Chapter 88

Hope I did well! Hihihi.

***

Third Person

Umiiyak na napayakap ang batang si Dev sa kanyang Mom, habang tahimik na umiiyak din ito at yakap yakap siya. Seryosong nakatingin lamang sa kawalan ang Dad at Kuya ni Zavy, na tila walang balak na umimik.

Kae gave Arkin a what's-happening-look. But the latter shrugged, knowing nothing. Nagulat na lang sila nang pinapunta sila rito ng Daddy ni Zavier, without stating the reason why. At ito na ang nadatnan nila.

"Any info?" tanong naman ni Marcel sa kausap sa telepono. He look stressed and the same time... and for the first time na makikitang emosyon sa mga mata niya... takot.

[We have a lead now, sir. We'll just inform you kung tama nga ang hinala namin]

Napatango-tango naman si Marcel. Everyone is looking at him, at napansin niyon. Itinago niya ang kanyang cellphone at tumikhim.

"Hoy, right hand ni, Zavy! Ano ba ganap namin here?!" naiinis na tanong ni Kae. Napa-iling na lang si Arkin sa kanya. Umaandar na naman ang kabaklaan nito.

Marcel sighed out of frustration. "As you all know, nawawala si Queen." everyone gasped. Nanlaki ang mga mata ni Kae, pero imbis na matakot o mag-alala ay tumawa ito.

"Are you tanga ba ha? May sa surot kaya ang bruhang yon!" napipikon na ani niya. Napahinto si Marcel at napahilot sa kanyang sintido. Kung hindi lang ito kaibigan ng kanyang Queen ay tinadyakan na niya ito.

"Hoy!" sigaw nito. Padabog na umupo si Kae at hiyang hiyang nakatakip naman ang kamay ni Arkin sa bibig nito.

'Pakshet, pag kami binaril nito.'

"Obviously, what you've said was true. But this time it's different, we can't track her phone. Even her car, supposedly, at this time she's here together with that Cantrell."

Napalingon si Zach sa kanya. "Nagkita sila ni Nox?" takang tanong niya na tinanguan ni Marcel. Wala namang nabanggit si Nox na magkikita sila ng kapatid niya.

"Baka nagdate lang, jusko!"

"I disagree, ngayon hindi namin alam kung saan napadpad si Queen. Before na mawawala ang connection namin sa kanya, she would tell us beforehand, para hindi kami magulo. But now, her signal disappeared without any trace," nababahalang paliwanag ni Marcel.

Napayuko sila at napa-isip. Ano nga bang nangyari sa kanya? Tumakas na naman kaya yon?

"Let's call, Nox!" suhestiyon naman ni Zach. Tumango silang lahat, at diya na mismo ang tumawag sa lalake.

[Hello, Zach]

Sagot nito na tila nagising sa isang mahimbing na tulog.

"Where's my sister?" agarang tanong ni Zach.

[H-huh]

"Where's, Zavier?"

[Probably, somewhere there.]

"Tanga ka ba?! Nawawala girlfriend mo! Pumunta ka dito sa bahay, ASAP!"

Zach ended the call, at ibinalik sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone.

"Ano?" tanong ng Mom niya sa kanya.

"Don't worry, Mom," he smiled, "baka may alam ang gagong yon, and he's coming," pagpapagaan niya sa loob ng kanyang Mom.

Minutes after... narinig nilang may kausap ang isa sa mga kasambahay nila sa may pinto. Tumango ito at mas binuksab pa ang pinto, at pumasok mula doon si Nox. Wearing a white shirt with khaki shorts, and a sandals.

Napakunot ang noo ni Nox nang mapagtantong tila may reunion. Halos kumopleto ang lahat, at pansin din niya na maraming nakaitim na tila mga guards sa labas.

"What's happening here?" tanong niya habang naglalakad papalapit sa may bakanteng puwesto katabi ni Arkin, sa couch.

He can feel the tension inside the house, building up. Pero hindi niya maiwasang malito at maghanap sa isang tao. She should be there, pero bakit siya pa ang nawawala?

"Didn't you heard the news?" kumunot ang noo ni Nox. "Zavy's missing!" sagot ni Kae sa tanong niya.

"Is that even a problem? We all know, that she always disappears if she wanted to," kampanteng aniya. Sumandal pa siya sa couch at inilagay ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo.

Namukha man siyang kampante sa lahat, ngunit alam niya sa sarili niyang malakas na umaagos sa kanyang sistema ang kaba at pag-aalala.

"Aren't you worried, Nox?! Nawawala si Zavier!" pag-uulit pa ni Zach, dahil baka maliwanagan ang kausap. Naninibago rin siya sa inaasal nito, kapag nalaman nitong nawawala si Zavy ay agad itong nagpapanic.

"Zach, tama na yan. Maybe, he's just lightening up the mood, para hindi tayo basta basta mag isip ng kung ano ano," pigil sa kanya ng Dad niya.

Napailing si Zach at umupo na sa kanyang kinauupuan.

"Sir! Sir! May mga pulis po sa labas!" sabi ng kasambahay sa Daddy ni Zach. Nagtaka naman siya, dahil wala naman siyang naaalalang tumawag ng pulis.

"Did you call them?" tanong niya sa kanyang asawa nang lingunin niya ito. Pero umiling ito, at hindi na umimik pa.

Napailing na lang siya at binalingan ang kasambahay. "Let them in," utos niya rito at agad naman siyang tinanguan ng kasambahay at binuksan ang pinto.

Pumasok mula roon ang apat na pulis, sa uniporme nitong kulay camouflage. At nakaboots habang may mga shot gun sa likod.

"Good morning sirs, maams. May itatanong lang sana ako."

"Ano po yun?" bawing tanong naman ni Kiara. Pumunta sila roon sa bahay ng Yutsuko, sa pagaakalang nandoon ang kaibigan.

"Kaano-ano po kayo ni, Zavier Yutsuko-"

"Where is she?! Where's my daughter?!" napatayo ang Mommy ni Zavier at nilapitan ang pulis, habang may malamlam na mga mata.

Tila nahigit naman ng pulis ang kanyang dila, nang makita ang mata nito... Ang mata ng isang ina.

"Sa kanya po ito, hindi ba?" tanong niya ng inabot niya sa Mom ni Zavy ang isang kwintas at ID.

Nanginginig na napahawak si Aiya Yutsuko sa ID ng anak, at hindi maipaliwanag na sakit ang dumaloy sa lahat ng mga ugat niya, nang makita ang ibang bahagi ng ID ay sunog.

"W-what is this? B-bakit may sunog?" nanginginig niyang tanong. May hinala na siya sa nangyayari ngunit hindi niya kayang tanggapin.

Lumungkot naman ang mukha ng pulis, at pansin iyon ng lahat. Parang may hindi magandang balita ang hatid nito.

"Ikanalulungkot ko po pero..."

Nahigit ng lahat ang kanilang mga hininga, naghihintay sa balitang isisiwalat sa kanila ng pulis, at ramdam naman nilang hindi iyon maganda.

"Patay na siya..."

They stiffened, at ni sinuman sa kanila ay hindi nakagalaw. But their eyes began to water, lalong lalo na ang kapamilya ni Zavier, especially her Mom na umiling-iling habang umiiyak.

"No! That's not true! You better tell us where my daughter is, officer! Or else I'll make sure that you'll lose your job!" pagbabanta niya sa pulis, pero umiling lang ito.

"I'm sorry, madam. But even if you make me lose my job, it doesn't change the fact,"kalmadong ani ng pulis.

"No! That can't be! M-my d-daughter!" naghe-hysterical na sabi niya. She faced her husband and gripped his arms tightly.

"Taigen! D-do something!"

Hindi na mapigilan ang luha niya. The pain was unbearable, for a mother who lose her child.

Aiya Yutsuko

I love my daughter so much. More than anything, but why is this happening?

"Please, nagmamakaawa ako! Ang anak ko!"

I cried, and cried. Hanggang sa may maramdaman akong yakap mula sa aking likuran, isang mainit at mahigpit na yakap mula sa isang maliliit na mga bisig.

"Mommy? Please, don't cry," pagpapatahan ng bunso ko, habang umiiyak din sa likod ko.

Hinarap ko siya at lumuhod. And cupped his cheeks. "Dev, we're strong right?" I tried to smile, but with tears rushing on my cheeks, endlessly.

"Uhm... Ma'am, Sir. Pwede niyo na pong makita ang biktima sa Divines Hospital," sabi ng pulis at umalis.

Third Person

Mabilis na nakarating sila sa nasabing hospital. Pumunta sila sa Nurse's desk.

"Where's my daughter?" nagmamadaling tanong ng Mom niya. She was desperate, hoping that the police was just fooling them.

"Po?" naguguluhang tanong ng nurse. She's frightened from the sudden appearance of the lady, that shouted right in front of her.

May lumapit sa kanyang lalaki na parang asawa ng babaeng sumigaw. She can feel something's wrong. "Uhm, nurse? Do you know where Zavier Yutsuko is?" tanong ng lalake.

Napatango ang nurse at nagsimulang tumingin sa isang logbook. He is hoping, helplessly hoping.

"Sir? Nandun na po sa morgue, ang bangkay niya. You can claim it na po," pahayag ng nurse.

Napatulala silang lahat, kasama na roon si Nox. Bigla siyang namutla at tumakbo, agad niyang hinanap ang lugar na sinabi ng nurse.

He's shattered, at hindi niya alam kung saan paparoon. Parang naliligaw siya sa isang walang hanggan. He doesn't know what to do anymore, he can feel the pain throbbing in his chest endlessly.

May napapasinghap pa sa gulat sa tuwing madadaanan niya ang ibang tao. Nagugulat dahil sa takbo nitong tila hinahabol ng kung ano.

Pero he mindlessly ran, towards that place, not thinking of what's the right thing to do.

I've been a total dumbass, I'm a jerk, for hurting you, Ri. Sorry I'm very sorry, hindi ko dapat ginawa yon. Hibdi dapat kita iniwan, I should've stayed by your side. Akala ko magiging maganda ang ending ng love story natin? Why does everything broke so easily? I can't live without you, Zavier... P-please...

-

Malakas na kumalampag ang pinto ng morgue nang malakas na binuksan ito ni Nox. At nadatnan niya doon ang nag-iisang bangkay na may takip na puting tela.

Nanginig ang katawan niya at tila may bumara sa lalamunan niya, tila isang bikig na nagpapahirap sa kanya sa pagsalita. He stepped closer. Gulong gulo na ang utak niya, at hindi na gumagana ito ng maayos nang makita ang nag iisang pigura ng tao sa loob.

Malakas na tumitibok ang puso niya na tilay nakakabingi para sa kanya. Nang huminto siya sa tapat nito ay tinitigan niya ang puting tela, at hindi gumalaw.

No...

He said in his chaotic mind. Kumalampag na naman ang pinto at pumasok mula doon ang mga kasama niya- ang pamilya ni Zavier, Marcel, friends, Phoenix.

"N-no," Aiya Yutsuko said, almost a whisper. She's speechless, at tila hindi niya mahanap ang kanyang dila. Nanubig na naman ang mga mata niya at mas lalo pang pumula ang mga ito.

Nabahiran na ng luha ang kanyang pisnge, at namumula na ito kasama ang kanyang ilong. Wala sa ayos ang buhok niya, at putlang putla, Zavier's Mom is in a total MESS.

Who wouldn't? Especially a mother, like her.

Kinain ng katahimikan ang kwarto, unti unti namang inangat ni Nox ang puting tela. At doon niya- nila nakita ang kalunos-lunos na nangyari kay Zavier.

"No! No!" tinakbo ni Aiya ang bangkay ni Zavier at hindi malaman ang gagawin kung hahawakan niya ba ito o hindi.

Losing a child, is every Mother's nightmare. Mahirap, mawalan lalo na kapag anak mo. Pero mas may iiharap pa bang nawalan ka ng anak na hindi mo man lang ipinaramdam ang pagmamahal mo sa kanya?

"Z-zavier!!! ZAVIER!!!"

-

Nox Cantrell

Bumaba ako sa kotse ko, habang dala dala ang isang basket ng bulaklak ng sakura. Isinara ko na ang kotse, at naglakad na papasok.

Napatingala ako sa aking harapan at nakita ang signage.

Memorial Park Cemetery

Napangiti ako ng mapait, at nanubig ang aking mga mata. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad, hanggang sa makarating ako sa isang chapel.

Marahan kong itinulak ang steel gate, at lumangitngit ito ng bahagya. Nang mabuksan ay napamangha na naman ako sa muling pagpasok ko rito.

Nanatili ang kintab sa marmol na sahig, at puting puti ang fire wall na ginamit. Napunta ang tingin ko sa isang tila locker box na nandun sa gitna.

Pero imbis na mga gamit sa eskwelahan ay abo ang laman non. They cremated her. At dito napagpasyahang ilagay ang kanyang mga abo. Sa isang lugar sa Japan, na pagmamay-ari niya.

It's been, what? Years already. And I'm still longing for her, her presence, her touch, her smell, everything.

Totoo talaga ang kasabihang, magsisisi ka na pag huli na ang lahat, kapag sinayang mo ang isang bagay.

Bumuntong hininga ako at yumuko rito, gawa ito sa puting tiles, at may lapida sa ibaba, at nandon nakasulat ang kanyang birthday, at araw ng kamatayan, pati na rin ang kanyang pangalan.

Kulay gold ang ikinulay sa bawat letra, na naka cursive.

Yumuko ako at inilagay sa ibaba ang bulaklak na dala ko, pagkatapos ay hinimas ko ang lapida.

"Hi, Ri? Kumusta ka na? Okay ka lang ba diyan? Mababait ba ang mga kasama mo kung saan ka ngayon? M-miss na miss na kita."

Napayuko ako at hinayaan na malayang umagos ang luha sa aking mga mata. It still hurts, fucking hurts. Losing the woman you love the most hurts badly. I miss her hell much, but the fact that I'm the reason why can't I hug her anymore.

I'm the fucking bastard who ruined her pushing her to her edge. Mahal na mahal ako ng babaeng mahal ko pero nagawa ko siyang saktan? Mas may ikakatanga pa ba yon?

Humagulhol ako nang pagkalakas lakas. But even though I cried hard for many times, the pain won't go away at tila pinaparusahan ako sa nagawa ko.

"What the fucking hell are you doing here?" ani ng isang malamig na tinig sa aking likuran. I know who he is, one of the people who despise me.

Unti-unti akong lumingon sa kanya. "I-i'm visiting her-"

"YOU DON'T HAVE THE RIGHTS TO VISIT MY SISTER!!" halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. He is this mad, before and now.

"I-i'm sorry, I-"

"I don't need your fucking sorry! Just leave!"

"But-"

"Fucking leave, before I kill you!!" naramdaman ko na lang na nakasalampak na ako sa sahig at dumudugo ang aking labi sa lakas ng suntok niya.

I deserve every punch he throw. Kasalanan ko naman eh, kasalanan ko talaga lahat.

Nung nalaman nila na ako ang last na nakausap ni Zavier through the CCTV na nandun sa rooftop, and witnessed everything.

And then, doon na nila ako binugbog, na halos tumagal ako ng isang buwan sa hospital dahil nabali ang paa at braso ko, may mga malalalim din akong sugat at mga malalang mga pasa.

Pero I guess that's not enough, to forgive me. Because of me someone's dead, a death caused by an irrational decision.

"LEAVE!!"

-

"Kuya? Kuya?" tawag ng kapatid ko sabay katok sa kwarto ko. Tahimik na umalis ako sa aking kama at tinahak ang pinto. These guys doesn't really know the meaning of the word alone.

Binuksan ko ang pinto at walang gana na tinignan ang aking kapatid na si Nyke. "Ano na naman?" walang gana kong tanong.

I've been this past few years, still mourning. Day by day.

"Ah ito!" he handed me a letter. "May nagpapabigay and it says there na may meeting ka daw next week, nandyan na yung location tignan mo na lang, bye!" kumaripas na siya ng takbo. At napailing na lang ako.

That kid is giving me headaches, for real. Kailangan ko pa bang basahin ang letter? Mukhang nabasa na niya ang nakasulat eh at saka binasa na niya, isn't that amazing?

Binasa ko ang liham...

Dear Mr. Cantrell,

We are inviting you to attend this meeting... Please come.

,Sincerely yours
Anonymous

A meeting? Para saan?

***

Guys I know, medyo di na umaasenso ang storya. Na stuck kumbaga, honestly to tell you, I've been losing hope and inspiration. Kaya medyo mabagal bagal ang update, nasa slow pace ako.

Kasi para sakin mas maganda ang feeling kapag may reaction yung reader mo sa sinusulat mo, alam mo yun? Nakakaengganyo, kasi may nakaka appreciate ng efforts mo.

And isang taon ng tengga ang storyang ito, at minsan lang na may mag react sa story, to be true naiisip kong wala talagang kwenta ang ginagawa ko, but who cares right? Me only me, ako lang ang nagmamahal sa sarili kong akda. I write for myself, but being rejected is my greatest fear, sana sana mawala na to. Para maging peaceful na utak ko.

Thanks for reading!









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top