Chapter 8: Varsity Blues




Alas-nuwebe hanggang alas-tres ng hapon ang klase ni Kelsey tuwing Monday to Friday.

Three-thirty to six naman ang schedule niya para sa volleyball practice.

Pagkatapos niyang magpalit ng itim na short-sleeved wicking shirt, black shorts at pulang volleyball shoes, dumiretso na siya sa gym kung saan sila magpa-practice.

Habang naglalakad sa hallway ay pinagtitinginan siya ng mga estudyante.

Bukod kasi sa new student siya, makaagaw tingin ang tangkad niya.

Tinawag siya nung ibang kakilala niya sa klase.

Kumaway si Kelsey at ngumiti bago tumawid papunta sa gym.

Mainit ang panahon at matindi ang sikat ng araw habang naglalakad siya sa sementadong pathway.

Yung ibang estudyante, nakaupo sa wooden benches sa ilalim ng puno habang nagkikwentuhan.

Nilingon din siya ng mga ito ng dumaan siya.

Sanay na si Kelsey sa ganitong klaseng atensiyon.

Ten years old pa lamang siya ay halos five feet na ang height niya.

Kaya naman kahit saan sila magpunta, lagi na lang ito ang unang napapansin sa kanya.

Noon ay naaasiwa siya lalo na at lagi na lang siyang nasa dulo ng pila sa klase.

Kapag nagsabi ang teacher na find your height, hindi na niya kailangang mag-isip kung saan siya pupuwesto.

Diretso agad siya sa pinakalikod ng pila.

Meron din siyang mga classmates na tinutukso siyang higante.

Pero ng sinabi sa kanya ni Sara na magiging asset niya ang pagiging matangkad, she began to see it in a different way.

Nang sumali siya sa Archangels at ginawang blocker ng coach, doon niya na-appreciate ang pagiging matangkad.

Tumigil si Kelsey sa tapat ng gray building na dome shaped ang bubong.

Tinulak niya ang metal double doors para pumasok.

Naabutan niya ang eleven existing members ng Valkyries na nasa gitna ng gym at nagkikwentuhan.

Nilingon siya ng mga ito at tinaasan ng kilay ng isang babae na kilala niya sa pangalang Tessa.

Siya ang team captain.

Matangkad din ito sa height na 5'7".

Maputi at makinis ang balat ni Tessa, light brown ang buhok na medyo kulot at kilala dahil sa gray green na kulay ng mata.

Half-British siya pero dito na lumaki sa Pinas.

Imbes na maapektuhan sa cold treatment ay hindi pinansin niya pinansin ang ginawa ni Tessa.

Dumiretso siya sa bleachers at nilapag ang bitbit ng asul na duffel bag.

Bumukas ang pinto at napatingin siya sa bagong dating.

Si Coach Victoria Almendras pala.

Matangkad din siya, payat at kulot ang buhok na lampas baba.

Dati siyang national player, UP scholar at long-time coach ng MUV.

Siya rin ang coach during the three-peat championship noong 2013, 2014 at 2015.

Three years ng hindi nagcha-champion ang Valkyries.

Ang sabi ng iba, wala na kasi ang tandem ng incredible three na kinabibilangan nina Jocelyn Marquez, Sheena Dimaculangan at Marvie Guzman.

Grumaduate ang mga ito noong 2015.

Ito ang dahilan kung bakit ang taas ng pressure na masundan ulit ang championship.

Ang nakakalungkot pa, mula sa pagiging top contender ay pinakahuli sa ranking ang MUV.

Nalagpasan na sila ng dating kulelat na mga teams.

Ayon sa isang group chat nang mga collegiate volleyball players na dating sinalihan ni Kelsey, mahina daw ang teamwork under Tessa's leadership.

Biased daw ito sa mga kaibigan niya at sobrang mamahiya sa mga hindi niya kasundo.

"All right, girls. Gather round." Tinawag sila ni Coach A.

Ito ang tawag sa kanya ng lahat ng players.

Nang kinausap siya nito kung gusto niyang tanggapin ang position ng libero dahil nagmigrate na sa US ang dati nilang player ay sinabi din nito na kilala siya sa campus as Coach A.

Sabi ni Coach wala na siyang time para sa tryouts.

Isa pa, kilala niya si Kelsey at alam niya na naglalaro ito.

Disappointed si Kelsey dahil team captain siya sa loob ng apat na taon niya sa Archangels.

Pero there was an earnestness ni Coach A's request kaya hindi niya magawang tumanggi.

Isa pa, kung hihintayin niya na may position na mag-open, baka matagalan pa.

Sayang naman ang opportunity kaya pumayag siya.

Gustong-gusto niya na din kasing maglaro lalo pa at ito ang ginagamit niyang motivation para pumasok.

Ito ang bagay na hindi niya masabi sa Daddy niya.

Not that it would matter to him.

Lumapit si Kelsey sa gitna ng gym at pumuwesto sa tabi ng isang player na maliit at Gonzalo ang apelyido ayon sa nakalagay sa likod ng jersey T-shirt nito.

Tumayo si Coach A sa harapan nang mga players.

"Before we begin, I would like to introduce to you your new libero." Nilingon siya nito at kinawayan na lumapit sa harapan.

Lumapit si Kelsey at tuwid na tuwid na tumayo sa harap ng mga teammates niya.

"Why don't you introduce yourself to the rest of the team?" Nakangiting sabi ni Coach A.

"Hello." Kumaway si Kelsey pero wala ni isa mang nag-acknowledge ng ginawa niya.

"I'm Kelsey." Tumingin siya kay Coach A na nakakunot ang noo.

"That's it."

"Yes, Coach."

"You're not going to tell them that you were the team captain of the Archangels and the championship titleholder for four straight years?"

Nahihiya siyang ngumiti.

"Now you're just being modest."

Tumungo siya at tinitigan ang shiny laminated floor.

Hindi naman talaga niya naging ugali na ibandera ang accomplishments niya.

Isa pa, it was a year ago when she was the team captain.

Wala na siya sa St. Michael's.

She was now in a whole different ballgame so to speak.

Nagsalita ulit si Coach A.

"Like what I said, Kelsey was the team captain and an all-around player. I have to say I was impressed when she accepted the role of libero dahil aside from being the team captain, siya din ang MVP for four straight years sa high school division."

Gustong matunaw ni Kelsey sa kinatatayuan lalo na ng makita niyang tumaas na naman ang kilay ni Tessa at nang ibang kasama nito.

"This year, I am very hopeful that we will bring the trophy back to MU." Binaling ni Coach A kay Kelsey ang tingin.

"It's nice to have you on board, Kelsey."

"Thank you, po."

Bumalik siya sa dating pwesto.

Sinabi ni Coach A ang mga gagawin nila for the exercises.

Ang una ay tatakbo sa loob ng gym for fifteen minutes.

Pagkatapos, they will proceed with ball throw, spiking, setting and passing.

Matatapos ang practice with a match.

Dalawang linya ang ginawa nila at siyempre nangunguna si Tessa.

Si Kelsey naman ang nasa likod at katabi niya pa din si Gonzalo.

Pagpito ni Coach A ay mabilis na tumakbo si Tessa.

This was supposed to be a jog at first but with the pace she was going, para siyang nagcocompete sa marathon.

Dahil araw-araw naman siyang tumatakbo ay balewala sa kanya ang speed ni Tessa.

Kung pwede nga lang na unahan niya ito ay ginawa niya na.

Pero ayaw niyang magpasikat lalo na at nakita niya na unwelcome siya sa mga ito.

Hindi naman siya manhid para hindi makahalata na mainit ang dugo ni Tessa sa kanya.

Ang hindi niya lang alam ay kung bakit hostile ito sa kanya.

During the drills, si Tessa ang naghahagis ng bola.

Nang turn na ni Kelsey, may extrang pwersa na hinagis ni Tessa ang bola papunta sa dibdib niya.

Pero mabilis na nasalo ni Kelsey ang volleyball at ng ihagis niya kay Tessa ay napalakas din ang hagis niya.

Imbes na sa nakasalong mga kamay nito mapunta ang bola ay dumaplis ito at tumama sa kanang balikat.

"What did you do that for?" Sigaw nito.

"It's a ball throw isn't it?" Buwelta naman niya.

"You did that on purpose." Galit na sabi nito.

"Don't be ridiculous." Katwiran naman niya.

Namumula ang mukha ni Tessa at naghahamon ng away ang itsura.

Tumayo sa tabi ni Tessa ang mga teammates.

Nanlilisik ang tingin nila kay Kelsey.

Tumayo si Coach A mula sa bleachers at nilapitan sila.

"What's going on here?" Tanong niya kay Tessa.

Tumingin muna ito kay Kelsey.

Akala niya magsusumbong.

Nagulat na lang si Kelsey ng sumagot si Tessa ng nothing.

Nasira na ang mood niya dahil sa nangyari.

Obvious naman na sinasadya ni Tessa ang mga tira nito lalo na kung si Kelsey ang nasa receiving end.

During the match, ilang attacks ni Tessa ang hindi naging successful dahil lagi niya itong nabablock.

She was ready to dive on the floor para manatiling buhay ang bola.

Ilang tira din sa labas nang court ang napabalik niya sa loob dahil nahabol niya ang mga runaway ball.

Team nila ang nanalo pero pigil na pigil na magpakita ng excitement ang mga kasama niya.

Pagkatapos ng practice, nagmamadaling lumabas si Kelsey sa gym after niya magpaalam kay Coach A.

Habang naglalakad papunta sa parking lot ay kinuha niya ang phone sa duffel bag.

May isang text mula kay Rachel.

"Take care on your way here. Miss you."

Kahit upset siya sa treatment ng mga bagong teammates, that one message was enough to lift her mood.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top