Chapter 36
***
Zavier Yutsuko
MISSING a person is not an accident. The feeling of longing was a burden to each one of us. Admit it.
"Pa, cmon. I need to go!" Asik ko. Pero kumunot lang ang kilay niya. Medyo, marahas na ibinigay niya sa'kin ang isang clipboard.
"Don't be such an irresponsible person, Zavier! You have a lot of things to do! Look at that!" Tinuro niya ang clip board na schedule ko.
"I'm not allowing you to go back to the Philippines if you don't finish those things!" Galit niyang sigaw.
Napayuko na lang ako. Alam ko rin namang kasalanan ko dahil nalaman din ni Papa ang gulong ginawa ko. And besides, wala ko rito kung sana hindi ako bumalik.
This also serves as my punishment too.
Papa is like this. Business is Business. Work is Work. Magkaiba ang personal na buhay sa trabaho mo. Hindi palaging mabait si Papa sa akin, pag mali ang ginagawa ko, hindi niya kinukunsinti tinatama niya ako. Tinatamad niya ako not in the way na sasaktan niya ako.
I sighed. "Fine Pa," malungkot na sabi ko. Pumunta na ako sa opisina ko. I brushed my hair out of frustration. Kailangan kong tawagan si Mrs. Cantrell. Kinuha ko agad ang cellphone ko. I dialed her number na sinave ko. Agad naman itong sinagot.
[Hello, Hija?]
"Ah, ma'am I'm sorry. I can't make it, my schedule is so hectic. I'm very very sorry, just tell Oxford that I can't go there. I know he'll understand," walang ganang paumanhin ko.
'Yung katawan ko, 'yung puso ko, 'yung utak ko gustong gusto umuwi! But I can't! Fudge!
[Hija, please?] Ramdam ko ang senseridad sa tono ng boses niya. Napalingon ako sa pino ng bumukas iyon.. it was Papa Jo.
I mouthed, what do you want Pa? Then he answered, you can go. I smiled and run towards him. Niyakap ko siya. I mouthed thank you, may kausap pa kasi ako eh hindi ko pa naibababa ang tawag.
Papa Jo and my Wowo is similar. Mas magaan pa ang loob ko sa kanila kaysa sa sariling kong ama.
Nagpaalam na siya, dahil siya na lang ang mag-aasekaso ng business problems ko. Ang swerte ko talaga sa kanya. Bumaling naman ako sa katawag ko. I secretly smiled at the thought na uuwi na ako.
I'm coming...
"Alright ma'am, I'm on my way."
-
Habang nag-da-drive ay napapaisip ako. Bakit ba gan'to ang ginagawa ni Oxford? Why does he live like a stupid person? Bakit hindi na lang siya maging masaya? Bakit pa niya pinapahirapan ang sarili niya? He doesn't need to do that!
Matapos ang ilang oras na sakay sa eroplano ay agad akong pumunta sa address na ibinigay ni Mrs. Cantrell. Ang bahay nila. Walang pahinga, byahe lang nang byahe. Jahe, takteng Oxford 'to babatukan ko 'to mamaya.
Matapos ang ilang minuto, nakarating ako sa isang malawak na mansion. Everything is painted with white, it almost looks like a palace.
May glass sliding soor, puti ang pintura, at maganda ang disenyo na ang angkop sa panahon ngayon. Okay this is it!
Third Person
(Before Zavy left Europe...)
Sa malayong lugar ng Bulacan, nagtatago doon ang mga masasama ang budhi sa isang tagong bahay sa bayan na ito
"She will go back to the Philippines, ano ang gagawin natin? Susugod na ba tayo?" Masigasig na tanong ng isa sa mga kasama nila sa kanilang 'boss'.
Tumikhim ito. "Not yet, kailangan nating humanap ng magandang pagkakataon," seryosong saad nito.
"Kailangan natin siyang mapatumba, ngunit sa isang mabagal na paraan. Dadahan-dahanin natin siyang papatayin, sa loob at labas!" Nanggigil na dagdag pa nito.
Matagal na siyang galit kay Zavy.. at siya lang ang may alam ng dahilan. Pinamunuan niya ang grupo ng mga ito sa iisang hangarin. Yun ay ang patayin si Zavier Yutsuko na may malaking atraso sa kanila.
"Why can't we kidnap her during her travel? I heard that she's taking a public airplane," suhestiyon ng isang brusko at maskuladong lalake na may makapal na balbas.
Marahas na tinignan siya ng kanilang boss. "Sa tingin mo?!" Sarkastiko nitong sagot sa suhestiyon niya.
"You think?! Walang nagbabantay sa kanya?! Daig niya pa si Queen Elizabeth sa bantay! At, wala pa tayong sapat na impormasyon sa kanya, kaya let's just stay low. Ayaw kong mawala lahat ng pinaghirapan natin— pinaghirapan ko." Agad niyang ininom ang alak na nasa baso niya at hinithit ang sigarilyo na hawak hawak niya.
Natahimik ang lahat dahil sa tensyon na namumuo. Silang lahat ay may kanya kanyang masamang intensyon laban kay Zavy. May iba na gusto siyang torturin, may iba na gustong ilibing siya ng buhay, meron rin na gusto siyang gawing asawa, at marami pang iba.
Dahil ang pagkakahuli sa isang ZAVIER YUTSUKO at mapatay siya ay isang world record sa totoo lang.
Unang una, masekreto. Siya lang ang nakakaalam sa sarili niya, kahit sariling pamilya ay walang halos alam.
Matapang, susuungin lahat ng bagay makamit lamang ang gusto.
Mapagkontrol, kayang kaya ka niyang paikutin sa mismong mga palad niya. What Zavy wants, Zavy gets. In any means, by hook or by crook.
Panghuli. Mapanganib, mahirap kalabanin ang isang Yutsuko. Lalo na ang nagngangalang Zavier, makapangyarihan, mapagmasid namalayan mo na lang wala ka na pa lang ulo. Ganun siya kalupet!
"We need to have a swift but tragic plan, got it?" Masungit nitong tanong na tinangoan ng iba.
Watch out Zavy, you never know. Death is lurking everywhere, he might stab you from behind in a snap.
Zavier Yutsuko
PININDOT ko ang doorbell ng gate nila. Matapos ang ilang minuto ay may lumabas doon na isang batang lalake. Mga tatlong taon lang ata ang agwat ko sa kanya. Binuksan niya ang gate. Tinignan niya ako at biglang lumaki ang mga mata niya at naging pabilog ang bibig niya.
"Ah, hello?" Tawag ko sa kanya na iwinagyway pa ang kamay ko. Para naman mabalik siya sa Earth diba?
Agad siyang napaayos ng tayo at nginitian ako. "Uhm, ano po sadya niyo?" Malumanay nitong saad habang giniya ako papasok ng bahay. Ngiting ngiti siya sa hindi ko malamang dahilan, his eyes are even sparkling.
Napa-iling na lang ako.
"I'm looking for, Mrs. Cantrell? Mrs. Lina Cantrell." Pagkaklaro ko. Inilibot ko ang aking mata sa buong lugar ang ganda naman dito.
Napapitik siya sa hangin. "Si Mommy?" napa-lingon ako sa kanya.
"She's your mother?"
"Yes! I'm Nyke, Nyke Olivier Cantrell. How 'bout you?" Nahihiya niyang saad.
Inilahad ko ang aking kamay at ngumiti ng marahan na nakapagpapula ng mukha niya.
"I'm Zavier Yutsuko. Nice to meet you Nyke." Inabot niya ang kamay ko at magiliw itong hinand-shake. Ako na ang unang bumitaw, parang ayaw bitawan ang kamay ko eh.
"Oh! You're Zavy!" Napalingon ako sa sumigaw. May isang 50+ na babae ang masayang sumalubong sa'kin. Sa totoo lang, hindi siya mukhang 50 mga 30 pa lang. Pero dahil PRO ako, nalaman ko agad 'yun.
Nag-bow ako, nakasanayan na.
"I'm Zavy Ma'am," pagpapakilala ko. She hugged me, dahil feeling ko nakakasama ng loob pag 'di hinug-back. I hugged her too.
Nakuha sa kanya ni Nox ang mata nito, si Nyke naman parang lalaking version ni Mrs. Cantrell.
"Hello Hija! Come! Come!" She dragged me inside.
Kung gaano kaganda ang labas, ganun kabongga ang loob. Everything screams FORTUNE. Mahihiya ang kalyo mo sa paa kapag pumasok ka dito. Pina-upo niya ako sa sofa at masuyong hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Zavy, can you please bring our Nox back?" Nag-mamakaawang tanong nito. I glanced at her.
Ngumiti ako. "I'll do my best Ma'a—"
"Hija, just call me Tita, Tita na lang." tumango ako bilang sagot.
"I'll do my best Ma'—." sinamaan niya ako ng tingin.
"Tita, I don't know if he'll listen to me."
"Hija, I already know that you're the one he likes. He mentions you everyday, alam kong ikaw rin ang solusyon sa nangyayari sa kanya." Ngumiti siya ngunit napalingon ako agad nang may sumingit.
"Ano ka ba Zavy! Ikaw nga hinahanap nun eh! Sus! Konting suyo mo lang dun, okay na 'yun ikaw pa!" Napahawak ako sa sofa nang makita ko ang mukha ni Kaemoon na punong-puno ng spaghetti sauce!
Jusko!
"Kae? Kinain ka ba ng spaghetti?!" Gulat kong tanong natawa siya at lumapit sa'min ni Tita na may dala dala pang plato ng spaghetti.
Hindi pa ba siya nabubusog sa lagay na 'yan?!
"Cmon Zavy! Don't be rude!" Pabirong hahampasin sana ako pero inambaan ko siya ng suntok. Ang kalat kaya ng kamay niya!
"Want some?" Alok niya. Umiling ako.
"Parang ayoko na Kae. Umiikot yata tiyan ko sayo eh," at hinug ko ang throw pillow. Ibinaon ko doon ang ulo ko.
Narinig kong pinaalis ni Tita si Kae, at naramdaman ko ang isang kamay niya sa balikat ko.
"Hija, ikaw ang hinahanap ni Nox. Help him please?" biglang nanlambot ang puso ko sa mukha ng Mom ni Nox.
I wonder how Mom is. Okay lang kaya siya? Galit kaya sila sa'kin? Did they even tried taking care of me? Masaya ba sila dahil nawala ako? I don't know, the only thing I wanna do is to hug my Mom.
"Tita?" Tawag ko sa kanya. "Can, I hug you?" nahihiya kong tanong. Nagbabasakaling mawala ang pangungulila ko sa kalinga ng Mom ko. She smiled sweetly at me.
"Siyempre naman Hija!" I moved closer to her and wrap my arms around her.
Sana, ganito na lang si Mom.
Sana, nayayakap ko rin siya ng ganito nang walang pag-aalinlangan.
Sana, sabay nang pagyakap niya sa'kin ay ang pagyakap at pagtanggap niya sa buong pagkatao ko.
"Sige po, Tita, pupuntahan ko na ang damulag na 'yun!" Natatawa kong saad at palihim na pinunasan ang mga mumunting butil ng luha sanhi ng sakit na hindi ko kayang mayakap ang Mom ko.
Tumango siya at itinuro sa'kin ang kwarto ni Nox. Umakyat na ako sa taas at huminto sa kwarto niya.
Bumuntong hininga ako at kinatok ang pinto.
"Oxford! I'm here!"
***
Thanks for reading 🖤
PRES.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top