Chapter 48
***
Nox Cantrell
PAGOD na pagod na ako. Tagaktak na ang malamig na pawis ko, at gabi na. Where are we? Punyeta, nawawala na talaga kami. Buwesit!!!!
Kumapit si Rica sa braso ko. "Nox? Where are we na ba? I'm friggin TIRED!" Diniin pa niya ang salitang tired. At anong akala niya? Siya lang napapagod? Peste!
"Can you please stop complaining?! Nawawala tayo! And this is all YOUR fault! Buwesit!" Umirap lang siya. Alam kong pagod na siya, pero kung hihinto kami.
Baka may kung ano pang hayop ang masagupa namin, or worst— GAHASAIN AKO NG ISANG ENGKANTO!!! No! I can't to afford to lose my virginity to a unusual creature! I just can't!
Pinunanasan ko ang aking pawis sa noo at umupo sa nakita kong bato. Halos tatlong oras na kaming naglalakad, asan na ba talaga kami? Hinahanap ba nila kami?
Or, hinahanap ba niya ako? I doubt that, base on her stares earlier. Parang kakatayin niya ako, at ililibing ng buhay. Nakita ang emosyong SELOS, sa mukha niya.
Pero baka, sa paningin ko lang yon. Ano namang pagseselosan niya sa best friend ko? Eh nagkakatuwaan lang naman kami kanina eh.
Tumabi sa akin si Rica at ngumiti ng malungkot sa'kin. "I'm sorry, Nox, for dragging you in this situation. I'm really sorry, I thought following and believing in myself would lead is to our victory, instead we're here..." inilibot niya ang kaniyang paningin.
"Stuck inside the forest, nowhere to be found. I'm sorry." Agad niyang pinunasan ang luha na tumulo patungo sa mukha niya.
Kinabig ko siya sa'kin at, isinandal ang ulo niya sa dibdib ko at hinaplos ang ulo niya. Gusto ko siyang sisihin sa mga nangyari but I just can't, she's my best friend. Pakiramdam ko hindi naman niya sinadya ang lahat. Tumingin siya sa'kin na maluha-luha pa ang mga mata.
"I-I'm s-sorry." Ngumiti ako.
"Shh." Pang-aalo ko, iyakin talaga kahit kailan. Ngunit hindi nawala ang inis sa loob loob ko. Kainis kasi eh, umaandar ang pagiging pabida nito.
"I'm mad yes, but I'll forgive you. As always, just like what we used to do when we're kids, right?" She nodded. I smiled in assurance.
Tinignan ko ang paligid, wala na tanging flashlight ko lang ang nagsisilbi naming ilaw. Also, the fireflies, they give us little amount of light.
Ang buwan rin sa itaas, ang liwa-liwanag. Kaya kahit gabi na ay may naaaninag pa rin kami. Wala, walang wala na talaga kami. I hope they'll look for us.
And I would be the most blissful man on Earth if I saw Zavy looking for me. Naramdaman ko ang aking pagngiti dahil sa aking naiisip.
A thought of her, looking at her worried face. At bigla niya akong yayakapin and she'll say: "Where have you been, Oxford?! Alalang-alala ako sa'yo! Ikaw na lamang lupa ka!! You're so stupid!!! Ano? Okay ka lang ba?! May masakit pa ba sayo?!" Kahit sigaw yun ay may bahid pa rin ng pag-aalala.
Napayuko ako at napangiti. Ang ganda talaga pag ganun ang bubungad sa'kin pag nakauwi kami sa campsite. "Hey, Nox!" May pumitik na daliri sa harapan ko, causing me to go back to reality.
Tsk, panira ng moment talaga kahit kailan. "Anong nangyayari sa'yo? May lagnat ka ba?!" Sinalat niya ang noo at leeg ko.
Nabahiran ng pagtataka ang mukha niya. "Wala kang lagnat, pero bakit ang pula ng mukha mo?!" Agad akong napahawak sa aking mukha.
Shit! I'm blushing! Of course, iniisip ko si Zavy eh, si Zavy na yun eh. "A-ah, e-eh wala to!!!" Nabigla rin ako dahil sumigaw ako. "Eh bakit ka sumisigaw?!" Sigaw rin niya na nakakunot ang noo.
Putek,ba't ba kasi ako sumigaw?! Baliw na ba ako?! No! I can't be one! "NO!!!" And for the second time, nasigaw ko na naman.
Hinampas ako sa balikat ni Rica. "Anong, no?! Buset, gutom lang yan. Oh biscuits, para malamanan yang utak mong natuyot na." Napatanga naman ako sa binigay niya.
"Anong konek?" Wala sa sariling tanong ko. Nanggigigil na tinignan niya ako at humakbang sa akin na parang papatayin niya ako.
"BUWESIT KA!!"
-
ANG init naman. Nakakasilaw pa, and I open my eyes. And realization hit me, we're still here inside of this damn forest. Konti na lang ang pagkain namin. I sighed.
How can we survive in this situation? Mabubuhay pa ba kami rito? Aba! Dapat lang! Kailangan pang magpatuloy ang love story namin ni Zavy noh!
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga, umaga na pala. Hays naman, buhay talaga full of problems hindi na naubusan ng stock.
Napansin kong nakahiga rin si Rica sa lupa, at napagdesisyonan ko ng gisingin siya. Kailangan naming maglakad muli baka sakaling maka-uwi na kami.
"Rica! Rica!" Panggigising ko. "Mmm!!" Ungol niya at pikit matang bumangon, nag-unat siya ng mga braso at humikab.
Taka siyang tumingin sa paligid. "Umaga na pala?!" Tumango ako. "Tumayo ka na diyan, we still need to find a way out here. Baka may mangyaring masama pa sa'tin dito." Seryoso kong ani na tinanguan niya lang.
Pinagpagan niya ang likod niya habang ako naman ay nagtititingin sa paligid at napayuko, paano na kami nito? Makakaalis pa ba talaga kami?
"Tara na?" Napalingon ako sa kanya dahil sa yaya niya, tumango naman ako at umuna sa paglakakad. "Kyahhhh!!" Gulat akong napatingin sa kanya na nasa likuran ko.
"Bakit?!" Nataranta kong tanong. Baka may kung nilalang na kakain sa'min! Waahhhh!! May tinuro siya sa isang gilid kaya sinundan ko iyon ng tingin.
"May bulate!!!!!!!!" Agad na napatakip ako sa aking tenga. Peste! Bulate lang pala, pero nabigla ako nang nagpakarga siya sa'kin na parang bata.
Or sabihin na nating parang tarsier na nakakapit sa isang puno ang porma niya ngayon. Buwiset! Ang bigat!! "G-get off me Rica! Ang b-bigat mo!!" pilit ko siyang inaalis. Hindi lang sa nabibigatan ako sa kanya, dahil na rin sa pakiramdam kong parang nagkakasala ako.
Nakita ko ang maputla niyang labi, at ang pagtulo ng pawis niya. Ah, oo nga pala takot siya sa mga hayop na ang pangalan ay BULATE.
Hindi naman siya natatakot sa mga caterpillar, pero sa bulate oo. Ewan ko sa kanya, napilitan akong kargahin siya paalis doon, ayaw talagang bumitaw eh.
Nung nakalayo-layo na kami ay binaba ko na siya. "Oh, wala ng bulate. Peste! Ang bigat mo!! And you never change, takot na takot ka pa rin sa bulate." Pinunasan ko ang pawis ko.
Humagikhik naman siya, at hiyang tumingin sa'kin. "Sorry naman, bigyan mo na lang ako ng sawa wag lang bulate!! Ang ewww kaya nun!! Yuckkks!!!" Umakting parang bulateng binudburan ng asin.
Pinigilan ko naman siya. "Stop that, tara na.. Gutom na ako eh." Umuna na akong maglakad. Inilibot ko ang aking paningin. Wala man lang bang pagkain dito?
Ngunit agad na nagdiwang ang loobloob ko nang may makita ako. Uy! May saging!! Lumapit ako dun at pumitas. Naramdaman kong lumapit sa'kin si Rica. "Is that bananas?" Siniringan ko naman siya.
"Obvious ba?" Umiling na lang siya at naglakad lakad..
"Nox! Nox! You have to see this!!!" Bigla bigla niya na lang akong hinila, kaya todo hawak naman ako sa mga saging na nakuha ko.
"What the hell are we goi— Woah! What's this place?!" I exclaimed and examined the place. May falls dito! Maliit nga lang, pero sapat na pang-relaxation!
Binaba ko sa isang bato ang mga saging na dala ko. "This is place is.. BEAUTIFUL!!" Namamangha kong saad. Agad na hinubad ko ang aking t-shirt at lumusong sa tubig.
I shaked because of the icy cold water from the falls. Shet! Ang lamig! Taka akong napabaling kay Rica na hindi naliligo.
"What's wrong, Rica?! Ayaw mong maligo?" Umiling siya. And, saktong may kalokohan na pumasok sa isip ko. I grinned. Wahahahaha! Lagit ka sa'kin ngayon!!
Lumapit ako sa kanya, wearing my unusual smile. Pansin ang pagtataka ng mukha niya at nanginginig na umatras. "What are you going to do, Nox?! Stay right there! Stay where you are!!" Nakaatras at nakaduro pa saking saway niya.
Nang makalapit ako ay bigla bigla ko siyang binasa. As in BASANG BASA.. Kinarga ko pa siya papunta doon, ending naligo na rin siya.
Nagbasaan kami ng tubig, at panandaliang nakalimutan ko ang problema namin at pag-aalala. "Tara na muna dun, pagod na ako." Umuna na akong maglakad sa gilid. Bigla na lang bumigat ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
Umupo kami doon sa mga bato at nilantakan ang mga saging, oo NILANTAKAN talaga gutom na gutom eh. Matapos kumain ay tumayo at pinagpagan ko ang likod ko.
Pero sa di inaasahang pagkakataon ay may ginawa si Rica na ikinagulat ko..
Zavier Yutsuko
PESTE, asan ba kasi sila nagsususuot?! Ilang oras na silang nawawala, kaya tumulong na ako sa paghahanap. I'm tired, pero hindi ako sumusuko dahil kailangan ko silang hanapin.
Kailangan na kailangan ko siyang hanapin. Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya. Bit bit ang bag sa likod at ang isang dagger sa kamay ko ay buong tapang kong sinugod ang kagubatan.
Pero napahinto ako sa paglalakad nang may marinig na kaluskos, parang tumatakbo. Nagpalinga-linga ako, at sa may bandang kanan ko ay may baboy ramo!!!!
Ang bilis tumakbo nito at klaro naman na papunta sa'kin, kaya todo takbo naman ako. Shkkkk, ang panget ng mukha!
Huminto ako at hinanda ang aking dagger, kung tatakbo ako palagi ako lang rin ang mapapagod lalo pa't ang bilis ng baboy na to.
Nung pasugod na siya sa'kin ay tumalon ako at itinarak sa ulo niya ang dagger. Fudge, ang tigas ng bungo buset. Salamat sa Diyos at namatay naman.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad, sigurado akong malapit lang sila. Dala dala ko rin ang tracker ko para isang signal ko lang mahahanap na agad nila kami.
Malapit na talaga, malapit lang sila may nakita na akong mga bali baling mga halaman at mga sira sirang sanga na tila'y natapakan ng tao.
Naglakad ako nang naglakad. Walang tigil sa paglalakad, hanggang sa may marinig akong lagaslas ng tubig at.. TAWANAN?!
Nuriel Oxford Cantrell, okay lang na nagsasaya ka ngayon. Basta ligtas ka lang, mapapanatag na ako. Sinundan ko ang mga tunog hanggang sa nakita ko ang maliit na falls.
Siguro, kahit maligaw ako dito okay lang. Wais ako eh kaya makakabalik pa rin, ang ganda. Kumikislap pa ang tubig pag nasisinagan ng araw.
Nakaka-relax, kasabay nang paglagas-las ng tubig ay ang paghampas ng hangin sa mga puno at huni ng ibon na siyang nakakadagdag ng halina sa paligid.
Asan kaya sila? Okay lang ba si Oxford? Napa-iling ako, lagi na lang si Oxford ang iniisip ko wala ng iba. Tinamaan na ba talaga ako?
-
"Please? It's just a peace offering," sabi niya at nag puppy eyes sa akin. Seriously?
"Sana mapatawad mo kami, for breaking your relationship with your brother. Nung mga panahong yun hindi rin namin alam na magiging ganun ang reaction niya, na masasampal niya ang kaniyang sariling kapatid dahil sa amin. Nung naospital ka, he was very frustrated and the same time disappointed to himself. First time namin siyang makitang umiyak nun. Umiyak siya dahil ang laki daw ng kasalanan niya. Hindi daw niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa iyo. And nandun din ang mga best friends mo. They're very very angry. They punch Zach's face"tumigil siya sa pagkukuwento at huminga muna.
"Pero wala lang yun kay Zach, he thinks that he deserve it, for a irresponsible brother like him. At nung nawala ka na parang bula. Dun na siya bumagsak. Lugmok na lugmok siya nun. He's crying on his room. Hindi kumakain o uminom man lang ng tubig. Grabe yung pagsisisi niya. But your parents help him to cope up. Akala niya nun na magagalit ang parents niyo but he felt relieved nang malaman niya na you told your parents not to get mad at him. To still care for him. Kaya napagaan ng konti ang loob niya. He brace himself up. And pinahinap ka niya dito sa Pilipinas. Pati na rin ibang bansa, pinahanap ka niya. Ngunit wala siyang nahanap ni kahit anino mo. Nawalan na siya ng pag-asa. Ngunit one time, sinabihan niya kami na mag-aaral daw siya ng mabuti, para when the time comes at bumalik ka na may ipapagmalaki siya sa'yo. Kaya he graduated as magna cum laude. And manage your parents company. Your company reach the 2nd most biggest and richest company in the world. Ginawa niya ang lahat para makamit iyon, dahil yun daw ang gusto mong mangyari"pagkatapos niyang sabihin yun ay hinawakan niya ang kamay ko. And again nakaramdam ako ng kuryente. I have this strange feeling kapag nahahawakan o nagkakadampi ang mga balat namin.
"Please Zavy, please forgive us, lalong lalo na si Zach. Dahil kahit ngayon he was so sad, but hindi niya iyon pinapakita sa iba. Kaya please forgive us. I know na ang pangyayaring yon gives a big blow to your life. But all of us begging you to forgive us. Wala man sa vocabulary namin ang mag sorry, pero dahil sa nangyari, we learn to say sorry. Kaya please forgive us"
"Morning beautiful!"
"Why did you do that! I'm so worried about you! You know that? Alalang-alala ako sa 'yo!" biglang tinambol ang puso ko, at tila'y hinaplos. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa mga sinabi ni Nox, nanindig ang balahibo ko sa batok, anong nangyayari?
Bakit 'di ko magawang, itulak ang lamang lupa na 'to? Bakit yata, nagugustuhan ko 'to? What's this foreign feeling inside? Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Ano ba 'tong ginagawa niya?
Grabe! Ang init ng yakap niya! Oo naka YAKAP siya sa'kin! Kaya nga 'di nakalapit sila sa'kin kasi, siya ang umuna! What's happening with you Nox? Why are you like this? Mahigpit niya akong niyakap, at isiniksik ang kaniyang ulo sa aking leeg, para siyang batang niyayakap ang teddy bear niya.
"No! I won't, cause you'll leave me again!" parang batang sabi niya.
"What's wrong with you Nox? Ano bang problema mo? Why are you dragging the hell out me? Ano?"
"Ang manhid mo.. Ang manhid manhid mo!"
"What are you talking about? Anong manhid ba?"
"Nagseselos ako..."
"Don't worry, I'm always here to love you." at mas hinigpitan ko ang yakap ko.
"Please? Can we stay like this for a while?"
"I wish, we're like this. FOREVER."
But suddenly, he cupped my face and his became closer. After a few seconds, our lips collided like there's no tomorrow.
"Thank you for being my first kiss..."
-
Our first kiss happened like a blast. Sobrang bilis ng pangyayari. Before, I really really hate them— him sagad to the bones.
Pero ngayon? I feel like my world is incomplete without Oxford in it. Like he's my color of my world, my light in the dark, my glitter in my life. He makes me feel what should a girl like me feels.
Am I.. IN LOVE with HIM?
Ngiting ngiti ako dahil sa aking naisip, para saan pa ang pagde-deny kung puso naman na ang sumisigaw diba? Just embrace it and enjoy the moment. Mas masarap yon.
Yesterday is HISTORY.. tomorrow is MYSTERY.. But today is a gift that's why it's called PRESENT.
Focus on what you have this time, don't travel to your hurtful past, don't worry of what will happen in the future focus on the word NOW, TODAY and PRESENT.
Hinanap ko sila nang may ngiti sa labi, sayang saya ako dahil sa gaan ng pakiramdam ko. Parang nasa CLOUD 9 ika nga nila, I feel so light. Yung gusto ko na lang ngumiti every time.
Sobrang galak ang nararamdaman ko, nakaka-addict. Na yung puso ko ang nangingibabaw na tunog sa sistema ko KUMAKABOG.
Ang saya saya as in na parang... Naka-LOVECSTASY ako.. Gusto na atang mag-hip hop ng puso ko at at mag-breakdance.
Kaya sa inyong mga kabataan isa sa mga delikadong droga ay ang LOVECSTASY.. Nakakabaliw, nakakatanga, nakaka-high.
-
AFTER a long walk mukhang nalibot ko na ang buong falls maliban sa isang parte. Ngiting naglakad ako patungo roon.
Kumabog ang puso ko at umanghang ang gilid ng mata ko dahil sa nadatnan. Bakit.. Ganto?! Kung kailan, ang saya saya ko kanina. Napalitan naman agad ng sakit?
Napahawak ako sa aking dibdib at aksidenteng na-on ko ang signal ng tracker. Napakapit ako sa isang puno at pilit na hinahabol ang hininga.
Ang sakit.. Ang sakit sakit. Nakakapanghina ang ganito, lugmok na lugmok ang puso ko at ang bigat ng loob loob ko.
Ang init na ng sulok ng mata ko at sa wakas nakatakas na ang mga luhang nakapondo sa mata ko. Umatras ako at dahan dahang umalis.
Tumakbo ako nang tumakbo, kahit ang labo labo na ng mga mata ko dahil sa luha ay pilit akong tumakbo. Nagkanda-dapa dapa pa ako at nanghihina na ang katawan ko.
Ang lahat ng sakit ay bumalik sa sistema ko, bawat pintig ay may halong sakit. Dahan dahang dinudurog ang puso ko at pinapira-piraso, tinutusok ng libo-libong karayom.
Hikbi ako nang hikbi at tila'y may bumara sa lalamunan ko, peste ang sakit..
Bakit ganito, Oxford? Kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko, saka mo naman nagawang makipaghalikan sa iba?
Nox Cantrell
I'M so disappointed! Wala man lang Zavy na humanap sa'kin! Wala! Nahanap na nga kami't lahat! Pero ni anino niya ay hindi ko man lang nakita!!
"Tsk! Wala talagang pakialam sa'kin si Zavy! Bato talaga yun!" Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Arkin.
"Ano ulit, Nox?!" Tila di makapaniwalang anas nito.
"Tsk! Hindi man lang tumulong sa paghahanap sa'kin!" Kung wala lang mga tao ay siguradong puputok ako ng wala sa oras.
Pero nung sumagot siya ay napatanga ako.. This shit is not happening..
"SIYA ang nakahanap sa inyo.."
***
Thanks for reading 🖤
PRES.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top