Chapter 59: Rebirth
Maliwanag sa paligid ni Kelsey at malamig.
Mula sa kinahihigaan niya ay naririnig niya ang boses ng mga taong hindi niya kilala.
May isang babae na nakaputi at tagaktak ang pawis nito.
Pinagmasdan niya ang pagtaas-baba ng kamay nito na nakapatong sa dibdib niya.
Bumubuka ang bibig ng babae pero hindi niya mabasa kung ano ang sinasabi.
Hindi naman kasi siya magaling sa lip reading pero sa expression nito, there was a lot of tension going around.
Nilipat ni Kelsey ang tingin sa ibang tao sa loob ng kuwarto at doon niya lang narealized kung nasaan siya.
Wala na sila ni Rachel sa madilim na iskinita.
Si Rachel.
My Rachel.
Where is she? Tanong niya.
Okay lang ba siya?
Oh God!
Sana walang ginawang masama sa kanya si Sir Salvador.
Bumalik ang gunita niya.
Kung paanong naramdaman niya ang pagbaon ng kutsilyo sa tagiliran niya.
Nashock siya sa nangyari pero nung naramdaman niya ang pagpulandit ng dugo ng bunutin ang kutsilyo, natakot siya.
Hindi niya naisip na mangyayari ito sa kanya.
Sa kanilang dalawa ni Rachel.
Ang saya pa naman nila ng araw na iyon.
That was their first real date mula ng maging sila.
She never had the chance to take her somewhere fancy kasi ang daming problemang dumaan sa buhay niya when they started dating.
But through it all, Rachel never left her side.
She came to her rescue without Kelsey asking.
Rachel gave her a roof over her head when she was kicked out of her home.
Inalagaan siya ni Rachel at pinadama nito na hindi siya nag-iisa.
The more na nakikilala niya ito, the more na nararamdaman niya na she wanted to give Rachel everything.
Gusto niya din maging better person dahil she wanted to be Rachel's equal.
Gusto niyang ipagmalaki siya nito.
Gusto niyang maging secure si Rachel sa piling niya.
Gusto niyang maramdaman ni Rachel na kahit mas bata siya, she would be able to take care of her too.
Di ba yun ang una niyang sinabi dito the first time they had dinner sa apartment nito?
Uminit ang pakiramdam ni Kelsey ng maalala ang araw na iyon.
Hindi naman talaga siya dapat pupunta sa St. Michael's.
Malinaw naman kasi na pinakawalan na siya ni Rachel.
Pero habang nasa orientation during the first day of school, wala sa sinasabi ng facilitator ang isip niya kundi sa dati niyang teacher.
The whole summer, ito ang laman ng isip niya.
Gusto niya sanang magsend ng message dito sa Facebook pero nagdalawang-isip siya.
She was rejected countless times.
She told herself to take it as a sign na ayaw talaga nito sa kanya.
O kung gusto man siya nito, hindi nito kayang ipakita ang tunay na nararamdaman.
Hindi niya alam kung ano ang pumipigil dito at nababaliw na siya ng kakaisip kung ano ang dapat gawin.
Iba kasi ang nakikita niya sa mga mata nito.
Kaya naman ayaw tanggapin ng isip at puso niya na dapat na niyang tigilan ang paghahabol dito.
Her heart was telling her to fight for her love.
Huwag daw siya agad susuko.
Try and try until you die.
She did die.
Not just once but everytime Rachel denied her feelings.
She died because she knew that her teacher was trying so hard to stop herself from falling for her too.
Nakikita naman niya sa mga mata nito na mahal na mahal din siya pero todo ang pagpipigil.
She admired that about Miss Gonzales.
Matatag ang loob na nilabanan niya ang nararamdaman dahil she knew the implications in case pagbigyan niya si Kelsey.
Kaya naman ng makagraduate siya, sinabi niya sa sarili na if her feelings still persist, she would go back to St. Michael's and win Rachel.
Kung i-reject pa din siya nito, then she should accept her decision.
Siguro nga, hindi niya na dapat pang ipagpilitan ang sarili niya.
But her feelings were returned at sobrang saya niya.
When they kissed, narecharged ang buong pagkatao niya.
That was the moment na pinakahihintay niya.
It was even made more wonderful by the fact hindi nangyari ang kinatatakutan niya.
Before she came to St. Michael's, she was willing to accept defeat.
Kaya naman she felt like a million bucks when Rachel reciprocated her feelings.
She never felt anything for anyone the way she felt for Rachel.
The first time she laid her eyes on her, her heart hammered wildly against her chest.
Is that how love-at-first-sight felt?
Nakakawindang? Nakakatuliro? Nakakalula?
Feeling ni Kelsey, Rachel was the sun and she was an astronaut floating in space admiring her form in all its glorious beauty.
She could stare at her all day at hindi siya mananawa.
Rachel.
Namutawi sa labi ni Kelsey ang pangalan nito.
For the first time since the doctor began resuscitating her, napangiti ito.
Kelsey came back from the underworld.
It was all because of the woman she adored.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top