Chapter 32
***
Zavier Yutsuko
"Yes you!" Sigaw niya na dinuro pa ako.
Ano bang pinuputok ng butsi nito?
Inirapan ko lang siya, at ipinatuloy ang pagkain ko. Tsk, kebago-bago niya naghahanap siya ng gulo. Susubo sana ako, nang marahas niyang hinampas ang lamesa. Napa-igtad kaming lahat. Fudge.
"You know what?! Ayaw na ayaw ko pa naman, na pinag-uusapan ako ng masama!" Napatikhim siya. "At sa harapan ko pa talaga ah?" Sarkastiko niyang sabi.
The hell?
Tumayo si Kiara, at dinuro siya. "You bitch! Kumakain kami ng matiwasay! And you came, tinanggap ka namin! Tas, magga-gaganito ka? How dare you!" Sigaw nito kay Rica.
"Ha!" 'di makapaniwalang singhal niya. " 'Wag kang makialam! Ikaw! Ikaw na babae ka! Ang harot harot mo!" Naitarak ko sa plastic na lamesa ang hawak hawak kong steak knife.
Tinignan ko siya ng masama. Sumandal ako sa sandalan ng upuan, at nag-cross arms. "What did you just say?" Malamig na tanong ko.
"Ah, maharot? Hahaha!" Tumawa pa siya.
"Nakita ko sa phone ni Nox 'yung video mo! Look I shared it on my phone!" Kinuha niya ang cellphone niya, may kinalikot siya dun, pagkatapos ay tumatawa siyang iniharap niya sa'min ang phone niya.
May naka-play doon na video. 'Yung video na lasing na lasing ako, at nagsasalita ng kung-ano ano. 'Yung akala kong isesekreto ni Nox. 'Yung video ko na nagmukha akong tanga, na inakala kong 'di ikakalat ni Nox.
Maraming lumapit sa kanya, at nakinood. Sa totoo lang, hiyang-hiya na ako. Promise! Ang sama kong tignan dun, nakakahiya. Tangina, mababalatan kita ng buhay!
"Stop that!" Mahinahon na utos ko. Ayaw ko ng gulo, please lang tigilan mo na 'yan.
Tumawa siya ng maarte, 'yung nakahawak sa bibig at kunwaring pinahiran ang luha sa mata kahit wala naman. Sa totoo lang, nakakatangina siya. Fudge dude, nagmukha siyang adik.
"Ano? Nahihiya ka na? Hahaha! Thanks for these Nox!" Nag-flying kiss pa siya kay Oxford na nanatiling nakatingin sa akin na tila ba may gusto siyang sabihin.
Tumayo ako, napakuyom ang kamao ko. Tsk! Sobrang init na ng ulo ko, fudge! 'Di ko na magawang kumalma! Nagngingitngit na ako sa galit!
Marahas na kinuha ko ang phone niya, at patagilid na hinampas ito sa lamesa. Nagkawasak-wasak ito. Ramdam ko pa ang bahagyang pagsakit ng palad ko ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Sumigaw ang ilan dahil sa takot at lumayo sila sa kinaroroonan namin. Hinawakan ko ang gilid ng lamesa, at tinaob sa mismong mukha niya. Dinig na dinig ang pagkatumba nito, at ang daing ni Rica.
"RICA!" Halos sigaw ng lahat, napasinghap lamamg ang mga kaibigan ko They witnessed more than this.
"If I said stop it, STOP IT!" Nanggigil na sigaw ko, kinuha ko siya gamit ang buhok niya. Then, I slammed her on cafeteria walls. Alam niyo na, wala akong sinasanto.
"What now?!" Galit na tanong ko, habang pinipilit siyang ipakita kung anong ipinagmamalaki niya.. Hinang-hina siya na napatayo at inalalayan ang sarili sa dingding.
Sasampalin ko na sana siya. Pero bigla akong natumba na nakapag-pasinghap sa lahat.
"Zavier!"
"Nox!"
Sabay nilang sigaw dahil sa gulat, kahit ako ay nagulat din.
"Zavier stop! Sumusobra kana!" Galit na sigaw ni Oxford at agad na dinaluhan si Rica. Umiiyak pa ito at nagpapaawa kay Oxford. Yakap na yakap ito sa kanya kunware pang takot na takot.
Tinulak niya ako? Kinakampihan niya ang babaeng 'yan? Napasinghal ako. Ano ba naman ako sa buhay niya diba? Ano pa ba ang aasahan ko? Parehas lang talaga silang lahat, di pa ba ako nasanay?
Tinulungan niya itong tumayo at inalalayan.
"Zavy! My god!" Napatingin ako kay Keana na sumigaw. Tinulungan nila akong tumayo, halos wala akong nararamdaman, kundi ang pagkadismaya, at kirot. Parang isang pelikula sa harapan ko ang muling pagbalik ng mga alaala ko kung saan inabandona ako ng sarili kong pamilya.
The feeling of abandonment and pain is like an endless music playing inside my head.
"Your hand Zavy!" Nag-aalalang sigaw ni Celian. Napatingin silang lahat sa kamay ko. Tinignan ko rin ito.
May nakatusok doon na barbeque stick, sa part ng palm ko na nasa ilalim ng pinky ko. Lalapitan sana ako ni Oxford.
"I'm so—" I cut him off.
"You told me to leave you two fucking alone right?! Then why are you talking to me then? This is all your fault!" Galit na asik ko, yumuko naman siya.
"I trusted you about that video! But you, you, you betrayed me!" Dagdag ko pa. Gustong gusto ko siyang suntukin ngayon, pinagkatiwalaan ko siyang hindi niya ikakalat ang video dahil dignidad ko ang nakasalalay don. Tapos ano to?!
"Just stay away from me! And just forget about me! You damn asshole! Just, stay away! Don't talk to me ever again!" Naglakad ako paalis at hindi na inalintana pa ang stick na nakatusok pa rin sa kamay ko.
Nox Cantrell
Tinanaw ko ulit ang likod niyang papalayo sa'kin. May time kasi na hinihiram ni Rica ang cellphone ko, 'di ko naman alam na manonood siya ng video. At bakit ko ba kasi siya tinulak? Maybe my instincts?
"Nox! Help her!" Sabi ng isa sa mga bagong dating na kaibigan ni Rica.
"Kayo na muna, may aayusin lang ako." I stormed out. I need to fix this. Sinundan ko silang anim, I know they're heading towards the clinic.
Malamang! Tinulak mo si Zavy eh!
Pinuntahan ko na sila.
-
Lumipas ang isang linggong walang kibuan. At isang linggo na rin akong walang buhay. Pano? 'Di na ako pinapansin ng buhay ko. Sabay kaming kumakain, pero ni isang imik wala, at kinakausap niya lang ang mga kaibigan niya Arkin at Paxxton.
I tried to approach her but still, no response. Maayos na rin ang kamay niya. I keep giving her strawberry stuffs and food. Pero, naabutan kong ang mga kaibigan niya ang kumakain.
And it hurts me the most. Watching her talking with Eugene, smiling. Looks like they're having fun. Habang ako, just sadly looking at them. I regret to what I have done that day. I lost my world in just a snap.
Zavier Yutsuko
Sobrang hirap ng ginagawa ko pero kailangan. 'Yun 'yung gusto niya eh. Ang lumayo ako, hindi naman ako bobo para 'di mainintindan ang leave us alone maranunong naman akong umintindi ng English eh.
'Di rin ako umuuwi sa bahay, narini ko kasi na galit na galit sila Daddy sa'kin. Hays, taenang life.
Pina-hospital din si Rica. May mga SUGAT daw eh. Ako nga, natusok ng bbq stick parang wala lang. Malalim din kaya 'to. May tumatawag na naman sa'kin, tinignan ko ang caller at, si Daddy pala.
I ended it, I'm still not ready for their ceremonies. Napabuntong-hininga ako. Sa lahat ng oras, na umiiwas ako kay Oxford ay si Eugene ang laging nandito sa tabi ko. Sinasamahan niya ko, kahit nagmumukha siyang buntot ko.
Palabiro rin siya, galante, understanding, loko rin 'to eh. Habang naka-upo sa lupa na nasa ilalim ng puno sa may field, may mga puno kasi dun na pwedeng masilungan. Binasa ko ang mga messages sa'kin mula sa iba't ibang tao na nasa iba ibang bahagi ng mundo, na miyembro ng grupo.
From: Nicolas:
The branch in here, is under attack Queen!
From: Theodore
One milion from our bank in Costa Rica is gone. And according to our hackers, the money is transferred to China.
From: Phillip
We lost some of our members in the part of Australia.
From: Joseph
Many investors in France branch pulled out their shares in the company.
From: Phoenix
The Tokyo branch is been spied.
From: Anthony
Some of our reapers, are gone without any traces.
From: Marco
Someone robbed the Thailand Branch.
Buntong hininga ulit. "Hay, ang dami kong problema." Isinandal ang ulo ko sa katawan ng puno, nilagay ko ang aking dalawang kamay sa aking ulo at pumikit.
Hindi lang 'yan ang mga problema ko. Kung sasabihin ko pa lahat, aabutin tayo ng pasko.
Ramdam ko ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng isang tao mula sa malayo. Nakatingin siya sa'kin.
Pero mukhang wala namang ibang intensyon. Bahala siya. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko mula sa aking bulsa, tinignan ko na naman kung sino iyon.
Daichie calling...
Ano na naman ba? Can't I just rest, like for the mean time? Pagod na pagod na 'ko. Pinatay ko 'yun, at sinubukang matulog ulit, pero fudge. Persistent ang gago. So ayun, pinatay ko ulit.
Tumunog ang notification ko na may message, at sunod sunod 'yun. Inis na pinindot ko ang messages.
From: Daichie
Where are you?
From: Daichie
Mom and Dad are looking for you.
From: Daichie
Cmon, answer me!
From: Daichie
Damn it! Answer the call Zavier!
From: Daichie
Pupuntahan kita diyan!
From: Daichie
Ano ba?! Sabi ng pumunta ka dito sa bahay eh!
Pinindot ko ang off button, at pumikit ulit. Gusto ko munang magpahinga. 'Di na halos umaandar ang utak ko, at wala ng kabuhay-buhay ang mga parte ng katawan ko. In short, lantang gulay.
Nag-vibrate na naman!
"What the?" inis na anas ko at pinindot ang answer button pagkatapos ay inilagay ko sa aking kanang tenga ang phone ko, at naghintay ng magsasalita.
"Zavy! Come home now! We're going to talk!" napalayo agad ako sa aking telepono dahil sa lakas ng sigaw ni Dad. Bumuntong-hininga na naman ako, at umubo muna bago magsalita.
"Fine, I'll go now." tumayo na ako, pinagpagan ang sarili at umalis na doon. Tsk, papagalitan na naman ako nito. Hay buhay.
Pumunta ako sa parking lot, binuksan ko pinto ng kotse at sumakay doon. I started the engine.
Umuwi na ako sa bahay, at nadatnan ko doon ang mga magulang kong, nagngingitngit sa galit.
***
Thanks for reading 🖤
PRES.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top