Chapter 31: How To Win Friends And Influence People 101


"Kelsey, sahod ngayon. Sama ka samin sa bar?" Anyaya ni Angie.
Morena siya at may nunal sa ibabaw ng kanang labi.
Maganda si Angie at alam ni Kelsey na maraming staff ang may crush dito.

Nasa staff room sila at dahil pareho sila ng shift, sabay silang nagbihis.
Dahil silang dalawa lang ang nasa loob, naka-bra lang si Angie pero hindi nito hinubad ang itim na pantalon.
Iniwas ni Kelsey ang tingin dahil medyo malaki ang boobs nito at lalong naemphasized dahil push-up ang suot na lacy bra.

Dalawang linggo na siya sa Mary's Burgers at unti-unti ng nasasanay sa routine niya.
Pagod pa din siya pero hindi katulad nung unang linggo na patang-pata ang katawan niya, ngayon kaya niya na ang pagod at puyat.

"I can't." Kinuha niya ang T-shirt na pampalit sa locker.
"Why not? Saturday naman bukas. Day off ka di ba?"
"Oo. But I have to be up early."
Sinara niya ang locker at nagulat dahil nakatayo na sa tabi niya si Angie.
Halos magdikit ang mukha nilang dalawa kaya napaatras siya.
"You never go with us. After work, ang bilis mong mawala. Strict ba ang parents mo?" Nanunukso ang ngiti ni Angie.
"Hindi naman. Busy kasi ako eh."
"Varsity ka daw sa MU?"
"Yeah. I'm also a full-time student."
"Wow! How do you handle it? Di ba ang hirap pagsabayin ng dalawa?"
"Don't you go to school?" Hindi niya sinagot ang tanong ni Angie.
"I do pero full-time ako dito at konti lang ang subjects ko."
"I see."
Hinawakan siya ni Angie sa braso.
"So, what's the secret?"
Tiningnan ni Kelsey ang kamay ni Angie na nakahawak pa din sa kanya.
"There is no secret. I just do what I need to do."
"Don't you get tired?" Inalis ni Angie ang kamay niya.
"Of course I do. Kaya nga I don't go out dahil pagod na ako."
Akala niya, titigilan na siya ni Angie pero hindi pa pala ito tapos.
"All the more reason why you should come with us. Di ba sabi nila, all work and no play make Jack a dull boy."
"Good thing I'm not Jack."
"You're funny." Marahan siyang tinulak ni Angie.
Si Kelsey naman ngumiti lang.
Napansin niya na mula ng unang araw na dumating siya sa Mary's Burgers, lagi siyang kinakausap ni Angie.
Tinatanong nga siya ng mga kasama niya sa kitchen.
Ano daw ang ginawa niya at nakikipag-usap ito sa kanya.
Suplada daw kasi ito.
Hindi naman naniniwala si Kelsey dahil mabait ito sa kanya.
Siguro nga tama sila na suplada si Angie.
Lagi kasi nilang kinukulit ito kapag nagagawi sa kitchen.
Nandiyang babatiin nila at tatanungin kung pwede nilang ligawan tapos magtutuksuhan sila.
Malamang natu-turn off si Angie sa ginagawa nila.

"I'd better change." Tinaas niya ang hawak na pulang polo shirt na pampalit.
"It's getting late."
"Bakit di ka na lang dito magpalit? Tayo lang namang dalawa dahil mamaya pa matatapos ang mga closing."
Tiningnan siya ni Angie mula ulo hanggang paa.
"It's okay. I'll use the dressing room. Excuse me."
Iniwan niya si Angie.
Nilock niya ang pinto at sumandal siya dito.
Alam niya na Angie was flirting with her.
She bit her bottom lip one too many times.
Kapag tinitingnan niya nito, pakiramdam niya, para siyang pagkain.
Isa pa, kapag napupunta ito sa kitchen, laging dumadaan sa grill station para mag-hello sa kanya.
Sinabi nga ng isa niyang kasama na himala daw na kinakausap siya nito dahil bihira itong makipagkuwentuhan sa kanila.

Nagmamadaling hinubad niya ang orange shirt na uniform nila.
Naamoy niya ang sarili.
She smelled like a combination of beef, onion and pepper.
Mula ng magwork siya sa Mary's Burgers, naumay siya sa burgers.
Kahit favorite niya ito, mukhang it will take a long time bago siya ulit kumain nito.

Paglabas niya ng dressing room, nakaupo si Angie at busy sa pagkuha ng selfie.
Nakablouse ito na kulay pink na lacy ang material.
Binuksan ni Kelsey ang locker para kunin ang backpack niya.

"Why don't I take our picture?" Biglang tanong ni Angie.
"Ha? Why?"
"Anong why? I just want to have a picture with you then we'll post it on Insta."
Nag-isip si Kelsey.
It seems harmless enough.
"Okay."
"Sit beside me." Tinapik ni Angie ang bakanteng pwesto sa upuan.
"Ang tangkad mo kasi so it's better if we're sitting down."
"Alright."
Tumabi si Kelsey kay Angie at inabot nito sa kanya ang iPhone 7.
"Okay." Sabi ni Kelsey sabay angat sa braso.
Naramdaman niyang umisod palapit sa kanya si Angie tapos tinagilid ng konti ang ulo.
"One...two...three..." Pinindot niya ang shutter.
Tiningnan niya ang picture.
Burst shot pala ang setting kaya ang daming duplicate.
Also, they looked very close. Too close.
Nagdikit ang balikat nilang dalawa pati ang ulo.
All smiles din sila pareho.

"Let me see." Kinuha ni Angie ang phone.
"Wow! Ang sweet naman ng itsura natin." Tuwang-tuwang sabi niya.
"Sweet ba?" Tiningnan ulit ni Kelsey ang picture.
"For me, it is." Sagot ni Angie.
"I'll post this on Insta." Nakita ni Kelsey na pinindot niya ang icon tapos nagtype ng captions.
"Do you have an Instagram account?" Tumigil si Angie sa pagtatype.
"I don't."
"You don't?"
Umiling siya.
"Why not? Sayang naman. Ipa-follow pa naman sana kita."
"I don't need it." Sagot niya.
"Really? I don't believe you."
"Bahala ka." Tumayo na si Kelsey at sinabit ang backpack sa balikat.
"I'd better go. Have fun at the bar." Sabi niya.
Bigla siyang hinawakan ni Angie sa kamay.
"Ayaw mo talagang sumama?"
"You go ahead. I really have to go home."
"Sabay na tayong bumaba." Tumayo na din ito.

Pagbaba nila, kailangang dumaan sila sa kitchen.
Naglilinis na ang mga kasama nila.
Nang makita nila si Angie, biniro siya ng stockman na si Albert kung hindi niya ito hihintayin.
Matangkad din ito, malaki ang katawan at maskulado.

"Ba't naman kita hihintayin?" Mataray na tanong ni Angie.
"Wala lang." Natamemeng sagot ni Albert.
"Tara na nga, Kelsey." Inangkla ni Angie ang braso niya.
"Si Kelsey yata ang type mo eh." Tukso ulit ni Albert.
"Eh ano naman? Selos ka?"
Tiningnan ni Albert si Kelsey.
"Ang tanong, type ka din ba niya?"
"Bakit di siya ang tanungin mo?" Tiningnan siya ni Kelsey.
Natigilan siya at hindi agad nakasagot.
Buti na lang at dumating si Mam Reggie at nagtanong kung pauwi na sila.
"Opo, Mam." Sabay na sagot nila.
"Uy, Angie. May gimik daw kayo mamaya?"
"Yes, Mam."
"Baka naman hindi kayo magsipasok bukas ha?" Paalala ng manager.
"Day off ko, Mam."
"Eh yung iba?"
"Day off po ang karamihan sa amin."
"Okay. Sabihan mo yung may mga pasok ha?"
"Yes, Mam." Sagot ni Angie.
Tiningnan ni Mam Reggie si Kelsey.
"Sasama ka ba sa kanila?"
"No, Mam."
"Why not? Day off ka din di ba?"
"Sabi ko nga sa kanya, Mam. Napakahardworking kasi nito."
Ngumiti siya sa sinabi ni Angie.
"May lakad po kasi ako bukas."
"O sige. Enjoy your day off. Ikaw Angie, hinay-hinay sa pag-inom ha?"
"Ako pa, Mam." Proud na sagot nito.
Nagpaalam na sila at sabay na lumapit sa guard para pumirma sa logbook.

"Ayaw mo ba talagang sumama?" Pamimilit ni Angie.
Hinawakan na naman siya nito sa braso.
"I'm okay." Sagot ni Kelsey bago kinuha ang ballpen para pumirma.
"Next time na may gimik, sama ka please?" Lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya.
"I will try."
"Talaga?"
"Yeah." Inabot ni Kelsey ang ballpen sa guard.
"Nga pala, Kelsey. Kanina pa may naghihintay sa'yo." Sabi ng guard.
"Po?" Kumunot ang noo niya.
"Hayun." Tinuro ng guard ang kotse niya na nakaparada sa harap ng restaurant.
Sa gilid ay nakaupo sa sidewalk ang mga katrabaho nila.
Nakasandal naman sa pintuan ng kotse si Rachel.
Nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Angie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top