" At akmang aalis na.
"Josh? Natatakot ako."
"Huh? Bakit anong kinakatakotan mo?"
"Natatakot akong mapiling amponin nila."
Natatakot akong mapiling amponin dahil ayokong umalis sa lugar na kumupkop sa akin ng matagal na panahon. Natatakot akong mawalay sa taong nagpalakas ng loob ko at sa taong matagal ko ng minamahal ng palihim.
"Bakit ka natatakot? Kung sakaling mapili ka nila gaganda ang kinabukasan mo at makakaalis ka na sa lugar na to, matutupad mo na ang pangarap mo."
Ayoko. Ayokong mawalay sayo. Pero tama ka matutupad ko ang pangarap ko.
"Ikaw? Pagnapili ka nila sasama ka ba?"
"Syempre hindi. Papaunahin muna kitang makaalis dito bago ako magpaampon at doon kita hahanapin kung nasan ka man nagtatago haha."
"Halika na nga kung anu-ano na naman sinasabi mo!" At tumayo na ako sa inuupuan ko.
"Hahahaha kinilig ka lang ehh haha"
"Tse! Iwan ko sayo!" At ako'y lumakad na at naramdaman ko namang sumunod sya.
"Hoy! Hintayin mo naman ako, di ka naman mabiro ehh."
***************************************
Nakabihis na kami ng maayos at handa na. Kaya bumaba na kami para pumila at nakapila na kami ngayon dahil nandyan na ang bisita. Kinakabahan talaga ako pero pilit paring mgumingiti dahil itong nasa tabi ko ay pilit akong pinapangiti.
"Ngumiti ka lang at ito ang babago sa buhay natin at tutupad sa pangarap natin okey?!"
"O-okey." At sinagot lang ako ng isang napaka tamis na ngiti.
Isang boses ang nakakuha ng atensyon naming dalawa.
"Good morning ma'am & sir." -pagbati ni Sister anne sa bagong dating na bisita.
"Good morning sister" sabay na balik na bati ng bisita kay sister anne.
"Sila na po ba yung mga bata sister?" Tanong ng lalaki kay sister.
"Opo m'am sila na po, maaari na po kayong pumili sa kanila."-sister anne
"Good morning guys, kamusta kayo?- bati ng babae sa amin.
"Good morning din po, okey lang po kami."-balik na sagot namin.
"Mabuti kong ganon."-sagot nya. Nagulat ako ng makita kong nakatingin sya sa akin at ngumiti ng matamlay. Ano yun? Parang nakaramdam ako ng lungkot ng tignan ko ang kanyang mga mata, may lungkot akong nakita sa mga mata nya.
Nagulat na lang ako ng may humawak sa aking kamay. Si josh lang pala.
"Ngumiti ka lang okey, lumilipad na naman yang utak mo eh!" Pangaasar nya.
"Tse!" Tanging sagot ko sa kanya.
"Seryoso? Natatakot ka pa ba?" Tanong nya habang naglalakad kami papunta sa kwarto.
"Hindi na, alam ko namang nandyan ka lang lageng sa tabi ko"
"Wag kang laging kampante na nasa tabi mo ako lagi, paano kong wala na ako sa tabi mo?" Parang may pinaghuhugutang sagot nya.
"Ano ibig mong sabihin doon?" Kinakabahan kong tanong sa sinabi nya.
"Wala! Halika na nga ang bagal mo!" Pagpapalusot nya.
Nang makarating kami sa kwarto ay agad naman akong pinatawag ni sister anne at akmang aalis na ako ng magsalita si josh.
"Pearl? Tandaan mo hahanapin kita san ka man magtago pagnakalabas na ako dito." Huh ano bang pinagsasabi ng lalaking toh?
"Ano bang sinasabi mo ahh?" Takang tanong ko sa kanya.
"Basta malalaman mo din, basta lagi mong tatandaan ito...
"Ang alin?" Ano na naman bang pakulo nitong lalaki na to?
"Ikaw lang ang perlas ng buhay ko!" Sigaw nya. Baliw talaga tong lalaki na to ehh.. Pero kenekeleg ake ane be nemen hihihi..
"Tse! Aalis na nga ako puro ka kalokohan ehh." At umalis na nga akong nagtataka kung bakit ako pinapatawag ni sister at bakit ganon na lang ang sinasabi ni joshua?
Nang makarating ako sa opisina ni sister ay nagulat ako dahil nandoon pa ang bisita at kausap si sister anne.
"Ohh nandyan ka na pala hija, halika dito."-sister anne
"Bakit nyo po ako pinatawag sister?"-tanong ko kay sister anne.
"Ayun ba? Gusto ka kasing makilala nila Mr. & Mrs. Cunanan hija"-sister anne
"Hi hija! Ako nga pala si George Cunanan at ito ang aking asawa na si Gennika Cunanan. What's your name hija?"-pakilala ni mr. Cunanan sa akin.
"Ako po pala si Pearly, pasensya na po di ko na po natatandaan ang apelyido ko."malungkot na sagot ko.
"It's okey hija!"-mr. Cunanan
"Hija sila ang gustong umampon sa iyo specialy si mrs. Cunanan." Sya ang gustong umampon sa akin.
Tinignan ko sya at laking gulat ko ng taimtim nya akong tinitignan.
Napaka amo ng kanyang mukha, napaka ganda at ng kanyang mata. Ngunit may lungkot na makikita sa kanyang mga mata na hindi ko kayang tignan ng matagal. Parang naaawa ako sa kanya.
Bukas. Babalik sila bukas at kasama na nila akong aalis, matutupad ko na ang mga pangarap ko, aalis na ako sa lugar na ito at iiwan ko na ang taong minamahal ko. Di ko alam kong paanong magpapaalam sa kanya, ayokong mawalay sa kanya.
KINABUKASAN
"Mamaya. Aalis kana mamaya hindi ka man lang ba magiispeechs ng pagpapaalam mo, basta ka na lang aalis?!" Malungkot at may pangaasar na sabi nya.
"Sira may nalalaman ka pang speechs dyan, di ko nga alam kong kaya kong umalis." Malungkot at asar na saad ko.
"Sira di ka pwedeng di aalis para sa pangarap natin to diba? At sayang naman yung paghihirap ko para maampon ka lang noh?" Panenermon at panghihinayang na saad nya.
Tama kayo dahil kay josh kaya nasama ako sa pagpipilian na ipapaampon, nagmakaawa sya kay sister at ang kapalit noon ay maglilinis syang magisa ng boung kwarto sa loob ng isang linggo at nagawa nya kaya nasama ako. Dahil sa kanya napili ako, pero di ko naman alam kung kakayanin kong iwan sya dito at ng wala sya nasanay na akong kasama sya lagi..
"Di ko kayang iwan ko at di ko kayang wala ka. Nasanay na akong kasama ka at laging nasa tabi kita." Paiyak na sagot ko sa kanya.
"Alam ko at mahirap din to para sa akin pero ginawa ko ito para matupad ang pangarap mo, at di ba nga sabi ko sayo pagnakaalis narin ako dito hahanapin agad kita kung saang lupalop ka man ng bansa nagtatago?!" Dahil sa sinabi nyang yun nawala ang kaba at takot na lumalamon sa aking pagkatao.
"Pangako?" Paninigurado ko.
"Pangako! Basta ipangako mo rin na lalakasan at titibayan mo ang loob mo at gagawin mo ang lahat para matupad ang pangarap mo?" Paninigurado nya rin..
"Oo, para sa pangarap natin!" Lakas loob kung sigaw.
At dumating na nga ang oras na kinakatakotan ko ang pagalis ko sa lugar na matagal na kumupkop sa akin.
"Are you ready hija?" Tanong sa akin ni mr. Cunanan.
"Opo." Tanging naisagot ko.
"Okey let's go, nagaantay na ang iyong soon to be mommy." Masiglang saadya.
Lumingo muli ako sa likod wala parin sya nasaan na ba sya, di man lang ba sya magpapaalam? Nang di ko na talaga sya makita ay maglalakad na sana ako ng marinig ko ang pamilyar na boses nya sa likod. Sya nga kala ko di na sya magpapakita eh.
"Beb? Para sa pangarap natin!" Sigaw nya at may pataas-taas pang kamay.
"Lagi mong tandaan ikaw lang ang perlas ng buhay ko!!" mga salitang nakapagpapula ng mga pisngi ko at mga salitang di ko malilimutan..
Yun na ang huling araw na makikita ko ang matamis nyang ngiti.
**************************************
Nandito na kami ngayon ni mr. Cunanan sa bahay nila actually kararating lang namin. Matapos ayusin ang mga papeles ng pagbabago ng aking bagong pagkatao ay ilang araw lang ay lumipad agad kami ng bansa at para doon magsimula ng bagong buhay at maninirahan kasama ng bago kong pamilya..
Sana nagustuhan nyo ang munting handog na storya ni author.
Hanggang sa muli mga readers kung may mga readers man ako hihihuhu
Hanggang dito na lang muna.. Salamat sa pagbabasa kung may nagbabasa man hwhe huhu..
---------
Facebook: Lhin Sapno Manalang
(If you want to add me on my fb, Pm me on my wattpad account di kasi ako basta-basta nagaaccept ehh..)
Wattpad name: lagengnasasaktan_018
Don't forget to Vote, Comment and Share guys please?!
_lagengnasasaktan_018_
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top