Chapter 33
***
Zavier Yutsuko
Galit na galit si Mom and Dad nang dumating ako. Hindi matanggal-tanggal ang sama ng tingin ni Dad kahit simula pa nung pumasok ako. Naka-loose ang necktie niya at nakalihis ang sleeves ng suit niya sa may siko, habang si Mom ay pilit na pinapakalma ito.
Napapikit si Dad, pilit pinapakalma ang sarili. "What have you done this time, Zavier?" Bakas ang galit sa tinig nito. Napakunot ang noo ko, at takang tinignan siya.
"What? I didn't do anything!" Kontra ko. Napahawak si Dad sa bewang niya, habang ang kanang kamay ay nasa sintido niya at hinihilot hilot ito.
"Zavy, just tell us the truth," malumanay na utos ni Mom, pero bahid pa rin ang galit sa bawat salita nito. Napalingon ako sa hagdanan, nang may bumaba doon.
Agad na bumungad sa akin, ang kunot na kunot at galit na mukha ni Daichie. Ano ba kasi ang ginawa ko?
"But Mo—"
"JUST TELL US THE TRUTH ZAVIER!" Napaatras ako nang upo sa lakas ng sigaw ni Dad. Kinunutan ko siya ng noo ulit, pero naputol iyon ng may tumawag, kinonect ko iyon sa aking earpiece.
[Queen.. may problema,] saad sa akin ni Marcel, na nag-aalala.
Hindi ko na napansin sila Mom, at dali-daling umalis sa harap nila upang sagutin si Marcel. They shouldn't know about this.
"What?!" Inis na sabi ko.
"ZAVIER, HUWAG MO KAMING TATALIKURAN! WE'RE NOT DONE YET TALKING TO YOU!" Nanggagalaiting sigaw ni Das ngunit hindi ko na siya binalingan pa.
[Pumunta ka nalang dito sa **** bar.] Pinutol ko na ang tawag at lumabas sa bahay, pumasok ako sa kotse at pinatakbo ito sa sinabing bar ni Marcel.
Pagkarating ko doon ay nandun na siya. Nakaupo habang may hawak na baso sa kanyang kamay na naglalaman ng alak. Bakit ako pinapunta ng taong to? Hindi naman siya mukhang naghihingalo. Pero nilapitan ko siya at tinapik pa ang likod niya kaya napatingin siya sa'kin.
"What do you want Marcel?" Ngumisi siya sa'kin at minuwestra ang kanyang kamay sa mga alak na nasa lamesa.
"I know what's happening, so I decided to help you escape." Kumindat siya sa'kin at uminom mula sa kanyang baso.
-
"Hahahahaha!" Tawa ko na hina-hampas hampas pa ang steering wheel ng kotse. Sinapian na ako ng ispirito ng alak. Tumingin ako sa salamin, ang pula na naman ng mukha ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang can ng beer na nasa tabi ko at tinungga iyon.
Mga ilang minuto lang, ay nakauwi na ako sa bahay. Bahala na, sermon na naman ito. Nag-doorbell ako sa gate, may maid naman agad na sumalubong sa'kin at pinagbuksan ako ng pintuan. Tinignan niya ako, mula ulo hanggang paa at napatakip sa kanyang bibig.
"Mam! Anong nangyari sa inyo?!" Gulat niyang anas at kinuha ang kaliwang kamay ko at ipinatong iyon sa balikat niya.
"Awong nangwari shwakin?" Sobrang lakas ng boses ko, buti nalang at hindi Jack Daniels ang ininom ko. Umiling nalang siya.
"Tara na mam sa loob, hinahanap na po nila kayo." Naglakad na kami at binuksan niya ang pinto, pasuray-suray naman akong pumasok. Ininom ko ang beer, at napa-whooo.
"What the hell Zavier? Ba't ka naglasing?!" Napalingon ako kay Dad na pulang pula na ang mukha at kunot na kunot ang mga noo. Nakapambahay na siya, pati na rin si Mom at mukhang ako nakang ang hinihintay nila.
Napatawa ako. "Oh? Hi Dad!" Bati ko. Nilahad ko ang lata ng beer na iniinom ko. "You want?" Winakli niya iyon. At sinundan ng isang malutong na sampal.
Ramdam na ramdam ko ang gaspang ng palad ni Dad sa pisnge ko, at ramdam na ramdam ko rin ang hapdi ng labi kong pumutok dahil sa lakas nito.
"Taigen!" Gulat na anas ni Mom. Hinawakan niya si Dad sa braso ngunit inalis ni Dad ito. Habang ako naman ay napa-punas ng labi kong pumutok dahil sa sampal ng Dad ko. Tama, bakit nga ba umaasa akong may kaunti pa akong puwang sa puso niya.
He's my Dad by blood but not by heart. Biglang nanikip ang dibdib ko at pinipigilang ang sarili sa pag-iyak. Ang sakit. Bakit pa ako nakakaramdam ng sakit? Dapat sanay na akong ganito na lang palagi, na lagi na lang akong sasaktan at iiwan ng sarili kong ama.
"Stop, Aiya! Parati na lang ganyan ang anak mo! Wala na 'yang ibang ginawa kundi ang maging sakot sa ulo! Let me handle her!" Bumaling naman si Dad sa'kin at dinuro ako. Dad was never been like this, minsan nagagalit siya sa'kin pero hindi umaabot sa gan'to.
"I'm so disappointed to you Zavier! You're such a disappointment!"
Nox Cantrell
Pumunta kami ng mga kaibigan ko dito sa bahay ng mga Yutsuko, Zavy's parents told us that she's missing. She left without saying anything. Bigla nalang daw umalis at pinaharurot ang kotse.
Her Dad is fuming mad. Kanina pa siya ganyan, at tila'y manununtok na. Malaki raw ang kasalanan ni Zavy eh. Habang nag-uusap usap kami ay biglang pumasok si Zavy at hindi yata kami napansin. Sobrang bilis ng pangyayari, at namalayan na lang namin na sinampal siya ng Dad niya. I badly want to wipe the blood on her lips, but I don't have the rights to meddle with her family problem.
Gusto ko siyang lapitan at takpan ang tenga niya. Her eyes glimmer in pain.
"I'm so disappointed to you Zavier! You're such a disappointment!" Galit na sabi ni Tito. Pilit siyang pinapakalma ni Tita, pero ayaw paawat. Napatitig ako kay Zavier, punong puno na ng sakit ang mga mata niya, awang-awa na ako sa sitwasyon niya.
Who would've have known that this strong spirited girl has a bad-blood between her family.
Tinignan siya ng matalim ni Zavy, nilamukos niya ang can ng beer na hawak hawak niya at ibinato. Saktong sakto naman iyon sa isang vase na nandito. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa vase na basag basag na. Her strength is, UNBELIEVABLE!
Napatawa ng mapait si Zavy. Unti-unting may namumuong luha sa mata niya.
"Right! I'm such a disappointment! Lagi naman diba?"
" 'Wag na 'wa mo akong sasagot-sagutin Zavier! Because of you! Nag-pull out ng shares nila ang Asylum Corp! Dahil, binugbog mo ang anak nila na si Rica! You don't know how much they contribute to our com—" She cut her Dad off.
"Sinasabihan niyo ako ng ganyan, nang hindi man lang kayo nagtatanong sa'kin?" napasinghal siya.
"You're judging me, not knowing what really happened?! Ganyan naman kayo lagi eh!" Pumatak na ang mga mumunting butil ng luha niya.
"You're so judgemental! You know what? Alam ko lahat ng pinaggagagawa niyo sa'kin behind my back!" She let the tears flow down to her face.
"I heard all of you! Narinig ko ang lahat ng mga sinabi niyo! Like, nung sinabi ni Uncle Niko na hindi dapat ako bigyan ng mana, kasi hindi ko mapapanatili ang Yutsuko sa pangalan ko pag nag-asawa na ako! At dahil isa akong babae!" Napa-singhap naman ang Mom niya at naiiyak niya.
Biglang biniyak ang puso ko habang tinitignan ang mukha ng babaeng gusto ko, na umiiyak.
"But I didn't say a thing! Eh nung binully ako ng mga classmates ko sa Japan? Where are you? Nagpapakasaya kayo sa London, together with Daichie! Eh ako? Ha! Pinapahirapan ng iba!"
"When, Uncle Niko arrived at the house. Pinaalis niya ang mga maids, dahil sila na raw ni Auntie ang mag-aalaga sa'kin. But hell! Inapi nila ako! Ginawang katulong!"
Uminit ang sulok ng mga mata ko, 'di ko akalain na gan'to pala ang mga pinagdadaanan ni Zavy.
"At 'yung paulit-ulit ako na sinasaktan ng teacher ko. Asan kayo?!" galit niyang tanong.
"Asan?! Nandun! Sa Europe, nagliliwaliw! You three traveled around the world, like kayo lang ang pamilya! Kinalimutan niyo 'ko! Pero, wala lang ako!"
"When I heard you talking with your lawyer, you're discussing about your last will and testament. Dad! Ano sinabi mo?! Walang matitira sa'kin kahit kaunti! Wala! But I don't mind." pinunasan niya ang mga luha niya.
"Alam niyo yung masakit? Walang magulang sa piling ko noong kailangan na kailangan ko kayo. Walang magulang na kasama ko tuwing birthday ko, walang magulang na nagtatanggol sa'kin pag iniinsulto ako, walang magulang na sumusuporta sa'kin sa mga competitions ko! At walang magulang na yumakap sa'kin sa panahong kailangan ko ng yakap niyo!"
She looks okay outside, but there's a burden she's carrying all this time.
"That's why, I chose to fight for myself cause I know that no one will stand up for me, 'cause all if your fucking judgmental! Bigla bigla kayong nagsasabi ng mga bagay, na wala kayong tanong tanong sa'kin! You always conclude things without proper evidences! I chose to be like this, 'cause I don't wanna be weak anymore! I want to stand up on my own, 'cause the time will come that you all will leave me!" Napa-upo na siya at tinakpan ang mukha niya at humagulhol.
"Wala akong sinabing kahit ano, kasi ayaw ko kayong magalit!"
"Wala, wala akong sinabi! Kasi alam ko na lahat ng gagawin at sasabihin ko, MALI sa paningin ninyo!"
Tumayo ako at lumapit sa kanya, yumukod ako at dahan-dahang ipinulupot ang mga braso ko sa kanya at isinandal ang ulo niya sa dibdib ko. Tanging iyak niya lang ang maririnig sa buong bahay.
No one dared to talk. Everyone was shocked, even me. A beautiful girl like her doesn't deserve this. And I'm the one who'll love her.
I kissed her head. "Don't worry Zavy, I'm always here to love you." Bulong ko at hinigpitan ang yakap ko.
Humikbi siya nang humikbi. "I just want you to love me, I just wanted to be loved."
***
Thanks for reading 🖤
PRES.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top