Chapter 4: The Expectations
Alas-diyes na ng gabi ng makauwi sa Makati si Kelsey.
Pinagbuksan siya ng gate ng guard at pinasok niya ang kotse sa garahe.
Bukas pa ang ilaw sa sala at bago siya pumasok ay tumigil siya sa tapat ng pintuan at huminga ng malalim.
Nakaupo sa sala ang magulang niya pati ang mga kapatid.
Tulad niya, maputi at singkit ang mga ito.
Ang pinagkaiba lang, siya ang pinakamatangkad sa lahat.
"Good. You're finally here." Sabi ng Daddy niya.
Magkahalong itim at puti na ang makapal na buhok nito.
Halos malaglag din ang maliit na salamin na nakapatong sa dulo ng matangos niyang ilong.
"What's up?" Nakangiting lumapit siya sa wingback leather armchair at pasalampak na umupo.
"What's this thing we heard?" Nakasimangot na tanong nito sa kanya?
"What thing?" Tiningnan niya ang mga kapatid at ang ina na nakamasid sa kanya.
"Quit fooling around." Biglang nagsalita ang Ate Leah niya.
Ito ang panganay sa kanila at isang litigation lawyer.
Nakasuot pa ito ng pantsuit at black blazer at mukhang kagagaling pa lang sa trabaho.
If there was one thing she noticed about her sister no matter how hectic or stressed she is, she always looked put together.
Tulad na lang ngayon.
Kahit gabi na, unat na unat pa din ang buhok niya that was styled in a high ponytail.
"I don't know what Dad was talking about." Angil niya sa kapatid.
Tinaasan lang siya nito ng kilay tapos umiling.
"Hija, is it true you agreed to join the varsity?" Mommy niya na ang nagsalita.
Mas bata ito ng eighteen years sa daddy niya.
Dahil alaga ang sarili, maganda ang kutis at balingkinitan pa din ang katawan.
Walang mag-aakala na apat ang anak nito.
Hindi siya nakasagot.
"Silence means yes then?" Ang Kuya Frank niya ang nagtanong.
"What's the big deal?" Iritadong tanong niya.
"The big deal is, you agreed na hindi ka na maglalaro so you can focus on your studies." Paalala ng daddy niya.
"You even promised na magiging priority mo ang pag-aaral. First day of school pa lang, you already broke that promise. Don't you know how to honor your own words?" Galit na tanong nito sa kanya.
"But you know I love volleyball. It's my life. Para niyo na din sinabi sa akin na I should stop breathing."
"You're being dramatic." Kutya ni Ate Leah.
"I'm not. I'm being honest." Mataray na buwelta niya sa kapatid.
"Then why did you agree to what I said in the first place?" Tuloy ang interrogation ng daddy niya.
"Dahil that time, what you gave me was an ultimatum. Sinabi mo na kung hindi ako titigil sa paglalaro, you would send me to Taiwan to live with Uncle Ben."
Bumuntong-hininga ang daddy niya.
Nagkatinginan naman ang magkakapatid.
It was Leah who broke the silence.
"Kelsey, you should learn how to negotiate at hindi yung gumagawa ka ng mga promises just to get out of a problem."
"That's easy for you to say dahil you have always been the overachiever in the family."
"It's not a bad thing. You can learn a thing or two from my being an overachiever."
"Isa pa, I know I can excel in whatever I do." Proud na katwiran nito.
Umikot ang mata niya sa sinabi ng kapatid.
"I'm giving you a month." Sabi ng daddy niya.
"Andy," Hinawakan siya ng asawa sa braso pero tinulak niya ito.
"Here you are again with your ultimatum." Sabi ni Kelsey sa ama.
"Kapag nagsuffer ang studies mo dahil sa volleyball, ako mismo ang kakausap sa dean ng MU."
"Fine." Matamlay na pagsang-ayon niya.
"Hayan ka na naman." Nagsalita ulit si Leah.
"Aren't you even going to say anything other than fine?"
"What do you want me to say, Ate? I'm not like the three of you na matatalino. I'm just an average student. The only thing I'm good at is volleyball. Why do you have to keep pretending na aabot ako sa caliber ninyong tatlo who are all lawyers?"
Natahimik si Leah.
Frank looked away, not meeting her gaze.
Wala ding kibo si Sara, ang sinundan niya.
"Pati ako, Dad, gusto mong maging abogado. Noon pa, I told you I don't want to be a lawyer. I want to take psychology pero hindi ka pumayag dahil sabi mo, there's no future in it. Even when I want to say something, nobody listens to me."
Mabilis na tumayo si Kelsey at patakbong umakyat sa kuwarto niya.
Pabalibag na sinara niya ang pinto at nilock ang doorknob.
Pabagsak siyang humiga at tinitigan ang ilaw sa kisame.
Nagvibrate ang phone niya at dinukot niya ito sa bulsa ng maong na pantalon.
Napangiti siya sa nabasang text.
Tinatanong ni Rachel kung nakauwi na siya.
Imbes na mag-type ng reply ay pinindot niya ang speed dial.
Isang ring pa lang ay sumagot na ito.
"Hey, beautiful." Masayang bati niya kay Rachel.
Pinilit niyang itago ang sama ng loob dahil ayaw niyang pati ang nobya ay madamay sa mga problema niya sa pamilya.
Dinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.
"Flattery will get you nowhere."
"Oh really?" Inalis niya ang sapatos bago sumandal sa headboard.
"Nasa bahay ka na ba?" Iniba ni Rachel ang usapan.
"Yes, I am."
"Hindi ka ba napagalitan?"
Humigpit ang hawak niya sa cellphone at hindi agad nakasagot.
"What's wrong?"
"Are you psychic?"
"Psychic?"
"You seem to know what's going on. May dinikit ka bang microphone sa T-shirt ko?" Kunwari ay tiningnan ni Kelsey ang suot niyang mint green polo shirt para hanapin ang device.
"Loko ka. I'm not that type of girlfriend ano?"
Natawa siya.
"What type of girlfriend are you?" Paglalambing niya.
"You're changing the subject."
"I'm serious. I want to know."
"The only way for you to find out is if you'll be completely honest with me."
"Ang hirap lumusot sa'yo." Bumuntong-hininga siya.
"That's because I pick up on what you're not telling me. Now, what's wrong?"
"They learned about the varsity."
"Anong nangyari?"
"What do you think?"
"Let me guess, niyakap ka nila ng mahigpit at kinongratulate."
"Now you're just being sarcastic."
"You wanted me to take a guess di ba?"
Huminga ng malalim si Kelsey.
"I take it they got mad?"
"Bakit mo naman nasabi?"
"I don't know. I heard things."
"What things?"
"Nothing. Baka kapag nalaman mo, magalit ka sa akin."
"Come on, tell me. You can't just say you know something and not tell me about it." Inabot niya ang makapal na unan at pinatong sa kandungan niya.
"Sabi nila, mahigpit ang daddy mo when it comes to studies. Lahat ng kapatid mo, honor roll sa St. Michael's." Tumigil si Rachel.
"Therefore, you conclude that?"
"I was your adviser for a year. I've seen your grades bago pa ito makita ng parents mo. I also met them during PTA meetings."
"I get your point." Nilaro-laro niya ang dulo ng punda.
"What is it you're not telling me then?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top