Chapter 27: Here With Me

Palabas na ng faculty room si Rachel ng magring ang phone.
Kinuha niya ito sa oversized bag kung saan nakalagay ang notebooks at textbooks niya para sagutin ang tawag.
Lumabas ang letrang K sa call display at agad niyang sinagot.
"Hello?" Kumaliwa siya papunta sa hagdanan.
Wala ng mga estudyanteng nakatambay sa corridor at tahimik na ang paligid.
"Hi."
"Is everything okay?" Bumaba si Rachel sa hagdan.
"Yeah. I'm here."
"Here where?" Kumunot ang noo niya.
"Outside. I'm waiting for you."
"Outside?" Hindi pa din niya matukoy kung saang outside ang sinasabi ni Kelsey.
"St. Michael's? My Alma Mater?"
"What?" Gulat na nasabi niya.
"You didn't tell me you were coming?"
"I wanted to surprise you so...surprise!" Dinig niya ang excitement sa boses nito.
Lalo naman siyang nagtaka dahil nung huli silang magkasama, takot na takot itong umuwi dahil sa nangyaring engkuwentro nila ni Tessa.
Kapag tinatanong naman niya kung ano ang nangyari pagdating niya sa bahay, ang laging sagot ni Kelsey ay saka na lang niya sasabihin kapag nagkita silang dalawa.
It's been a week since they last saw each other dahil abala si Kelsey sa activities sa school at kahit miss niya na ito, ayaw niya namang magmukhang demanding.
Nakuntento na lang siya sa pakikipag-Facetime dito.
"Hintayin mo ako. I'm almost there."
"Will do, Babe." Malambing na sabi ni Kelsey.

Malapit na siya sa gate ng makitang kausap ni Kelsey ang guwardiya ng school nila.
Nag-isip siya agad ng dahilan kung sakaling magtanong ang guwardiya.
Kahit graduate na si Kelsey sa St. Michael's, nagi-iingat pa din si Rachel.
Nang makarating sa gate ay balak niya na huwag pansinin si Kelsey para kunyari ay hindi niya alam na darating ito.
Pero may sariling plano si Kelsey dahil binati siya nito kaya napilitan siyang tumigil sa tapat nito para makipagkuwentuhan.
"Pauwi na kayo, Mam?" Magalang na tanong ni Kelsey at nanibago siya dahil hindi na siya sanay na ito ang tawag ni Kelsey sa kanya.
"Yes, bae...bakit?" Binago niya bigla ang sasabihin.
"Hatid ko na kayo."
"Huwag na. Nakakahiya naman." Pakipot na sabi niya.
"Mam, pumayag na kayo at dumidilim na po." Sabi naman ng guwardiya.
"Malapit lang naman ang tirahan ko. Isa pa, may tricycle pa naman."
"Sige na po. Sige kayo. Baka may masamang loob diyan, kayo din."
"Oo nga naman, Mam." Sang-ayon naman ng guwardiya.
"Nagmamagandang-loob lang naman po itong si Kelsey. Pumayag na kayo."
Kunyari ay tiningnan ni Rachel si Kelsey at nginitian naman siya nito.
"Sige na nga."
"Hayan! Paano, Chief? Aalis na po ako." Tinapik ni Kelsey sa balikat ang guwardiya.
"Ingat kayo. Salamat nga pala sa dala mong donut at kape. Hindi ka pa din nagbabago. Maalalahanin ka pa din."
"Wala iyon, Chief. Sige po. Ihatid ko na si Mam."
Nagpaalam na sila sa guwardiya at sabay na lumakad papunta sa kotse.

Nang makapasok, tawa ng tawa si Rachel.
Halos hindi niya maipasok ang seatbelt sa kakahagikhik.
"What's funny?" Tanong naman ni Kelsey habang pinapasok ang susi sa ignition.
"Iniisip ko lang ang palusot na ginawa mo kay Manong. Bilib na bilib naman iyong matanda."
"Babe," Pinihit ni Kelsey ang manibela pakanan.
"Alam ko naman na we're being careful. Kahit graduate na ako, I'm still connected with this established institution." Pabirong binanggit ni Kelsey ang description ng St. Michael's sa website at sa mga pamphlets na pinamimigay nito.
Ang exact words were a established institution that prides itself in the holistic formation of every student by focusing on the physical, spiritual, psychological and emotional well-being of each individual.
"Pero pinahanga mo ako ha? Ang bilis mong makaisip ng excuse to take me home."
Tumigil si Kelsey sa stop sign bago kumaliwa.
"The truth was, on my way here, iniisip ko na talaga kung paano kita maihahatid sa inyo."
Nagtawanan silang dalawa.

Nang marating nila ang apartment, hindi agad binuksan ni Kelsey ang pinto.
"I got you something." Lumingon siya sa backseat at merong inabot.
"For you." Binigay niya kay Rachel ang bouquet ng red roses na nakabalot sa pink paper at plastic.
"What's the occasion?"
"Monsary natin."
"Ha?"
"June 3 ang first day of school. That was the time na naging tayo."
"I feel like a bad girlfriend. I didn't even know the date at wala akong gift sa'yo."
"It's okay." Sabi ni Kelsey sabay binuksan ang pinto.
"You can make it up to me pagpasok sa apartment." Kinindatan siya nito bago bumaba.

True enough, pagkababa ni Rachel ng gamit niya, the first thing she did was to kiss Kelsey hard on the mouth.
Nagulat ito sa ginawa niya pero ng marealize kung ano ang nangyari, palaban na hinalikan din siya nito.
Isang linggo lang ang lumipas na hindi sila nagkasama pero miss na miss ni Rachel si Kelsey.
She had been wearing her shirt more often.
Kahit dapat niya ng labhan ito, ayaw niyang mawala ang amoy na nagpapaalala sa kanya sa girlfriend niya.

Naramdaman ni Rachel na inaalis ni Kelsey ang butones ng uniform niya at nagpaubaya siya.
She longed to feel her hands on her body.
The soft skin was warm and it sent shivers down her spine nang dumampi ito sa balikat niya.
"I miss you, Babe." Pabulong na sabi niya kay Kelsey.
Nagulat siya ng bigla na lang siya nitong kargahin para ihiga sa sofa.

Kelsey made love to her in the living room.
Kahit masikip at mainit dahil ni hindi na nila naalalang buksan ang electric fan, hindi nila alintana.
Nang magtama ang tingin nila, naisip ni Rachel na paanong nangyari na she could love someone as much as she love Kelsey?
Ang mga araw na hindi sila magkasama made her very lonely.
Matagal na panahon din kasi siyang walang karelasyon.
Ginugol niya ang oras sa trabaho.
Nasanay na siya mag-isa.

Ngunit ng dumating si Kelsey sa buhay niya, ang daming nagbago.
Kung dati ay sanay siya na umuuwi sa tahimik na apartment, ngayon hinahanap niya ang presence ni Kelsey sa loob ng bahay.
Ang duffel bag niya na nakasalampak sa sahig malapit sa sofa, ang size eleven na rubber shoes na nakatabi sa flat shoes niya, ang hoodie na basta na lang niya pinatong sa leather armchair.
Pero ang hinahanap niya ay ang tawa nito kapag nagkikilitian silang dalawa.
Ang mga kamay na nakapatong sa balikat niya.
Ang ulo na nakahiga sa kandungan niya.
Pati ang kama niya, parang ang laki kapag wala siyang katabi.
Mula ng dumating si Kelsey sa buhay niya, natuto siyang umasa at minsan natatakot siya.
Ano ang gagawin niya kung mawala ito sa piling niya?

"Babe?" Tumatagos ang tingin nito sa kanya?
"What's on your mind?" Hinaplos ni Kelsey ang gilid ng pisngi niya.
"I'm madly in love with you." Yun lang ang nasabi niya.
Hindi nagsalita si Kelsey.
Sa halip ay hinalikan siya ulit nito hanggang maputol ang hininga niya.
Ganunpaman, hindi siya bumitaw.
Sinabayan niya ang paghinga ni Kelsey hanggang sa mawala ang lahat ng takot at agam-agam sa kanyang isip.
Parang apoy na unti-unting tinutupok ang kamalayan ni Rachel ngunit imbes na matakot na baka patuloy siyang madarang at maging abo sa sukdulan, nakita niya ang sarili na unti-unting lumulutang—masaya, malaya at buo ang pagkatao sa piling ng taong na nagbibigay ng ligaya sa kanyang buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top