Chapter 44

***

Zavier Yutsuko

"ZAVY? Pasok na tayo," aya niya. Lumingon naman ako sa kanya at nahuli ko siyang humihikab na.

"Get off me," utos ko. Umalis naman siya mula sa pagkakahiga sa aking hita. Tumayo naman ako at pinagpagan ang aking likod.

"Tara na?" Nakalahad sa harap ko ang kamay niya. Kinuha ko naman iyon.

*tug!*

*dug!*

*tug!*

*dug!*

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko na naghuhurumintado, totoo na ba talaga 'to?

Biglang may dumaloy na mga mumunting kuryente sa katawan ko, na talaga namang kumikiliti sa mga kaugat-ugatan ko.

Namalayan ko na lang na, naglakakad na kami pauwi.

"Asan pala tayo matutulog?" Tanong niya na hindi nakatingin sa'kin pero nakangiti siya sa halos na mga taong nadadaanan namin.

Sinagot ko naman siya. "Ah, I'll ask Nanay Lucy first," inaantok kong ani at humikab pa.

Nag-usap lang kami ng kung ano ano kanina, ito naman kung anong kagaguhan ang sinasabi. "Let's go?" Aya ko na lang. Matapos ang ilang minutong lakaran, nakarating na kami sa mismong bahay nila Nanay Lucy.

Mag-asawa kasi sila ni Tatay Seven. Nakasarado na ang pinto, kaya kumatok ako. "Tay? Nay? Pakibuksan po!" Mahinang sigaw ko sabay katok. Hininaan ko lang kasi, natutulog na ang iba, baka maka-istorbo pa kami.

May bumukas na ng pinto, si Nanay Lucy. "Oh? Anak! Pasok kayo!" .alugod niya kaming pinapasok sa bahay. "Natutulog na ba kayo, Nay?" Tanong ko, nahiya naman ako eh. Alas diyes na ng gabi, tas nambubulabog pa kami.

Ngumiti naman siya. "Hahahaha! Ano ka ba anak! Hindi pa naman, patulog pa lang.

"Nay? Asan po pala kami matutulog?"

"Ay hala anak! Isang kwarto na lang ang nandito, yung kwarto mo!" Napalingon naman agad ako kay Oxford.

"A-ano po?!" Gulat kong tanong. Wag mong sabihin, NA MAGTATABI KAMI?!

"Magkatabi na lang kayong matulog, tutal mukhang mapagkakatiwalaan naman ireng binatang ire.." Fudge! Totoo talaga?!

Tumawa ulit si Nanay. "At saka, magkasintahan naman kayo normal naman na magtabi kayong matulog." I was speechless parang nasiraan ata ako ng utak.

Ngiting ngiti naman na hinarap ni Nox si Nanay. "Sige po! Asan po pala ang kwarto NAMIN?" Tanong niya na pinagdidiinan pa ang ang salitang namin. Tsk, itong taong to talaga.

Mapanuksong tinignan naman ako ni Nanay.

Grrr~! Ikaw na Nox talaga! Lagot ka talaga sa'kin, buang talaga to! Iginiya na kami ni Nanay papasok sa kwarto KO, oo KO lang hindi NAMIN, heh. Nag-magandang gabi na kami kay Nanay.

Liningon ko ng malamig si Nox, dahilan para bahagya siyang mapaatras. "I'll take a bath first, and you!" Dinuro ko naman siya. "Get some clothes at the Limo, I have extras there. You can get some." Tumalikod na ako at pumasok sa banyo.

Ginawa ko na ang kung ano man ang dapat kong gawin, pagkatapos ay humiga na sa kama.



Nox Cantrell

UNA na akong nagising, and I didn't bother waking her up. Watching her sleeping peacefully in arms, is one of the most beautiful scenes I've saw.

This is one of my dreams, and now it came true. Pero,

"Ay shit!" Sa gulat ko ay napaigtad ako.

Bigla na lang kaseng bumukas ang mata niya! 'Yung para bang parehas kay Bella Swan sa Twilight? After she gave birth to her daughter, she passed away but after Edward giving her some bites she just opened her eyes, like in just a second! That was CREEPY!

"Oh? Naku, wag mong gawing habit yang pagtitig sa'kin. Baka makasanayan mo, at hindi mo na malimutan pa." Malamig niyang saad at bumangon na.

Tumalikod siya sa'kin at akmang papasok na sa banyo, pero napatigil siya.

"I'll let you like me, but never fall for me really hard."

'You're too late Zavy, I've fallen for you'

I wanna say that thing right into her face. But I just can't, nawala lahat ng sigla ko mula pagmulat ko sa aking mga mata.

'Bakit ayaw niyang.. mahalin ko siya?! And besides.. Napipigilan ba yun?! Hindi naman diba?!'

Litong lito ako sa nararamdaman ko at nagisip-isip. Hanggang sa hindi ko namalayan na, nandito na kami sa labas at namimigay nung mga pinamili niya.

'Good as ever. I wish, someday you'll realize that letting me fall for you really hard is one of your best choices you've ever made'

Napawi ng konti ng mga ngiti nila ang lungkot na nadarama ko. Watching them happily opening the paper bags, make my heart flutters with joy.

May lumapit sa aming lalake. Mga ka-edad lang yata namin.

"Oh? Geoff? May kulang pa ba? Kumuha ka lang." She smiled genuinely as she said those words.

'Those smiles, how can I stop my feelings for you if you're the one who's making me fall for you?'

"S-salamat, Ruri! Salamat! Malaking tulong na ito sa'min." Napansin ko ang pagkunot ng kilay ni Zavy.

"Nag-aaral ka pa ba?"

"Hind—" galit siyang sinigawan ni Zavy.

"Bakit?!" bakas talaga ang pagkadismaya sa tanong nito.

'Are they that close?'

"Hay, Ruri naman. Alam mo naman ang sitwasyon namin diba?" tinignan niya ang mga kasama niyang masayang masaya dahil sa nakuha. "Guston gusto ko mag-aral. Pero, imbis na ipinambayad ko sa skwelahan ang pera na pang tuition, mabuti pang ibili ko na lang ang pagkain ng mga kapatid ko. Ako na lang ang inaasahan nila, matanda na ang lola at ang babata pa ng tatlo kong kapatid. Kaya, uunahin ko pa ba ang sarili ko kaysa sa sakanila?"

I pity him. Sana ganyan ang lahat. Alam mo yun? Kung sino pa ang nabigyan ng malaking prebilihiyo na makapag-aral ay siya pa ang nagbubulakbol samantalang ang mga kagaya ni Geoff na gustong gusto mag-aral ay hirap na hirap.

Sumabat na ako sa kanila. "Ipapasok kita sa school na pagmamay-ari namin. Alam kong makakapasok ka dun, malakas ako dun eh!" Of course malakas ako don, ako magmamay-ari non eh.

Lumiwanag ang mukha niya.

"Salamat, Pare! Salamat talaga! Yes! Makakapag-aral na ako ng libre!" Sigaw siya ng sigaw na yes. Dahil sa kasiyahan.

We decided to bid our goodbyes. Nagkaiyakan pa sila, except na nga lang kay Zavy. Alam niyo naman, BATO yun eh.

On our way home, I doze off.



Zavier Yutsuko

TODAY is Wednesday! Yehey! Malapit na ang Biyernes! Bwahahahahahha!

Nandito ako ngayon sa condo ko. Ayaw ko pang umuwi samin.

'Tsk, baka sampalin na naman ako ni Dad. Ayaw na ayaw ko pa naman na ma-insulto ako nila. Kasi pakiramdam ko, ang baba baba kong tao'

Inalis ko ang comforter ko, at umupo sa kama.

"Mmm!" Ungol ko sabay stretch ng mga braso ko. Napatingin naman ako sa orasan.

'Hmm.. 5 pa lang. Ang aga ko pa lang nagising'

Pero, pumunta na ako sa banyo at naligo. Wala naman na akong magagawa eh, kasi kung babalik ako sa pagtulog na gustong gusto ko naman eh baka mamayang tanghali na ako magising, naku baka mabatukan na ako ni Papa Jo.

Pumunta ako sa harap ng ref. Pero bigla na lang akong napasimangot.

'Ubos na ang strawberry koooooo!!!'

Pero, bigla kong naalala ang sinabi ni Mom na dapat kumain din ako ng matitinong pagkain. Kaya kinuha ko ang tocino at burger patties.

Pinrito ko lahat. Nagsaing na rin ako sa rice cooker. Habang naghihintay, ay napagdesisyunan kong maglinis.

Walis dito..

Tapon doon..

Madali lang naman akong natapos kasi, hindi naman ako makalat eh.

Sakto rin kasi, luto na ang kanin. Yun na lang kasi ang hinihintay ko. Pinunasan ko ang konting pawis sa aking noo. Pumunta ako sa lalagyan ng mga plato at kubyertos at kumuha lang ng tamang mga gamit para sa pagkain ko.

Matapos kong kumain ay naghugas na ako ng mga pinggan. Siyempre, alam ko naman ang mga bagay na yan. Tinignan ko ang relo ko, alas sais pa. Tsk, napaaga talaga ako.

'Ano kaya gagawin ko?'

Then naputol ang pag-iisip ko nang may tumawag sa'kin.

[Lennox Calling...]

Sinago ko naman agad iyon.

[Good morning Zavy!]

Agad agad ko namang inilayo sa aking tenga ang phone ko dahil sa lakas ng sigaw nila.

'Tch! Kahit kailan talaga'

"Oh?" Tanging tugon ko.

[Buti naman at sinagot mo na, ano? Kumusta ang pagbisita mo?]

Why did I told them that again?

"It's fine, and yeah I just woke up early. That's why." Inayos ko na ang sinuot ko.

Ang suot ko ngayon ay blue mom jeans, then oversized tshirt na white na in-in shirt ko, at simpleng white sneakers lang.

Habang katawag sila ay pumunta na ako sa elevator.

"Good morning ma'am," bati nung elevator girl na tinangoan ko lang. I mouthed ground floor na tinangoan niya.

[So, papasok ka na?]

"Yeah, yeah. Bye! I need to go now. I'm going to drive. Sayonara suckers!" I ended the call.

*ting!*

Sakto namang nasa ground floor na ako.

"Thank you Miss," malamig na pagpapasalamat ko sa babae sa elevator.

"My honor ma'am," tumango na lang ako at pumunta sa kotse. Pumasok na ako, pero tinignan ko muna kung kompleto na ang gamit ko.

Okay naman na pala lahat, kaya lumarga na ako.

Nakarating ako sa school, at ngiting ngiti naman na sinalubong ako ng lamang lupang OXFORD. Hindi na mababago yun no. Ewan, lamang lupa na ang talagang nakaukit sa utak ko pag sinabi ang pangalan niya.

"Good morning Zavy!" Parang batang sigaw niya na akmang yayakap sa'kin. Pero kahit mas mataas siya sa'kin, ay nagawa ko siyang pigilan gamit ang kamay ko.

Sa mismong mukha niya dumapo ang maliit kong kamay.

'Ewwwww, dumikit pa ang laway!'

"Yuck. Lamang lupa your saliva!Argh! Ewww!" Kinuha ko agad ang panyo ko at pinunasan iyon.

'Shit! Hindi ko pala dala ang alcohol ko! Argh!'

May nakita akong lalake na may alcohol. Linapitan ko naman siya.

"Can I have some?" Nakangiti kong saad. Nahihiyang tumango naman siya at binigyan ako.

"Thanks!" Iniwan ko siya dun. Na star struck sa ganda ko atkagaya ng sabi sa Myra E,

I KNOW RIGHT!

Simangot na simangot si Oxford the lamang lupa ng lapitan ko. Pero hindi ko na pinansin, bahala siya diyan. Hahahahaha! Ang sama ko.

(Lunch time.. At the cafeteria)

Lunch na. Kaya napagpasyahan naming kumain dito. Sobrang ingay nga nila eh. Pero pansin na pansin ko ang pagiging tahimik ni Arkin, na ni minsan ay hindi niya ginawa.

"Oh? Bro! Bakit ang tahimik mo naman yata? May problema ka?" Tanong ni Kae.

Umiling naman si Arkin at ngumiti na halata namang pilit. "I-i'm fine, t-teka lang. C-cr muna ako." Bigla na lang nawala sa paningin namin.

'Okay lang? Heh!'

Napakunot ang noo ng lahat. "Anyare dun?" Tanong ni Kae. Kami lang ang nandito ako mga ka-gang mates ko at ang dalawa dahil umalis naman si Arkin.

Nagkibit balikat silang lahat. Ako naman ay napaisip. Dahil sa kuryosidad ay hindi ko na mapigilang tumayo. "I'm full. I'm going somewhere, and don't look for me. I'll just call you." Aalis na sana ako pero may pumigil sa'kin gamit ang paghawak niya sa wrist ko.

"Why?"

"You're not leaving me again, right?" Tumango naman ako and smiled.

"I just wanna have some alone time. Can you give me that?" Parang batang tango naman siya nang tango.

'Tsk, isip bata talaga!'

Umalis na ako roon at hinanap si ARKIN.

Nakita ko naman siya sa likod ng Engineering Building. Naka-upo siya sa isa sa mga bench doon. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Bakas sa mukha niya ang labis na sakit.

"Oh." Sabay lahad ng panyo ko sa harapan niya. Agad agad naman niyang pinunasan ang mga namumuong luha sa mata niya.

'Tss.. Mapagpanggap'

"A-anhin ko yan?" Halatang ayaw niyang malaman ang nararamdaman niya.

'Tuleg rin tong isang to eh'

Ipinilit ko sa kanya ang panyo ko.

"Napipigilan ang tawa at galit. Ngunit hindi ang pait at sakit. Right?" Gulat siyang napatingin sa'kin.

"W-what a-are y-you t-talking a-about?" Tanong niya na talagang pilit na itinatago ang sarili.

'So stupid, as always kung gaano ka stupid ang hari ng mga lamang lupa, ganun din ang mga membro.. Tsk! Tsk!'

"If you can fool everyone, well expect me as an exemption. Even though you're smiling, your eyes says it all. That there's something bothering you."

'Eyes are the windows to our souls'

"And besides, an annoying person like you don't know what SILENCE is. It's very unusual for you, not to talk a lot."

"Hindi na pala pwede ngayong manahimik muna kahit minsan?" Sarkastiko niyang tanong na tinanguan ko lang.

"YES." pagdidiin ko kaya bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. "Know why?" Liningon ko siya. "Cause you're one of those who's making my life show its glow. Kinulayan niyo ang matamlay kong buhay. Kahit minsan— ay palagi pala, naiinis ako sa'yo, sa nakakairita mong boses. Hindi ko naman ipagkakaila na dahil sa iyo, naramdaman kong naging normal ang takbo ng buhay ko."

"Cmon, tell me. I won't judge you."

"Alam mo? Hindi mo dapat akong nakikita na ganito eh. Mahina at umiiyak."

Seryoso ko siyang tinignan. "Being a man doesn't mean that you don't have the rights to show your weaknesses. You can cry every time you want, you can show that your weak. Because crying doesn't mean you're limp-wristed. It's just that, you're being brave for a long time and your body wants to rest. Kaya ka umiiyak.."

"Ang pag-iyak ay senyales na naging matatag ka sa lahat ng panahon ngunit dumating ang time na hindi mo na kaya kaya bumigay na, alam mo naman diba kung bakit may ulan? Kasi, hindi na kinaya ng mga clouds ang mga particles na nasa kanila kaya bumigay na sila, through rain. Ganyan rin ang tao Arkin, kapag nabibigatan ka na wag kang mag-aatubiling bumigay kasi lahat ng bagay may hantungan. Kailangan mong mag give out para sa susunod na mga araw, may space ka na ulit para sa mga bagay na kakaharapin mo at strength para harapin ang mga bagay na ito." I smiled genuinely.

Bumuntong hininga naman siya. "My M-mom a-and D-ad. Magdi-divorce na sila!" Naiiyak niyang saad.

I silently praised him. Ayan umiyak ka lang, take those pain out at ibuhos ko. In that way, you'll be relieved.

"M-mahal ko a-ang p-pamilya k-ko. H-hindi ko k-kayang m-mabuwag k-kami, h-hindi k-ko k-kaya." Tuluyan na siyang napahaguhol.

Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at inakbayan ko siya. "Bakit daw?"

"A-ayaw n-na n-ni M-Mom, n-nakita n-niya k-kasi na may k-kahalikang i-iba si D-Dad, i-inamin n-naman i-ito n-ni D-Dad, but he j-just s-said na n-nadala l-lang s-siya n-ng t-tukso." I tapped his back.

"Ilang taon ng mag-asawa ang parents mo? Tumigil ka nga kakahikbi! Hindi kita halos maintindihan eh!" Inis kong utos, agad naman siyang umayos.

"Almost thirty years na." Napatango-tango naman ako.

"Sa marriage life nilang yun, palagi ba silang nag-aaway? At humahantong sa hiwalayan?" Umiling naman siya.

"Ngayon lang to nangyari." Napangiti naman ako. I tapped his back again,

"Believe me Arkin. Magkakaayos ang Mom and Dad mo,"siguradong sigurado kong saad. Napakunot naman ang noo niya at halata sa buong mukha niya ang pagtataka.

"Ano?!"

"Kasi diba sabi mo? Sa almost thirty years nilang pagsasama ay ngayon lang sila umabot sa hiwalayan diba?" Tumango tango naman siya.

"It means?" Tanong pa niya. Nayayamot na ako ang tagal niya namang maka-gets.

"Sa tagal ng panahon, mas malalim ang pag-iibigang nabuo. Trust me, magkakayos sila. Alam mo kung bakit?"

"Kasi.. Mas malaki ang nabuo nilang pagmamahalan kaysa sa problemang kinahaharap nila ngayon. Walang wala ang problemang iyan sa ilang taon nilang pagsasama at ang mga pagmamahalan na pinagsaluhan nilang dalawa. Mas  makapangyarihan pa rin ang pag-ibig, basta at makinig lang sila sa kanilang mga puso."

"Itatama nila ang kanilang mga pagkakamali at patuloy na magmamahalan ng walang hanggan. Love conquers all, but love will only conquer if they'll listen to what their hearts are saying.."

***

Thanks for reading 🖤

PRES.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top