Chapter 46: M.I.A
Hindi pa nakakababa ng tricyle si Rachel ay nakita niyang tumatawag sa kanya si Sara.
Agad siyang sumagot habang nagbabayad sa driver.
"Hi. Sara. Kumusta?" Kumapit siya sa handrail habang bumababa at binabalanse ang dala niyang mga libro at ang oversized bag na nakasukbit sa balikat.
"Sorry, Rachel, pero hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."
Natunugan ni Rachel na nag-aalala ang boses nito.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Is Kelsey with you?"
Hinila ni Rachel ang gate papasok sa apartment at sinara ang handlebar bago lumakad papunta sa unit niya.
"No. Wala siya dito." Kinabahan siya bigla.
"Anong nangyari?" Dinukot niya ang susi ng apartment sa bag.
"Lumayas siya."
"What?" Nalaglag ang hawak na susi.
"Lumayas?"
Kinuwento ni Sara ang nangyari.
Napasandal si Rachel sa pinto.
"Do you have any idea where she is?"
"Wala. Hindi siya nagtetext sa akin kasi nag-away kami." Pag-amin niya dito.
"Pwede ba kitang puntahan sa inyo? I'm really worried. Baka kung ano na ang nangyari dun?"
"Okay. I'll text you my address. Dito na lang tayo mag-usap."
Nagpaalam na si Sara.
Pinulot ni Rachel ang susi at pumasok na sa apartment.
Katatapos lang ni Rachel magbihis after magshower ng tumunog ang phone niya.
Malapit na daw si Sara sa bahay niya.
Bumaba na siya para salubungin ito.
Wala pang sampung minuto ay nakarinig siya ng katok.
Agad niyang binuksan ang pinto.
Gray ang ensemble ni Sara reflecting her somber mood.
Mula sa suot na blazer, pants at shoes, kasing overcast siya ng ulap.
Tanging ang shirt lang nito ang kulay asul.
Burado na ang light orange matte lipstick na gamit nito pati ang neutral blush on na ginamit.
Pinapasok siya ni Rachel.
"Pasensiya ka na sa abala." Nahihiyang sabi ni Sara.
Niyaya niya ito sa sala.
Kahit nahihiya siya dahil sa liit ng apartment niya kumpara sa malaking bahay nito, hindi niya nahalata na sinisipat ni Sara ang bahay niya.
Or baka magaling lang itong magtago?
"Anong nangyari?" Tanong ni Rachel ng makaupo sila.
"Dad threatened to send her to Taiwan. Before we knew it, hayun. Tinakasan kami ni Kelsey."
"Kelan siya umalis?"
"Nung Monday pa. We thought babalik din siya pero it's been three days at hindi pa siya umuuwi."
"Kelan niyo siya hinanap?"
"After she left, tinext ko siya pero I didn't receive any reply. Hindi naman kami pwedeng pumunta agad sa pulis to file a missing persons report kasi di ba may timeline din sila?"
Tumango si Rachel.
"I called her the next day dahil I heard Mommy saying na hindi ito umuwi. Hindi niya sinagot."
"So, bakit ngayon ka lang tumawag sa akin?"
"Nawala din kasi sa isip ko na baka dito siya pumunta. Isa pa, kung nandito siya, I know she'll be safe with you. Also, I was hoping na uuwi din siya dahil ganun naman iyon eh. Kapag pinapagalitan ni Daddy, ilang days na hindi uuwi para magpalipas ng sama ng loob niya."
"Di niyo ba naisip na dahil sa threat to go to Taiwan, hindi talaga siya babalik?"
Huminga ng malalim si Sara.
"Naisip ko na nga kaya ayaw ni Daddy na hanapin namin siya, I told them hahanapin ko si Kelsey."
"Ayaw ng daddy ninyo na hanapin si Kelsey?"
"Yes. He was mad about the video."
"Punyetang video iyan." Biglang nasabi ni Rachel.
"I assume yun ang pinag-awayan ninyo?"
"Oo. I was in the video di ba?"
"Yeah. Kelsey really fucked this up."
"Ano pa nga ba?" Bumuntong-hininga si Rachel. "Pero it's not important. Kailangang hanapin natin siya."
"Do you have any idea where she might be?"
"I have her schedule."
"You do?" Gulat na tanong ni Sara.
"Don't you?"
Umiling si Sara.
"I don't think any of us cared to ask for her class schedule."
"I'm not even going to ask." Tumayo na si Rachel.
"Punta muna tayo sa MU. Doon tayo mag-start." Tiningnan niya ang relo.
"Her practice ends at six. That is kung hindi pa siya nasuspindi sa volleyball."
"What do you mean?"
"Kung nakarating na sa coach niya ang video, malamang suspindido si Kelsey. I don't think she's allowed to drink kapag may laro."
"How do you know these things?"
"Dati akong varsity ng badminton sa college. Bawal uminom kapag may competition."
"Does Kelsey know na varsity ka?"
"No."
Kumunot ang noo ni Sara.
"Saka na tayo magkwentuhan. Right now, hanapin muna natin si Kelsey."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top