Chapter 51

***

Nox Cantrell

HINDI ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko. So after all this time?! Naguusap lang sila ng BEST FRIEND niya sa isang cafe?!! Sa lahat ng efforts ko nasayang! Dahil lang sa pesteng, pagkikita nilang dalawa na nakita koo!!! Argh! Kainis!

Dali dali akong pumunta sa cafe na pupuntahan ko sana, dahil gusto kong uminom ng mainit na mainit na kape dahil wala akong halos tulog dahil sa paghahanap kay Zavy, tapos ganito pa ang madadatnan ko?!

What a coincidence! Ito na ba ang mga karma na nakuha ko dahil sa mga ginawa ko kay Zavy? Well, ang SAKIT! Salamat tadhana, nagtagumpay ka! Pinalipas ko muna ang ilang minuto, para panoorin ang masaya nilang pag-uusap.

Malakas kong binuksan ang glass door as if mabibiyak na ito. Napalingon sa akin ang lahat, pero wala akong pakialam. Sigurado akong kunot na kunot ang noo ko at hapos magsiusukan na ang ilong ko.

Sino ba ang hindi magagalit?! Eh halos libutin ko na ang buong Pilipinas para lang mahanap siya, tapos ito pa?! Nadatnan kong masaya siyang nakikipag-chikahan sa best friend niyang halata namang may feelings para sa kanya.

Walang ano anoy, hinila ko siya. Walang asal man, pero isang malaking WALA AKONG PAKIALAM. Ang importante ay mag-usap ko itong nakakainis na babaeng bato nato! "Ano ba?!" nakarating kami sa kotse ko, piniksi niya naman ang kamay ko.

"What's wrong with you?! What's with the sudden out burst?!" Sarkastiko akong napatawa. Tinatanong pa niya talaga ah. Halos hindi na rin maipinta ang mukha ni Zavier, but damn I don't care!

"I'm looking for you! And there you are.." tinuro ko pa ang cafe. "Talking, widely smiling to your best friend!"

Napatango-tango naman siya at natawa, isang mapait na tawa. Biglang nabalutan ng sakit ang mukha niya, kaya hindi ko maiwasang masaktan din sa  pinapakota niya.

"Inalam mo ba kung ano ang nararamdaman ko habang masaya kang nagkukuwentuhan kay Rica?!" malamig niyang tanong. Ano? Anong ibig niyang sabihin?



Zavier Yutsuko

"DID you even ask me for what I feel when you're siding her instead of me?! Alam mo ba ang nararamdaman ko sa tuwing napapangiti ka niya na minsan ko lang magawa?! Inalam mo ba ang nararamdaman ko nang makita ko kayong naghalikan?! HINDI!"

Galit ako, na naiinis. I don't know what to feel anymore, my feelings are ready to burst and I can't hold it back.

"Diba sa ating dalawa ako dapat ang maggagaganyan?! But I didn't do anything! Alam mo yung, aligagang aligaga ako sa paghahanap ko sayo, pero nadatnan kitang nakikipaghalikan ka sa so called best friend mo!" pinunasan ko ang mga takas na luhang kanina pa gustong kumawala.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko, sa tingin niya ba hindi ako nasaktan sa ginawa niya?! Anong akala niya sa akin?! BATO?! Edi putangina! "Sa tingin mo?! Sinong matutuwa dun tatadyakan ko!! Lamang lupa! Argh!" ginulo ko ang buhok ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Kitang kita ko ang paglaki ng medyo singkit na mata niya at ang pagkataka ng mukha niya. Lumunok siya. "W-what do you m-mean?" mahina nitong tanong. Hindi ba obvious?! Talaga ba?!

"What?! Pinaglihi ka ba sa anesthesia ha?! Putangina!  Oxford, nagseselos ako! Tanginang nasasaktan ako kasi MAHAL KITA! I love you that you became my weakness! You became my hope.. my world! My all! Do you think, magkakaganito ako dahil sa wala?! Eh putangina PINAGLIHI KA SA ANESTHESIA! Hindi ba halata?!" napatanga siya.

I guess, ito na ang tamang panahon diba? Matagal ko ng kinikimkim to, siguro naman walang masama sa pag amin ng nararamdaman ko? But what will happen if he'll know the real me? Will he be able to accept me?

"W-what did you just said?" parang tinakasan ng ulirat si Nox sa postura niya. Napahakbang pa siya ng paatras ng isang beses ng tignan ko siya.

Ngunit hindi ang mga karaniwang tingin na ibinabato ko..

"I love you, and even though I tried forgetting it I just can't because I can't get enough of you. You're one of the unexpected reasons why I wanted to live, Oxford." tinignan ko siya sa mismong mata niya.

"I can live without you, but I can live best when I'm with you."



Nox Cantrell

TINIGNAN niya ako, but not the usual stares she always give at me. Punong puno ng emosyon, yung halo halong hiya, takot, pag-aalala sakit at pagmamahal.

"I love you, and even though I tried forgetting it I just can't because I can't get enough of you. You're one of the unexpected reasons why I wanted to live, Oxford."

"I can live without you, but I can live best when I'm with you."

Yung mga tingin na parang sasabihan ka na: Ano bang ginawa mo sa'kin at nagkaganito ako? Ano bang meron ka na nagustuhan ko?

Tell me, this isn't just a dream. Wake me up now!

S-she l-love me?!

She really love me?!

She really trully love me?!

Tinignan ko kung saan siya tumayo. "Zavy I— nawala?! Asan na yun?" nagpalinga linga pa ako sa paligid. Where is she?! Yan kasi Nox eh! Inuna mo pa ang daydream mo!

"Tsk! Makaalis na nga!"

Habang naglalakad, ay may naisip ako. Simula na ba ng Oplan: Ligaw sa Bato? Kayo? Sang ayon ba kayo? I-move unto the next level na ba ang love story namin ni Zavy?! Well, I don't need your opinion kasi gagawin at gagawin ko naman talaga.

Napakuskos ako ng aking dalawang, hahahahahaha! Ano kaya ang mangyayari pag nagka-love team ang BATO at ANESTHESIA noh?

Okay, isip tayo ng love team na name.

BANES?

ANESTHATO?

BASIA?

ANEBA?  PARANG PABEBE NA ANEBE

BANESTHESIA?



Zavier Yutsuko

HINDI ko na alam kung paano ko siya haharapin. Nakakahiya talaga yun, paano kung hindi pala love ang nararamdaman niya?

At isa pa, pinaglihi ba yun sa anesthesia? Kasi, meron bang humahalik sa isang lalake kung wala siyang nararamdaman para rito?

Anong akala niya sa akin? Bato? Fudge naman, kala naman niya di ako nasasaktan. Makauwi na nga ng makatulog, ang daming nangyari, ang dami dami.

-

"Huy!" ang duga, hindi naman ganito ang alarm clock ko ah?

"Gising!" peste kitang natutulog ang tao eh! Minulat ko ang aking mga mata, agad akong napabalikwas sa aking kama nang makita ang mga mukha nila Celian, Keana at Kiara.

"What are you doing here?!" pagalit kong tanong. Ke aga aga, ang ingay ingay! Ang sarap sarap ng tulog ko. Tapos, mga mukha nila ang bubungad sayo? Ang peste talaga.

Umirap sa hangin si Kiara, well habit niya na yan wag na kayong magtaka. "Tito Jo said that, kailangan mong mag aral ng mabuti. Hindi yung kung ano ano ang inaatupag mo. Pinadalhan siya ng message ng CA na matalino ka nga poor naman ang attendance mo!" napa-face palm na lang ako.

Para diyan? Gigisingin nila ako ng alas kuwatro ng umaga?

"Oh ano?" umismid naman si Celian.

"You need to go to school now!" napalaki ang mga mata ko.

"What the, ngayon na?! Fuck, it's just four in the morning!" nagtalukbong ako ng kumot. Tinatamad nga akong lumabas nitong condo eh, gusto kong matulog buong maghapon.

"C'mon," saad ni Celian sabay hila ng kumot at hinila ako mula sa pagkakahiga.

"Ayoko nga ih!!!!" parang bata kong pagpipigil habang nakapikit. Ngunit, takte hindi talaga sila mapigilan at nahila na ako patungong banyo at sila na ang nagsarado ng pinto.

"Maligo ka na! At maghahanda na kami ng breakfast natin!" namin? Fudge, kakalat na naman ng eggshells, sauce at mantika sa kitchen!

-

"OKAY class, I'll pick you by pairs for the reaction paper!" actually kanina pa akong walang gana. Tumawag kanina si Papa, takte napagalitan tuloy ako.

Sabi niya naman pumasok, hindi naman niya sinabi na makinig ng mabuti diba? Inaantok na ako sobra, biruin mo? 5:30 pa lang ng umaga nandito na kami?

Daig pa namin sa aga ang morning shift na security guard ng school! Ang malas pa, ang DUMI DUMI! Ang kalat kalat ng kusina ko!

Pinalinis ko na lang, tinatamad ako maglinis eh. "Okay for the last pair.. YUTSUKO and CANTRELL!"

Agad akong napabangon mula sa pagkakaub ob. Teka, tama ba ang narinig ko?! "M-miss?" pangkaklaro ko. Oh no.

Tinignan niya ang listahan niya at ngumiti sa akin. "Yes Ms. Yutsuko. You're going to work with the reaction paper together with Mr. Cantrell." what the fucking fudge.

Napatayo ako. "Pero M—" iwinasiwas niya ang kaniyang mga kamay na pinapatigil ako.

"No more buts! Okay Class! See you tomorrow!" hapong hapo akong napaupo sa aking upuan, hinawakan ko ang magkabilang side ng ulo ko.

Being with Oxford is not on my plan! Damn it! Umiiwas nga ako diba?! Tapos ito pa? Grrr, tadhana naman pinagloloko mo ba talaga ako?

May tumayo sa harap ko, kaya tinignan ko siya.

"Library tayo?" nakangiting yaya ni Oxford na parang walang nangyari.

So, wala lang sa kanya ang pag amin ko?

Napatango na lang ako ng wala sa oras. "L-let's go." ewan ko feeling ko nawalan ako ng gana. Imagine? Halos mahiwalay ang kaluluwa ko dahil sa kahihiyang ginawa ko, tapos sa kanya wala lang? Ang daya naman, ako naapektuhan tas siya wala?

Nag-pout ako. Unfair..



Nox Cantrell

PANSIN ko ang pag-pout niya, bakit kaya? "Okay ka lang ba?" hindi ko na mapigilan ang mag-tanong. Walang gana naman siyang tumango, kaya sinang-ayunan ko na rin baka masapak pa ako ng wala sa oras eh.

Pagkarating sa library ay walang tao. Just the way I wanted to. Para may alam naman kayo, planado ang lahat. Mula sa reaction paper hanggang sa pagpunta ng library. Ang talino at galing ko diba? Sana hindi niya mapansin, masasayang ang effort kong pakiusapan ang adviser namin.

Nakotongan pa ako, sakit nga eh. Pumasok na kami kasi walang Librarian. Isa siya sa mga plano ko eh. Sus! Gusto niyo ng talino? Dali! Salinan ko kayo, para kahit minsan naman ay maranasan niyo ang maging matalino diba? Pero sorry, limited lang ang time eh.

Pero.. Joke yun! Wag seryosohin ngunit pag si Zavy na seryoso ko hihihihi!!!! Yung sa inyo, just like what Amethyst said in Steven Universe: "It's a joke bruh!" Nanonood ba kayo niyan? Hehehehe, ako nanonood eh lalo na sa Movie! Astig talaga nun!

Linibot niya ng tingin ang buong loob ng library. Alam mo yung feeling na, ang bobo bobo mo this time kasi sobrang talino ng kasama mo? Yes, sobrang talino ng kasama ko na hindi ko na alam kung 500 ata ang IQ. Alam mo yung, kahit absent absent siya ang talino pa rin?

Isang malaking Sanaol! "There, perfect place!" sabay turo niya sa isang pwesto hindi kalayuan sa lamesa ng librarian. Tumango na lang ako, kumuha na siya ng mga libro at ako naman ay nagmukhang aso na sususunod-sunod sa amo niya. Pero, ang cute at ang gwapo ko namang aso nuh?

Pero nang sa may 5th shelf na kami ay huminto siya at liningon ako. "Following me instead of looking for the book that we need is not the best way to help in this activity, Oxford." napaatras ako dahil sa seryoso ng tono nito. At tinawag niya pa ako sa second name ko.

Bakit pag siya ang tumatawag sa akin ng Oxford bakit ang gwapo pakinggan, pero pag iba naman ang tumatawag sa akin bakit nagtutunog pang matanda? "What? You're going to stare at me the whole time? Well, to tell you, you're just wasting your time." tumalikod na siya.

Napa-pout naman ako. Sungit na bato! Tinulungan ko na lang siya sa paghahanap ng kung ano ano. Hanggang sa umupo na kami sa napili naming pwesto, inilibot na naman niya ang paningin niya. "Is it just me or there's something wrong in here?" liningon niya ako.

Patay, ang lakas talaga ng pang-amoy nito. " 'bout you? Do you find it strange? This project feels so outré, what do you think? Hmm?" sa tono niya na tunog batang curios. Cmon! How could she be so cute ang beautiful at the same time? Asan ang hustisya doon?!

"A-ah, wala naman akong nararamdaman ah!" depensa ko. Sana naman, hindi mahalata ang kaba ko. Tumaas ang kilay niya.

"Is that so? Well, maybe it is just me..."

***

Thanks for reading 🖤

PRES.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top