Chapter 40

***

Nox Cantrell

"Ano? May balita na ba?" Puno ng pag-asa na saad ni Keana. Umiling na lang kami at bumuntong hininga. Sa ngayon, 'yan lang ang magagawa namin. We don't even have a single lead to find her! I felt so hopeless! Damn it!

"Where in the fucking hell she could be?" Naiinis na saad ni Mitchell. Napa-sandal ako sa headrest ng couch at pumikit. I damn miss her. San na ba kasi siya? Para na lang siyang bula na biglang nawawala.

"Baka, may pinuntahan lang siya diba? And hindi na lang siya nakapagsabi kasi, medyo rush diba?" Pagpapa-gaan ni Wallace ng mga loob namin. Sabi nila na ang itawag daw namin sa kanila ay Mitchell, Oliver at Wallace.

Gusto raw kasi nila na si Zavy lang ang tumawag sa kanila ng isa pa nilang pangalan. Tsk, mga feeling close. "Really? You think hindi magsasabi si Zavy ni isa sa'tin? Magsasabi 'yun kahit kay Tito Jo pa!" Angil ni Oliver.

Napayuko si Wallace. Pansin ko sa kanila na, si Wallace ang pinaka-isip bata. Si Mitchell ang panganay at si Oliver ang middle child. Well, that's what they say. Pero, hindi raw sila magkakapatid.

"I just want to lighten up the mood you know? Sunget," inis na saad nito at sumubo sa pizza na nandito. Kami lang ang nandito kasi wala si Nyke, Nancy and Mom. Umalis eh, hindi ko alam kung saan nagsusu-suot.

Biglang may lumapit sa akin na isang maid. "Sir! Sir! May gustong kumausap sa inyo!" Napa-kunot ang noo ko. Wala naman akong expected na bisita eh. "Sino raw?" Tanong ko.

"Kilala ka po raw niya sir, pero alam niyang di mo raw siya kilala." Napa-hampas na lang ako sa aking noo. Hindi ba obvious? Na hindi ko kilala ay dapat hindi papasukin? Tanga lang o ano?

"Don't let her or him in," mariin kong utos. May problema pa nga ako, dadagdag pa itong katulong namin na walang ka-common common sense. Takte. Agad siyang umalis siguro, pinuntahan kung sino man na pumunta dito.

Pero napa-mura ako ng mahina ng bumalik na naman siya. "Ano na naman ha?!" Inis kong tanong. Napa-atras naman siya ng konti. "Sir, may alam daw po siya sa pagkakawala ni Miss Zavy." Biglang nabuhay ang katawan ko sa narinig.

"Let him in!" May pag-asang utos ko. "Sabi raw, ayaw papasukin ngayon papa-pasukin na naman? Sir naman, ano ba talaga?!"

"What?!" inis kong saad. Napa-ngiti naman siya.

"Ahehehe, ikaw naman se~r masyadong high blood! Hehehe peace po!" Mukhang abnoy na saad niya at dali daling umalis.

Bumalik na naman siya pero may kasama siyang babae. 'Yung commoner type of person. Hindi masyadong maganda hindi masyadong panget. Nanginginig siyang pumasok inilibot pa niya ang kanyang paningin sa loob.

"Hey! Snap out of it! Spill the tea, ASAP!" Nanggigigil kong saad. Mas lalo naman siyang nanginig, puta. Magnginginigan na lang kami ngayon? Titigan contest? May tumapik naman sa balikat ko.

"Bro, calm your ass down. You're scaring her!" Awat ni Arkin. I sighed. "I can't calm down! She's missing and I'm so damn worried! Baka kung ano na ang nangyari sa kanya! We don't know!" Napahilamos ako sa mukha ko.

"And sa tingin mo! Hindi kami nag-aalala? Tangina naman bro! Kaibigan din naman namin si Zavy! Chillax ka nga? Init ng ulo eh!" Lumapit naman siya sa babaeng pinapasok ng ma-attitude kong kasambahay.

"Uhm miss, umupo muna tayo." Iginiya niya ito sa sofa namin. Madiin namin siyang tinignan at hinintay ang kung ano man ang sasabihin niya. She sighed. "Someone took her and I bet you knew him."

Him? "SINO?!" sabay sabay naming sagot este sigaw na sagot. Bahagya siyang napa-atras. "Kalma lang, para kayong mangangain ng tao eh." Inutusan namin siyang magpatuloy. Umayos siya ng upo at kami rin.

"I was walking that time. Saktong nakita ko si Zavy kasama ka Nox. But you left her, until may lumapit sa kanyang lalake at binigyan ng strawberries si Zavy. But after a couple of bites, I saw how Zavy got dizzy."

"Napakapit pa siya sa lalake. Hanggang sa, she passed out. Kinarga naman siya nung lalake at isinakay sa isang kotse." Kwento niya. Nagsalubong ang kilay ko. May nangyari ngang masama kay Zavy. And it's all my fault.

"Then who's the guy?" Kinuha niya naman ang phone niya mula sa kanyang sling bag at may tinignan. Pagkatapos ay iniharap niya samin ang isang picture na nakapag-patanga sa'ming lahat.

Larawan ng lalake na kausap ni Zavy na siya ring kumarga at ipinasok siya sa kotse. That asshole. Nagtangis ang bagang ko at napakuyom ang mga kamao ko. You dumbass will surely pay.

Hindi makapaniwalang sumigaw sila, "Shit! Is that EUGENE?!"

-

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo sa kotse ko patungo sa bahay ng gagong 'yun. All this time, may ahas na pala kaming kasama na all this time ay naghihintay ng pagkakataon na tumuklaw.

You'll pay. Pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanan mong ulupong ka. Sa lahat ng pwedeng kukunin, si Zavy pa talaga ha? You piece of shit! "Broo~ hehehe. Baka hindi na tayo makaabot sa bahay ni Eugene ah?!" Nakahawak sa upuan na sigaw ni Arkin.

"Broo~ may plano ka pa bang mabuhay? Ako oo eh! Waaa~ Mama~!"  Sigaw ni Kae na nakapikit. "Nox! Taena naman pre! 'Wag mo kaming patayin!" inis na sigaw ni Oliver. Natawa na lang ako.

"If we'll going to slow down, baka hindi na natin maabutan si Zavy!"

"BAKIT?! PAPATAYIN BA SIYA HA? O KAMI ANG PAPATAYIN MO?!" Napakamot na lang ako sa batok ko. Malay natin diba? Baka patayin si Zavy kasi ako ang pinili niya? Or ako ang first kiss ni Zavy. Hehehe.

Nakarating kami sa isang bahay, este sa isang mansion. Modern mansion siya but ours was bigger. There are lots of cars in there, parked outside. It's  isolated from the city.

I parked my car and stormed out from it. "Ang laki ng bahay!" Hindi makapaniwalang saad ni Kae. Tss. Parang bata. Dali dali akong naglakad patungong gate at bubuksan sana. "Hep! Hep!"

"HOORAY!" Sigaw na sagot ni Kae kay Arkin. "Aray naman! Bakit ba ha?" asik ni Kae nang batukan siya ni Arkin. "Wowowin ba 'to ha? Tae ka naman eh!" Napa-irap na lang si Kae sa kanya at bumulong ng sunget.

"Teka nga Nox! Papasok ka diyan? Bro! Trespassing 'yan eh!" Awat niya sa'kin nang papasukin ko na sana iyon. Napangisi na lang ako sa kanya. "I'm not Nuriel Oxford Cantrell for nothing." Napa-iling na lang siya.

Binuksan ko ang gate na hindi naka-lock at tinakbo ang layo nito sa pinto. Bumungad sa'min ang isang tahimik na sala. Parang haunted house! "Arkin baby! Protect me!" parang bakla na saad ni Kae. Winaksi naman ni Arking ang pagkapit tuko sa kanya ni Kae.

"Shh!" suway ni Celian. This three girls, I know that they treasure Zavy that much. Halata sa mukha nila eh, sobrang nag-aalala. "We need to be quiet here! Baka malaman ni Eugene na nandito tayo!" Sigaw na bulong niya.

We nodded. "Where in this hell is she?" Wala sa sariling tanong ko. Sobrang laki ng bahay na 'to and hindi kami pamilyar sa mga lugar nito. Naku baka may mumu dito waaa~ Zavy! Save me!

"Baka nasa mga kwarto?" Takang tanong ni Kae. Himala, gumagana ata utak nito ngayon.

"Who are you?!" Agad kaming napaatras dahil may lalakeng may dalang shotgun na nakatutok sa'min, sa likod niya ay may mga lalake na may hawak na baril mga sampu yata. Shit! Wala kaming dalang armas!

"Kami na ang bahala rito." Marahas na napalingon kami kay Keana na nababalutan na ng maitim na aura. "Nababaliw ka na ba Keana?!" Nag-aalalang sigaw ni Wallace.

Umiling si Keana. "No, you'll find her and we'll fight them. Whether you like it or not." Napahampas na lang si Wallace sa noo niya. Napaghahalataan eh. Tinangoan na lang namin ang mga babae at umalis na.

May humaharang sa'min pero nilalabanan namin. Pero, sobrang dami talaga. "Bro! Kami na dito! Hanapin mo na si Zavier!" tumango ako kay Arkin at hinayaan na silang makipagsuntukan.

Bawat nadadaanan kong pinto ay binubuksan ko. Hanggang sa makarating ako sa isang silid na iba ang pinto. Agad ko iyong sinipa. Bumungad agad sa akin ang isang di kaaya-ayang eksena.

"Putangina mo, Eugene! Pag tinuloy mo 'yan. Papatayin kitang tangina ka!" My shout echoed in the hallways .

Sinugod ko siya at hinila sa pagkakaibabaw kay Zavy. How dare him kiss what's mine? Agad ko siyang pinaulanan ng suntok. Hindi ko na ma-kontrol ang galit ko at gusto ko na lang basagin ang pagmumukha niya.

"You can't take her away from me. You can't! Akin lang siya akin!" parang baliw na sabi niya. Napatanga ako. There's something wrong with him.

"Are you.. sick?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya.

Tumawa ulit siya na parang baliw. "Paano kung sasabihin kung OO! May magagawa ka ba ha?!" Sinugod ako. Medyo nahirapan ako, dahil may kalakihan ang katawan niya.

Sinuntok ko siya sa mukha at kahit hindi pa siya nakakabawi sa suntok ay sinipa ko ang panga niya.

"Shit!" Usal niya habang hawak ang panga niya. Sumugod na naman siya at peste! Napuruhan ang gwapo kong mukha!

"Tangina mo! 'Wag mong sirain ang Korean skincare ko!" Hind ko alam kung saan ko hinugot ang bir na yun, ngunit basta na lang lumabas sa bibig ko. Habang nakahiga ay pinatungan ko siya at pinagsususuntok.

Napuno na ng dugo ang mukha niya kaya tinigilan ko na. Pinuntahan ko agad si Zavy na nakahiga sa kama. I untied the rope. Inalalayan ko siya at biglang niyakap. "Can you please just for once! Magsabi ka kung saan ka pupunta!"

"Takte. May nakikidnap bang nagsasabi kung saan siya pupunta?"

***

Thanks for reading 🖤

PRES.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top