Chapter 3: The Feeling That Won't Quit




Naunang pinapasok ni Rachel si Kelsey sa apartment.

Ito pa lang ang pangalawang beses na naisama niya ito sa bahay niya.

Ang una ay nang hinatid siya nito dahil malakas ang ulan at nakita siya ni Kelsey na nag-aabang nang tricycle.

Wala pa din namang nagbago sa bahay mula ng huling sumama ito sa kanya.

Pagpasok sa pinto ay bumungad agad ang maliit na sala.

Chargoal gray ang fabric na sofa at sa ibabaw ay may nakapatong na tatlong cream cotton throw pillows na may design ng kulay asul na paruparo.

May coffee table sa gitna at nakapatong ang paperback novel ni Sue Grafton na A Is For Alibi.

Sa gilid ay may maliit na bookshelf na puno ng libro.

Sa kanan ng sofa ay may wooden shelf kung saan nakapatong ang Bluetooth speaker at iPod.

Sa kaliwang bahagi ay may hagdanan papunta sa kuwarto niya.

Hinubad ni Kelsey ang basketball shoes at maayos na nilagay sa gilid nang pinto.

"Akin na iyan." Kinuha nito sa kanya ni Kelsey ang plastic bags at dumiretso na ito sa kusina.

Sinara niya ang pinto at sinabit ang purse sa metal coat rack na nasa gilid ng pintuan.

Agad niyang hinubad ang itim na flat shoes at nagpalit ng purple na soft slippers.

Pagharap niya, nagulat siya ng makitang nakatayo sa tapat niya si Kelsey.

Agad na pumulupot ang mahahabang braso nito sa bewang niya.

"Kelsey," Malamyang pagtutol niya.

"Rachel," Pilya ang ngiti nito.

"What do you think you're doing?" Hinawakan niya ito sa braso.

"Do you know how long I've waited to hold you like this?"

Umiling si Rachel.

"292 days."

Natawa siya dahil sa very specific na sagot nito.

"Seryoso?"

Tumango ito.

"The first time you brought me here, I wanted to kiss you so bad pero baka magalit ka kapag ginawa ko iyon. So, I waited for the right moment. There were times when I thought it was never going to happen. You probably didn't invite me again dahil this was dangerous territory."

"You were right."

"I know that. But this time, I'm no longer at St. Michael's. If I kiss you right now, I won't feel so guilty."

"What makes you think na papayag ako?" Panunukso ni Rachel.

"Because I can see in your eyes you want the same thing too."

Napalunok siya.

Tumahimik si Kelsey at marahang yumuko hanggang sa magkalapit ang labi nila.

Ang kamay na kanina ay akmang pipigil sa anumang gustong gawin ni Kelsey ay nag-iba ng pwesto.

Hinila siya ni Rachel papalapit and Kelsey took it as a sign that it was okay for her to proceed with what she was doing.

Lumapat ang labi nito sa labi niya.

Malambot, malamig at amoy mint.

Binuka ni Rachel ang labi niya ng bahagya.

Dumadagundong ang kaba niya pero tama si Kelsey sa sinabi niya.

She wanted to kiss her too.

Marahan ang unang halik nito pero habang lumalaon ay nagiging madiin na.

Sinandal siya nito sa pader at malayang hinawakan ang likod niya.

Nadama ni Rachel ang init ng palad ni Kelsey.

Umangat naman ang mga kamay niya at kinulong niya ito sa braso.

Pumikit si Rachel at hinayaan ang sarili na damhin ang init ng katawan at labi nito.

292 days.

Ganoon din siya katagal na naghintay.

Kung inaakala ni Kelsey na siya lang ang nasira ang summer ay nagkakamali siya.

Kahit umuwi siya sa Cavite at doon nagbakasyon ay hindi din siya nag-enjoy.

Iniisip niya ang dating estudyante at kung ano ang ginagawa nito.

Kahit gusto niya itong i-text, hindi niya ginawa lalo na at wala din siyang text na natanggap galing dito.

Ayaw niyang siya ang mauna lalo na at ideya niya na tigilan na siya nito.

Nang panahon na iyon ay inisip niya na siguro nga nakalimutan na siya ni Kelsey.

Dahil sa pagtutulakang ginawa niya dito ay baka sinunod nito ang payo niya.

Hindi pala.

Pareho silang miserable nang panahon na iyon.

"Rach?" Narinig niya ang impit na pagtawag sa kanya ni Kelsey.

Binukas niya ang mga mata at nagtama ang tingin nila.

"Where are you?"

"I'm here." Sagot niya.

"Am I that bad of a kisser that's why you zoned out?" Panunukso nito sa kanya.

"No. I was just thinking of what you said kanina."

Lumuwag ang pagkakayap nito.

"Alin doon?"

"Yung nasira mong summer and how you thought you were going to die."

"What about it?"

"You weren't the only one who felt that way."

Ngumiti si Kelsey tapos niyakap siya ulit.

"Let's not feel that way again." Bulong nito.

Hindi na nagbihis si Rachel at hawak kamay na tumuloy sila sa dining table.

Tinulungan siya ni Kelsey na ihanda ang lamesa.

Hindi na nila inalis sa styfoam boxes ang pagkain.

Habang nagtitimpla siya ng iced tea ay bigla na lang siya nitong niyakap sa likod at hinalikan sa puno ng tenga.

Tumapon sa sahig ang powdered tea dahil nagulat siya.

Tawa naman ng tawa si Kelsey.

"Huwag ka ngang nanggugulat." Kunyari ay yamot na saway niya dito.

"If I know, gustong-gusto mo naman ang ginawa ko."

Tinaasan niya na lang ito ng kilay.

Nang makaupo na sila ay pinagsandok niya ni Kelsey nang kanin at kaldereta.

"I should be the one to serve you. Alam ko na you're tired from work."

"Ano ka ba? Sanay naman ako." Patuloy ito sa paglalagay ng sabaw sa ibabaw ng kanin.

"I know pero I should take care of you too. Being a teacher looks hard. Ang kukulit pa naman namin. Tsaka there's only one of you and forty of us."

Marahang inalis ni Kelsey ang kutsara sa kamay niya.

"Bakit para kang matanda kung magsalita?"

"What do you mean?"

"You talk about taking care for me eh ako nga dapat ang mag-alaga sa'yo."

"Dahil mas bata ako, ganoon?"

"Hindi naman pero natural na kasi sa akin ang ganito."

"Ang alin? Ang maging maternal?"

Kibit-balikat lang ang tugon ni Rachel.

"Look. Hindi porke't mas matanda ka sa akin, ibig sabihin, lahat ikaw ang gagawa. I can take care of you too, you know."

"Are we arguing this early in our relationship?" Biglang nabanggit ni Rachel.

"Does this mean tayo na?" Hindi naitago ni Kelsey ang excitement sa boses niya.

"Ewan ko. Hindi ko alam." Pakipot na sagot niya.

"Do you want me to ask if you can be my girlfriend?"

"Parang ang baduy?"

"But will you be my girlfriend?"

"Oo na. Sige na. Tama na ang kakatanong at baka magbago ang isip ko."

"Yay!" Binitawan ni Kelsey ang kutsara tapos bigla siyang niyakap.

"I promise you won't regret it."

Umiling si Rachel.

"Don't make promises you couldn't keep."

"Okay. Basta. I want to make you the happiest and luckiest girl in the world."

"Luckiest?" Nagtatakang tanong ni Rachel.

"Yes."

"How did I become lucky?"

"Kasi, you're dating the libero of the Maximillian University Valkyries."

"What?" Napatili si Rachel.

"Yup!"

"Teka. You used to be the team captain of our volleyball team. Sa tangkad mo na iyan, bakit ka ginawang libero?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Kelsey.

Naguilty si Rachel dahil sa hindi niya narendahan ang bibig niya.

"I'm sorry. I didn't mean to sound disappointed. Nagtaka lang ako." Pinisil niya ang kamay nito.

"It's okay. Kahit ako din naman, nagtataka. Pero except for the libero, they have everyone there. Kung hindi ko tatanggapin ang position, I won't get to play."

"Okay lang ba sa'yo ang bagong position mo?"

"What's important for me is I'm part of the team."

Tumayo siya at niyakap si Kelsey.

"Kahit ang position pa ang mapunta sa'yo, you are the best in what you do." Hinalikan niya ito sa noo.

Nanumbalik ang ngiti ni Kelsey.

"I know you'll be proud of me. That's the reason why I showed up. I want you to be the first to know."

"That's sweet." Umupo ulit si Rachel sa pwesto niya.

"You know what's even sweeter?" Tanong ni Kelsey.

"What?"

"The fact that we're finally together. This is the cherry on top." Sumandok na ito ng kanin at sumubo.

"Sabi mo, you want me to be the first to know. Does this mean hindi pa alam ng parents mo?"

Tumigil sa pagnguya si Kelsey.

Kinuha niya ang baso na puno ng iced tea bago sumagot.

"They don't know yet."

"Why not?"

Tinitigan siya nito bago sumagot.

"Because they don't want me to play."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top