Chapter 24: Medically Necessary
"Where are we?" Tanong ni Kelsey ng mapansin na iba ang lugar na pinupuntahan nila at hindi pauwi sa bahay nila sa Salcedo Village.
"I'm taking you to the hospital."
"But, babe. It's not necessary." Pakikipagtalo niya.
"It is necessary and you are not fighting me over this."
Hindi na siya sumagot dahil ginamit ni Rachel ang stern teacher tone niya.
Sa Santos Gen sila tumuloy.
"Do you need a wheelchair?" Tanong ni Rachel bago sila bumaba ng sasakyan.
"I can walk."
"Good." Binuksan ni Rachel ang pinto at sumunod si Kelsey.
"Anong number ni Sara?"
"Why?"
"Ite-text ko siya to let her know where you are and that you're safe with me."
Kinuha ni Kelsey ang phone at inopen ang contacts.
Nagping ang phone ni Rachel dahil sinend ni Kelsey ang contact info nito.
"Okay. Now let's go inside."
Hinawakan niya sa kamay si Kelsey.
Lumapit sila sa receptionist at tinanong nito ang reason for the visit.
Sinabi ni Rachel na there was an incident at gusto niyang malaman na Kelsey has no fractures or concussions.
Tiningnan sila ng seryoso ng babae.
Akala niya siguro binugbog ko si Kelsey. Naisip ni Rachel.
May inipit na form sa clipboard ang receptionist at inabot kay Rachel.
"Pakifill-upan na lang ang mga relevant information tapos balik niyo sa akin."
"Okay." Sagot ni Kelsey.
Tumungo sila sa waiting area.
Habang sinasagutan ni Kelsey ang form ay nag-dial naman si Rachel sa phone niya.
Ring lang ng ring ang phone ni Sara at ibababa niya na sana ng sumagot ito.
"Hello, Sara. It's Rachel."
Napatingin si Kelsey sa kanya.
Tinanong ni Sara kung nasaan si Kelsey at sinabi niya na dinala niya sa Santos Gen.
"Oh my god! Is she okay?" Panicked na tanong nito.
"I think so. But I have to make sure kaya dinala ko siya dito."
"Thank you so much, Rachel. Gusto ko sana siyang puntahan kanina pero hindi ako makaalis sa meeting namin. I feel so bad. What was I thinking at inuna ko pa ang negosyo bago ang kapatid ko?"
Bumuntong-hininga si Rachel.
Hindi niya masabi kay Sara na if Kelsey was her sister, iiwan niya kung anumang meeting meron siya para puntahan ito.
"Don't worry about it. She called me at nandito na ako. Pero do you think you can come para may kasama siya?"
"Yes. Tatawagan ko nga sana siya. It's good you called."
"No problem." Magpapaalam na sana si Rachel ng magsalita ulit si Sara.
"Thank you for everything, Rachel. Now I know why my sister is mad about you."
Napangiti siya.
"You're welcome. Kung wala kami sa waiting area, I will text you kung nasaan na kami."
"Okay. Can I talk to Kelsey?"
"Sure."
Inabot niya ang phone kay Kelsey.
"Your sister wants to talk to you."
"Okay."
Pinatong ni Kelsey ang clipboard sa bakanteng space sa upuan niya para kausapin si Sara.
Narinig ni Rachel na sinabi niya dito na she's okay.
"We'll wait for you. Take care, sis."
Tinapos niya na ang phone call at binalik ang phone kay Rachel.
"Tapos ka na?" Tanong ni Rachel ng mapansin na dulo na pinirmahan ni Kelsey ang form.
"Yeah."
Bigla siyang hinawakan ni Kelsey sa kamay.
"Babe, thank you for being here."
"Anytime." Ngumiti siya.
"Anong pakiramdam mo?"
"Everything hurts now."
"Gusto mo ihanap kita ng ice?"
"Sige."
"Akin na ang clipboard. Ako na ang magbabalik."
Inabot sa kanya ni Kelsey ang clipboard pati ang ballpen.
Binasa ni Rachel ang mga nakasulat.
"AB positive ang blood type mo?"
"Oo."
"Royal blood ka pala."
Ngumiti lang si Kelsey.
"Ikaw? What's your blood type?"
"O negative."
"So, universal donor ka?"
"Yes."
"That means if something should happen to me, you can give me blood."
Hinaplos ni Rachel ang gilid ng pisngi niya.
"Don't let anything happen to you, okay?"
"Why?"
"Dahil ikakamatay ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top