Chapter 43
***
Zavier Yutsuko
"TATAY SEVEN!!" a-e-excited kong sigaw sa lalakeng nakita ko. Fudge! Ang saya saya ko! Halos tumalon na ang puso ko sa saya. Lumapit ako sa kanya at akmang yayakapin siya.
"Sino ka? Sino kayo?!" Sunod sunod nitong tanong nakatutok pa sa amin ang itak na dala dala niya.
Napaatras ako si Nox naman ay nagtago sa likod ko. Tss, kahit kelan talaga.
"Sagot! Sino kayo?! Anong kailangan ninyo?!" Galit niyang anas na unti-unting lumalapit sa'min. Habang papalapit siya ay malapit na ring mapunit ang suot suot kong damit.
"Nox! Stop that! My shirt will be ripped if you don't stop!" Saway ko. Hindi man niya binitawan ang damit ko pero niluwagan niya naman ang pagkaka-kapit. Binalingan ko naman ng tingin si Tatay Seven.
"Tay naman?! Gurang na ba talaga kayo, at 'di niyo makilala ang magandang tulad ko?!" Natatawa kong saad na naglalakas loob na humakbang papalapit sa kanya.
Kumunot ang noo niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Biglang umiwalas ang mukha niya. "O'right Tay! Ako 'to! Si Ruri!!" Tinakbo ko ang distansya namin at niyakap siya.
Napayakap na rin si Tatay sa akin ng mahigpit. "Ikaw ba talaga 'yan, Ruri?" Naninigurado niyang tanong. Kumalas ako sa yakap.
"Naman Tay! Ako 'to oh! Nagbalik na ang SIGA!" Tumawa kami ni Tatay. Well, siya si Tatay Pepito Manalo. Pero, tinatawag ko siyang Tatay Seven dahil, Pito ang nickname niya sa sitio nila eh.
"Halika kayo! Teka Ruri, sino 'yang kasama mo? Parang bakla!" Mahinang bulong ni Tatay. Napatawa naman ako.
"Tay, si Nox po kaibigan ko. Sinama ko na, may utang na loob ako diyan eh." Napatingin naman si Tatay sa kanya at bumalik ulit sa'kin.
Hindi naman kami kakasya sa limo, kaya inutusan ko si Nox. "Oxford, ikaw na muna ang magmaneho niyang sasakyan. Maglalakad na lang kami ni Tatay Seven, hindi tayo kasya eh." nlnapakunot ang noo niya na tila may sinabi akong alien word. Pero tumango na rin siya kinalaunan.
"Tay! Una na po ako pumasok ah? Sosorpresahin ko pa po sila. Hehehehe, ba-bye po!" Tumakbo na ako at tinahak ang daan patungo sa mismong Sitio Mapanganib.
Nakasunod lang si Nox sa'min, malamang sasakyan 'yung sa kanya eh. Pagkarating ko roon ay nagkalat na ako ng ingay.
"Hello! Hello! Hello! Madlang people! Nagbalik na ang SIGA!" Napatingin ang lahat sa'kin at nagsimulang lumapit pero hindi masyado may distansya pa rin. Linapitan ko si Brando.
"Pare! Painom naman diyan!" Sabay tapik sa likod niya.
"Aba't sino ka—" lumingon siya sa'kin at napatanga, sinampal niya pa ang mukha niya. "Ruri?!" Gulat niyang anas. Binatukan ko naman siya.
"Naman Brandy! Brandy! Brandy!" Tukso ko sa kanya. Namula naman ang tenga niya dahil sa hiya. Nag-fist bump kami at sinamahan niya ako.
"Sino 'yan?"
"Bakit kasama niya si Brando?"
"Bakit hindi man lang siya binugbog ni Brando?"
"Ang ganda naman niya!"
"Para siyang diyosa!"
"Artista ba 'yan?"
"Hindi! Model 'yan!"
"Ang seksi naman!"
Samo't saring komento ang nakuha ko mula sa kanila. Napa-iling na lang ako, iba talaga pag maganda sasabihan ng maganda. Pero pag 'di kagandahan, 'di rin kagandahan ang i-ko-komento sa'yo. Saklap.
Now I realize,
That the world is fair, but not the creatures living on it. Diba? Judging you by your outer layer and there, your inner self, wanted to speak your side but you can't, 'cause those judgments are stopping you.
Because you're afraid that they might use your words against you. Am I right?
Kinawayan ko ang lahat na animo'y politiko na nangangampanya. Pero pinuntahan ko ang bahay ng isa sa mga taong importante sa'kin.
Nung nasa harap ako ng bahay niya ay hinawakan ko ng marahan ang doorknob ng pinto.
Walang anumang ingay ang aking ginawa. Para akong magnanakaw na tahimik na pinasok ang isang bahay. But nah, I don't need to stole anything. I'm fortunate.
Pumunta ako sa kusina nila na parang banyo ko na lang ata. Nakita roon ang hinahanap ko. Bwahaha~!
Cmon! Count with me... 1.. 2.. 3..
"SUNOG~!!" Mahabang sigaw ko na nakuha ko pang kalampagin ang mga kawali. Hahaha! Nakuha ko 'to kanina sa isang gilid.
*clang!*
*clang!*
*clang!*
*clang!*
"Kyah! Kyah! Kyah! SUNOG! SUNOG!" Dali dali siyang pumunta sa itaas, pagkababa niya na natisod pa ay may dala dala na siyang mga damit na hindi nakalagay sa lalagyan.
Ang iba pa ay, nagkandahulog-hulog na sa dinadaanan niya. Hahahaha!
Pagkalabas niya sa bahay ay nagsisisigaw siya.
"Tulong! Tulong! Nasusunog ang bahay namin!"
Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang tawa. Takte, laugh trip!
May lumapit sa kanya na kilaka ako, kaya nagtago ako.
"Nay? Anong sunog? Wala naman po ah?" Takang tanong nito.
Napatanga naman si Nanay Lucy. "Teka Nay, sino ba kasi ang may sabi na may sunog?" Nakita ko na tumingin si Nanay sa bahay at tinuro ito, fatay.
Pumasok si Geoff, at inusisa ang buong bahay. Pero tangining, hindi man lang niya naisip na hanapin ako sa likod ng pinto.
Pagkatapos ang ilang minuto, buti naman ay napag-isipan niyang hanapin ako sa likod ng pinto.
"Peace!" Sabi ko na naka-peace sign. Nanlaki ang mga mata niya at hindi na nakagalaw. Pinoproseso pa ata ang pangyayari.
"Hoy!" Marahan kong tinulak ang kanang balikat niya gamit ang kanang kamay ko.
"Ahaha, ano?" Mukhang nakabalik na ang utak niya na galing Mercury.
"Wuy! Naaalala mo pa ba ako?" Tawang tanong ko. Hinila ko siya sa labas. Wala lang, hinila ko lang bakit ba?
"Ruri? Ikaw na ba yan?" Nakatitig sa kawalan na tanong niya, sinampal ko siya ng mahina.
"Hahahaha! Oo nga diba?" Napalingon siya sa'kin, at tinusok ang pisnge ko ng hintuturo niya.
Napaatras siya ng isang hakbang, at nanlaki ang mga mata at bibig. "Ikaw nga! Na-miss kita!" Abot langit na ngiting sigaw niya at dinambahan ako ng yakap.
Hahahaha! Na-miss ko talaga ang lugar na 'to. Tinapos ko ang yakapan at tinignan si Nanay Lucy. Nakamaang ang bibig niya at maluha-luha ang dalawang mata niya.
"Nay," tawag ko at nilapitan siya at kinabig para yakapin. Napahigpit ang yakap niya sa'kin. Napahagulhol siya at napakapit sa'kin ng malakas dahil hindi siya halos makatayo at nanghihina ang tuhod niya.
Humiwalay siya sa'kin at pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad niya. Marahan niyang pinadaan ang kanyang hintuturo at gitnang daliri sa aking mukha. "Ilang taon na rin simula nung mapunta ka rito, anak."
"Kumusta ka na?" Dagdag niya pa. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya at dinala sa aking noo. "Nay, okay lang po ako. Kayo po? Kamusta ang lahat?" Pangungumusta ko.
Its been years since I visited these place. I miss this. I miss them. "Anak." Ganyan talaga ang tinatawag niya sa'kin. "Okay lang naman ang pamumuhay namin dito, at saka wala naman masyadong problema."
"Halika kayo, lulutuin ko ang mga paborito mo." Yaya niya kaya sumunod na ako.
-
"NAY! Ang sarap naman po nito!" Patuloy na sumusubo ako dahil na-miss ko talaga 'to. Pinakilala ko na si Nox sa kanila dahil, muntik na siyang mabugbog. Hahahha, sorry naman nakalimutan ko lang may kasama pala ako.
Napalingon ako kay Nox na hindi man lang ginagalaw ang mga pagkain na nasa harap niya. Linunok ko muna ang kinakain ko. "Anong problema, Oxford? Ayaw mo ba niyan? Bakit hindi ka kumakain?" Sunod sunod na tanong ko.
Ngumiti siya ng kaunti. "I don't know what these foods are. I don't even know if these are edible." Napa-tsk naman ako. Anak mayaman problems. Isa isa kong pinakilala ang mga pagkain na isa sa mga paborito ko.
"Okay these one is the Fried Palaka, Daing na nilagyan ng asukal at maraming kamatis, ginataan na gulay, adobong kangkong—"
"And what is this? Is this chicken? Why so skinny?" Nanlalaking mata at hindi makapaniwalang niyang tanong na hawak hawak pa ang pakpak ng manok. Napatawa naman ako, habang ang kasama naming kumakain ay gulat na gulat dahil sa pinagsasasabi niya.
"That's fried chicken you dummy. Ala pinoy style. And this is adobong sitaw, at guso." Inikutan ko pa siya ng mata
"Cmon, eat that. And may I remind you," sabi ko habang pinaglalagyan ang plato niya ng mga sinabi ko. "Don't use the English language here when you're talking to them. They can't understand you." Marahas na napalingon siya sa'kin.
"They can't?" I nodded.
"They didn't finished studying that's why. Now eat, here this is delicious." Sabay subo sa kanya ng adobong kangkong. Nagdadalawang isip pa siya kaya pwersahan na ipinasak ko sa kanyang bibig ang kutsara.
Nakain niya iyon kahit labag sa loob. Kunot na kunot pa ang noo niya, hanggang sa mawala ito at sunod sunod na sumubo pa siya, tsk! Grabe talaga, bakit ako? Mayaman naman ako ah? Pero hindi naman ako ignorante sa mga ganyang pagkain.
Natapos ang pagkain ng matiwasay. "God, I'm so full. Didn't expect that it would be that tasty," nakahawak sa tiyan niyang saad. Napatawa naman ako. "See? I told you, it's yummy."
Third Person
PAANO kaya nila nakilala si Zavy?
Tanong ni Nox sa sarili. Hindi niya naman masagot sagot ang kanyang mga katanongan kaya napagdesisyunan niyang magtanong. "Uhm, mawalang galang na po. Pero, paano niyo po nakilala si Zavy?"
Napatawa naman si Tatay Seven. "Naku! Ewan ko ba sa batang ire, ang bulakbol! Ganito kasi yan,"
Flashback
Habang nagwawalis si Tatay Seven ay may narinig siyang sumigaw. "Cmon fuckers! Run! Hahahaha! Chase me!" Hindi man niya naintindihan ang sinabi ng isang babae pero alam niyang may tinutukso ito.
Sino ba 'yun?
Napailing nalang siya at akmang magwawalis na ulit nang may nakita siyang mga kabataan na nagtatakbuhan at hindi siya napansin. Limang lalake at isang babae. Hindi kaya maagrabyado ang dalagang iyan?
Nagaalala man sa kalagayan ng dalaga ay nanatili siya sa isang gilid. Pinapanood ang mga kabataan na dumayo sa kanilang tagong lugar. Napalingon siya sa kanyang likod nang may kumalabit sa kanya.
"Bakit?" Taka niyang tanong kay Nanay Lucy. Tinuro naman nito ang mga kabataan. "Hindi ba natin sila pipigilan?" Nag-aalala nitong tanong. Maski siya ay nag-aalala para sa kalagayan ng dalaga.
Dahil nag-iisa lamang ito laban sa limang lalake. Tumawa naman ang dalaga. "What, losers? Can't catch me? Cmon! You dimwits!" Bakas sa pananalita nito ang panunudyo. Ngumisi ito at tumigil sa kakatakbo.
"Let's bring this into an another level, eh?" Napalibutan siya ng mga lalake na humahabol sa kanya. Napakagat naman sa kuko niya si Nanay Lucy. Gustong gusto niyang tulungan ang dalaga ngunit, matanda na siya.
Biglang sinugod ng mga lalake ang dalaga. At ito naman ay nakipaglaban din, magaling ito sa pakikipaglaban ngunit hindi niya talaga maiwasan ang ibang suntok dahil tumatama ito sa kanyang katawan.
Tumagal ito ng labing limang minuto, hanggang sa natalo nga ng dalaga ang mga lakake. Hinang hina ito napahiga sa lupa, agad na nilapitan nila Tatay Seven ito at Nanay Lucy. Dumungaw sila sa mukha nito at nagulat pa sila nang makita itong nakangiti. Ngiting tagumpay.
Inutusan ni Tatay Seven ang ilan sa mga kapitbahay nila na alisin ang mga lalake, inalalayan naman niya ang dalaga na paupuin ng maayos tinanong niya ang pangalan nito. "Anong pangalan mo hija?"
Ngumiti ito at pagod na nagpakilala. "I'm Zerika Annaisha Vauxx Iestyn Ezumi Ruri Yutsuko."
Ang taas naman ng pangalan ng batang ito. Isip ni Tatay Seven.
"Pwede bang Ruri na lang hija ang itawag namin sayo? Ang taas kasi ng pangalan mo eh." Tanging tango lang ang naisagot ni Zavy dahil sa pagod niya. Hanggang sa nawalan na siya ng ulirat.
End of Flashback
Zavier Yutsuko
NGITING-NGITI ako habang nakikinig sa kwento ni Tatay. That days were fun, bugbogan here suntukan there gulo everywhere. That's how I become, cause I want to protect myself pero sumobra eh.
Pagkatapos naming kumain ay tumulong ako sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinggan. Kami na nga ang nakikikain di pa kami tutulong diba? Ang bastos naman. Pagkatapos ay inaya ko si Oxford sa isa sa mga gusto kong tamabayan dito nung pumupunta ako dito.
Nang makarating kami roon ay laking saya ko nang makitang wala man lang masyadong binago. Umupo ako sa isang log na nakalagay lang sa may gilid namin.
"Here, let's sit here." Una akong umupo at tinap ang tabi ko senyales na doon ko siya gustong umupo. He rested his head on my shoulder. "Zavy? May tanong ako, please answer it." I nodded.
I brushed his hair. Wala lang gusto ko gawin eh, parang may nagtutulak sa akin na hawakan ang malambot niyang buhok. "What is it?" Tanong ko na nakatingin sa mga bituin sa itaas.
"Bakit hindi mo pinakulong si Eugene? He almost rape you, but you even helped him. Why? I mean, sobrang laki ng kasalanan niya sayo." Napalingon ako sa kanya. At ibinalik ulit ang aking paningin sa kawalan.
"Everybody deserves a second chance. Even those who have an unforgivable sins. They deserve it, but it depends on the person. Ang gusto kong ipaalam sayo, na kahit gaano man kalaki ang kasalanan sayo ay dapat mo pa ring patawarin at bigyan ng pagkakataon. They just need guidance. Well in our situation, I forgave him because I'm the reason why he turned out like that. Ako ang rason kung bakit siya nagkaganon, that's why I forgave him." Tumingin ako sa kanya.
"Kasi siya.. pinatawad niya ako bawat segundo at oras na lumilipas."
That's how life works. There are instances that, someone will messed up with us. But remember to forgive.
***
Thanks for reading 🖤
PRES.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top