Chapter 58: The Other Side




Nakatayo si Rachel sa tabi ng kama kung saan nakahiga si Kelsey.

Apat na araw na itong nakaconfine sa Santos Gen pero hindi pa din ito gumigising.

Matagal bago may dumating na ambulansiya ng gabing iyon at maraming dugo na ang nawala bago nila ito madala sa ospital.

Duguan ang suot niyang light blue sundress pati ang binti niya at sapatos.

Iyak siya ng iyak habang kandong si Kelsey, abot-abot ang kaba na baka kung ano na ang nangyari sa kasintahan.

Ang saya-saya nila ng gabing iyon.

Sa tanda niya, that was the very first time they went out on a real date.

Pareho silang walang inaalala.

Hindi ang gastos o kung may makakakilala sa kanilang dalawa.

Masaya silang nagkikwentuhan habang kumakain at sinusubuan siya ni Kelsey ng California rolls.

Pinunasan pa nito ang gilid ng labi niya dahil may tumulong wasabi soy sauce.

Pilit niyang inagaw dito ang paper napkin at sinabi na kaya niya namang punasan ang sarili niya.

"Di ba I told you I would take care of you?" Hindi pa din tumigil si Kelsey sa ginagawa.

"Oo nga but I'm perfectly capable of doing it." Katwiran naman niya.

"Rach, you know I would protect you all the time."

"Babe, you don't have to remind me. Isa pa, I think walang laban sa'yo ang wasabi sauce."

Natawa si Kelsey at nawala ang mga singkit na mata nito.

Yun ang laging naaalala ni Rachel mula ng dumating sila dito sa ospital.

Ang mga mata nito na naniningkit at ang tawa ng walang pagsidlan ng tuwa.

Paulit-ulit din na pumapasok sa isip niya ang pangako ni Kelsey na lagi siya nitong popoprotekhan at aalagaan.

"Babe, gumising ka na." Naluluhang sabi niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa mga daliri.

"Dumating ang mama at mga kapatid mo." Kuwento niya.

"Si Leah, sinabi sa mga pulis na hindi niya ito tatantanan hangga't hindi nila nahuhuli si Allan. Daig pa niya si Mike Enriquez. Yung kawawang pulis, kulang na lang maihi sa takot." Malungkot siyang ngumiti.

"Si Frank naman, dito natulog nung unang gabi na dinala ka dito. Binantayan ka niyang maigi. Sabi pa nga niya, kapag nagising ka daw, dadalhin ka niya sa racetrack. Gusto niya daw na i-drive mo yung bagong McLaren 720S ba iyon? Basta, bago niya daw pangarera. Kulay orange daw at siguradong matutuwa ka." Pinunasan niya ang gilid ng mata.

"Ang mama mo naman, ipagluluto ka daw ng favorite mo na meatball spaghetti at ipagbibake ka din daw niya ng apple pie. Basta gumising ka lang. Sabi pa nga niya, iuuwi ka nila sa bahay niyo kahit pa magalit ang daddy mo. Wala daw siyang pakialam kung magalit ito. Basta babe, magising ka lang."

Hinaplos niya ng marahan ang ibabaw ng kamay nito.

May nakatusok na needle dito na nakakabit sa dextrose.

"Si Ate Sara mo, araw-araw siyang nandito.

Nagleave nga siya para daw dalawa kaming titingin sa'yo. Umuwi lang siya ngayon para kumuha ng damit."

Hinaplos ni Rachel ang noo ni Kelsey bago marahang hinalikan.

May luhang pumatak sa ibabaw ng noo nito at mabilis niya itong pinunasan.

"Babe, kasalanan ko ang lahat. I shouldn't have confronted him." Nabasag ang boses niya.

"I should have remained quiet. Nagtago na lang sana ako sa likod mo." Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha niya at hindi niya na ito pinunasan ng hawak na panyo.

"Hindi ko akalain na gagawin ni Allan ang ginawa niya, babe. Harmless naman kasi iyon at saka duwag. Mabilis mangarag kahit sa tuksuhan sa faculty room. Pero nagkamali ako. Because of that mistake, ito ang nangyari. Nasaktan ka at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa'yo. Ikamamatay ko kung kung iiwanan mo ako kaya please? Babe, gumising ka na?" Sunod-sunod ang halik na binigay niya kay Kelsey sa noo, sa pisngi, sa labi.

Wala siyang tigil sa pag-iyak.

Inaalipin ng guilt ang konsensiya niya.

Sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari kay Kelsey.

Kahit pa sinabi sa kanya ni Sara na wala siyang kasalanan, hindi matahimik ang isip niya.

Ilang araw na siyang hindi makatulog.

Umuuwi lang siya sa apartment para kumuha ng damit.

Alam na din sa bahay nila ang nangyari at lumuwas ang mga ito sa Maynila para dalawin si Kelsey.

Iyak siya ng iyak habang kausap ang Ate Sylvie niya at kinukuwento dito ang nangyari.

Tulad ni Sara, sinabi din nito sa kanya na hindi niya kasalanan ang nangyari.

"We should have run." Yun ang nasabi niya sa kapatid.

Naputol ang pag-iyak niya ng marinig ang sunod-sunod na pagbeep ng monitor.

"Kelsey," Sigaw ni Rachel habang nakikitang nagsi-seizure ito.

Mabilis na pinindot niya ang alarm para tawagin ang nurse.

Nagmamadaling tumakbo ang mga ito papasok sa kuwarto.

Nangunguna ang doktor na agad na nag-utos ng CPR.

Naramdaman niya ang kamay ng isang nurse habang nilalabas siya sa kuwarto.

Nilingon niya ang doktor habang nilalapat ang defibrillator sa dibdib ni Kelsey.

Umangat ang katawan ni Kelsey sa kama at bago pa niya malaman ang nangyari ay nagdilim ang paligid niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top