Chapter 33: The Secret Ally

Alas-diyes ng gabi ng makauwi si Kelsey at naabutan niyang mag-isa ang kanyang Mama sa sala.
May hawak itong pocketbook na sigurado niyang latest novel ni Nora Roberts.
"Hi, Ma." Lumapit siya dito para humalik sa pisngi.
"You look tired, hija." Nilapag nito ang hawak na pocketbook sa sofa.
"I am tired." Binaba ni Kelsey ang duffel bag sa marmol na sahig at pasalampak na umupo sa single leather chair.
"Why do you do this to yourself?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang ina.
"Dad didn't really give me any choice." Himutok niya.
"Ayaw mo ba talagang maging abogado?"
"Ma, do I look like the type?" Mataray na tanong niya sa ina.
"It's not about having a type, Kelsey. Lahat ng bagay, dapat tinatiyaga. Hindi porke't ayaw mo, give up ka na agad."
"Ma, do you know how many sleepless nights I spent nung malapit na akong magcollege?"
Hindi kumibo ang mama niya.
"Tons." Binuksan niya ng malaki ang mga kamay niya. "My anxiety was so bad that I was having nightmares about it."
"But look at what's happening to you now? You're losing weight and you don't have money."
"Okay lang iyon, Ma." Nginitian niya ang ina.
"At least I'm happy."
"Are you really happy?"
"Opo. Aaminin ko po na sobrang hirap pagsabayin ang studies at work pero I think I'm okay. At least alam ko na I'm working for something I want."
"Pero how long can you keep this up? Paano kung magkasakit ka?"
"Ano pong magagawa ko? Dad basically abandoned me financially."
"And you were too proud to ask for help."
"Kilala niyo naman po si Daddy. Gusto niya, siya lagi ang nasusunod. Kapag lumapit ako sa kanya, it's like admitting na I'm giving up on the deal."
"Who says you have to ask him for help?"
Nagtaka si Kelsey sa sinabi ng mama niya.
Dumukot ito sa bulsa ng suot na capri pants.
Inabot sa kanya ang ATM card pero hindi niya ito kinuha.
"Here." Nilapit ng mama niya ang card pero tiningnan niya lang ito.
"No, Ma. I told Dad na kakayanin ko and I want to prove to him that I can."
"Kelsey," Hinawakan siya sa kanang kamay ng mama niya at pinatong ang ATM.
"Anak din kita at hindi pwedeng pabayaan ko na lang na magkasakit ka dahil sa matigas din ang ulo mo. Alam ko na akala mo I always take your father's side pero that's not true. Ayoko lang na mag-away kami dahil matigas din ang ulo nun."
"Hindi ako nagtataka kung bakit ganyan ka dahil you got that determination from him. The problem is, nakalimutan niya na yata kung paano niya nabuo ang negosyo natin. When we were young, no one can stop him. Kahit ang daming hindi naniniwala na magtatagumpay siya, hindi niya pinansin ang mga naysayers. He sold everything from tocino to T-shirts. I used to teased him na kulang na lang pati katawan, ibenta niya." Natawa ang mama niya at ganun din si Kelsey.
"When we had kids, doon na lumabas ang pagiging overprotective niya. Ayaw niya kasi na maranasan ninyo ang hirap na pinagdaanan namin. The problem was, sa sobrang kagustuhan niya na maging maayos ang buhay ninyong magkakapatid, he designed your future according to what he wanted." Malungkot na umiling ito.
"Most of them seemed okay with it." Sabi ni Kelsey.
"Most. Except for you and Sara."
Nagulat siya sa sinabi ng ina.
"You knew about Ate Sara?"
"I'm your mother. I know everything."
Kinabahan si Kelsey sa narinig.
Ano pa kaya ang alam ng mama niya? Bigla siyang kinabahan.
Alam din kaya niya ang tungkol kay Rachel?
Kinuha ng mama niya ang pocketbook signaling the end of their conversation.
"Use it for emergency. I don't want you to kill yourself trying to prove yourself to your dad."
Tumayo na si Kelsey para umakyat sa kuwarto niya ng tawagin siya ulit nito.
"Next time, don't be afraid to ask for help. Hindi iyan nakakabawas ng pagkatao. Isa pa, I'm your mother. I will take care of you." Nginitian siya ng ina.
For the first time since the confrontation with her dad, ngayon lang nakadama si Kelsey ng ginhawa.
Dahil sa sinabi ng mama niya, nabawasan ang pag-aalala niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top