Chapter 79

***

Zavier Yutsuko

"Can you please stop treating me like a baby?" naiinis kong saad habang nakatingin sa kanya. Marcel, is slicing some apples and peeling off some oranges, kahit pwede ko namang kainin mag-isa. Lumingon siya sa akin.

Lumapit siya sa kama ko, at umupo sa mono block na nandoon. Itinusok niya ang tinidor sa isang diced apple at isinubo sa akin, pero umiwas ako at inilayo ang kamay niya. "You're not a baby, but you need an extra care!"

"Tsk! Yeah, yeah." tumango tango ako. "But I can still eat on my own. Stop doing that!" kontra ko. Sumimangot siya. Pilit kong inagaw sa kanya ang platito ngunit hindi ako masyadong nakakagalaw dahil may dextrose pa ako.

Napasimangot ako. Bakit ba kasi pinipilit niya ang ayaw? Ano ba ang hindi maintindihan sa salitang. Ayaw ko? Mahirap bang intindihin 'yun? Kailangan ko pa bang englishing para maintindihan niya?

"You know what? You're the most hard headed person I've known! Can't you just stay still, and eat?" nagpupuyos ng inis na sabi niya. Namumula na rin ang mukha niya, at halos maawa ako sa mga buhok niya kakahagod niya dito dahil sa stress.

Napairap ako. Bakit ba kasi pinipilit ang hindi? Kung alam mo namang hindi makakasama, at hindi masama eh bakit hindi pa payagan hindi ba? Easy equation, pero pinapahirap, tsk tao talaga.

"Why am I being hard headed? Tsk, because I can do it! I can feed myself, Marcel!" kontra ko na naman. Napapikit siya at tumingala sandali, pagkatapos ay inilapag niya sa kama ko ang plate.

"Fine, fine," suko niya. Lihim naman akong napangisi, see? Hindi talaga ako matitiis ni Marcel. Kinuha ko na ang plate at nagsimulang kumain, siyempre gutom na rin si ako, tatanggi pa ba ako?

"Queen," biglang tawag niya, hindi ko siya nilingon at patuloy na kumakain.

"Hmm?" sagot ko. Subo lang ako nang subo, malamang wala akong halos pahinga this past few days, trabaho lang ang inaatupag ko. "Does, that Cantrell know your condition?" takang tanong niya. I stared at my food for a second.

Nilingon ko siya "He doesn't need to know anything of it," malamig kong sagot. I stared at my food again, tila nawalan na ako ng gana. I just fucking wish na sana hindi na lang sinabi ni Marcel iyon. Marahas kong tinutusok-tusok ang apple.


"But why? He's your boyfriend, and he has the rights to know what's happening to you," depensa niya. Suddenly parang nakita ko ang mukha ni Oxford, tila kinokonsesya ako ng lamang lupa. Liningon ko siya at bumuntong hininga.

"I know. But I just don't want him to worry, he's a worrywart —" pinutol ako ng isang malakas na putok ng baril. Nanlalaking mga mata na nilingon ko siya. "What the fuck is that?!" agad na sigaw ko, inalis ko ang kumot at umalis na sa kama.

May tumawag naman agad kay Marcel. Sobrang kunot na kunot ang noo niya, at seryosong seryoso sa kausap. "Hello? Ah yes. Yes. She's fine. What?! Okay, okay. Just stay still and defend the premises! Okay, we're going," paalam niya at tinapos ang tawag.

Lumingon siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking pulsuhan. Napatingin naman ako sandali doon at ibinalik sa kanya ang aking paningin. "Who is that?! What's happening?" sunod sunod kong tanong.

"We need to go. The hospital is under attack, by some unknown group." marahang hinila niya ako papuntang pinto. "What?!" naguguluhang tanong ko. Hindi ko na pinansin ang kamay niya.

"Let's go! Before they ambush us," tila natatarantang tugon niya at lumabas na kami sa pinto. Bumungad agad sa akin ang mga nurse at doctor na nagtatakbuhan sa iisang direksiyon. Papuntang exit..


"We're under attack!"


"Look for the exits!"

"Where's Lady Akuma?!"

"Protect the Akuma!"

"Run everyone!"

"Protect the council!"

Samut saring sigaw ang aking naririnig. Tila natuod naman ako sa aking kinatatayuan. Wala pa akong halos lakas, sino ba naman ang matining tao na maglalakad pagkatapos atakihin sa puso? Ako lang diba?

"Where's Papa Jo?" nag-aalala kong tanong. Naalala ko siya nang may makita akong matanda na tumatakbo kasama ang dalawang nurse na akay akay siya papalayo. Rinig na rinig ko pa ang mabibigat na paghinga niya nang dumaan siya.

"He left hours ago to attend some meetings," sagot niya. Napabuntong hininga naman ako, dahil sa pagluwag ng aking damdamin. Smokes almost covered the place, may naamoy na rin akong sunog.

At dinig na dinig ko ang mga putok ng baril na nagmumula iba't ibang direksiyon. Nilingon ko siya ng malamig, napaatras pa siya ng kaonti. "Where's my gun? Did you bring my katana?"

"No guns and killings for you, my Queen," sabi niya, pero nanatiling matigas at malamig ang aking ekspresyon. Nakita kong tumatakbo papunta sa amin si Phoenix. Parang nabibingi ako sa halo halong tinig ng mga tao at baril. It's suffocating.

"What the fuck? Just hand it over!" utos ko at inilahad ang aking kanang kamay sa kanya. Umirap siya at isinuksok ang baril sa kanyang lalagyan, sa may belt. "Not now. And that's an order from your doctor. Let's go!"

"Wait, Marcel. You'll give me my gun, or I'll go fight them with my bare hands?" banta ko sa kanya. Tumigil siya at hindi makapaniwalang tinignan ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Shit! Fine! Here!" labag sa loob niyang ibinigay sa akin ang baril. Napangisi naman ako nang mahawakan ko iyon. It was a caliber 45 gun. My fave.

"Everbody run!" sigaw na utos ko. Napalingon sila saglit sa akin, at tila may kung anong emosyon ang ipinakita ang kani-kanilang mga mata.. Pag-asa.

"Let's start this game," malamig kong anas. Narinig ko naman ang ilan na humiyaw sa saya at tumakbo na.

"Hella, fuckers. I'm.. here.."

-

Nox Cantrell

Seryosong seryoso kami sa ginagawa namin dito nang biglang, kumalabog ang pinto at tumambad sa amin nasa sampung kalalakihan. "Sino kayo?" mahinahong tanong ko. Sobrang nakakaintimidate ang kanilang awra, lalo na't nakasuot sila ng purong itim, at may takip  ang kanilang mga bibig. May dala dala rin silang mga baril.

"Sumama kayo sa'min ng payapa, para hindi na kayo masaktan," sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Tinitigan ko ng maigi ang lalake, at napansin ko agad ang scar niya sa noo. Tila binasagan ng bote.

Buti nga sa kanya, hindi niya ba alam na trespassing 'to?! Trespassing! Kakasuhan ko siya!

"Don't you ever hurt someone in this room!" asik ni that-definition-doesn't-describes-you. Humalakhak nang pagkalakas lakas 'yung lalake, bumalot ito sa buong kwarto ko. Para siyang kontrabida, sa tawa niya.

" 'W-wag na 'w-wag kang lalapit! P-papatayin kita!" napalingon ako kay Kae nang isigaw niya iyon, he is now holding a gun and he's pointing it to that man. Punong puno ng takot ang mukha niya at nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang hawak ang baril.

"Ganun ba? Matatakot na ba kami?" kunwaring takot na saad nung lalake, ngumisi siya at inilagay sa kanyang bewang ang kanang kamay. Sige, kunin niyo na ang mga 'yan, at dalhin sa tagpuan!"

"Hoy! Hoy! Ano 'yan! Susumbong kayo kay Zavy!" babala ni Kiara sa kanila. Pero hindi maitatago ang nginig na ipinapakita ng kanyang katawan, at ang pagka unready niya. All of us were unready, hello sinong magiging ready sa bigla biglang pagpasok sa bahay mo?!

"Tsk, wala ngang nagawa 'yung putanginang Zavy na 'yun sa sakit niya eh. Kayo, matutulungan niya pa kaya?" nakangiai nitong anas, tumawa naman ang mga kasamahan niya habang ako ay hindi maka recover sa sinabi. May sakit siya?

"Sakit? Anong sakit?" naguguluhan kong tanong. Tumaas ang gilid ng kanyang labi at tinignan ako ng mapanghusga. Naikuyom ko ang aking kamao dahil doon. The way he stares at me, saying like I'm no use. It's insulting me!

"Tsk, tanga neto, sige na patulugin na ang lahat ng yan at dalhin sa pagkikitaan natin," utos niya sa kanyang mga tauhan. Agad naman itong sumunod sa utos niya, may kanya kanya silang kinuha na tila cylinder shape thing.

Para itong spray paint na granada na ewan. Napaatras naman kami dahil doon, taimtim naming inoobserbahan ang ginagawa nila. "H-hey!" awat ni Arkin sa kanila nang may kinuha silang pin sa taas ng cylinder.

Maya maya lang ay kumalat ang isang puting usok sa buong kwarto, at kasabay nun ay ang paglibas nila. Humalakhak pa sila palabas at tila natutuwa pa sa ginawa. Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang hilo.

Someone, please save us..


Zavier Yutsuko

"Ano?!" gulat na gulat kong sigaw sa tumawag. Napatingin naman sa akin ang ilan sa mga kasama ko. Napahawak ako sa aking noo at napaupo sa upuan. They are fucking captured by that someone!

[Yes, akuma. All of your friends are abducted, even your family, and your lover] mababahiran pa ng pag-aalala ang tono nito. The people inside are full of curiosity, to whom I'm talking to. Napa-kuyom ako ng aking kamao.

I am now wondering, how far he or she could go. "Fuck! All of them?! Shit!"

***

Shortest update! Hahaha Enjoy guys! Comment po.. Please.. (^.^)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top