Chapter 35
***
Someone
I threw the glass wine, after watching their picture at the roof top.
"Damn it! I need to act fast! Nakukuha na ng gagong 'yun si Zavy! And I can't let that happen! Kinuha ko ang picture frame ni Zavy sa side table ko.
Ngumiti ako, at masuyong hinalikan ang labi nito. "I love you so much Zavy, and I will do anything just to get you. By hook or by crook."
It's time to do the phase B. Hahahahaha, akin ka lang Zavy!
Zavier Yutsuko
Ang magka-akap na katawan ang nagbibigay init sa isa't isa, kahit malamig at mahangin dito sa rooftop. Naramdaman kong, sinisinghot-singhot niya ang leeg ko.
"S-stop t-that," mahinahong utos ko, unti unting uminit ang aking mga pisnge at tila'y may mumunting paru-paru sa tiyan ko na lumilipad, naramdaman ko rin na biglang uminit ang mukha ko, pero pinilig ko ang ulo ko.
"Please? Can we stay like this for a while?" Masuyong tanong niya. Para akong, hini-hypnotize ng mga salita niya na napatango ako. Mas hinigpitan pa niya, at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. Siya pa lang ang taong hinayaan kong maging ganito sa'kin.
"What a wonderful scene, eh?" Biglang tanong niya. I nodded. Maganda nga, nakakakalma sa pakiramdam. I feel so light.
"I wish, we're like this. FOREVER." Napalingon ako agad sa kanya.
Diniinan niya pa ang salitang forever. Umiling nalang ako, I know Oxford is somewhat special to me. But I can't risk his life, I can't risk him... I just can't.
"I promise —" hindi na natuloy ang sasabihin niya nang may malakas na pagaspas sa hangin ang bumuwag sa tahimik na atmospera naming dalawa.
Isang helicopter.
Bumaba mula roon, si Marcel kasama ang dalawa pa naming kasamahan. Yumuko sila bilang tanda ng paggalang.
"We need to go Queen," seryosong saad ni Marcel, na animo'y galing sa ilalim ng lupa.
Hahahaha, tuleg din 'to si Marcel eh. Tinatakot pa si Oxford.
Napaatras siya, but I hold his hand and smiled. Sinenyasan ko na sila Marcel na umuna na sa helicopter, tumango naman sila. Hindi nakaligtas sa paningin ko tuksong ibinibigay ng mga mata ni Marcel, kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Oxford, I need to go," sabi ko nung humarap ako sa kanya.
Nanlumo ang kanyang mga mukha at nanlanta. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, na nagbigay sa akin ng sensasyon at inuutusan ng puso ko ang isip ko na 'wag ng bitawan pa.
"You're leaving me again, aren't you?" Mahina niyang tanong na nakayuko. I lifted his chin, at nginitian ko siya na minsan ko lang ginagawa.
"No, I just need to go somewhere." Hinaplos ko ang pisnge niya, I traced his pointed nose, mula sa pinakamataas na part hanggang sa tip nito.
"Why?" Parang batang saad niya. He did those damn puppy eyes that no one could resist.
Nakita ko ang mga mumunting luha na namumuo sa gilid ng mata niya. I wiped it all off. Parang bata talaga.
"I have a lot of problems, okay? I need to fix them, 'cause it's my duty to do so. Company, underground everything. So, I'd be gone for a moment but I'll immediately go back here, after I finished them, okay?" Batatawang anas ko nang maging Rudolph the red nose reindeer na siya.
Suminghot siya. "Can I go with you?" Puno ng pag-asa na saad niya. Umiling ako.
"It's too dangerous, too too dangerous. You know that right?"
"Queen!" Tawag ni Marcel kaya napalingon ako sa kanya. Isinenyas niya ang kanyang relo, I nodded at hinarap na naman si Oxford.
"I'll go now, promise I'll be back." Tumalikod na ako at lumakad pero napatigil ako nang hinawakan niya ang pulsuhan ko. Hinila niya ako papunta sa kanya. Masuyo niya akong tinignan.
But suddenly, he cupped my face and his became closer. After a few seconds, our lips collided like there's no tomorrow.
Shock na shock pa ako, at hindi ako gumalaw. Pero siya pikit na pikit at seryosong hinahalikan ako, na para bang paraan niya para 'di ako paalisin. I don't have a choice, my body wants this too.
Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa kaniyang dibdib, at tinugunan ang kaniyang mga halik. Hinawakan niya ang batok ko at bewang. Hindi nakatakas sa akin ang pagngiti niya nang sagutin ko ang paghalik niya sa'kin.
Our kiss lasted, for a minute, I think? Hindi pa sana siya titigil, kung hindi umubo ang mga tauhan ko.
Our foreheads met and he rested his on mine. Naging mabigat na ang paghinga niya. Ngumiti siya.
"Thank you for being my first kiss."
That made me S-H-O-C-K-E-D.
Kaemoon Kakana
Three days have passed. Fucking three days have past! Pero hindi pa rin lumalabas sa kwarto niya si Nox! He's been like this after Zavy left.
"Bro! 'Wag ka namang ganyan! Open this damn door!" Sigaw ko sabay kalampag ng pinto ng kwarto niya.
"Just, leave me alone! I don't need you here! Just, get lost!" Galit niyang sigaw. He became too attached to Zavier na umabot sa puntong nagiging sakit na siya sa ulo ng pamilya niya.
Hindi masyadong kumakain, hindi lumalabas sa kwarto at hindi na rin pumapasok sa school.
Kinalampag ni Rica ang kwarto niya. "Cmon, Nox! I'm here! Rica, I'm not going to leave you! Nandito lang ako palagi para sa'yo!" Napatingin kaming lahat sa kanya. Ako, Arkin, Tita Lina, Nancy at Nyke.
Totoo? Hindi ka kailangan niyan.
"Leave me alone!" Wala na kaming ibang ginawa kundi ang bumuntong hininga. Nagkatinginan kaming lahat, bumaba ang aming mga balikat. Sa tatlong araw na nagkulong siya, tatlong araw na rin kaming namimilit na lumabas na si Nox, but none of those days na nakinig siya. Hay, paano na lang ang kaibigan namin?
Zavy? When will you comeback?
Nox Cantrell
I rested my head on the headboard of my bed. I closed my eyes.
Her laughs
Her smile
Her presence
Her kiss
I miss it all. Hinaplos ko ang picture niya sa side table ko. Pina-frame ko na. I hugged it and suddenly prayed.
Sana, sana, sana nandito ka sa tabi ko. Nayayakap kita, nakikitang tumatawa, nasisilayan ko ang mukha niyang palaging walang emosyon.
"Hay." Buntong hininga ko. "Asan ka na ba? You promised me that you'll be back, pero kailan pa?" Malungkot na saad ko habang nakatingin na sa kisame ang paningin ko habang ini-imagine ang mukha niya.
The kiss. "You're my first kiss," nakangiting sabi ko na nakahawak sa labi ko. What you have read was right, she's my very FIRST KISS. My very very sweet, tender, luscious, romantic, soft kiss.
I never thought that she'll be my first. Takte. Uminit ang mukha ko at nanginig ang katawan ko.
"Shet, kinikilig ako?" Wala sa sariling tanong ko. Humiga ako sa kama, kinuha ko ang isa sa mga unan ko.
"Grrr," usal ko na nakangatngat sa unan.
Putek, baliw na ako sa drogang Zavy.
Zavier Yutsuko
"Ma'am, please rest now." Pakiusap ng secretary ko na si Lana. Sinulyapan ko siya at pinatunog ang leeg ko.
"Yeah, after I finish this shit." Patuloy kong pinirmahan at inaprobahan ang mga files dito. May mga proposal pa ng ibang mga company na nagsisimula pa lang sa industry. Napasandal ako sa headrest ng aking swivel chair.
"Thank you for being my first kiss."
I unconsciously touch my lips. Ako ang unang halik niya? Meron pa palang ganun? Lalakeng hindi pa nakakahalik ng maraming babae? Quite surprising.
I closed my eyes. He's my first kiss too.
Bakit ba palagi ka na lang sumasagi sa isip ko? Ikaw na ba talaga? Pero paano na? I'm not the usual girl that a boy usually has. I'm busy as fuck, how to?
"Maka-cellphone nga." at kinuha ang phone ko sa loob ng drawer sa ilalim ng table ko. I opened it, and entered the password.
"Fudge!" usal ko nang saktong saktong pagbukas nun ay may tumatawag ang lakas pa ng ringtone! Ang ringtone ko ay ang tawa ni Zyrah, na nakakairita. Para ma-alert ako, ang ingay kasi eh.
Unknown number calling...
Sino 'to? I slide the green button.
[Is this, Zavy? Zavy Yutsuko?] Tanong ng kabilang linya. Ang lambing ng boses. Malumanay. Inikot ko ang swivel chair ko, ngayon nakatalikod na ako sa table ko.
"Speaking," malamig kong saad.
[Uhm, hija? I need your help—]
"I don't even know you." Nakita kong pumasok si Lana. I signaled her, that I'm talking to someone. Inutusan ko siya na kunan ako ng strawberry milk. Sinenyasan ko lang siya na kunwari umiinom ako, alam na niya 'yun. Hindi naman ako palainom ng kape. Tumango siya, at agad na sinunod ang utos ko.
[Zavy, I'm Lina Cantrell]
"How are you related to, Oxford? Are you his sister?"
[Hahahaha~. Hija, no I'm Nox's Mom] Napalaki ang mata ko. Fudge! Did I just talked rudely to his MOTHER?! Kinalma ko ang sarili ko.
"Uhm, how may I help you Ma'am?"
[Zavy, we need you here in the Philippines. Hindi na lumalabas si Nox sa kwarto niya, he can't even eat properly! Nag-aalala na ako sa kanya, please hija. Nox need you]
Napahawak ako sa sintido ko. Paano na 'to? I looked at my schedule.
9:00 pm ngayon dito.
⚪Meeting with Mr. Salcedo - 10:00 pm
⚪Checking the construction site - 10:30 pm
⚪Fast meeting with the officials - 11:30 pm
⚪Dinner with Mr. Arradaza 12:00 am
Pansin niyo, mga panggabi lahat 'yan. Kasi, bukas panibagong schedule na naman. Hays.
Paano na 'to?
"Ma'am, here's your milk." Inilapag ni Lana ang isang basong strawberry milk sa harap ko. Okay fine, it is decided.
"Cancel all my appointments scheduled after this board meeting." Natigilan pa siya ngunit tumango agad, ako naman ay pumunta sa conference room, at pinatuloy ang meeting. There's a big baby who's waiting for me.
***
Thanks for reading 🖤
PRES.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top