Chapter 39: The Gonzales Family




Friday ng gabi, lumuwas si Rachel at Kelsey papuntang Cavite.

Dahil alam niyang pagod ito sa school at volleyball practice, si Rachel ang nagdrive pauwi.

Nagvolunteer pa si Kelsey na siyang magnanavigate pero sinabi ni Rachel na kabisado niya ang daan.

"How did you learn to drive?" Inalis ni Kelsey ang tingin sa kalsada.

"Tinuruan ako ng uncle ko na jeepney driver."

"Talaga?"

"Oo. Nung una, nanonood lang ako sa kanya. Ten years old ako nung pahawakan niya sa akin ang manibela. Hindi naman ako natakot kasi katabi ko naman siya."

"Wow!"

"Eh ikaw? Kelan ka natutong magdrive?"

"I was thirteen."

"Sinong nagturo sa'yo?"

"Si Mang Carlos. Driver namin. Lagi ko kasi siyang kinukulit na turuan ako. We kept it a secret kasi baka daw mapagalitan siya ni Daddy."

"Kaskasera ka ba noon pa?"

Nagulat si Kelsey sa tanong niya.

"What do you mean kaskasera ako?"

Saglit na inalis ni Rachel ang tingin sa kalsada.

"Ang bilis mo kayang magmaneho. Para kang nakikipagkarera at ninenerbiyos ako sa'yo."

Kakamot-kamot sa batok niya si Kelsey.

"Lagi kong pinagdarasal na maging safe ka sa biyahe kasi hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa kalsada."

"Don't worry, baby. Lagi din naman akong nagdarasal eh. Kaya nga may nakasabit na rosary diyan sa rearview mirror." Tinuro ni Kelsey ang salamin.

"Kung pwede sana, huwag ka masyadong magmadali. Makakarating ka naman sa pupuntahan mo eh."

"Is that the reason why you wanted to drive tonight?"

"Hindi naman. Alam ko lang na pagod ka."

Pinatong ni Kelsey ang kamay sa hita niya.

"That's very sweet of you. Ikaw? Hindi ka ba pagod?"

"Hindi naman. Binigyan ko ng seatwork ang mga estudyante para makagawa ako ng grades at saka para hindi sila mag-ingay." Nakangiting sabi ni Rachel.

Nakatulog si Kelsey sa biyahe.

Naramdaman niya na lang na niyuyugyog siya ni Rachel sa balikat.

"Babe, nandito na tayo."

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata.

Maliwanag ang ilaw galing sa poste at nakatigil sila sa tapat ng isang two story house na brown stucco finish at orange ang tiled roof.

Spanish-style ang design ng bahay at nakaarko ang mga frame ng bintana pati pinto.

Sa entry way ay may magkatapat na malaking paso na natataniman ng evergreens.

Umunat sa pagkakaupo si Kelsey at naghikab.

"How long was I asleep?"

"Mga two hours?"

"Sorry."

"No worries. Pagod ka. If your snoring was an indication."

"Hindi ako naghihilik ha?" Nahihiyang sabi ni Kelsey.

"Hindi daw. Eh humahagok ka nga eh."

"Of course not!" Pagtanggi niya.

"Joke lang." Hinawakan siya ni Rachel sa pisngi.

"Bumaba na tayo at kanina pa nila tayo hinihintay."

Sabay na silang bumaba.

Umikot si Kelsey sa trunk para kunin ang dala nilang backpack at duffel bag na may lamang mga damit.

Kinuha niya din ang bote ng Chivas Regal na paborito ng tatay ni Rachel at malaking box ng European butter cookies na favorite naman ng mama niya at mga kapatid.

Sinara niya ito pero bago pumasok ay tinawag niya si Rachel.

"Bakit?" Nanatiling nakatayo sa likod ng kotse si Kelsey.

Mula sa loob  ng bahay ay naaaninag ang liwanag galing sa sala.

"I'm nervous. What if they don't like me?"

Hinawakan siya ni Rachel sa braso.

"You'll be fine."

"Are you sure?"

"Babe, mahal kita. Kung hindi ka man nila magustuhan, ako naman ang papakisamahan mo eh."

"That does not make me feel better."

"Gusto mo bang bumalik na lang tayo?" Kunyari ay humakbang si Rachel palapit sa driver's door.

"No." Hinila siya pabalik ni Kelsey.

"It's just that this is my first time doing this."

"As in?"

Tumango siya.

"You're my first serious relationship and I want to make a good impression sa family mo."

"Babe," Hinaplos siya ni Rachel sa pisngi.

"You don't have to try too hard. You're already awesome."

Ngumiti si Kelsey.

"Do I get a kiss? For good luck?"

"Humirit ka pa talaga. Sige na."

Yumuko si Kelsey at hinalikan siya sa labi.

Ang mama ni Rachel ang nagbukas ng pinto.

Maliit siya, mataba at kulot ang buhok.

Bulaklakin ang pulang daster na suot nito.

Nakangiti siya at masayang pinapasok sila sa bahay.

"Ma, si Kelsey po." Pakilala ni Rachel.

"Good evening po." Magalang na bati ni Kelsey.

"Napakatangkad naman ng batang ito." Puna ng mama niya.

"Pumasok na kayo at malamok sa labas."

Tumakbo papalapit kay Rachel ang isang batang babae at lalake.

Kelsey did a double take kasi magkamukha ang dalawa.

Cute na cute sila with their button nose, cleft chin na kapareho kay Rachel at bilugang mga mata.

Hanggang balikat ang straight nilang buhok.

Maputi sila at parehong may braces.

"Tita!" Niyakap nila si Rachel tapos humalik sa pisngi.

"Namiss niyo ko no?" Biro ni Rachel.

"Opo." Sabay nilang sagot.

Napatingin sila kay Kelsey.

"Cassie, Cody, this is Tita Kelsey."

"Hello." Sabay na kumaway sa kanya ang dalawang bata.

"Hi." Kumaway din si Kelsey.

"How tall are you?" Tanong ni Cassie na manghang-mangha na nakatingala sa kanya.

"I'm almost six feet." Sagot niya.

"Wow!" Bulalas ni Cody.

"You're like those basketball players on TV."

"I am." Nakangiting sabi ni Kelsey.

"Cassie, Cody." Napalingon silang lahat ng makita ang babae na bumababa sa hagdan.

Except for the cleft chin and the short haircut, may hawig siya kay Rachel.

This must be Ate Sylvie. Naisip ni Kelsey.

Nakasuot ito ng denim shorts at black short-sleeved cotton shirt na may mukha ni Kermit The Frog sa gitna.

"Hi." Bati niya kay Rachel.

"You must be Kelsey." Nginitian siya nito.

"Hello po."

"Naku. I feel old naman at namomopo ka sa akin."

Napakamot si Kelsey sa batok niya.

Binaling ni Sylvie ang tingin sa dalawang bata.

"Isn't it past your bedtime?"

"Mommy, can we stay a little longer? Tita Rachel just got here." Reklamo ni Cassie.

"Okay. One more hour and then it's off to bed."

"Yes, Mommy." Sabay na sagot ng dalawa bago bumalik sa sala para ipagpatuloy ang pinapanood nila.

Kelsey saw that they were watching Shrek.

"Kunin ko na yang bitbit ninyo." Sabi ng mama ni Rachel.

Inabot sa kanya ni Kelsey ang plastic bag ng alak at cookies.

Sinilip ito ng mama niya.

"Nag-abala pa kayo."

"Naku, Ma. Galing po iyan kay Kelsey. Ayaw pumayag na pumunta kami na walang pasalubong."

"Sige. Umupo muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng pagkain."

Sabay-sabay silang pumunta sa sala.

Umupo sa tabi ng dalawang bata si Sylvie at inokupa naman ni Rachel at Kelsey ang dulo ng sectional.

"Saan si Papa?" Tanong ni Rachel.

Nilapag ni Kelsey ang bitbit na backpack at duffel bag sa sahig.

"Saan si Papa?" Tanong ni Rachel.

"Nasa kuwarto. Kausap si Henry sa Skype pero bababa na din iyon."
Nilingon ni Rachel si Kelsey.

"Nasa Canada si Kuya."

"I see."

Narinig nila ang yabag sa hagdan.

Nag-angat sila ng tingin at nakitang bumababa ang papa ni Rachel.

Payat siya, matangkad at puti na ang buhok.

Nakasuot siya ng aviator style eyeglasses, black and gray striped polo shirt, blue cargo shorts at itim na leather sandals.

"Nandito ka na pala, anak." Bati niya kay Rachel.

Tumayo siya para magmano sa ama.

"Kaawaan ka ng Diyos."

Tumingin ito kay Kelsey na nakatayo sa likuran ni Rachel.

"Ito ba ang girlfriend mo?" Nakangiting tanong niya sa anak.

Kinabahan si Kelsey sa narinig.

"Pa naman. Baka mashock si Kelsey sa inyo."

"Eh magpapaligoy-ligoy pa ba tayo?"

Umiling si Rachel.

"Good evening po." Tumungo si Kelsey habang binabati ang papa ni Rachel.

"Good evening din. Ang bata mo pa tingnan."

Nagkatinginan si Rachel at Kelsey.

"Ilang taon ka na ba?"

"Eighteen po."

Pagkasabi nito ay kumunot ang noo ng papa ni Rachel.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top