Chapter 64
A/N.
Ayun, may kilig scenes na (kilig ba yun?) hahahaha pero salamay sa lahat ng sumubaybay! Mahal namin kayo ng SMBGFamily!!!
***
Zavier Yutsuko
Tumunog na ang bell hudyat na uwian na. "Okay, class dismiss," sabi ng prof namin na nagliligpit na ng gamit niya after she heard the bell. "Yes!" yan ang maririnig sa buong classroom. Uwian na eh.
Makakapagpahinga na rin kami mula sa kalbaryo ng pag aaral, pero to tell you kahit bulakbol ako importante pa rin ang pag aaral ha? Sa panahon ngayon kasi, mahirap nang makakita ng trabaho pag hindi ka nakatapos ng college.
Swerte na lang kung pinanganak kang mayaman at may kompanya, edi instant work diba? Napa singhap ako nang may kumuha sa bag ko nang isusukbut ko na sana. Tinignan ko ang kumuha nun. "Gemme," utos ko.
"Na uh uh," he said as he signaled his pointer finger saying no. Napa irap naman ako. "Fine, bahala ka." tinalikuran ko na siya at lumabas na ng classroom. Agad siyang humabol at nang makarating na siya sa akin ay hinawakan niya ang bewang ko.
"Ri naman," naglalambing niyang saad. Tinignan ko lang siya. "Ang gwapo ko noh?" mahangin niyang papuri sa sarili at hinihimas himas pa ang baba, napa singhal naman ako. Tumingin siya sa akin na para bang totoo ang sinabi niya, pero totoo naman.
"Aba! Napalambot ko nga ang tomboy na kagaya mo eh!" tuso niya, agad na napataas ang kilay ko. Tomboy ah? Tignan natin kung sino ang bakla. Without a word hinalikan ko siya.
"Kyaahhh!!!!"
"OMG!!!!!"
"China oil!!!"
"Wooohhh!!"
"Sanalahat may lablayf!!!!"
"Kaingit naman!!!"
"Akin ka nalang~" kanta nung isa kahit medyo alam niyo na nakakasira ng tenga ang boses.
"Novier!"
"Zavox!"
"Ri Love team!!!!"
"Support kami diyan!!!!!!"
I smirked at him. Tulala siya at hindi makagalaw nakatingin siya sa kawalan at biglang nabitawan ang bag ko. Buti na lang wala ang cellphone ko dun. Napahawak siya sa labi niya na parang tanga, grabe naman nito kung kiligin!
Nakakatakot! Halos mapuno ang mukha niya sa kulay pula at ganun pa rin ang reaksiyon niya, nakatunganga lang. "Bakla!!!!!!!!!" I shouted so loud and tumakbo.. nang tumakbo.. nang tumakbo.
Nang mapagtanto na tumakbo na ako ay pinulot niya ang bag ko at hinabol ako. O shit, mabilis pala tumakbo ang gagaong to?
-
"Ha! Ha! Ha!" hingal naming dalawa matapos maghabulan. Oo para nga kaming mga tanga kanina eh. Sobrang pawis ko na nga eh, bigla ko na lang naramdaman ang panyo na pinang punas niya sa mukha ko.
Agad naman akong namula na sure na sure akong madaling mapansin dahil maputi ako. At palihim na ngumiti, God. Thank you for bringing this man into my life. Thank you po talaga.
Hindi niya napansin ang pagngiti ko dahil sobrang seryoso niya na tilay kinakabisa ang lahat ng angles, lines at pores ng mukha ko kung nakikita man niya. Tahimik kong pinagmasdan ang mukha niya.
Ang pogi niya talaga, talagang noon hindi ako masyadong naapektuhan sa itsura niya ay dahil naiirita ako sa kanya. Pero ngayon? Parang gusto ko nang hawakan ito at hindi ako magsasawang tignan ito. Siya lang at siya lang.
"I love you," punong puno ng pagmamahal na sabi ko na may ngiti. Bigla siyang napatigil sa pagpupunas sa akin at laking mga mata na tumingin sa mata ko. "Alam mo? Ang hilig mong mag pakilig ano?" sarkastikong tanong niya na halata namang pinipigil ang kilig.
Tong taong to talaga tsk, OA. "Come one Nox, hindi ka ba kinikilig?" umiling siya. "To -to uh??" tuso ko at hinalikan ang pisnge niya. Namula na siya nang namula. Pero umiling siya, again.
Napa dapo sa baba ko ang hintuturo ko. What if ganto gawin ko? "Oh—" natulala na naman siya at napahawak sa sa mukha ang dalawang palad niya. Hindi pa ba yan kinikilig? I just kissed him at his lips, smack lang naman.
"Baboosh!!" then I run away leaving him dumbfounded.
-
*tok!*
*tok!*
*tok!*
*tok!*
Napatingin ako sa pinto ng condo na nakakunot ang noo at sobrang sama ang tingin. Sino naman kayang peste ang bubulabog sa akin? Nag aaral ako ng mapayapa oh, nagiging mabuting estudyante na ako!!!!!
"Peste!" inis kong saad sabag ng pabagsak na paglagay ko ng ballpen sa lamesa. Dabog na pinuntahan ko ang pinto at binuksan iyon. "What the hel—" napahinto ako nang makita ko ang nakangiting mukha ni Nox.
Kabang napangiti ako. "I-i'm, sorry about that. I thought it—" he kissed me then smiled. "Hahahaha! Ano ka ba Ri, it's fine! I love you!" masayang saad niya napangiti na rin lang ako. "I love you too, come in!" I guided him inside.
Napalaki ang mata niya. "Woah! Your condo is way far than I expected!" manghang sabi niya haban inilibot ang tingin sa buong condo ko, napalinon ako sa kanya. "Ano ba kasi ang ine expect mo?"
"Well, inexpect ko na puro black lang ang makikita ko sa yakuza boss na kagaya mo! Pero tignan mo! Ang ganda! So relaxing!" tsk. Uso talaga judgmental! Napa irap ako. "Oh? Ano yang dala mo?" turo ko doon sa dala dala niya.
"Oh this?" hindi, yung hawak ng kapitbahay ko. Tumango na lang ako, so stupid he didn't change a bit. "Ah, for us! Movie date!!! Pero house edition, alam ko naman na wala sa plano mong lumabas ngayon kaya dito na lang."
Then tinignan niya ako na sinasabing papayag ka no? Bumunton hininga na lang ako. "Sige i set up na natin pati na ang mga foods," utos ko sa kanya at nagsimula na nga kaming mag ayos. Doon lang kami sa sala.
Hindi naman gaano kalaki ang condo ko, ako lang naman mag isa ang nakatira dito eh. Nagsimula na ang pinanood namin na Willford Zixcelle University. Peste, romance ang pinili ng lamang lupa, bakla talaga.
Naghanap ako ng horror alam mo kung ano ang isinagot? "Ayaw ko!!! Scary!!" napahampas na lang ako sa noo ko, bakit ko nga ba naging jowa to? Ah oo mahal ko eh, kaya tiis tiis na lang sa katangahan.
Nang matapos ang movie tungkol ito sa lovers obviously na lumalaban para sa kanilang dalawa and halong fantasy rin siya kasi may vampire, werewolf and demons. Kaya medyo okay okay na rin. Sumandal siya sa kanang balikat ko.
"I wish I'm perfect for you Zavier," out of the blue niyang saad. Napalingon ako sa kanya at nanahimik. "Sana maging perpekto ako para magin bagay ako sa estado mo, na perpekto." napatingin ako sa mukha niya and sighed.
"There's no such thing as perfect in love Oxford. And you, you were the best thing happened to me wether you're perfect or not, wether you're stupid or not. It doesn't matter, as long as I love you." bigla siyang napabalikwas.
Deretso niya akong tinignan na ikinataka ko. Then, nagsimula ng mag alpasan ang mga luha sa mata niya. Inabot ng kanang kamay ko ang pisnge niyang basang basa sa luha. "Why are you crying?"
Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa pisnge niya, grabe yung bolta boltaheng kuryente narardamdaman ko sa pagkakataon na ito. "T-thank you," pagpapasalamat niya habang umiiyak at hawak ang kamay ko.
"Why are you thanking me?" taka kong tanong. Sabay punas ng mga luha niya gamit ang isa ko pang kamay. "K-kasi, b-binigyan m-mo a-ako n-ng p-pagkakataon n-na m-mahalin k-ka! Kainis naman oh, umiyak na naman ako!"
Natawa ako. "H-hey! I love you too, okay? So shut up!"
Then nakangiting pinunasan ko ang mukha niya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay. "No one can measure how much I love you Oxford, I will always love you, remember you're my first and true love and you'll always be my last and genuine one."
Hinila niya ang kamay naming magkahawak at hinalikan ito, ngumiti ako at ginaya siya. Kaming dalawa ang nakahalik sa magkahawak naming mga kamay. Pagkatapos ay bumitaw kami.
"Ah—"
"Oy! Ganti ko yun!!!" and tumakbo na siya papuntang kusina. Napa iling na lang ako, bigla ba naman akong nakawan ng halik? Hay naku, napa face palm na lang ako. "Hoy! Tulungan mo ako dito magligpit!!!" tumawa ang ang lamang lupa.
"Tsk, don't tell me? I'm the one whose going to clean this mess?" ang kalat pa naman, grabe sobrang daming chips! Ginulo ko ang buhok ko! Fudge, ang damiiiii!!!! Nagsimula na akong maglinis kay sa naman mag inis inisan ako dito.
Matapos ang ilang minuto 60 minutes to be precise. May nag doorbell, kaya binuksan ko iyon. Pero wala namang tao ang bumungad sa akin, as in wala talaga. Humakbang ako papalabas at may nasagi akong.. Box?
Ano to? Inaalog alog ko pa ang box at may kung ano ang laman into? "Ano yan?" biglang sumulpot sa likod ko si Nox, siyempre hindi na ako nagulat. Nagkibit balikat ako. "Let's get inside, we'll see what's in this box," saad ko.
Tumango siya. Umupo kami sa couch, magkaharapan kaming dalawa. At wala ng patumpik tumpik pa, binuksan ko ang box at bumungad sa akin ang isang sobre. "Envelope?" takang tanong niya.
Binuksan ko ito at kinuha ang papel sa loob nun. Inayos ko ang papel at agad na kumunot ang noo ko. "Walang laman? Is this a joke?!" may bahid ng galit na ani ni Nox. Binabaliktad ko ito, pero walang nakasulat kahit tuldok.
"Mabuti pa Ri itapo—"
"Wait," pagpipigil ko sa kanya. Inamoy ko ito at agad na pumasok ang isang idea sa isip ko. Agad na kumuha ako ng kandila at posporo, sinindihan ko ang kandila. Then itinapat ko ito sa sulat ngunit yung tipong sakto lang na mainitan ang papel parang dampi lang.
Habang ginagawa ko iyon ay lumalabas na ang laman ng papel, unti unting bumabakat ang mga linya at letra na nandoon. Umabot pa ng ilang minuto bago ko makita ang buong sulat.
"What is that? And ano yung ginawa mo?" tanong niya pero hindi ko muna sinagot sandali. Sinuri ko ang sulat.
"This is not a normal paper, it's an ivory paper. Lemon ang isinulat dito and when there's a source of heat exposed on this paper with lemon the message will behold. And this letters? These are Anglo-Saxon Runes, an ancient letters used before," I explained without looking at him, I focused at the message.
"Mababasa mo ba yan?"
"Yes, so please shut up ka muna."
"Okay,"
Lumipas ang limang minuto. "Ano? Nabasa mo na?"
"Oo," sagot ko.
"Ano sabi?"
"Sabi dito:
"Hey Zavier? What's up? Ano? Kumusta na ang maginha ginhawang bakasyon mo? Sulit sulitin mo na, because there's a storm coming. Maghanda ka na dahil hindi lang simpleng pananakit ang gagawin ko sayo. Babooo
You always think of yourself
Jealous always strikes
Ideas you don't have will make someone sacrifice
Roses are pink, blood is red
Open your eyes, and tell who am I
yan lang ang nasabi rito."
Napatango tango naman siya na parang alam niya ang ibig sabihin nun. "You know what it means?"
"Hindi." napa hampas na lang ako sa noo ko. "Lamang lupa ka pa rin ano?" ngumiti siya na parang aso. "Lamang lupa na mahal mo! Ayieeees!!!"
"And pwede ba? Huwag mo na munang intindihin yan? Baka isa lang yan sa mga prank or kung anong simpleng banta lang. Malay mo diba?"
"But—"
"Shh," pagpapatahimik niya sa akin. "Just don't mind that, okay? Mase stress si baby niyan," biro niya. Agad ko naman siyang hinampas. "Gago!!"
"Bwahahahahhahaha!" tawa niya.
"Tara tulog tayo?" tumango ako. Pero ibang iba yung kaba ko, parang may mali alam mo yung kaba ko na halos dumagundong sa sistema ko. Paano kung may mangyaring masama? Paano kung...
"Hoy! Ano ka ba! Sabi ng huwag ng isipin diba? Halika nga dito," bigla niya akong sinama papasok sa kwarto. Humiga na kaming dalawa. "Don't worry, manalig ka lang. Walang masamang mangyayari, sige tna tulog ka na." wala na akong ibang nagawa kung hindi ang matulog.
-
"Ri?" tawag niya. Napalingon ako sa kanya. "Bakit?" tanong ko. "What if, magbakasyon na muna tayo sa isa sa mga beach resorts namin?" suggest niya. Napaisip naman ako. "Why not diba? Ikaw bahala."
Ngumiti siya. "First Vacation Date!!!!!!!!!!"
Lamang lupa talaga.
***
Dear SMBGBABIES,
So ano na? Bakasyon na ba talaga? Ano sama kayo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top