Chapter 6: Heart To Heart




Kalalabas lang ni Kelsey sa banyo ng may kumatok.

Pinihit niya ang doorknob at ang Ate Sara niya ang nakatayo sa harap nito.

Nakasuot ito ng pulang silk kimono na may design na puting crane sa kanang bahagi ng dibdib.

Nakalugay din ang unat na buhok na lampas balikat.

"Come in."

Lumapit si Kelsey sa  dresser para kunin ang moisturizer.

Narinig niya ang pagsara ng pinto.

Umupo siya at mula sa parihabang salamin at umupo sa gilid ng kama ang kapatid.

"How are you, sis?"

"I'm alright." Patuloy siya ng paga-apply ng clear moisturizer sa noo, sa ibabaw nang ilong at sa magkabilang pisngi.

Ginamit niya ang hintuturo at hinlalaki para ipahid ito ng pantay sa mukha niya.

"I'm sorry I didn't say anything kanina."

Hinarap niya ang kapatid.

"I can't always count on you to protect me."

"Kaya nga I came here to apologize. It's not fair na lagi ka na lang pinagagalitan. Don't you get tired of it?"

"What do you think?"

Tumayo si Kelsey at tumabi sa ate niya.

"Blue, I don't mean to sound like Ate Leah pero may katwiran siya. You can't just agree to everything na gusto ni Daddy. You have to assert your rights and tell him what you want to do."

"Sa palagay mo ba I didn't try doing that? Ikaw mismo nawitness mo ang mga arguments namin. Elementary pa lang, lagi niyang sinasabi na ang gusto niya para sa akin ay maging abogado din. I mean, tatlo na kayo on are all working on that field. Hindi pa ba siya kuntento? Kailangan pati ako maging lawyer din?"

"But how long will you sacrifice what you really want just to avoid conflict?"

"I don't know. Most of the time mas madali na mag-agree na lang ako."

"But there lies the problem. The way I see it, pinapasok mo lang sa isang tenga ang sinasabi ni Daddy tapos labas din sa kabila. I think it causes more problem than you anticipate."

"Are you here to lecture me or to show your support?" Pangungunsensiya niya sa kapatid.

"I'm here to be the voice of reason."

"Great! More lectures then?" Tatayo na sana siya pero hawakan siya ni Sara sa braso.

"Kakampi mo ako. If not, I won't be sitting here talking to you."

Umupo ulit si Kelsey.

Hinipo ni Sara ang buhok nito na nakalugay.

"You may be all grown up pero you will always be my baby sister. Ayoko na nasasaktan ka dahil it hurts me too. Tumataas ang blood pressure ko kapag nag-aaway kayo ni Daddy. Kahit sa office, iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin para tulungan ka pero wala akong maisip. Your fate is in your hands, Kelsey. I'm sure you know that."

"Yeah. But my hands are tied." Hinilig ni Kelsey ang ulo sa balikat ng kapatid.

"Dad will not listen to me. Tulad na lang kanina. I told him na psychology ang gusto kong kunin pero hindi man lang siya nagcomment tungkol doon. He dismissed my argument tulad nang lagi niyang ginagawa."

"Kinausap ko na din siya tungkol diyan dati."

"Anong nangyari?" Inangat niya ang ulo at tiningnan ang kapatid.

"Sinermonan ako. Huwag ko daw kunsintihin ang gusto mo. Mas alam daw niya kung ano ang makabubuti para sa'yo."

"Does he really?"

Umiling si Sara.

Nakita ni Kelsey na pati ang Ate niya ay apektado sa nangyayari.

Ito lang ang kakampi niya at dito siya malimit maglabas nang hinanakit.

"You don't have to worry about me. I can take care of myself." Pinisil niya ang kamay ni Sara.

"Pwede ba naman kitang pabayaan?"

"I don't want you to think na hindi ko kaya."

"Alam ko naman na kaya mo. You just have to try a little harder para hindi ka laging nasesermonan ni Daddy."

"It doesn't matter. Sanay na naman ako eh."

"But it doesn't have to be always like this. I know na ayaw mong maging lawyer. Habang maaga pa, try and figure out what you really want. You don't want to be in your third year before you realize you made a mistake."

"Are you speaking from experience?"

Tumango si Sara.

"You still have time. Bata ka pa and your life is just starting. Huwag kang tumulad sa akin who is unhappy with my job."

"Then why do you keep doing it?"

"Because the time has passed. I feel as if it's too late to turn my back on what I've started. Matagal na akong nagwowork at meron na din akong mga investment. Nakakapanghinayang." Sumilay ang lungkot sa mga mata ng kapatid niya.

Graduate ng corporate law si Sara at nagtratrabaho ito sa company nila.

Matalino din siya tulad ni Leah minus the ego that came with being excellent.

The two were like fire and ice in personalities.

While Sara was warm and charismatic, Leah was cold and stoic.

Kaya naman magkasundo si Leah at Frank dahil parehong go-getter ang dalawa.

Lagi nilang pinagkakaisahan si Sara dahil para sa kanila, nakapasoft nito.

Para kay Kelsey, being soft ang compassionate ang strength ng Ate Sara niya.

Doon niya nakuha ang pagiging mapagpakumbaba lalo na sa mga tao na nahihirapan sa buhay.

Ang laging sinasabi sa kanya ni Sara, the wheels of life can turn anytime.

Baka dumating ang araw na sila naman ang mangailangan.

"Are you sure okay ka lang talaga?"

"Yes. I'm fine."

"What did you do to my sister?" Nakangiting tanong nito.

"She's still here. Why do you ask?"

"Naninibago lang ako. Dati kasi, you couldn't wait to come to my room para maglabas nang sama ng loob."

"Let's just say that I'm growing up."

"Iyan ba talaga ang reason?"

Tinitigan ni Kelsey ang kapatid.

Mahirap talaga ang napapalibutan ng mga abogado.

They don't take what you say at face value.

Uusisain nilang maigi until they get to the truth of the matter.

"Yes." Simpleng sagot niya.

"Okay. Ang mabuti pa, I'd better let you rest. May pasok ka pa bukas."

Tumayo na si Sara at hinalikan si Kelsey sa kaliwang pisngi.

"I love you, Blue."

"I love you too, Pink."

Ginulo ni Sara ang buhok niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Pagkaalis ni Sara, tumayo si Kelsey at hinila ang leather computer chair sa tapat ng desk niya.

Binuksan niya ang laptop at ilang saglit lang ay lumabas lahat ng applications sa desktop.

Mabilis na nag-click siya sa red and black M and U na logo ng school niya at hinanap ang class schedule.

Pagkatapos niyang kopyahin ay binuksan niya ang email account at inattach ang kulay pink sheet na naglalaman nang lahat ng klase niya pati ang schedule ng volleyball practice.

Sa subject line at tinype niya ang First Sem Class ang Volleyball Schedule.

Sa ibabaw ng attachment sa body text ay ito ang nakalagay.

Hey baby,

This is my schedule.

Now you know where to find me ;)

XO,

KC

Napangiti siya sa sinulat.

Pinindot niya ang send button at ilang segundo lang ay sent na ang message niya.

Sinara ulit ni Kelsey ang laptop at tumayo na para patayin ang ilaw.

Paghiga niya sa kama, kahit napagalitan siya ay hindi maalis ang ngiti sa labi niya.

Kelsey felt hopeful lalo na at tutulungan siya ni Rachel mag-aral.

Kahit hindi sigurado kung magbabago ang isip niya about being a lawyer, unlike before that she was always on the opposing end, this time she was willing to give it a try.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top