Chapter 38
***
Third Person
BATA pa lang si Eugene nang naramdaman niya ang isang kakaibang bagay na sumisibol sa kaloob-looban niya. Nagsimula ito nang iligtas siya nang isang magandang brusko na batang babae mula sa mga gustong kumidnap sa kanya.
Flashback...
Masayang naglalakad si Eugene sa kahabaan ng kalye ng Japan.
Masaya siya kasi nakakuha siya ng mataas na marka sa pagsusulit. Sanay na siyang maglakad pag-uwi kasi ilang minutong lakaran lang naman ay mararating na ang kanilang bahay.
Kilala rin ang kanyang pamilya dahil sa mga negosyo nito. In short mayaman. Patalon-talon pa siya na naglakakad akala mo'y nanalo sa lotto. Ngunit sa 'di kalayuan ay may isang puting van na lulan ang mga taong gustong manakit sa batang si Eugene.
Biglang napatigil si Eugene nang harangan siya ng mga ito. Nanginig agad ang tuhod niya dahil sa labis na takot na nararamdaman. Alam niyang may masamang balak sa kanya ang mga taong lumabas mula sa van.
'Please, someone help me!'
Panalangin ni Eugene sa isip, dahil hindi na niya halos maibuka ang bibig dahil sa pangangatal. Natuod siya sa kanyang kinatatayuan, at hindi malaman kung aalis ba siya, tatawag ng pulis o ano.
Gulong gulo na ang isip niya. Sa edad na pitong taong gulang, makakapag-isip pa ba siya ng maayos? Lalo pa't laking mayaman ay hindi siya marunong tumayo para sa sarili at naka-depende lang sa mga magulang. Tanging talino lamang ang mayroon siya.
Lumakad papalapit sa kanya ang mga ito. Wala itong mga suot na mask hindi kagaya sa mga pelikula. Kaya agad niyang nalaman na nakakaintindi ng tagalog o english ang mga ito dahil mukha pa lang ay parte na ng sanggano organization ng kalye ng Pilipinas ang mga mukha nila.
"D-don't c-come n-near m-me!" Dahan dahan siyang umatras. Itinakip niya sa kanyang harapan ang kanyang mumunting bag na tanging panlaban niya. Ginawa niya itong pananggalang, kahit alam niyang wala itong saysay.
"Hahahaha! Bata! Mabuti na lang at nasa Japan ang target namin! Naka-bakasyon tuloy kami dito! Ang ganda nga eh!" Nakangising sabi nung balbas saradong maskuladong lalake.
"W-what d-do y-you w-want?!" Pilit niyang pinapatapang ang sarili, dahil alam niyang walang tutulong sa kanya nang mga panahong iyon. Nawawalan na siya ng pag-asa dahil walang katao tao ang lugar.
Imbis na sagutin ang tanong niya ay bigla siyang dinampot ng mga ito, binuksan ang van at pilit na ipinapasok siya.
"Leave me alone! I'll call the cops if you don't stop! Get off me!" Patuloy na nagpupumiglas siya. Kinuha ng isa sa mga goons ang kaniyang kutsilyo at ipinakita ito sa kanya.
'Lord, am I going to die?'
Nawawalang pag-asa na saad niya sa isipan.
"Aaaa~ raaa~ yyyy~" sigaw niya na tumutulo pa ang luha dahil bigla na lamang siyang sinugatan ng mga walang hiya sa kanyang braso.
Impit na umiiyak siya dahil nilagyan na ng mga ito ng busal ang kanyang bibig. Wala na talaga siyang pag-asa. Walang CCTV sa lugar, wala ring tao, walang makakaalam na nakuha siya. At kung meron mang napadaan, matatakot ang mga iyon at hindi siya matutulungan.
Akmang isasarado na ang pinto ng van pero biglang may sumigaw.
"Hey! Leave him alone!" Sobrang bilis ng lahat. Ang namalayan na lang ni Eugene ay nakatarak na sa dibdib ng taong gusto na sanang isarado ang pinto ang isang katana.
Kinuha iyon ng bata sa sobrang mabilis na paraan.
"Dito ka lang!" Matigas na utos nung taong balbas sarado.
Wala sa sariling napatango siya at finocus ang atensyon sa batang babae na tumulong sa kanya. Mas mataas siya ng kaonti rito, ngunit maganda ang bata. Na love at first sight siya lalong lalo na nang liparin ng hangin ang mahabang maitim na buhok nito.
"You ashwole! Leave that boy alone! You all should get a decent job to feed your worms in your tummy!" Malamig na saad ng batang babae. Kahit bata pa ay hasang hasa na ang batang babae na humawak ng katana niya na nakapag-pahanga sa kanya.
Ngunit nakaka-ano 'yung bibig niya. Sa tingin niya ay kaedad niya lamang ang bata, pero grabe na kung magmura ang munting bibig nito.
'How can she do those things?! I can't even hold a fork properly!'
Sinugod ng mga goons ang batang babae na nakapag-pakaba sa kanya. Lalo pa't, pito ang mga masasamang loob laban sa isang bata lamang. Hindi na nainda ni Eugene ang sugat niya dahil sa pagkamangha.
Hindi mang gaanong pulido ang mga suntok ng batang babae ngunit alam niyang masakit ang bawat tira niya. Walang awa niyang pinagsusugatan ang mga ito gamit ang kanyang munting katana, na saktong sakto lang sa kanya.
Matagal natapos ang laban, napasinghap pa siya nang masuntok ng tatlong beses sa mukha ang batang babae.
'I should help her!'
Ngunit nawala ang plano niya nang mapagtanto ulit na nakatali ang kanyang paa at kamay. Nanonood na lang siya. Matapos ang laban ay pinuntahan siya ng bata. Napaatras siya nang tignan siya ng malamig nito.
'Oh God! Not again!'
Lihim siyang napadasal nang itinaas nito ang kanyang katana na animo'y sasaksakin siya. Akala ng batang Eugene ay tutulungan siya nito pero papatayin rin naman pala siya. How unlucky he was.
Pero nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman na wala na ang mga nakagapos sa kanya. Nginitian siya nito at dahan dahang tinanggal ang busal niya sa bibig.
"T-thank y-you," nahihiya niyang saad. Hinaplos ng bata ang kanyang pisnge na punong puno ng luha.
"Stay here, okay? I'll be back." Aalis na sana ang bata nang hawakan niya ang kamay nito.
"But, what if they'll going to kidnap me? And you're not here, no one would help me."
Napatawa ang bata at ginulo ang buhok niya. "I'll be back okay? And don't worry, they are dead anyway. They can't hurt you." Mabilis na umalis ang bata.
Bumalik ito na may dala-dalang bag. Binigyan siya nito ng tubig at sandwich. Iniwan ng bata si Eugene sandali dahil may tinawagan ito, pinanood ni Eugene ang bawat galaw ng batang babae habang may katawag.
"Uh yeah. Please clean up my mess. Hehehe, I'll say sorry to Wowo later. Alright?" Tinapos na ng bata ang tawag. Inaya siya nito na pumunta sa park. Kaya sumunod naman siya.
Umupo sila sa bench. "Thanks for saving me," nahihiyang anas ni Eugene kay Zavy na kagat kagat ngayon ang isang pirasong strawberry na baon niya. Napalingon si Zavy sa kanya at nginitian siya.
"You're welcome! You should be careful next time okay? And oh! Let me clean your wound." Biglang hinila ng bata ang braso niyang may sugat. Hinayaan niya lang ito, hindi naman siya takot sa alcohol dahil sanay na siya. Clumsy kasi siya kaya madalas siyang nasusugatan dahil sa pagkalampa niya.
Tinapos ng linisan ng bata at lagyan ng gamot ang sugat niya. Pinagmasdang maigi ni Eugene ang bata.
'Napaka-ganda naman niya'
Napagpasiyahan ni Eugene na magpakilala. He stretched his hand. " I'm Eugene Montero, how about you?" Magalang niyang tanong. Tinapos muna ng bata ang kanyang strawberry. Lumunok pa siya at nilagok ang isang strawberry flavored milk.
"Nice to meet you, Eugene." Tinanggap niya ang kamay ni Eugene. "I'm Zerika Annaisha Vauxx Iestyn Ezumi Ruri Yutsuko. But you can call me Zavy," nakangiting pakilala nito.
Napayuko si Eugene dahil sa nagagandahan siya. Ngunit biglang nilukob ng takot ang sistema niya nang maalala niya ang nangyari. Unti-unting humikbi siya at nagsihulugan ang pinipigilan niyang luha.
"T-they're t-trying t-to g-get m-me! I-i'm a-afraid!" Takot na sigaw nito. Naawa naman si Zavy dahil sa sitwasyon nito. Alam niyang na-trauma si Eugene dahil sa nangyari.
Hinawakan niya ang balikat ni Eugene at iniharap sa kanya. At bigla itong niyakap. Hinagod ni Zavy ang likod ni Eugene upang patahanin ito. "Don't worry, as long as you see me around. No one's gonna hurt you okay?" He nodded as response.
Pero patuloy pa rin siyang umiiyak dahil sa trauma. Ngunit medyo napanatag ang kanyang loob dahil alam niyang may Zavy siya.
End of Flashback
Simula noon ay naka-depende na si Eugene kay Zavy. Hindi man sila schoolmates dahil hindi alam ni Eugene kung nasaan nag-aaral si Zavy. Pero palagi naman silang nagkikita tuwing hapon.
Kumakain sila, naglalaro, nagku-kwentuhan. At tiga-gawa ng assignment ng isa't isa isali na rin natin ang project. Dahil sa pangamba ay nag-request si Eugene na magpapahatid siya kay Zavy sa bahay niya.
Pero ang totoo may bonus na pakain 'yun bilang pasasalamat. Lagi siyang may stock ng strawberries sa ref niya, para tuwing pumupunta si Zavy sa bahay niya ay may ipapakain siya sa isang strawberry maniac.
'She's my superhero, and I'm not letting go of her'
***
Thanks for reading 🖤
PRES.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top