Chapter 63

Sorry pala guys dahil medyo nawala ako sa wattpadgalaxy nitong mga araw, but medyo busy lang. Kaya eto bumabaw ako, heheheh salamat sa paghihintay!

***

Nox Cantrell

"Hello?" tawag ko kasi baka may nangti trip lang pala sa akin na papunahin ako dito. I took a step forward and roamed my eyes. Ano ba ang gagawin ko sa walang taong gym? Inis na napapadyak ako.

Talagang na prank ako ng mga yun ah! Tatalikod na sana ako nang biglang umilaw ang stage at may white board doon. Ano yan? Para saan yan? Sino ang nag o operate niyan?

Biglang may lumabas na mga tao doon sa screen ng projector. Naningkit ang mga mata ko. Kainis naman may pabitin pa. Speaking of pabitin sayang naman February 14 ngayon pero hindi ako ginreet ni Zavy ng Happy Valentines.

Yun pa kaya? Eh mas tamad pa yun kay Juan Tamad sa mga ganyang bagay. After nung nangyari sa bahay nila hanggang sa mall, she left. Hindi siya tumawag or nag trxt man lang. Kainis nga eh. Papaano kunh mapano siya? Ano? Hindi ko malalaman?

Mabuti pa yung ibang tao, they greetedme yung iba nga saktong saktong twelve midnight natanggap ko na ang mga greeing nila. Si Zavy? Ayun halos isang buwang hindi nagparamdam.

Nang makita ko ng maigi ang mukha ay napagtanto kong si Zavy pala yun. Siya ay nakasandal sa isang puno, mukhang nasa garden niya siya. "Oh Zavier?" tawag ng isang tao, at mukhang lalake pa. Sino naman kaya yun?

Mas lumapit ako sa stage para kitang kita ko ang mga nangyayari. Napamulat ng mata si Zavy at saglit na tinignan ang lalakeng nakatalikod at binalik ulit ang pagkasara ng mata. "Why?" walang emosyong tanong niya.

"D-do you l-like.. N-ox?" nauutal na tanong nito. Aba, anong karapatan niyang tanungin si Zavy niyan? Ang kapal ng mukha pero, bigla akong kinabahan. Baka kung ano ang isagot niya, baka.. Baka hindi niya pala ako gusto.

Paano na ako? Pinagmasdan ko ng maigi ang reaksiyon niya, nawalan ng emosyon ang mukha niya at lumamig ito. Minulat niya ang kaniyang mga mata at deretsong nakatingin sa nagtanong.

Bakit ganyan? Bakit ganyan ang reaksiyon niya?! Nag expect lang ba ako, nasobrahan ba ang pag aasume ko? Hinang hina na napaatras ako at nagsimula nang tumulo ang luha ko.

Parang nilalamukos ang puso ko at ang bigat bigat ng pakiramdam ko, bumigat ang paghinga ko at walang tigil sa ag agos ang mga luha ko. "No," sagot niya na mas naka palala ng nararamdaman ko.

So umasa ako sa.. Wala? Pinaasa niya lang ako? Nagmahal ako sa taong, hindi naman pala ako gusto? So ano yung pinapakita niya? Pagpapaasa lang? Tangina ang sakit naman, napaupo ako sa sahig.

Pinatong ko ang akin dalawang siko sa aking tuhod at sinandal sa aking mga braso ang aking ulo. H-hindi niya ako gusto, wala siyang gusto sa akin. Ang sakit, ang sakit! Sakit!

"Oxford," tawag ni Zavy sa akin na alam kong nandito sa loob ng gym. So plano niya to lahat? Ang saktan ako mismo sa araw ng mga puso? "I'm sorry," mahinang saad niya, no no no.

So, ganun na lang ba? "Let's stop this courting thing Oxford, I want you to stop courting me. Ayaw ko na." napahinto ako at biglang sumakit ang puso ko, na tila tinutusok tusok ito ng libo libong karayom.

Sumisikip na rin ang dibdib ko. Bakit Zavy? Kulang pa ba ang ginawa ko para sayo? Kulang pa ba ako? Gusto kong itanong yan sa kanya ngunit walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko.

Hindi ako makagalaw at iyak lang nang iyak. Ayaw ko na, akala ko yun na eh. Akala ko kami na talaga. Pero bakit ganito? Ang sakit sakit ng puso ko, parang gusto ko nang bumitaw, bakit naging ganito? Ano pa ang kulang?

"Ayaw ko ng magpaligaw sa—"

"S-stop!"

"—yo, ayaw ko ng maging manliligaw ki—"

"S-stop please!" ayaw ko na, ang sakit na eh. Tama na!!!!

"—ta. I don't want you as my suitor. I don't like you as my suitor!"  and there my heart's soul flew away. Nanikip na ang dibdib ko ng sobra sobra. Mas lumakas pa ang pag iyak ko. Ito na ba talaga ang tapos?

At kung hanggang dito na lang ang gusto kong malaman, kung bakit? "W-why?!" puno ng hinanakit na tanong ko, halos ibinuhos ko na ang lahat ng lakas ko sa pagtanong ko nun. Ang hirap eh. Valentines day na valentines day, broken hearted ako!

Hindi ako tumingin sa kanya at nanatiling nakayuko habang humahagulhol. Bakit nga ba? I heard her sighed, feeling ko gusto kon malaman ang sasabihin niya pero takot akong malaman ang sagot niya. Ang gulo ko.

"Bakit?! Bakit?!" umiiysk kong tanong, gulong gulo na ako. Akala ko okay na eh, akala ko yun na! It's so painful, it feels like I lose on something that I didn't have on the first place.
"Why?" ayaw ko na, ayaw kong marinig.

Napatingin ako sa paligid nang umilaw ito na kulay pula at puti. T-teka? Anong nangyayari, pinunasan ko ang aking luha gamit ang likod ng aking palad. "Bakit? Kasi ayaw ko na maging manliligaw kita," saad niya at kasabay nun ay umilaw na may succession ang mga ilaw.

"I don't want you as my suitor, because I want you as my lover. I don't like you because I love you, and now I'm letting you enter my life, my heart. I'm officially yours Oxford, and you're officially mine" nakangiti niyang sabi. Bigla akong napatayo at tinakbo ang distansya namin.

Nang makarating ako sa kanya ay saktong sakto na umilaw ang buong gym. Para akong tanga na umiiyak sa harap niya. "Happy Valentines!" And then umilaw ang stage. May tarpaulin doon na may mukha ko na kumakain at ang kalat kalat ng mukha ko.

I think ito yung kinuhanan niya ako ng picture sa first date namin sa mall, before kami pumunta sa lugar nila tatay Seven. "T-totoo?!" gulat kong tanong habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ang ganda.

"Ano? Agree ka ba?" natatawang tanong niya. Napaluha ako hindi dahil sa sakit kung hindi sa saya. Akala ko, ah oo nga pala. Maraming nadadala sa maling akala. Dahil sa sayang naramdaman ay hinalikan ko siya.

We kissed, sabay sa ritmo ng puso namin. Punong puno ng pagmamahal, hinawakan ko ang kanyang mukha at mas diniinan pa ang paghalik, nanggigigil na ako dahil sa kilig. Oo kinikilig ako, the best feeling ever.

Matapos ang ilang segundo ay bumktaw na kami sa isa't isa at ngumiti kami. Bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit nagulat pa nga siya eh and ipinatong ko ang aking ulo sa balikat niya.

"Oh? Ayaw mo ba? Why are you crying?" napabalikwas ako, hindi ko man lang namalayan na umiiyak na naman ako dahil sa saya. Akala ko talaga wala kaming happily ever after ni Zavy eh, kasisimula pa lang naman ng love story namin.

"Hindi! Hindi!" tanggi ko at mabilis na pinunasan ang mata ko, pero kinuha niya ang mga kamay ko at tumingkayad siya. She wiped my tears off using her sweet little kisses. Bigla na namang sinilaban ang katawan ko dahil sa kilig.

"I love you." Three words eight letters. Tandaan niyo, sinabi niya yan ha? I smiled and kissed the tip of her nose, nag blush pa siya at yumuko. Asus, nahiya pa eh walang hiya siya! "I love you too," I said with full of love and smiled.

Now, she's mine and I'm hers. Nothing's gonna ruin us, pangako yan.

-

"Asan na naman tayo pupunta?" I asked to my girlfriend. Hindi kami pumasok at hinila niya lang ako sa kung saan, para nga akong babae rito eh. Pero bahala na mahal ko naman eh.

"I want you to close your eyes, and don't take a peek okay?" tumango ako. I never expected na may gagawin pala siyang mga ganito, sa isang batong kagaya niya diba? Hindi talaga ka expect expect.

Naramdaman kong may pinasok kami at narinig ko na may binuksan na gate. "I want you to tske off your hands on three. Okay?"

"One. Two. Three!" binuksan ko na ang mga mata ko.

"Wow!" bumungad lang naman sa akin ang isang bahay hindi kalakihan mukha ngang panghang out lang. Nilingon ko siya. "Is this ours?" masaya kong tanong. She nodded. "Oo, pinagawa ko yan, and I've promised to myself na ipapakita ko to sa taong mahal ko," sabi niya na nakatingin sa bahay.

"I love you," I said as I hugged her then I kissed her cheeks. Ngumiti siya. "Parang ako ang babae sa ating dalawa ah?" sarkastiko kong tanong. Nilingon niya ako. "Not that Oxford, ang sa akin lang. I want you to feel my love for you. Okay?" Ngumiti namana ako.

"Oo na, hahaha binibiro ka lang naman eh!" natatawa kong saad. She hugged me, hindi ako ready kaya hindi ko agad siya nagantihan, but eventually niyakap ko na rin siya. Cloud 9 dre, cloud 9.

Zavier Yutsuko

It's been a week after valentines and isang linggo na rin kaming mag on ni Nox. I mean Ri, sabi niya ganun daw dapat ang endearment namin kasi must daw yung may tawagan.

"Oh? Bakit Nox? Is there any problem?" tanong ko sabag subo ng strawberry ko. Itinukod niya ang kanyang dalawang siko sa lamesa ng cafeteria at ipinatong ang baba niya sa mga palad niya.

"Dapat may tawagan tayo!" napahinto ako sa pagkain. At nilingon siya, nilagay ko muna sa lalagyan ang strawberry ko at ginaya ko ang ginawa niya. "Do we need that endearment thingy?" tanong ko.

Well, hindi naman siguro importante yun diba? What matters is you love your partner. "Of course! Kailangan yun!" needed ba talaga? Para namang hindi eh, gusto ko sanang sabihan siya na wag na lang.

Pero ayaw ko naman siyang ma frustrate, kasi ganun ang mga lalake pag hindi na try ang suggestion nila, nagagalit, at nafu frustrate. "Do you have something in mind?" he nodded na nakangiti.

"What is it? Baka ang dugyot niyan ha!" paninigurado ko.

"Hindi noh! Ang ganda kaya!" ramdam ko yung excitement niya dahil rinig na rinig sa buong cafeteria ang boses niya. Hiyang sumandal ako sa upuan. Kahiya talaga nito. "What?" ngumiti siya na parang baliw.

"Ri! Ang ganda diba?" then tinataas taas niya ang dalawang kilay niya na para bang pinakamagandang endearment ang naisip niya sa balat ng lupa, napuno ng pagtataka ang mukha ko.

"Bakit Ri?" tanong ko na naman. "Zavy," kunwaring malungkot niyang bigkas sa ngalan ko. "Hindi ko alam na may tinatago ka palang kabobohan! Edi from my name Nuri, and diba ang meaning ng R mo sa Zavier is Ruri? Kaya Ri na lang!"

At doon nagtatapos ang alamat ng tawagan na Ri. Speaking of Ri, papunta na siya sa akin. Sabi niya dito raw kami sa garden mag lunch, dahil daw ang dami raw lalake doon sa canteen, baka maagaw ba raw ako sa kanya.

Tuleg talaga. Matapos ko siyang sagutin, he became five times sweeter and loving as the day pass by. I feel like a Queen in his arms. Alam kong mahurao akong pakisamahan dahil sa medyo magaspang kong ugali.

Pero siya? Ayun, na immune na ata. "Hi Ri!" he sweetly called and waved at me even though there's plastic bags on his two hands. Nang makalapit ay umupo na siya sa blanket na dala dala niya. At mabilis na kinuha ang mga binili na pagkain.

Agad na dumapo ang mga mata ko doon sa strawberry kaya kukuha na sana ako pero nilayo niya ito sa akin. Napalaki ang mata ko. "Hey! I want that!!" parang bata kong pamimilit sa kanya. He signaled no to me.

"Hindi Ri, eat rice first okay? Puro strawberries na lang ang laman ng tiyan mo! You need to eat other fruits okay? So kain ka na muna ng kanin, bago ka mag strawberry okay?" he said with full of care.

Napangiti na lang ako, I'm so lucky to have him. Even though he's stupid as fuck. "Okay," suko ko at kinuha ang plate and started eating. Then out of the blue nagsalita siya. "Picture tayo?" napatigil ako sa pagkain.

Hindi pa man ako naka react hinila niya ako nang may student na naglalakad. "Hey! Kunan mo nga kami ng picture!" walang nagawa yung lalake kaya lumapit siya sa amin at kinuha ang phone ni Nox.

Sumandal naman siya sa akin habang nakayakap ang kamay niya sa bewang ko, marami nga kaming shot at ang last ay nung nasa likod ko siya na nakayakap sa akin habang magkahalikan kami.

"Thank you," sabi niya roon sa nagpicture. "Patingin!" then inagaw ko sa kanya ang phone, napangiti ako sa picture.

I hope we can be happy forever.

***




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top