Chapter 53

***

Zavier Yutsuko

NAPAKURAP-KURAP ako ng aking mga mata, at nag lag ng konti. Unti unting nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Napatigil ako sa aking ginagawa at wala sa sariling napatingin sa kawalan. This is a fudgeshit. Please, tell me panaginip lang to. Na hindi ako pumayag!

"Can I court you?"

"Yes."

P. E. S. T. E.

Dimakapaniwalang tumingin ako sa kanya. "W-what did you just asked me?" uutal-utal kong tanong. Ayaw umandar ng utak ko. Parang, yung braincells niya nagbakasyon muna sa Hawaii.

He smiled sheepishly. Dahan dahan siyang tumayo, at unti unti ring lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi naman magkamayaw sa pagtibok ang puso kong tila ay hinahabol ng kung ano.

Nakatitig siya sa mukha ko at bakas sa mukha niya ang success. Mula kanina, from the weird reaction paper activity, to library and pagtanong niya ng kung ano ano. Pinagtagpi-tagpi ko ang lahat.

This is.. Planned!!! Planado lahat!! Dinuro ko siya, nanginginig pa ang kamay ko. "Y-you! P-planned t-this, r-right?!!" galit kong turan sa kanya, sabay nun ang pag-init ng mukha ko. Alam kong pulang pula na ito.

This is a bullshit!! "And you can't do anything about it, Zavier. You said yes, and that's final," nakangising saad nito. Ba't ba kasi napaka-careless ko?! Sobrang malaking kahihiyan to!!

Inilibot niya ang kaniyang paningin na nakangiti. Oh no, I don't like that smile of his. Alam ko! May plano siya! Kaya inilibot ko ang aking paningin rin, at huli na ng mapagtanto ko!

"Fucking shit!" bulalas ko nang makita ang mga mumunting camera sa buong paligid. Bakit hindi ko to napansin? Am I that vulnerable when I'm with him? Ganoon ba talaga ako katanga?

Tinignan na naman niya ako na nakangisi.

"And besides, rinig na rinig tayo ng buong campus. At wala ka ng magagawa pa."

I'm so fudged up.



Kaemoon Kakana

"BWAHAHA!!" tawang tawa kami ngayon sa loob ng classroom.

Nakita namin kung paano mamula ang mukha ni Zavy at kung paano kalutong ang mga mura niya. Si Nox ba naman, ki-no-nect ba naman ang cameras at microphone sa tv and speakers sa buong campus.

Grabe, sana hindi kami madamay sa galit ni Zavy. Naku, halimaw pa naman yun.

"I hope, Nox wouldn't be a corpse floating in Ilog Pasig after this," natatawang saad ni Arkin.

Napatango-tango naman kaming lahat.

"Eh kung hindi naman, edi may libre tayong biscuits at kape diba?" biro ko, napahagalpak naman ng tawa ang lahat.



Zavier Yutsuko

UMAAPAW ang inis at hiya ko. Nagkanda-letche letche na. Hindi naman ako ganito ka tanga, anong nangyari sa'kin?

"Tara! Let's go somewhere!" hinatak na niya ang katawan kong nawalan ng kaluluwa for the mean time.

Hatak hatak niya akong pinasok sa kanyang kotse. Still, hindi pa rin ako gumagalaw. Inaalala ang kahihiyang ginawa ko. I can't believe I fell into his fucking trap.

"Where are we going?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Siya ang nagda-drive, malamang. Inis na inis na ako pero, wala akong magawa. Gustong gusto ko na siyang suntukin pero, hindi ko magawa.

"We're going to have our first date!!" parang batang excited na saad niya, naka-kuyom pa ang mga kamao at itinaas ito sa ere. Napa-iling na lang ako.

Isinandal ko ang aking ulo sa bintana, katabi ko siya dito sa harap. Hinayaan kong magpabigat ang ulo ko, as if naman mabibiyak ang bintana if gagawin ko yun.

I wonder how the Yakuza and Mafia is? Kinuha ko ang aking phone mula sa aking bulsa at idinial and number ni Marcel.

Calling Marcel...

[Hello Queen?] sagot nito agad matapos ang isang ring. Pansin ko na, lumingon si Oxford sa gawi ko at masama ang timpla ng mukha ng gago.

"Ano?" I mouthed.

"Sino yan?" hindi man lang siya nag-abalang hinaan ang boses niya o hindi kaya ay bumulong man lang. Heh, alam ko na ang tumatakbo sa utak niyan.

[Oh? Are you with that 'so called lamang lupa' of yours, Queen?] natatawa niyang tanong. I chuckled. Yours talaga, as in yours hahaha patawa talaga tong taong to.

Loudspeak pa ang tawag kaya alam kong rinig na rinig ni Oxford ang pinagsasasabi ni Marcel.

"Ah yes!" natatawa kong sagot na nakapag-pakunot ng noo ni Oxford.

"Who's that, Zavier?!" inis niyang tanong na hinampas pa ang manibela.

Uh-oh. Someone's mad right now.

Tawang tawa kong binalingan ang cellphone. Tsk, immature sa ever. Kailan kaya magtitino to? Imagine, si Marcel pinagseselosan niya?! Eh parang Tito ko na yun eh! Tsk, tsk!

"Hey, Marcel! Heard him? Introduce yourself now!" utos ko, tatawa-tawa akong napasandal sa upuan, habang hawak pa rin ang phone.

[Ehem ehem!] umubo pa siya, pero alam naman nating peke diba?

[I'm Marcel Severiano, Z-zavier's. Right hand.] ramdam ko ang kaba niya sa pagtawag ng bare name ko without honorifics. Bawal yun sa batas namin bawal. Mapaparusahan.

But he doesn't have a choice, kesa naman sa malaman ni Oxford ang existence ng mafia, mas malaking problema yun.

Napatango-tango naman si Nox, bakas sa mukha ang satisfaction.

"Sige Marcel, I need to go. I'll hang up now." I didn't wait for his response and ended the call. He's used to me anyway. Ibinulsa ko na ang aking telepono at takang tinignan si Oxford, wondering if where in the hell are we going.

"Where are we going?" tanong ko, sinulyapan niya ako at biglang napakamot sa ulo niya ang kanyang kaliwang kamay habang ang isang kamay ay nasa steering wheel ng sasakyan.

"Ah. Yung video ng g-ginawa natin kanina.." binitin pa ako ng gago kaya nakataas kilay ko siyang tinignan.

"Kumalat sa buong social media. And d-dahil dun, my family wants to know you. Heheheheh, peace!" nag-peace sign pa siya.

Hapong hapo akong napasandal sa upuan, itinabon ko ang aking braso sa aking mga mata at bumuntong hininga sobrang lalim nun ah!

Ano na lang ang gagawin ko? Nahihiya pa ako sa pamilya niya. Dumadagundong na ang puso ko dahil sa kaba. What if, hindi nila ako magustuhan?

Tanga, sinong baliw ang tatanggi sa isang Zavier Yutsuko? Mayaman, maganda, matalino, magaling sa lahat ng bagay at higit sa lahat masamang tao.

Napatigil ako sa aking naiisip nang dahil sa last phrase. Masamang tao, masamang tao ako. Paano na lang?

Pinikit ko na ng tuluyan ang aking mga mata and drifted to sleep.



Third Person

NAKATULOG na si Zavy, habang nagbabyahe. Sobrang hangin, at ang gaganda ng tanawin sayang nga lang at hindi niya ito nakikita.

Ngiting ngiti si Nox na pinagmamasdan ang dalaga. Tahimik lang itong nakasandal sa bintana ng sasakyan, nakapikit ang mga mata at malumanay na humihinga.

Hindi niya akalain na one step closer na siya sa pangarap niya. At iyon ay ang maging girlfriend si Zavier. Simula nang maramdaman niya ang pagmamahal para rito, ay yun na ang kanyang natatanging pangarap.

Sarap na sarap siya sa kaniyang pakiramdam, nang malaman na mahal din siya nito. Gusto na niya talagang magtatatalon non at magsususuntok sa ere.

Ngunit, hindi na niya nagawa dahil wrong timing ang inis ni Zavy.

Nagdrive lang siya nang nag drive..



Zavier Yutsuko

NARAMDAMAN kong huminto na ang pag andar ng sasakyan kaya iminulat ko na ang aking mga mata. Bumungad agad sa akin ang mukha niyang nakangiti showing how perfect his lips are.

Gandang bungad para sa isang bagong gising. Umatras naman siya at bumalik na sa kanyang driver's seat. He maybe realized that he's too damn close to my face.

Kinusot ko naman ang mata ko at inayos na ang aking pagkakaupo.

"Good afternoon," malumanay na bati nito. Tinanguan ko siya bigla pang napahikab, he just chuckled with my actions kaya hindi na ako nahiya pa sa kanya.

"Tara na?"

Tumango naman ako at hinawakan na ang pinto ng kotse. "Wait! Ako na magbubukas teka lang diyan."

Lumabas na siya sa kotse at pinagbuksan naman ako ng pinto. "Salamat," tugon ko na sinagot niya ng welcome ngunit hindi niya isinatinig.

Sobrang liwanag pa kaya, nag-adjust ang mata ko. Hanggang sa unti unting malinaw ko ng nakita ang paligid. "Where are we?" tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ako nang may masaya na tingin, ngunit may bahid na lungkot. "Sa orphanage namin. Tara pasok tayo." hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahang hinila ako doon. Napatingin pa ako sa mga daliri naminh magkasugpong.

Cute.

Nakarating kami sa may gate nito, na may kalumaan na. Kinakalawang at parang isang hampas lang ng malakas na hangin, ay tutumba na agad.

Binuksan niya ito, at pumasok sa loob. Maaliwalas naman dito, mapuno, hindi gaanong kalakihan ang space hindi kagaya ng mga nakikita kong orphanage.

May mga bulaklak rin, may playground na may swing na pang tatlong bata lang, may isang see saw, at apat na bench. Mukhang hindi na ginagamit.

Pumasok kami sa isang mukhang bahay, parang main part ng bahay ampunan. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang tahimik na lugar.

"Why so silent here?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Some of them left, but there's few who stayed. Halika." umuna na siyang maglakad sa akin. Habang hatak hatak ako dahil hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

May tatlong palapag ang bahay, ang ground floor ay may space sa gitna. Sa kaliwang bahagi pagkapasok na pagkapasok mo ay ang kainan na hindi masyadong malaki.

Sa kanan naman ay parang, prayer room. Kung saan sila yata nag-pe-pray, of course. Kasama sa part ng kainan ang kusina, na may ilang ilang gamit ngunit luma na.

Asan ang mga tao dito? Sobrang tahimik ng paligid, imbis na bahay ampunan ay para yatang haunted house ata tong pinasukan namin.

Sa ground floor, naroon rin ang mga kwarto ng mga tagapamahala at mga extrang kwarto ara sa mga bisita. Sa mga natirang palapag, mga silid pahingahan na raw iyon ng mga bata.

"Are you sure this is an orphanage?" tanong ko na inilibot ang aking paningin. Umupo kami sa isang sofa set na nandito rin sa ground floor.

Amoy, luma na rin pero umupo pa rin kami. The place look so old, mukhang wala ng tumitira dito. "Asan ang mga bata?"

"Nox, Hijo!!" napalingon ako sa isang matanda na naglakad patungo sa amin. By the looks of her, mga early 80's na siya pero malakas pa.

"Lola Fel!" nagyakapan silang dalawa. Mukhang, matagal na silang magkakilala.

"Sino siya, hijo?" nakaturong tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya. "Zavy po, Lola," pagpapakilala ko sabay mano sa kanya.

Napangiti naman siya. "Ay, napakagalang mo naman hija. Kasintahan ka ba nitong kulokoy na to?" natatawang tanong niya.

Napangiti ako, ramdam ko ang paghihirap nila ngunit nagagawa pa rin nilang ngumiti. Ang ganda lang. "Hindi pa ho," kamot ulong sagot ko.

"Dali, pasok kayo." sumunod na kami sa kanya.

-

"Sige po Lola Fel, sisiguraduhin ko pong maayos ang buong bahay at papalakihin ko pa po! Mauna na po kami, magpapadala na lang po ako ng mga tao dito!" paalam ko sa kanya habang kumakaway at agad na tinext si Marcel about sa problema.

I decided to fix the orphanage, para mas marami pa ang matulungan nito. Nag donate na rin ako, at patuloy pa silang tutulungan. They deserve it.

Wala ng halos bata sa orphanage, ang iba ay umalis dahil naghihirap na sila. Hindi na raw sinuportahan ng pamilya nila ang orphanage dahil sa nabi-busy na sila. His dad also said na may mas importante pang bagay na paggagastusan nila ng pera imbis na ibigay sa orphanage.

Gusto ko tuloy sakalin Daddy niya, with all due respect.

"Oh? Asan tayo pupunta?"

"Punta tayong bahay, naghihintay na sila Dad sa atin."

Muli na naman akong nawala sa huwisyo dahil sa kaba. Shit, fudgeshit.

-

PAGKARATING na pagkarating namin ay sinalubong kami ng Mom niya, agad niya akong hinila at niyakap. Bineso niya pa ako.

"G-good evening, Tita," nakangiti kong bati sa kanya. Mahina niyang hinampas ang balikat ko.

"Come! Come! Let's eat na, ready na ang mga foods." Natawa ako ng mahina nang hindi man lang niya pansinin si Oxford.

Nag-bleh lang ako sa kanya. Kaya napabusangot siya at bumubulong ng kung ano ano. Dinala niya ako sa dining room. Madaming pagkain ang nakahain sa lamesa nila.

Parang may kung sinong bisita ang dadating. Pinaupo  ako ni Tita sa may right side ng upuan ng Daddy ni Oxford na hindi pa naman nakaupo, at wala pa sa dining room.

"Hi, ate." Nginitian ko lang din ang lalakeng kapatid ni Oxford.

-

"SO, hija ano nga ang pangalan mo?" Biglang tanong ni Mr. Cantrell ang Dad ni Oxford, ang buong pangalan nito ay Mr. Niko Cantrell.

Nilunok ko ang aking pagkain. Kinuha ko ang tissue sa gilid ng plate ko at ipinunas ito sa bawat gilid ng bibig ko. Can't believe I'm nervous as hell.

"I-i'm.." go Zavier kaya mo to. Huminga ako ng malalim. "I'm Zavier, Zerika Annaisha Vauxx Iestyn Ezumi Ruri Yutsuko."

Nanlaki naman ang mata niya at nabulunan pa kaya binigyan siya agad ni Tita ng tubig.

"Y-yutsuko?! Zavier?!" tumango ako. Bakit ganyan ang reaksiyon niya? "Bakit po?"

"Ah wala wala, isa ang mga Yutsuko sa malaking shares ng kompanya."

Malamang kilala niya si Daddy, kaya siguro ganon ang reaction ni Tito.

The dinner went smooth. And uwian na. "I gotta go Tita, Tito. I still have things to do." nag-beso ang Mom ni Nox sa akin, at nginitian naman ako ng Tatay niya habang naka-akbay kay Tita.

Kaya umuwi na ako, siyempre nagpahatid ako kay Nox sa school, kasi nandoon ang kotse ko.

-

Biglang tumunog ang alarm ko, kaya kinuha ko ito at binato. Pinilit kong matulog ulit, pero wala peste!

Tumayo ako at inis na ginulo ang buhok ko, dabog na pinuntahan ko ang aking alarm clock at tinatapak tapakan ito. Pinanggigilan pa. "You fuckin alarm clock! Die you bitch!!!"

Hinawi ko ang aking nakakalat na buhok, tumingin ako sa aking wall clock. "Oh shit! I'm going to be late!" may flac ceremony pa naman ngayon!

Dali dali akong pumuna sa banyo and do my thing.

Nakarating ako sa school, nang late pa rin. My effort aren't enough, huhuhuhu. But better late than never, remember that.

Napakapit ako sa aking bag, pero nagtaka ako nang makita ang mga students na nasa labas pa. Nakita ko naman na papalapit sa akin si Celian na kumakaway.

Kumunot ang noo ko. "Late too?" kumunot na rin ang noo niya.

"Anong late?! Eh alas siete pa ng umaga! Tuleg!"

"Huh? Eh 8 am na ang watch ko!" tinignan niya ang watch ko.

"Ah, advance ka bruhh!!" pa-cool niyang saad. Parang binuhusan ako ng isang balde ng malamig na malamig ns tubig,

Napapikit na lang ako. Shit. Sobrang dami pa ng mga students dahil, seven pa lang pala. Lumapit na sa amin ang mga kararating ko pang tropa.

Ngunit saktong, pagkarating niya ay ang pag-tunog ng speaker na kataka taka. "Sino yun?!"

"LISTEN STUDENTS! NAPAALIBUTAN NAMIN KAYO! PUMUNTA KAYO SA COVERED COURT!!! KUNDI BABARILIN NAMIN KAYO!" nagsimulang mag-panic ang mga tao.

Kaya nagsimula na ring magbaril ang mga tao sa likod nito. Isang lang ang iniisip ko. Oxford.

"Oxford!" Ngunit wala, pilit ko pa siyang tinatawag. Pero, hinila na ako ni Kae.

"He's looking for his Dad, pumunta si Tito dito kaya hinahanap niya ito." paliwanang niya. Nakita ko naman ang likod ng isang lalake na natatamaan na rin ng ibang estudyante.

"Oxford!" lumingon sa akin si Oxford, tama nga ako. Tumakbo ako papalapit sa kanya, at nang makalapit ako ay hinawakan ko ang mukha niya.

"Okay ka lang?! Cmon! Let's go!" umiling siya, at may hinahanap.

"Si Dad! I need to find him! Baka mapano siya!!"

*tugudogugodugudog!*

*tugudogugodugudog!*

*tugudogugodugudog!*

*tugudogugodugudog!*

Umalingaw ngaw sa buong lugar ang tunog ng baril.

"Tara na!" sigaw ko dahil hindi na magkarinigan ang mga tao dahil may umiiyak, may sumisigaw, tunog ng baril, ang ingay na.

"No! I need to find my Dad!" pilit ko siyang pinapaupo, kasi baka matamaan siya. Ngunit, bigla siyang tumayo nakita ko naman ang isang lalaking naka itim na babarilin sana siya.

Tinitigan ko si Oxford na tarantang-taranta na kaya hindi na niya napansin pa ang nakaitim na lalakeng nakaamba ang baril sa gawi niya.

"Argh! Bullshit!" Nakita ko kung paano kalabitin ng lalake ang trigger ng baril kaya wala na akong nagawa pa at hinarangan si Oxford. Napalingon naman siya sa'kin at gulat na tinignan ang pinanggalingan ng putok.

"Zavier!"

Ramdam ko ang malamig na bakal sa kaliwang balikat ko. "Argh!" dumaing ako, pero biglang may nanghila sa akin at nawala na sa paningin ko si Oxford.

"Oxford!"

***

Thanks for reading 🖤

PRES.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top