Chapter 92
***
Third Person
Hinang hinang napaupo na lang si Nox dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwalang, hindi na siya maalala ng mahal niya.
"What have I done to her?" naluluhang tanong niya sa kawalan at ginulo ang kanyang buhok. Narinig niya ang lahat, at hindi niya maiwasang sisihin ang sarili.
Lumabas mula sa pinto si Zavier na may hilam na luha sa mukha. He then stood up, at hinabol ang mahal. "Wait! Wait! Zavier!" sigaw niya rito ngunit tila hindi siya naririnig nito at patuloy lang sa paglalakad.
Kahit gabi na ay mahahalata pa rin ang ganda ng paligid, ang pag kinang ng mga bituin at ang pagbibigay ilaw ng buwan sa lupa. The ambiance screams romantic love, pero taliwas iyon sa dalawang taong naguusap.
Nang maabutan ni Nox si Zavier ay agad niyang hinawakan ang kaliwang kamay nito at hinila papunta sa kanya.
Nanlalaking mga mata naman na napatingin si Zavier sa dibdib ni Nox na nasa harapan niya at sumunod ang tingin niya sa nagmamay ari nito.
Pinagmasdan niya ang mukha ni Nox na para bang kailangan niyang kabisaduhin ito. Matapos ang ilang minuto ay napakurap siya at napaatras.
"U-uh, do you need anything?" mahinang tanong niya at tumingin sa kanyang gilid habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
Sobrang bigat ng loob loob niya. Bakit sa lahat ng tao siya pa ang nilagyan ng ganoong sakit?
Yumuko si Nox at malakas na bumuga ng hangin. "I heard everything, I heard you," sagot niya. Mabilis namang napatingin si Zavier sa kanya at nagulat sa narinig.
That was unexpected, akala niya ang Daichie niya lang ang sumunod sa kanya. Ngayon ay nagtataka na tuloy siya kung sino nga ba si Nox.
"W-what?!" hindi makapaniwalang anas niya.
"Y-you lost your memories. Y-you forgot about us—me," lihim namang tumulo ang masaganang luha sa mga mata ni Nox. Hindi rin ito makita dahil sa dilim at nakayuko siya. "I-i'm sorry,"dagdag pa niya.
Nagtaka naman si Zavier dahil sa sinabi nito. Sorry? Para saan? Ano ba ang kinalaman nito sa pagkawala ng alaala niya?
He then raised his head and stared at Zavy's shocked eyes. Her heart beats faster than it was. "That's why you're not even affected with my presence," aniya.
Simula pa lang... Simula pa lang nagtaka na siya kung bakit parang wala lang si Zavier. Kung bakit tila itinatrato nito na isa lamang siyang ordinaryong kaibigan.
Akala niya ay magaling lang talaga iting magpanggap at hindi pinahalata ang damdamin ni Zavier sa kanya.
"H-huh?" walang ibang naging reaksyon si Zavier at nanatiling tulala na lamang. Takang taka na kung ano ang nangyayari.
"You can regain your memories right?" punong puno ng pag asang tanong ni Nox sa kanya. Pero, napailing si Zavier at pinunasan ang takas na luha sa kanyang pisnge.
Walang kasiguraduhan kung makakaalala pa ba siya. Ang sabi ng doctor noon ay masyadong malala ang pagkakaaksidente niya at may maliit lamang na tiyansa na makaalala pa siya.
"I don't know if I can," malungkot niyang pahayag.
Mabilis na umiling-iling si Nox at hinawakan ang balikat ni Zavier. "You can! Tutulungan kita! Tutulungan kitang maalala ulit ako!" pursigidong sabi niya.
He will do everything para makaalala ulit si Zavier. He wants her to regain memories about them.
Takang tinignan naman siya ni Zavier at bahagyan itinabingi ang ulo nito. "But why? Sino ka ba sa buhay ko?" inosenteng tanong ni Zavier sa kanya.
Paulit ulit na lang ang tanong na iyan. Ano nga ba ang papel ng lalakeng to sa buhay niya?
Napayakap na lang siya sa babae at ibinaon ang kanyang ulo sa kanang balikat nito. "M-me?" nagsimulang kumalat ang tila nakalalasong mga salita sa buong sistema niya. Umiyak siya at pilit na hininaan ang kanyang boses.
He can't stand what she had asked. Ang tanungin siya sa buhay nito ang isa sa pinakamasakit na tanong na narinig niya. Lalo na't alam niyang malaki ang naging bahagi niya sa dalaga.
"I'm your lover Zavier, your Ri—" naiiyak niyang saad dahil hindi niya matanggap ang sitwasyon nito.
Lover? Kailan pa? Kabilang ba siya sa nalimutang alaala ni Zavier?
Zavy felt a pang on her heart as she heard the word.
"Ri"
Biglang nagwala si Zavier at pilit na kumakawala sa bisig ng binata. Gusto niyang mapalayo rito. Para bang ayaw na niyang marinig ang salita pang iyon. Kaya mas hinigpitan ni Nox ang pagkakaakap niya rito. Hindi niya hahayaan na mawala na lang ulit sa kanya ang babae, not again.
"No! No! No! No! You are not! You're just someone that I barely know! Please stop forcing something that isn't true!" nagsimula na ring mapaiyak si Zavier at sinubukang kumawala ulit, pero pakiramdam niya ay nanghihina siya at nawala ang lahat ng lakas niya.
Ang salitang yun. Tila usang kutsilyong itinarak mismo sa puso niya. Hindi niya maintindihan.
"I am, Zavier!" humigpit ang yakap ni Nox sa babaeng minamahal, at tila ayaw niyang pakawalan ito. Takot na siyang maiwan muli ng minamahal. He mourned for five years, at akala niya ay mamumuhay na lamang siyang may pagsisisi hanggang sa mawalan siya ng hininga.
Unti-unti ay hindi na pumalag pa si Zavier at napasandal na lang ang kanyang ulo sa dibdib ng lalake. Pagod na siya, para saan pa ang pagpapalag kung nawawalan na siya ng lakas at ayaw naman siyang pakawalan ni Nox.
"I don't need any of your help!" mahinang anas niya, at tila nawawalan na ng lakas. She's tired, can somebody give her some rest? Napapikit naman si Nox at tiningala ang kumukutititap na kalangitan. He missed those times, na kasama niya si Zavier sa tabi niya.
How he hugged her how he kissed her. He can even remember how the girl got his first kiss.
"Yes you do, at kahit araw araw ko pang ipalala sayo ang mga memories nating dalawa ay gagawin ko!" aniya. He's determined to help her, by any means dahil tutuparin na niya ang mga pangako niya.
"Stop!" pailing iling na pahayag ni Zavier. Bigla siyang nakaramdam ng hilo at parang binibiyak ang ulo niya. And there a lot of images and scenes popped up and it literally makes her head crack!
Unti unti nang bumabalik ang mga nawalang alaala niya, at nagdudulot ito ng matinding sakit.
Hindi na niya maintindihan ang sakit. Sakit na para bang hinihiwalay ang ulo niya. "I'm your Oxford, Zavy," malambing na anas ni Nox, umaasang ito lang ang tanging paraan para makaalala si Zavier.
Kahit na pinipilit niya ito.
"Just stop!" awat ni Zavier sa kanya at napapikit na lang dahil sa sakit. Tila kinukutkot ng kung ano ang utak niya sa sakit.
"I'm the Oxford that you used to adore and love, come on Ri remember our hugs and kisses!" sabi ni Nox na talagang pinagpatuloy ang hangarin.
Unti-unting nararamdaman ni Zavy ang paninikip ng kanyang dibdib at ang paglabo ng kanyang paningin.
"I said stop! P-please stop!" ang tilay may autoridad na boses ni Zavier ay napalitan ng pagmamakaawa na para bang pinapahirapan siya.
Hindi na niya kaya pa. She's suffering in pain both emotionally and physically.
"S-stop," ang huling salita na isinambit niya bago nawalan ng malay sa bisig ni Oxford.
-
Unti unting minulat ni Zavier ang kanyang mga mata at napapikit ulit dahil sa liwanang mula sa ilaw ng kwarto, at nasisilaw siya roon.
Ngunit hindi nakatakas kay Kaemoon ang pagmulat ni Zavy. "S-she's awake! She's awake!" natatarantang anas niya kaya napatingin ang lahat sa nakaratay sa kama.
"Call the doctors!" utos ni Zach kaya agad na tumalima si Arkin at Kaemoon para tawagin ang doctor.
Nilapitan naman ni Aiya Yutsuko ang kanyang anak, umupo siya sa kaliwang bahagi ng kama at hinaplos ang buhok ng anak. "Are you okay, anak?" tanong niya rito.
Lumapit din sa kama ang kanyang ama at nanatiling nakatayo. "May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong niya rin.
Tinignan sila ni Zavy na parang multo sila sa kanyang paningin at napatingin sa kanyang paanan.
"N-nothing," sagot niya.
"Is something wrong, Zavy?" tanong naman ni Zach. Hindi nila kasama si Dev dahil bawal pa dahil masyado pa itong bata, ngunit makakabisita rin.
Hinawakan ng Mom niya ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan ito. "What happened? Nakita na lang namin na karga karga ka ni Nox, habang umiiyak siya. May nangyari ba?"
Naalala ni Zavier ang nangyari sa resort kaya napabuntong hininga siya. "Yeah," mahinang anas niya.
"Anong chika yun Zavy?!" sumulpot si Kaemoon sa pinto habang ngiting ngiti pa. Napangiti na lang ang mga magulang ni Zavier at napatawa dahil sa kakulitan nito.
"Everyone, pagpahingahin muna natin ang anak ko. Mamaya na natin siya tanungin, baka sumakit na naman ang ulo niya," marahang pahayag ng Mom ni Zavier.
"Okay po, Tito," sunod ni Nox.
"Zavier, pagaling ka ah?" Ani Arkin.
"Alis na kami! Wag mo agawin yung poging doctor ah?" nakangising dagdag ni Kae at sinulyapan pa si Nox na tila nandilim ang mukha.
"Come on, come on," natatawang taboy ng Dad ni Nox sa kanila at lumabas na sa silid.
Sakto namang pumasok ang doctor at nagkabatian pa sila ng mga kaibigan at magulang ni Zavier.
"Doc," tawag ni Zavier sa kanya at isinandal ang likod sa headrest ng kama niyang adjustable.
"Are you okay now, Zavy? Do you feel anything?" tanong ng doctor habang may tinitignan sa kanyang clipboard.
"Nothing, Doc," sagot naman ni Zavier sa kanya.
Napatango-tango ang doctor at tiniklop nag kanyang clipboard at napapahiyang ngumiti kay Zavier. "Pag pasensyahan mo na Zavy, ngayon lang ako nakapunta, may mga appointments pa kasi ako eh, I'm sorry," sabi niya.
Natatawang tinignan naman siya ni Zavier. "It's fine, doc. And besides, I don't feel any pain right now, except for this," nalulungkot na sabi ni Zavier habang nakahawak sa kanyang dibdib. Napatingin naman ang doctor sa kanya.
"What do you mean?"
"I can clearly remember everything, doc. Kahit na dumugo ang ilong ko. I remember everything now..."
-
Marahas na bumukas ang pinto ng rooftop sa building ng CA kung saan nangyari ang isa sa mga dagok sa buhay ni Zavier.
"Zavier! Bakit ka nandito?! We're all worried about you!" naghe-hysterical na sigaw ni Nox sa kanya at agad siyang dinaluhan.
Ngunit nanatiling nakatalikod si Zavier sa kanya at nakatingin sa mga building na tanaw na tanaw sa kanyang kinauupuan.
Tuluyang nakalapit si Nox sa kanya na hindi naman niya pinansin. Marahas na bumuga na hangin si Zavier at pinigilang mag-crack ang boses.
"I remember everything, Oxford. Every inch of my memory is now vivid in my head," mahinang anas niya at may munting luhang tumulo sa kanyang mga mata.
"Really? Kaya mahal mo na ulit ako?" nakangiting sabi ni Nox at inilapit pa ang sarili sa dalaga.
Mapaklang napatawa si Zavier at pinunasan ang mga mata. " 'Ulit?' I always loved you, Oxford. Mahal na mahal kita," buong buong sagot niya. At tila nag time travel ang utak niya at nag travel sa memory lane.
"Then we can be toge—"
"But now and before isn't the same as it is used to be, Oxford. I have many questions in mind. Kung bakit pinangakuan mo ko? Bakit mo ko sinabihan na hindi iiwan pero iniwan mo pa rin ako," mapait na sabi ni Zavier at tuloy tuloy na umagos ang luhang kanina pa pinipigilan.
"I-i'm sorry," pagpaumanhin niya at hindi na ring naiwasang umiyak.
Hinayaan ni Zavier ang mga butil ng luha na tumulobsa kanyang mamula mulang pisnge.
"You promised me, you promised forever to me. But why did you took it back? Am I not worth it of your so called love story?"
"N-no, you're more than worth it, Ri," mahinang sagot niya.
Zavy stared at him with full of pain on her eyes. "T-then why did you left me hanging? Why did you choose to let me go— no as I've remembered you said you're pushing me away. Why did you pushed me away, knowing I needed you the most?"
"I love you that I did everything for you, I love that I chose to leave you for your own sake. I love that I'd lost my mind leading me to commit suicide!" hindi na maiwasang manumbat ni Zavier dahil sa sakit na umaapaw sa pagkatao niya.
"I'm sorry, Zavier. I didn't know you would do such thing!" pilit na inabot ni Nox ang kamay ni Zavier at hinayaan lang ng hulit ito at patuloy na umiyak.
"Yeah, you don't know anything. I've been selfless because of you, but you became selfish because of me! You told me I don't love you enough dahil iniiwan kita! But have you ever thought about leaving you is my way of protecting you?! My world isn't just peaceful as yours Oxford. May mga kalaban akong handang patayin ka para maapektuhan ako! Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, at walang ano mang bagay ang makakasukat non!"
"I'm sorry, please forgive me!" ulit ni Nox at hindi na malaman ang gagawin. Niyakap niya si Zavier ngunit nanatili lamang na nakatingin si Zavier sa malayo at walang pakialam sa mga luha niya.
Ngunit... hindi na bumawi pa sa yakap
"Sorry? It's too late, Oxford. I love you so much, pero sapat na siguro yon. Sapat na siguro yung sobra-sobrang pagmamahal na yon, para pakawalan na kita..."
***
A/N: Teka lang ha, teka lang. May nakita akong girl actually she's younger than me. Kapag napapalapit ako sa kanya she will look at me then giggles tapos ngingiti na parang ano.
Ako naman si tanga, tinignan ko ang likuran ko. And I found out NO ONE'S THERE! Walang katao-tao, eh bakit siya kinikilig? Kinikilig sa hangin ba tawag dun? Geez, kilabot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top