Chapter 89
***
Third Person
One year later...
Nagising si Nox dahil sa ingay ng kanyang cellphone na siyang nagsisilbi niyang alarm clock. Binuksan niya ang kanyang mga mata at tanging ang puting kisame ang kanyang nakikita.
Pinunasan niya ang kanyang mata, at inabot ang cellphone sa kanyang gilid. Nang tignan niya ang petsa ay may naalala siya. This is the day na may meeting siya.
Sino nga bang tao ang nagpaplano ng meeting ng ganun ka advance? Walang nakakaalam. But matapos niyang matanggap ang sulat ay walang date na nakalagay, pero last week ay natanggap na niya ang part two nito, at doon sinabi ang date, time at place ng meeting.
Wala siyang balak pumunta, sino nga naman ang pupunta diba? Lalo na't anonymous ang palaging nagpapadala ng sulat.
It's been a year since he received that letter and it's been five years, na nawala si Zavier sa kanila.
Everyday in life, Nox has been mourning for her. Blaming himself for what happened, siguro kung hindi niya ginawa yon ay buhay pa ang sinisinta niya.
Lumayo na rin siya sa mga kaibigan niya, dahil hindi siya pinapatahimik ng kanyang konsensya dahil sa nangyari. It was all his mistake, that leads them to broke apart.
Pero napatulala siya sa kawalan, at tanging katahimikan ang namayani sa buong silid. Wala siyang ibang plano kung hindi ang humiga at matulog, tapos kakain...
Ngunit hindi maipagkakailang may kung anong nagtutulak sa kanya para pumunta roon.
"Tsk, fine! I'll go! Wala naman akong gagawin eh!" Dabog na aniya at derederetsong pumunta sa banyo.
Binilisan niya ang pagligo. Mabuti nang may gawin siya ngayon, ipapalinis na niya lang ang kanyang kwarto.
Nox Cantrell
Bumaba na ako at nadatnan ko roon silang lahat na kumakain. Napaangat ng tingin si Mom at kumaway.
"Anak! Come here! Join us!" Aya niya na tinanguan ko at tinahak ang aking upuan.
Tahimik kong kinuha ang ulam at kanin, at walang imik na kumain habang nakikinig sa kanila. This is my daily routine now, kapag kasama ko sila kakain. Well, they understand my situation.
"Kuya? Pupuntahan mo po yung sinabing lugar sa letter?" napaangat ako ng tingin at nilunok ang aking kinakain.
"Yes," maikling sagot ko at mabilis na inubos ang aking pagkain.
-
"Bye, anak!" tumango lang ako kay Mom habang siya ay kumakaway sa akin. Isinara ko na ang pinto ng kotse at sinimulan ang makina.
Tsk, why am I even coming there? Curiousity? Tsk, never mind. Siguro mabuti na ring may pagkaabalahan ako, hindi yung nagmumukmok ako sa loob ng kwarto ko.
-
Rinig na rinig ang ingay sa kung saan man ako ngayon. Malapit sa ZY Airport, ay may kilalang restaurant na dinudumog ng mga tao. I wonder if bakit nandito pa rin ang ZY, their owner has fallen.
Siguro para mamaintain ang business? Pumasok na ako at natulala nang makita ang mga tao na nasa gilid na parte ng kainan. Wearing their own usual outfit, at tila may hinihintay.
I look at the number on the letter and the number on their table. It's the same, sila ba ang nagpatawag sa meeting nato? Humakbang ako papalapit, sa kanila.
At nang makalapit ay sinalubong agad ako ng mga mapanuri nilang mga tingin, at tila hindi sila sang ayon na nandito ako. But what can I do? I'm invited, but I'm happy being with them again after a very long time.
"What are you doing here?" malamig na tanong ni Keana habang hinawakan naman ni Kiara ang kamay niya at tinignan.
"I'm here 'cause someone invited me," mahinahong saad ko. Intindi ko ang galit nila, alam ko yon pero wala na ba talaga akong kapatawaran?
Napatango na lang sila pero si Keana ay sinamaan ako ng tingin. Napa-upo na lang ako. This is freaking awkward.
Until a lady spoke...
"Excuse me, can I join you for a moment?"
Someone
Nang makababa ang mga bata mula sa eroplano ay agad na pinuntahan namin ang nasabing venue ng pagkakakitaan namin. It's been a while since, my father introduced this to me.
I was busy doing some works on my iPod when my daughter slightly grab my shirt, so I looked at her.
"Is there any problem, sweetheart?" matamis kong tanong sa aking anak na limang taong gulang na. Ang bilis talaga lumaki ng mga bata ngayon, at manang mana talaga sila sa Papa nila.
"Mom, can we go to the comfort room? I might pee on my pants if I don't," tila nagbabanta na sabi niya pero in a sweet way. Napa-iling na lang ako and nodded. They're so sweet yet, fierce.
Then my other child held my hand, I looked at him too. "Why sweetheart? Do you need anything?" tanong ko pero umiling siya.
"You go, Mom. And I'll accompany her to comfort room, and besides we have our bodyguards lurking around. You can't be late to that meeting," seryosong anas ng panganay ko na tila isang adult na kung magsalita.
Napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya, ngunit hindi man lang siya umimik. I wonder kung saan niya namana ang ganyang ugali, maybe sakin?
Napatawa ako at yumukod sa kanila. "Be careful, alright? Mommy's gonna wait for you there, and Jio, take care of your sister, same as you Jia," paalala ko sa kanila.
They nodded ang kissed my cheeks. Muli na naman akong napangiti, ang sarap talaga sa feeling na maging ina. Having them is really a blessing.
Umalis na sila at naglakad na ako papunta sa meeting place na sinet namin. And I don't have any idea, who are they. Papa said, it's a... Surprise.
Nang makalabas ay may nakahanda ng kotse para sa akin, kaya pumasok na ako doon at agad ba umupo.
"Uhm, can you please contact our another driver? The kids went to the restroom, and they might come late."
Tumango siya at kinuha ang cellphone, at may tinawagan pagkatapos ay pinaandar na niya ang kotse sa nasabing restaurant.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami doon. Bumaba na ako sa kotse at isinara ang pinto. Umalis naman ang driver at naiwan akong nakatayo sa harap.
Tinignan ko ang buong paligid at pumasok na sa loob. The place looks expensive, no wonder only a few people are here. It looks like this resto is only for rich people.
Nang makapasok ay sinimulan kong pagmasdan ang buong resto at hinanap ang table na nakareserve para sa meeting namin. Papa said, it's 28. Asan ba yon? Bat kasi ang laki laki ng space ng lugar nato.
Sa may bandang gilid sa may hulihan, ay doon ko nakita ang mga pamilyar na mukhang nakita ko na. Naglakad ako papunta sa kanila.
Nakita ko na ba sila noon? Ba't parang pamilyar sila? Nakasama ko na ba sila sa business?
"Good morning, did I miss something?" I asked at them, at halos sabay sabay silang napatingin sakin. Ba't ganyang tingin ang binibigay nila? Parang nakakita ng multo.
Third Person
Earlier...
Nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Nox kaya bago siya pumunta sa resto ay naisip niyang pumunta sa comfort room ng airport, na malapit lang sa kanya. He's busy wondering around at nawala ang pansin niya sa dinadaanan.
Habang naglalakad ay hindi niya napansin ang dalawang batang naglalakad patungo sa kanya, hindi rin nakatingin sa daan ang dalawang bata, they are also busy watching something on the boy's iPod.
Dahil kapwa hindi nakatingin ay nagkabungguan sila.
Napaupo ang batang babae, at napaatras naman si Nox. Nanlalaking mga mata na nakatingin siya sa dalawang bata, at agad niyang tinulungan ang batang babae sa pagtayo.
"Are you okay?" marahang tanong niya rito. Pinagpagan niya ang bata at inayos ang buhok nito, napatingin siya sa mukha nito at napakurap.
"T-thanks," pasasalamat nito. Humiwalay na si Nox sa kanya at tumayo pinagpagan niya rin ang kanyang mga tuhod dahil nadumihan ito.
"Are you sure you're okay? Where's your parents anyway? Bakit nila kayo hinahayaang magpagalagala rito?"
"You! Why aren't you looking at where you're going?! Didn't you know you can hurt someone if you do that? What if my sister is badly injured? Do you think, Mommy will let that pass? No! You better think before doing something!" mahabang sermon sa kanya ng batang lalake seryosong seryoso ito at walang bahid na emosyon ang mukha.
Pinagmasdan niya ang mga mukha nila, at may pagkakahawig sila. They are twins to be exact.
"I'm sorry, bud. I'll be careful next time," paumanhin niya sa bata. Inirapan lang siya nito at hinawakan ang braso ng kapatid.
"Let's go, Mom's waiting for us," seryosong anas nito at sumunod naman ang kapatid niyang babae.
Napatingin siya sa dalawang bata, at may kung anong bagay ang biglang kumiliti sa puso niya.
-
Present...
"Good morning, did miss something?" tanong ng babae sa mga taong nakaupo sa parihabang lamesa.
Halos sabay sabay silang napatingin sa nagsalita, at halos sabay sabay din nahulog ang kanilang mga panga. They didn't move and remained silent.
Hanggang sa nailang ang babae at Pumitik siya sa hangin na nakapagpabalik sa kanila sa katinuan.
"Hello?" nag-aalinlangang tawag ng babae sa kanila ngunit nanatili silang nakatunganga at hindi gumalaw na tila nakatigil ang oras.
Unang nakahulma si Nox at halos mahulog siya sa kanyang kinauupuan nang makita ang inosenteng mukha ng isang babae sa kanyang harapan.
"Zavier..."
"You wouldn't mind if I join you, would you?" malumanay na tanong nito. Wala silang nagawa at automatikong napatango.
Hindi na nila napaghila ng upuan ang bagong dating, at nanatiling titig sila dito. Maingat nito ang inusog upuan, and took her seat like a Queen.
Silence invaded. And no one dared to speak. Kapwa napapatingin sila sa isa't isa, at halatang halata ang kaba, excitement, at saya sa kanilang mga mukha. Especially Nox who can't take his eyes off her. He stared at the woman beside her who's busy doing something on her tablet.
"Mommy! Is the food ready?"
***
A/N: Guys thank you so much for the 21k reads. Hindi niyo alam kung gaano ako napasaya non. Ahaha, it's not that big but that's a blessing for me tho.
Salamat salamat. I hope I could repay you all someday. Thanks for this awesome blessing🤩😜
And also, hehe every sunday na ang official update day.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top